Share

Chapter 5- The True Heir was back

EIGHTH YEARS LATER..

Prenteng naka upo si Terrence habang katabi si Marizz ang maarte niyang girlfriend. Ayaw sana niya itong isama sa pag alis, kaso nagpumilit ito na sumama kaya wala siyang nagawa kundi isama na lang. Kanina pa siya naiinis sa pag-iinarte nito. May lahing Spanish ang kaniyang girlfriend kaya medyo hindi ito magaling sa pag e-english kaya kapa nag-uusap lang sila sa Spanish Language na alam nito. Mabuti na nga lang marunong rin na mag spanish ang stewardess na nag assist sa kanila kundi magiging translator na naman siya ng babae. Na nakakairita sa kaniya.

In a few minutes naririnig na niya ang announcement ng cabin crew sa loob ng private plane na sinakyan niya. Ayaw niyang sumakay sa common plane at napakaraming tao.

"Ladies and gentleman, welcome to the Philippines. We are at Manila Airport. Local time is 10:00 a.m., and the temperature is 27'c."

"I'd like to thank you for joining us on this trip, and we are looking forward to seeing you onboard again. Have a great day ahead."

Nang marinig niya 'yon. Napangiti siya na finally nakabalik na rin siya ng Pilipinas. Sa totoo lang wala naman sana na siyang balak bumalik pa dito, dahil masama pa rin talaga ang loob niya sa ginawang pagpapatapon sa kaniya ng kaniyang Daddy sa ibang bansa. Ni hindi man lang siya nito pinagpaliwanag, basta na lamang siyang sinipa sa kanilang pamamahay. Kaya wala siyang nagawa kundi tumakbo sa kaniyang abuela at abuelo sa ibang bansa.

Nang mawala na ang ilang passengers tumayo na siya at naunang naglakad kay Marizz. Hindi na niya inantay ito at ang ayaw niya sa lahat ang babaeng maarte, katulad ng girlfriend niya. Ito lang naman kasi ang may gustong ipagsiksikan ang sarili niya sa kaniya kahit ayaw niya na. Ilang beses na nga siyang nakikipag hiwalay dito kaso ayaw ng babae kaya hinayaan niya na lang itong manawa at mapagod at baka sakaling ito na mismo ang tumapas ng kanilang relasyon. Naboboring na rin siya sa limang taon nilang pagsasama at napaka demanding ng babae sa kaniya. Alam na nga nitong nasa showbiz siya halos sirain na nito ang career niya sa pagbuntot buntot nito na daig pa ang investigator. Kaya nagsasawa na rin siya dito.

Pag dating niya sa Mansyon. Walang mga tao at tanging katulong lamang ang naabutan niyang naroon. Kaya nagpahanda siya agad ng alak habang inutusan naman nito ang isang katulong na samahan si Mariz sa guest room. Nagpalinga linga siya sa loob mukhang wala rin ang ampon ng Daddy niya. Kaya nga siya nagbalik para ilagay kong saang posisyon ang sampid na babaeng 'yon. Hindi niya nagustuhan ang ginawang aksyon ng kaniyang Daddy. "Whatever you are, Celestina the freak!" anas niya sabay bato ng baso na hawak niya.

Kumaansing ang baso nang bumagsak ito sa sahig na gumawa ng ingay. Kaya napalabas ang Mayordoma nilang katiwala ng kaniyang magulang. "Senyorito, kanina kapa ba dumating?" tanong nito at tila palingon lingon sa pintuan. Tumayo siya at naglakad palapit dito. "I miss you, Nanay." lambing na wika nito sabay yakap sa matanda na nag-alaga sa kaniya mula pagka silang pa lang niya.

"Na-miss rin kita senyorito. Ikaw lang ba? Wala la bang kasama?" usisa nito nang makita ang apat na maletang naiwan pa sa sala at hindi pa naakyat ng katulong.

"Hindi po. Kasama ko ang girlfriend kong si Mariz." sagot niya.

Kasalukuyang nag-uusap ang dalawa ng bumukas ang pintuan. At sabay silang napalingon sa boses na nagsalita. "Manang may bisita po ba kayo?" tanong ni Celestina habang karga si Drake. Kaagad namang lumapit ang Mayordoma at dinaluha siya. Kinuha nito ang bata sa kaniya. "Salamat po." magalang na wika niya. Hindi niya pinansin ang tao at nagtuloy tuloy siya sa pag talikod ng biglang may humawak ng kaniyang kamay.

Slap!!!!

Isang nakakabinging ang sampal ang iginawad niya sa lalaki. Nakasuot ito ng shades sa loob pa ng Mansyon. At hindi niya hahayaang bastusin siya ng kahit na sino sa loob pa mismo ng pamamahay nila.

"What the hell. Wher did you get a permission to slap my face???" galit na pasigaw ng baritonong boses nang lalaking naka suot pa rin ng shades.

"Bastos ka e, sinong nagsabi sayong hawakan mo ang kamay ko. At sino ka ba??? Kilala ba kita? Bakit ka nasa loob ng pamamahay ko?"

"Correction. My house not yours. Maybe my parents adopted you, but I'm the legit son of Dela Vega and the only one heir of Dela Vega Empire." mayabang na bulyaw ng lalaking kaniyang kaharap na nanatiling naka shades pa na animo'y na sikat na tirik na araw e, nasa loob lang naman ito ng Mansyon. Kaya mas lalo siyang napreskuhan sa dating nito.

"What do you mean by that Mr. Whatever your name is??"

"Idiot! Or deaf?? Ang sabi ko ako ang lehitimong anak at nag-iisang taga pag-mana nang Dela Vega Empire. At ikaw sampid ka lang naman dito kaya lumugar ka kong saan ka nararapat. At kong pwede lang bukas na buka ayaw na kitang makita kaya umalis ka na rin dito." utos nito at nakipag sukatan siya ng tingin sa lalaki. Akala ba nito na mag papatalo siya dito. Hindi niya akalain na ganito kabastos at walang modo ang anak ng magulang niya. Tumaas ang isang kilay niya at nakapag salita siya dito; "Why should I Mr. Ikaw na nga ang nagsabing adopted ako, so technically. I'm the legit daughter too. At kong may aalis sa saating dalawa hindi ako 'yon."

"So, sino ang gusto mong umalis dito. Ako ba ang pina paalis mo. Ganon ba???" halos maputol na yata ang litid sa leeg nito sa galit habang nagsasalita. Kitang kita kasi ang adams apple nito na sumasabay na gumagalaw habang nagsasalita siya.

"Hindi ko sinabi yan. Ikaw ang nagsabi nyan. At kong wala ka ng ibang sasabihin pa. Excuse me. Pagod ako at gusto kong magpahinga na. Kong may reklamo ka pa. Call Mommy Helen, baka nakarating na sila sa states ni Dad." huling salita nito at sabay lakad papasok ng elevator.

Naiwan namang bweset na bweset si Terrence sa engkwentro nila ng ampon ng kaniyang mga magulang. "I swear, you'll pay for this. Bull sh*t!" malakas na sigaw niya kaso hindi na rin narinig ng babae, dahil wala na 'to sa kaniyang harapan.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Robelyn Senador
hindi mo naalala terrence...hahahaha...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status