Share

Behind Those Mistakes
Behind Those Mistakes
Author: Bratinela17

Chapter 1- Betrayal and Embarassment

"Andre, Margaux ???" gulat na wika ni Celestina at nagpalipat lipat ng tingin sa dalawang taong naging malaking bahagi ng kaniyang buhay. Margaux has been her best friend since elementary school, and André has been her longtime boyfriend since College. They'll f-cking cheat with her. Kitang kita niya kong paano ito nagtatal*** sa loob mismo ng Condo ni Andre.

Napabalikwas ng bangon si Andre at nagtatago naman sa kumot si Margaux, pero kahit itago niya pa ang pagmumukha niya sa akin. Alam ko na siya 'yun.

"Anong ginagawa mo dito? Celestina??? This is my private property paano ka nakapasok nang walang permiso ko???" gulat na tanong nito habang tinatakpan ng hawak niyang unan ang ibabang bahaging parte ng katawan niya.

"Private property? Talaga ba, Andre? Girlfriend mo ko, wala ba akong karapatang pumunta dito. Ay! Mali, ex-girlfriend na pala. Tang-na mo! Break na tayong hay-p ka." bulyaw ko dito. Sabay sampal ng magkakasunod sunod. At ikaw walang hiya kang babae ka, friendship over na tayo." wika ko. Gusto ko pa sanang siyang kalbuhin at sabunutan ng makaganti man lang ako sana sa atraso niya. Pero mas pinili kong ikalma ang sarili ko lalo ng makita ko kong gaano ka over protective ang Andre na 'yon kay Margaux. Mabilis nitong

hinarang ang katawan niya kaya halos ipa mukha niya na sa akin na si Margaux ang mas mahalaga sa kaniya kumpara sa long time girlfriend niya na matagal niya ng nakasama. Sinamaan ko sila ng tingin salit salitan. Yong tingin na matalim na kong nakakamamatay lang bumalagta na sila kaagad. Pagkatapos ko silang titigan taas noo akong tumalikod palabas ng condo nito. At ang kanina ko pang luha na pinipigilan ay kusa ng bumagsak. Walang tigil sa pagpatak ang mga luha sa aking mga mata habang naglalakad ako at hindi ko alam kong paano ako nakalabas ng building at naka sakay ng taxi. Nagulat na lang ako ng agawin ng pansin ng taxi driver ang isip ko. "Neng, kanina pa kasi tayo paikot ikot hindi mo naman sinasabi kong saan tayo tutungo?" tanong nito na napakamot pa ng ulo.

"S...Sorry po, sa Makati po tayo." wika ko.

Hindi na sumagot ang Manong at nagpatuloy na ito sa pag drive. Hindi ko nga alam kong saan ba ako pupunta, pero bahala na. Bahala na kong saan mapadpad ako ngayong gabi makalimot lang ako ng kahit isang araw kinabukasan naman magiging okay rin ako.

Two hours Later ng nagsalita ulit ang Manong.

"Neng nandito na tayo sa Makati." aniya.

"Okay po, Manong. Heto po ang bayad. Nakangiting wika ko.

Bumaba na ako ng taxi at naglakad lakad. Medyo gabi na rin pala at hindi ko talaga alam kong saan ba ako pupunta. Bahala na talaga!! Hanggang sa mapadpad ang mga paa ko sa isang bar. Hindi ako mahilig magpapasok sa mga ganitong lugar, pero kahit ngayon lang naman susubukan kong paligayahin ang sarili ko.

Pumasok ako sa loob at nag order ng alak. Kahit hindi ako pamilyar sa mga alak nag order ako. "Boss, ano bang pinaka best seller niyo dito?" tanong ko.

"Dame De Montrose po ma'am." mabilis na sagot ng waiter.

"Ok, give me one bottle please." magalang na utos ko rito.

"Ok, ma'am."

Palinga linga naman ako sa paligid, medyo mausok at maingay kaya halos ubuhin ako sa tindi ng usok na nalalanghap ko. Hindi ko akalain na ganito kaingay dito. Akala ko pa naman mare-relax ako. Ilang saglit lang bumalik ang waiter at dala na nito ang order ko.

"Here's your order ma'am. Have fun and enjoy." nakangiting wika ng waiter sabay talikod at lakad papalayo sa table ko. Kaagad kong nilagok ang alak na nasa harapan ko at kahit hindi ako sanay uminom ng mga ganito. Halos makalahati ang naubos ko hanggang sa tinamaan na ako ng espiritu ng alak. At hindi ko na alam ang ginagawa ko. Nagpagewang gewang ako patungong dance floor. At ilang saglit lang may nagalit sa akin. "Ano ba!"

