Share

Chapter 3- Her Son

Pagka tigil ng sasakyan ng Ginang. Malula-lula si Celestina sa gara ng Mansyon nito. Hindi siya makapaniwalang dito na siya titira. "Hija, Welcome to our home." anang ng Ginang at hinawakan ang kaniyang kamay para hindi siya kabahan. "Okay ka lang ba?" muling tanong nito sa kaniya habang niyayakag siya papasok ng malawak na lupain nito.

"O..Opo, medyo naninibago lang po ako sa nakikita ko." sagot ko, habang pinapasadahan ng tingin ang malawak nilang bakuran. Ganitong ganito ang pamumuhay namin noon kong hindi lang sana namatay ang mga magulang ko. Hindi ko na naman maiwasang mangilid ang luha ko kapag naaalala ko sila. Napansin naman ng Ginang ang pag luha ko. "Hija, basta kapag may kailangan ka magsabi ka lang at hwag mahiya." ani ng Ginang ng maka pasok na sila sa loob ng Mansyon. Binalingan nito ang katulong at pinakilala ako.

"Siya nga pala, Rina, this is Celestina. Paki turo sa kaniya ang master bedroom. For the meantime doon muna siya tutuloy. Naiintindihan mo ba, Rina?" tanong ng Ginang sa katulong. Kaagad naman tumango ito tanda na naintindihan niya ang sinabi nito. Tinapunan siya ng tingin ni Rina at niyakag patungong elevator.

Pagpasok niya sa loob ng sinasabing magiging kwarto niya napapatulala na naman siya ng maalala ang dating room niya, ganitong ganito kasi 'yon kalawak at pwede nga maglaro ang ilang bata sa lawak nito. Nagpaalam na ang katulong sa kaniya ng bumukas ang pintuan. Pumasok ang Ginang at kinamusta ang kalagayan niya. "Kumusta, hija, okay na ba sayo 'tong room mo?" tanong niya sabay tapik sa balikat nito.

"Oho! Malaki na nga po ito, kasyang kasya pa ilang tao." natatawang biro nito. Hahahaha!! Maging ang Ginang ay napatawa na rin sa sinabi niya. "Siya nga pala may pupuntahan tayo bukas." ani ng Ginang.

"Po, saan po?"

"Basta. Ang gawin mo muna ngayon ay magpahinga ka para bukas ready ka na." ani ng Ginang na hindi pa rin niya alam ang pangalan nito. Patayo na sana ito ng hawakan niya ang kamay ng Ginang. "Maraming Salamat po ma'am sa lahat ng tulong. Siya nga po pala, kong hindi niyo po mamasain sana gusto kong malaman ang pangalan niyo po."

"Call me Mommy Helen." mabilis na sagot ng Ginang. Bigla naman napaluha ito sa sinabi ng Ginang, naging emosyonal na naman siya ng marinig ang salitang Mommy. Huhuhu! Iyak niya na ikinagulat ng Ginang. "Bakit, hija, what's wrong? Are you feeling pain? Tell me, so that I can call our family doctor." usisa ng Ginang na biglang nagtaka sa pag iyak niya.

"Naku! Hwag na po. Okay lang po ako. M...Mommy Helen." naiilang na wika niya. Napangiti naman ang Ginang ng marinig ang sinabi niya. Niyakap siya nito ng mahigpit at ilang minuto ring kumalas. "Oh! Siya, tama na ang ating drama at matulog ka na." bilin nito bago tumayo at naglakad palabas ng pintuan.

Naiwan namang tulala at hindi pa rin siya makapaniwala sa lahat ng nangyari sa loob ng ilang oras lamang. Nahiga siya malambot at malaking kama habang yakap ang unan na kasing laki pa niya yata. Ngayong araw makakatulog siya ng matiwasay at walang iniisip na panganib para sa kanilang mag-ina.

KINABUKASAN

Nagising siya sa sikat ng araw na tumatama sa kaniyang mukha. "Rise and shine." ani niya. Bumangon na siya at inayos ang kaniyang higaan. Nang kumatok ang Mommy Helen nito. Pinag buksan naman niya agad ito ng pintuan. At pinapasok sa loob. "Pasok po kayo, Mommy Helen. Ano pong sadya nyo?" tanong niya na nagpupunas pa ng mukha at baka may muta pa siya at nakakahiyang makita pa nito.

"Ahmm! Gusto ko sanang ayain ka sa Mall para makapamili tayo ng gamit mo. Nakakahiya naman kasing ipagamit sayo ang mga nasuot ko na at hindi rin naman angkop sa edad mo ang mga 'yon." anang ng Ginang. Umiling iling siya tanda nang parang hindi siya sang-ayon sa gusto nito.

"Hwag na po nakakahiya na talaga. Kahit luma lang po na damit okay na ako." sagot niya kaso mapilit ito hanggang sa pumayag na rin siya at baka magtampo pa ito. Tuwang tuwa ang Ginang sa narinig. "Sige na mag ayos ka na. Heto ang suotin mo muna, damit ko yan noong dalaga pa lang ako. Ipapasuot ko sana kapag nagka anak ako ng babae. Kaso lalaki naman ang naging anak ko." malungkot na wika nito. Hinaplos ko ang mukha nito at sinabi na; "Okay lang po 'yon. Pero, nasaan po siya at bakit hindi niyo kasama?" tanong niya, dahil bigla siyang na curious sa anak ng Mommy Helen niya.

