Share

Chapter 3

9:40 pm na at nagre-ready na kami para magsara, kaka-alis lang din ng last customer.

9:00 am to 9:00 pm ang operating hours namin kaya mahaba-habang araw talaga ang nangyari kanina.

Nilalakad ko lang ang resto papuntang condo dahil walking distance lang naman 'to. Sayang lang ang gasolina at mas mabuti rin para hindi na ako makadagdag sa polusyon na nagaganap sa mundo.

Napatingin ako sa isang bench kung saan may nakahigang babae, parang natutulog ito at walang pakialam sa paligid. Ngunit bakit d'yan siya natutulog? Hindi ba siya na-iingayan sa paligid? Delikado pa naman ang panahon ngayon, nagkalat na ang mga hindi mabubuting loob. Samo't-saring krimen ang mga nangyayari lalo na sa mga kabataan at kababaihang nagiging biktima.

"Ah, baka umidlip lang siya sandali, uuwi rin siya," saad ko sa sarili ko bago siya nilampasan hanggang sa nakauwi na 'ko.

Agad akong nagbihis ng pantulog dahil inaantok na ako. Babawiin ko ang energy na consume ko kanina para may panibago na naman bukas. Pipikit na sana ako nang biglang may kumatok.

"Knock, knock. Gerome, pogi here," sabi niya habang kumakatok pa rin.

"Bakit ba? Alam mo bang-" hindi niya ko pinatapos sa sasabihin ko dahil bigla na lang siyang nagsalita.

"Totoo bang buntis ang asawa ni Kuya Peter?" singit niya habang nakiupo sa ibabang parte ng kama ko.

"Oo, pa'no mo pala 'yan nalaman?" sagot ko habang tumatango.

"Nag-status kasi si Kuya, tingnan mo," nakangiting sabi niya sabay pakita sa'kin ng phone niya.

"Thank you for another blessing. See you soon.👶"

"With baby emoji pa 'di ba? Obvious 'yan na may baby na naman sa pamilya," nakangising sabi niya.

"For sure, tuwang-tuwa si Mama nito," napangiti rin ako.

"Nag-comment nga si Auntie, halatang excited na maging lola ulit. Ang cute siguro ng reaksyon niya sa personal."

"Oo nga, na e-imagine ko, with matching palakpak pa 'yon ngayon," sabi ko na nagpatawa sa amin ng sabay.

"Eh, kung bisitahin natin sila ro'n sa Sunday para sabay din tayong makapagsimba sa kanila?" suggest niya.

"Oo nga 'no? Halos isang buwan na rin akong hindi pumupunta ro'n. 'Di naman ako busy sa Sunday," sagot ko. Mabuti na rin 'yon para hindi namin masyadong ma-miss ang isa't-isa.

"Sabay tayo ha. Pasensiya na sa distorbo pala. Masaya lang kasi ako," parang nahihiyang sabi niya.

"Sus, hiya-hiya ka pa. Ako rin, tulog na tayo," tinapik ko siya sa balikat bago siya lumabas sa kuwarto.

"Good night."

Ang bilis nga naman kung dumating at lumipas ng mga araw.

Bukas na pala ang usapan namin ni Gerome no'ng isang gabi. Dadalhan ko na lang sina Mama ng lasagna at carbonara mula sa resto dahil 'yon ang lagi n'yang bilin na gustong kainin.

Ngayon, nakakakain na kami ng masasarap at mamahaling mga pagkain. 'Di tulad noon na halos isang kahig, isang tuka lang. I spoiled now my family but in moderation. 'Yong madalas na wala sa'min noon, nabibigay at ibibigay ko sa kanila hangga't kaya ko pang maibigay.

Nadaanan ko na naman ang bench at nando'n pa rin ang isang babae na gaya nang nakita ko no'ng isang gabi. Hindi ko alam kung umalis ba talaga siya riyan dahil hindi ako nakadaan dito no'ng nakaraan o siya pa rin ba kaya 'yong babae no'ng gabing 'yon.

Ano kayang nangyari sa kanya?

Nilapitan ko na lang ito. Nakasuot siya ng dress at blazer. Nakatalikod siya at natatakpan ang mukha niya.

Wala pang masyadong dumadaan dito dahil ala-sais pa lang ng umaga. Sinadya ko talagang pumasok ng maaga dahil may mga appointment ako mamaya.

Biglang gumalaw ang babae at iniharap na ang sarili niya sa labas.

