Share

Chapter 4- New Life as CEO of Dela Vega Compa,ny

After kong makapanganak pinag aral ako ni Mommy Helen at pinagpatuloy sa Kolehiyo. Pinakuha niya sa akin ang kursong BSBA major in Management habang pinagta trabaho niya ako bilang manager ng DVGC para raw handa na rin ako na pumalit kay Dad once na mag retired ito.

Mabilis na lumipas ang araw at taon at naka tapos na ako ng Kolehiyo with matching flying colors pa. Kaya proud na proud si Daddy Henston at Mommy Helen sa mga achievements ko. Malaki na rin ang baby Drake ko at magsisimula na ring mag aral sa elementarya. Katatapos lang rin nitong mag moving-up ng Kinder na nagkamit rin ng mataas na karangalan. Kaya masayang masya ang Lolo at Lola niya sa mga achievements rin na nakuha ng kaniyang apo.

Habang nasa Library room ako lumapit si Daddy sa akin at kinausap ako. "Hija, are you busy?" tanong ni Dad na kitang kita na may malalim na ini-isip.

"No. Dad. I'm just checking the last Month inventories." sagot ko. Have a seat Dad." yakag ko rito at pinaghila ko siya ng upuan para maka upo siya ng maayos.

Nakita kong naluha si Dad na ikinabahala ko. Nag away kaya sila ni Mommy kaya ganyan ang itsura nito, pero mas nawindang ako at biglang rumagasa ang luha sa mga mata ko ng marinig ko ang sinabi nito.

"Hija, I have stage 3 lung cancer. And please don't tell your Mommy Helen. Ikaw pa lang ang pinagsabihan ko. Gusto kong maka usap ka, para sabihin sayo na ikaw ang hahalili sa akin sa DVGC habang nagpapagaling ako sa ibang bansa. Malaki ang tiwala ko sayo hija, at alam kong hindi mo naman ako bibiguin. Hindi ba?" pagsasalaysay ni Dad sa kundisyon niya. Wala akong naisagot napatayo ako at kusang loob ko siyang niyakap. Alam kong mahirap at mabigat ang pinagdaraanan nito. At kailangan niya ng karamay sa mga oras na 'yon. "Thank you hija, but I need your answer. And I don't want a No answer." wika nito. Inunahan na siya ng Daddy niya kaya paano siya makakatanggi sa lahat ng tulong na magulang niya sa kaniya kahit alam naman niyang adopted lang siya nito. Ni minsan hindi niya na naramdaman at di nila ipinaramdam sa kaniya na sampid lang siya sa buhay nila. Kaya sino ba siya para tanggihan ang hiling ng Daddy niya. Kumalas siya sa pagkakayakap dito at kumuha ng tissue para punasan ang luha nito. "Yes! Daddy, I will do my best so I will accept your offer." nakangiting wika ko at binigyan ko siya ng assurance na hindi sayang ang binigay niyang pagkakataon sa akin at tiwala.

"Thank you, Hija. I'm so proud of you." wika ni Daddy.

"No problem, Dad. Magpagaling ka at hwag mo ng isipin ang kumpanya ako na ang bahala sa lahat. Pangako mo lang sa akin na babalik kang buhay, hwag mo kaming iiwan ni Mommy at ng apo niyong si Drake." paki usap ko dito. At hindi ko na naman mapigilan ang luha ko.

Ayon ang tagpong naabutan ni Mommy Helen.

"Hija, Hon?? Bakit may problema ba?" tanong nito at nagpalipat lipat ng tingin sa aming dalawa ni Dad. At nag hihintay kong sino ang magsasalita sa amin. Nanatiling tikom ang bibig ko at ayaw kong pangunahan si Dad sa sakit niya.

"Hon??"

"Celestina??"

"Ano, wala bang kakausap sa akin dito. What's happening here?" naiinis nang wika ni Mommy Helen. Pinagloloko niyo ba ako? May itinatago ba kayo sa akin. Answer me!! May relasyon ba kayong dalawa??" gulat na tanong ni Mommy Helen at sa tagal kong nanirahan sa Mansyon hindi ko maisip na landiin si Dad, dahil tunay na Ama ang turing ko dito kaya hindi ko lubos maisip na sasabihin ni Mommy sa akin 'yon.