"Ops! Shorry Mess! HikHik!" sagot ko. Pagkatapos kong mag sorry naglakad na ako patungong dancefloor. Hindi ko rin alam kong saan ako humugot ng kapal ng mukha para magsayaw dito. Iginiling ko ang balakang ko at hindi alintana kong may maka kita ba sa akin dito. "Wooooh! I hate my f-cking life!" malakas na sigaw ko.

Lingid sa kaalaman ni Celestina na may isang taong kanina pa siya pinagmamasdan mula sa malayo. Isang lalaking mukhang aliw sa kaniya ng sandaling 'yon.. Lalo na ng makita siya nitong nagsasayaw sa dancefloor habang sumasabay ang baywang nitong gumigiling pa. Bago lumapit sa babae at magpakilala nilagok niya ang alak na natitira. Tumayo siya at naglakad palapit sa babae. "Hi! Miss!" bungad na bati niya dito ang hindi niya inasahan ang gagawin ng babae sa kaniya. Celestina kisses his lips, sa una ayaw nag aalangan siya pero, sobrang mapilit ito kaya tinugon na lamang niya ang mapang akit na dalaga. Hanggang sa dinala niya ito sa loob ng kotse niya, wala na siyang time para dalhin pa sa hotel o condo ang babae. Sobrang wild kasi nito at iba ang pakiramdam niya.

"Hey! Handsome!" bati ni Celestina. Habang unti-unti niyang hinuhubad ang suot niya blouse. Init na init kasi ang pakiramdam niya ngayon. Pinagmasdan niya ang lalaki sa harapan niya. Napakaganda ng kulay ng mga mata nito, batid niyang hindi ito Pinoy na basta basta lang. His gray eyes makes him more attractive that night.

Nang makita ito ni Terrence halos tumayo ang balahibo niya sa buong katawan. Kinutuban na siya sa pagiging wild ng babaeng kaharap. Lalo na nang dakmain nito ang pagkalalak* niya at hindi na rin siya nakapag pigil at maging siya ay nag hubad na rin. Kapwa na sila hubad at walang saplot ni isa sa kanilang katawan. Hanggang sa nagpaubaya ang babae sa kaniya. Hindi na nga mabilang ni Terrence kong ilang beses niyang pinaligaya ang babae sa piling niya. Hanggang sa nakatulog na siya ng matiwasay..

KINABUKASAN

Nagising ako na parang binibiyak ang ulo ko sa sakit. Unti unti kong iminulat ang aking mga mata at napamulagat ako sa aking nakita. Napahawak ako sa bibig ko ng may makita akong hubad na lalaki na katabi ko. Muli kong inalala ang nangtari sa nagdaang gabi. Hanggang sa natutup ko ang bibig ko. "Celestina, anong ginawa mo?" tanong ko sa sarili ko. Dali dali kong pinulot ang mga damit kong nagkalat sa ibaba at mabilis na sinuot sa takot na magising ang lalaking naka niig ko. Lumabas ako ng kotse ng makitang mag uumaga na at marami ng tao at iniwan ko ang lalaking nahihimbing na natutulog..

***

"Buhay pa ba yan???

"Ay! Lalaki pala.."

"Alam ko na may naka s*x yan at hindi na satisfied kaya iniwan.."

"Ayy! Ganon ba, baka maliit.. hahaha!!

Ilan lamang yan sa narinig ni Terrence ng magising siya sa loob ng kotse niya na mag-isa. Wala na ang babaeng naka one night stand niya kagabi. Nang makita ang mga tao sa labas yumuko siya at mabilis na sinuot ang polo at agad pinaharurot ang sasakyan papalayo sa mga tsismosang tao. Mabuti na nga lang rin na hindi nila ako nakilala, kung nagkataon malaking eskandalo sa pamilya ko 'to. "Bull sh*t! Damn girl, hwag mo lang hilinging na magkrus pa ang landas nating dalawa." usal niya.

Hindi muna siya umuwi ng Mansyon at ayaw niyang makita siya ng kaniyang Mommy sa ganung ayos. Nag stay muna siya sa condo niya at masakit rin kasi ang ulo niya sa dami ng kaniyang nainom at napuyat rin siya sa babaeng naka ulayaw buong magdamag. Hindi niya akalain na iiwan siya nito, ni hindi nga niya nakuha ang pangalan. Ang masakit pa nag e-echo paulit ulit sa kaniyang pandinig ang mga sinabi ng mga tao sa kaniya. Ipinilig niya ang ulo hanggang sa nakatulog na rin siya. Hindi niya alam mas nakakagimbal pa ang malalaman niya pag gising niya.