"Jusko po, isang anghel," salitang biglang nasambit ko pagkakita ko sa kaniya. Pero napailing ako, baka namamalikmata lang ako.

Kinusot-kusot niya ang kaniyang mga mata at parang sa'kin, naguguluhan din ang reaksyon.

Saktong nagtama ang mga paningin namin.

Ilang minuto rin siguro kaming nagtitigan lang at ilang beses niyang inilibot ang paningin sa paligid.

"W-where I am? C-can you see me?" nauutal niyang tanong sa'kin at bumangon.

Pinapagan niya ang sarili at umupo ng maayos habang ako, nakatayo lang kaharap sa kaniya.

"Ha, anong ibig mong sabihing nakikita ba kita? Oo naman, 'di naman ako visually impaired. Miss, ayos ka lang ba?" naguguluhang tanong ko. Anong "Can you see me"?

"W-what? I don't understand you and why I am here, in this wooden bench? On the road, lying? What's happening?" parang hysterical na siya ngayon. May something ba ang babaeng ito?

"Okay, hindi ka nakakaintindi ng tagalog. So, baka foreigner ka na naligaw dito," mahinang sambit ko para pakalmahin siya. "You're here in Manila, Philippines. I also don't know what's happening to you. I just saw you here since the other night, lying and I didn't do anything ha." Sagot ko sa tanong niya.

Baka kung ano pang isipin niyang ginawa ko sa kaniya.

"And by the way, I'm not a bad guy that you think."

Nako mapapasabak ako sa english-an at ang communication skills ko.

"Wait. Yeah, I remembered. I was also awakened here last time, just don't know when exactly is it. I approached some other people passing by and asked them, but no one ever answered me. It's like they don't see or maybe ignoring me," sabi niya at bumuntong-hininga muna bago nagsalitang muli.

"I'd just followed a man in blue cop uniform so I could ask for help that I'd already screamed out of my lungs. No one hears me out since then," she's crying this time.

Hindi ko alam kung anong gagawin o e re-react ko.

Between her sobs, she talked again. "So, I realized that maybe I'm invisible or something not ordinary. I went on the mall's restroom one time. I'd tried to look myself on the mirror, but it won't appear clearly. M-my reflection was just a l-light."

Light? Tanging liwanag lang? Baka against the light lang siya.

Baka nagugutom lang 'tong babaeng 'to. Nalipasan na.

"Okay, I understand now, so you're lost here. You've tried to ask for help but you're just ignored." 'Di ko mapigilang hindi matawa.

Baka kasi bagong modus 'to ng budol-budol o salisi gang na mga magagandang babae ang ginagamit.

"You're laughing, so I think you don't believe on what I've said? Unbelievable," nakailing niyang sabi.

"Okay, binabawi ko na. Hindi ka miyembro ng sindikato o mudos operandi."

Siguro hindi naman siya masamang tao. Masyadong sincere ang mukha niya habang inilalahad ang nangyari sa kaniya. Mas mabuti pang tulungan ko nalang kaya siya kesa mag-isip pa ng kung ano-ano sa kapwa. Baka sabihing pinapairal ko ang pagka-judgmental ko.

"Halika, Miss. Sama ka sa 'kin, baka sobrang gutom lang 'yan kaya ka nagkakaganyan," alok ko sa kaniya at nilahad ang palad ko para itayo sana siya.

"What now?!" pasigaw niyang sabi.

Aba, sinigawan ba naman ako? Grabe rin siya maka-react ah. Ako na nga 'tong nagmamagandang loob.

Then I realized. Matteo naman kasi. English dapat! Wala ka pa namang inilagay na subtitle.

"Ay spokening dollars nga pala ikaw. I mean, you go with me. I'll buy you food since I think you're just starved. That's why you're acting like that. You know, our minds won't be sane if we're empty of source," saad ko na animo'y nagle-lecture.

Naranasan ko na rin kasi noon na parang wala sa tamang katinuan dahil sa ilang araw na walang laman ang tiyan. Baka ito rin ang nangyayari sa kaniya ngayon. Walang namang masama ang pagtulong sa kapwa, lalo na sa mga nangangailangan. Ang masaklap ay 'yong naaatim na balewalain ang iba na nangangailangan ng tulong. Kaya nga ''No man is an island." Anyone needs us in different ways.

Kaya final decision, I'll help this strange lady. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status