"Sa states nagpapalamig. Medyo pasaway kasi ang anak kong 'yon. Hayaan muna siya pag okay ka na bumaba ka na ha. At aalis na tayo para hindi tayo abutin pa ng traffic." saad nito.

--

Lulan na sila ng sasakyan patungong Mall. Pagkarating nila roon. Nagulat siya ng batiin ng staff ang Mommy Helen niya at pati na rin ang iba pa. Nagtataka man, pero naglakas loob na rin siyang mag tanong dito. "M..Mommy-- bubuka pa lang sana ang bibig niya ng sabihin nito na; "Marahil siguro nagtataka ka sa kakaibang treatment nila sa atin. Tayo kasi ang may-ari ng Mall na 'to. This is DV Mall, short for Dela Vega Mall. Isa lang ito sa Mall na pagmamay-ari natin." paliwanag ng kaniyang Mommy Helen. Napamangha siya lalo sa yaman ng kumupkop sa kaniya.

"Tara?" yakag nito sabay hawak ng kaniyang kamay at naglakad sila papasok ng women sections. Pinapili siya nito ng mga gusto niya at nang makapili siya dinagdagdan pa ito ng kaniyang Mommy Helen hanggang sa mapuno ang push cart at nakulangan pa ito at nag request ng dalawa pang cart. Nag ikot-ikot kami sa loob ng shop bago napagod si Mommy Helen at ako.

Ganyan palagi na ang naging monthly routines namin shopping galore kasama si Mommy Helen. Busy kasi si Daddy sa mga business matters niya. At nagpapasalamat ako na tinanggap ako nito sa bahay nila at buhay. Wala na nga akong hihingiin pa kundi mahintay ang pagdating ng aking unico hijo. Yes lalaki ang magiging anak ko. Kakagaling lang namin ni Mommy Helen sa ob-gyne ko bago kami dumaan ng Mall. Nakakatuwa going 8 Months na ang baby boy ko na si Drake. At isang kembot na lang manganganak na ako.

Habang nasa Mall kami ni Mommy Helen at namimili na naman ng damit ng apo niya. Inaawat ko na nga siya, sapagkat halos mapuno na ang tatlong cabinet sa baby room. Meron na ngang sariling room ang baby Drake ko kahit wala pa siya sa mundong ito. Napa upo ako sa may benches ng mangatog ang tuhod ko at bigla akong napahiyaw sa sakit. Kasalukuyang kausap ni Mommy Helen ang staff ng Mall at may ibinibilin ito dito ng sumigaw ako ng malakas. "Waaaaaah! Mommy Helennnnn!" napalingon ito sa direksyon ko at nagmamadaling lumapit.

"What's wrong hija? What do you feel right now?" tanong nito na bakas sa kaniyang mukha ang labis na pag-aalala sa akin.

"Mommy, I think, Drake wants to come out." mahinang wika ko. At sapat na para rito na tumawag ng security guard para buhatin ako. "Guard! Guard, help." malakas na sigaw ni Mommy Helen kaya lumapit ang guard at binuhat ako palabas ng Mall. Sinakay niya ako sa kotse at mabilis namang sumakay sa tabi ko si Mommy Helen habang hawak ang kamay ko. "Gardo, magmadali ka, manganganak na ako senyorita mo." utos nito sa family driver.

Kaagad namang tumalima ito at at pina harurot ang sasakyan.

Makalipas ng isang oras buhat ng ipasok siya sa delivery room. At nakailang ire siya bago lumabas ang aniyang anak. Tinuruan pa siya ng doctor, dahil bata pa nga at hindi pa alam ang tamang pag-ire. Mabuti na lang rin mabait ang mga doctor na nagpa anak sa kaniya. Maya maya lang rinig na niya ang iyak ng kaniyang anak. Napaluha siya ng mga oras na 'yon. Luha ng sobrang kaligayahan. "Uha! Uhaw!" iyak ng kaniyang anak nang ilapag ito ng doctor sa ibabaw ng tyan niya. "A...Anak!" nauutal niyang sambit.

"Normal delivery. Time 6:30 PM the baby is out." naririnig niyang wika ng doctor na nagpa anak sa kaniya. Maya maya lang nanlabo ang paningin niya at nawalan ng malay. Pinatulog pala siya ng doctor at tatahiin na ang hiniwa sa kaniyang pagkakaba* kanina, dahil maliit ang sipit sipitan niya at 'di kayang lumabas ang ulo ng kaniyang anak.

Two hours Later..

Nagising siya na nasa tabi niya na ang Mommy Helen at karga nito ang kaniyang anak. "Ang gwapo ng anak mo, hija. Para siyang kamukha talaga ng Daddy mo." ani ni Mommy Helen. Hindi nga kataka taka na apo namin siya." dagdag pa nito. Hindi ko alam bakit nasabi ng Mommy Helen 'yon. Basta ang tanging alam ko lang masaya ako na nailuwal ko ng ligtas ang ang anak kong si Drake Dela Vega. Hindi kasi pumayag ang Mommy Helen na hindi isunod ang surname nila ni Dad sa anak ko lalo na't on-going na rin ang pag adoption file case nito para maging legit daughter na nga niya ako sa batas. Hindi ko lubos maisip na mangyayari sa buhay ko ang ganitong kagandang blessings. Nagpapasalamat ako na nakilala ko si Mommy Helen. Siya ang nagpuno na kulang sa buhay ko at batid kong kaya niya rin gawin ito sa apo niya na anak ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status