"Hon, mali ang ini-isip mo. Wala kaming relasyong dalawa." wika ni Dad para ipagtanggo ako sa paratang ni Mommy.

"Kong wala kayong relasyong dalawa, bakit kailangan niyo pang magtago dito sa loob ng Library. Tell me, Hon??" nangingilid ng luha ni Mommy Helen at ilang minuto lang raragasa na.

"Hon, listen to me. We're not cheating on you, b...because I came here to talk to our daughter and ask a request."

"Request for what??? Pwede ba Henston, direct to the point. Naglolokohan na tayo dito." galit na bulyaw ni Mommy kay Daddy at nasasaktan ako para kay Dad sa ina akusa ni Mommy. Kaya hindi na ako nakapag pigil ako na ang nagsiwalat ng sakit ni Dad.

"Mom, stop your accusations. We are innocent..The truth is... Dad has a stage 3 lung cancer." sigaw ko at napupuno na rin kasi ako kay Mommy Helen.

Nakita kong kumunot ang noo ni Mommy Helen at bumaling ng tingin kay Dad. "Is this true, Henston? Answer me Hon!!" naiiyak na tanong ni Mommy.

"Y...Yes, Hon. It's true. That's why I ask our daughter to replace my position as CEO while I'm away. Sorry, hon, If ever I hide it from you. I'm so scared at the time." paliwanag na ni Dad. At bumaha na ang luha sa mga mata ni Mommy. Kitang kita ko ang sakit sa mukha niya habang yakap yakap si Dad. Maging ako ay yumakap na rin at dinamayan ang mga magulang ko. Matapos ang madamdamin naming usapan napag pasiyahan na lang na sasamahan ni Mommy Helen si Dad sa ibang bansa habang nagpapagamot ito. Humingi rin ng sorry si Mommy Helen sa akin sa maling paratang nito. At naiintindihan ko naman siya sa mga nasabi niya.

After 1 Month inasikaso na ni Mommy Helen ang pag lipad nila ni Dad at ngayon rin ang araw ang pag turn-over ni Dad ng kaniyang position sa akin.

Nagpatawag ito ng gathering at lahat ng employees ng DVGC ay invited. Biglaan ang pag pupulong kaya pala isipan sa lahat.

DVGC event..

Nagsimula na ang event at umakyat na sa stage si Dad.

"Good evening, everyone. Marahil nagtataka kayo kong bakit ko kayo ipinatawag lahat. Gusto kong malaman niyo na mawawala ako ng matagal at iiwan ko ang pamamalakad sa aking anak na si Celestina. Siya na ang bagong uupo bilang CEO ng DVGC. Sana kong anong pag respeto at paggalang niyo sa akin bilang CEO, gayon rin ang ibigay niyong pakikitungo sa aking anak. Maraming Salamat." wika ni Dad habang pinapakilala ako. Maraming nagbulong bulungan at umingay ang mga tao. Ang iba ay nagtataka at ang iba naman na nakaka kilala sa akin ay natuwa sa aking pag angat. Hindi ko naman ginusto ito, pero kailangan kong gawin alang-alang kay Dad.

After the event lumipad na sila Dad at Mom sa ibang bansa. Hinatid namin siya ni Drake sa airport. Nagka iyakan pa kami bago magkahiwa- hiwalay. Todo bilin pa nga si Mommy sa akin sa apo niya. Lola's boy kasi ang anak niyang si Drake lalo na nang na busy siya sa pag-aaral at pagta trabaho sa kumpanya. Halos nawawalan na siya ng time sa kaniyang anak kaya ang Mommy Helen niya ang nag puno ng kakulangan niya sa kaniyang anak.

Hindi muna siya bumalik ng Mansyon at dumalaw muna siya sa puntod ng kaniyang mga magulang.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status