Past 12 noon na siyang nagising. Sa sunod sunod ng pag ring ng cellphone niya. Naiinis man ngunit wala siyang nagawa kundi sagutin ito. Hindi niya nakita kong sino ang natawag basta niya na lamang itong sinagot.

"He--" hindi pa nga siya nakakabati mura na agad agad ang sumalubong sa kaniya. Boses ito ng Daddy niyang galit na galit sa kaniya. Ini isip niya kong ano na naman bang kapalpakan ang kaniyang nagawa at bakit nang gagalaiti ito sa galit.

"Damn you, Terrence Dela Vega. Where the hell are you hiding right now? I will kill damn you bastard!!!" galit na galit na boses ng Daddy niya. Na hindi naman niya malaman kong anong problema nito.

"Dad, can we talk later. I feel sleepy!" reklamo niya kaso mas lalong nagalit pa ang Dad niya sa kaniya.

"Bull sh*t! Terrence, nagagawa mo pang matulog sa kahihiyang ibinigay mo sa akin." bulyaw ng Dad niya. Maswerte siya na over the phone lang siya pinapagalitan nito at kong nagkataong magkasama sila baka bugbos sarado na siya dito. World Champion pa naman sa Aikido at Taekwondo ang Daddy niya at kilala sa iba't-ibang panig ng bansa.

"Dad, what are you talking about?" naguguluhang tanong ko rito. Hindi niya kasi sinasabi kong ano nga bang ikinakagalit niya sa akin. Wala tuloy akong kaide ideya kong ano nga bang naging kasalanan ko sa kaniya para magalit siya sa akin ng ganito.

"Talagang in-denial ka sa mga ginagawa mo. Ipapatapon kita sa abuelo mo para tumino ka." sigaw ng Daddy niya bago patayin ang tawag.

Sumakit pa yata lalo ang ulo niya ng may mag send sa phone niya ng videos. Kuha ito sa kotse niya kanina lang. Binasa niya ang viral post patungkol sa kaniya. The Unico Hijo of Dela Vega Empire was caught in the act. Halos mabweset siya sa mga narinig pa niya lalo.

"Maliit yata ang size??"

"Wala bang pang hotel man lang."

"Nakaka hiya. Puro libo* na lang ang pina iral sa katawan.." Hindi na niya natagalan pa ang mga nabasang comment sa post ng kong sino mang hayop na 'yon. Gigil siya na binato ang cellphone. Ngayon gets niya na kong saan nang galing ang galit ng kaniyang Daddy at kailangan niya ng umuwi ng Mansyon para makapag paliwanag.

DELA VEGA MANSION at 9:00 AM

Pag pasok pa lang ni Terrence sa kanilang pintuan binato agad siya ng Daddy niya ng kaniyang maleta. Naririnig pa niya na inaawat ng Mommy niya ang Daddy niya. "Hon, don't do this to our son." naiiyak na wika ng Mommy niya.

"Shut up! Helen, kaya hindi nag tatanda yang anak mo puro ka tanggol." galit na wika ni Dad habang sinasaway si Mommy. "Oh! Ikaw gag* ka talaga. Sakit ka palagi sa ulo ko, kong hindi ka bulakbol ngayon magkakalat ka ng kababuyan mo sa social media.

"Dad--" shut up! Ano pang sasabihin mo pahiyang pahiya na ako kaya pwede ba magpalamig ka muna tutal graduate ka na rin naman. Mag trabaho ka doon or better yet tumulong ka sa business ng abuelo mo. Basta ayoko ng makita ang pagmumukha mo mula ngayon sa Mansyon." maawtoridad na boses ng kaniyang Daddy.

"Son." nangingilid na nagpipigil ng luha ang boses ng kaniyang Mommy. Marahil naawa siya sa kalagayan ng kaniyang unico hijo.

"Helen, come here. Pabayaan muna yang anak mo. Para magtanda yan." pahabol na wika ng kaniyang Daddy bago pumanhik sa itaas.

"S...Son." garalgal na boses ng kaniyang Mommy na gusto siyang tulungan kaso wala naman magawa.

"Mom, it's okay. Kaya ko ang sarili ko." sagot ko. Sabay kuha ng maleta ko at yumakap dito bago lumabas ng Mansyon. Naririnig pa niya ang iyak ng kaniyang Mommy, kaso wala siyang magagawa sa ngayon kundi sundin ang utos ng kaniyang Daddy at baka lalo pang mabweset ito sa kaniya at kasuklaman siyang tuluyan.

Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
vanessa boral
hello po. miss ud po ngaun qlng i2 nbsa bet q po story pls
goodnovel comment avatar
Robelyn Senador
ana ana pa more terrence...hahahaha
goodnovel comment avatar
Bratinela17
Thank you ...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status