Share

Chapter 2- Celestina's Early Pregnancy

THREE MONTHS LATER..

Medyo maayos na ang buhay ni Celestina naka hanap na rin siya ng work. After ng break-up nila ni Andre unti-unting minalas ang pamilya niya. Makapangyarihan kasi ang pamilya nito at nagawa nitong pabagsakin ang kumpanya nila. Trinaydor lang naman ng Dad nito ang Daddy niya kaya sila nag hirap. At dahil rin doon nagpakamatay ang Daddy niya sa sobrang kahihiyan at kinalaunan rin naman sumunod ang kaniyang Mommy nang makaramdam ito ng lungkot. Kaya naiwan na lang siyang mag-isa sa pangangalaga ng kaniyang tiyahin na napaka sungit. Kaya sa edad na disi-sais nagawa niya ng mag trabaho sa isang factory, bilang factory worker na kong saan taga repack siya ng mga processing food somewhere in Pampanga. Na dapat sana ay nag-aaral pa siya kong 'di nangyari ang masalimuot niyang buhay.

Mabilis na lumipas ang bawat mga araw. At hindi namamalayan ni Celestina na hindi pala siya dinadatnan ng tatlong buwan. Naalala lang niya ito ng nag tanong ang pinsan niya kong may extra napkin pa ba siya.

"Ate Tina, may extra sanitary napkin ka ba?" tanong ni Telay na twelve years old niyang pinsan.

"Wala e, hindi pa kasi ako din--" natutop ko ang bibig ko bigla at naumid ang dila ko ng ilang segundo. I mean naubusan ako Telay.

"Ah! Sige ate, papabili na lang ako kay Mama." nakangiting sagot niya.

Pag alis ni Telay kinuha ko ang calendar na nakasabit sa dingding ng kwarto ko. July 19, na pala. At huling dalaw niya ay April pa. Kaya bigla siyang napa isip at kinabahan. Day-off niya ngayon at wala siyang pasok sa work. Kaya minabuti niyang umalis ng bahay at gusto niyang bumili ng pregnancy test. Lalo na't April nang may nangyari sa kanila ng lalaki.

Kabado siya ng pumasok sa pharmacy store. At lumapit sa cashier. Bumili siya ng pregnancy test. Nang makaramdam siya ng gutom at unting hilo naisipan niya na munang magpunta sa fastfood na katapat lang ng pharmacy para maka upo na rin, feeling niya kaya siya nahihilo, dahil sa tagal niyang nakatayo. Pag pasok niya sa loob halos maduwal duwal siya ng malanghap ang amoy ng pagkain sa loob kaya naman hinanap niya agad ang comfort room. Pumasok siya sa loob at kinuha ang pakete ng pregnancy test na binili niya. Kabado man at naguguluhan sinundan niya ang instruction doon. Naupo siya sa towlet bowl at nilapag ang pregnancy kit sa ibabaw. Nag muni muni siya at nagdasal.

After 10 seconds kinuha niya ang test kit at ang luha niya ay nagsimula ng rumagasa. Hindi niya alam kong anong gagawin. Hindi niya rin alam kong paano magdala ng baby sa sinapupunan gayong bata pa rin naman siya. At isa pa siguradong mapapatay siya ng Tita Moira niya kapag nalaman ito. Hindi niya alam ang gagawin gulong gulo na siya. Lintik na lalaki 'yon, hindi niya alam na magbubunga ang isang gabing kaniyang pagkakamali. Nangangatog man ang tuhod pinilit niyang makalabas ng comfort room at kanina pa siya kinakatok ng nasa labas. Tulala siyang lumabas ng comfort room at hindi niya alam kong paano ba siya nakalabas ng fastfood.

Bumalik siya ng bahay ng Tita niya na medyo kabado. Wala siyang magagawa kundi ilihim muna ang kalagayabmn niya. Lalo na't nakikitira lamang siya sa tiyahin niya.

Two Weeks Later nagising si Celestina na parang may humahalukay sa loob ng tummy niya kaya nagmamadali siyang nagtatakbo palabas ng kwarto at nag tungo sa comfort room. Pag dating niya roon nagduduwal siya, pero wala naman siyang maisuka man lang. Paglabas niya muka dito. Isang nakakabinging sampal ang iginawad ng kaniyang tiyahin sa kaniya.

"Slap..."

"T...Tita bakit po?" nagtatakang tanong ni Celestina.

"Nag tanong ka pa talagang gag* ka!! Paano mo ipapaliwanag sa akin 'to?" wika nito sabay hagis ng pregnancy test kit sa mukha niya. Halos sakluban siya ng langit at lupa ng oras na 'yon. Kitang kita niya ang galit sa mukha ng Tita niya.

"T..Tita magpaliwanag po ako." nauutal na sagot ni Celestina.

"Ano pang ipapaliwanag mo sa aking malandi ka. Sino ama niyan?? Sagot!!! bulyaw nito.

Natahimik ako at umiling iling. Nakita ko ang pagkunot nang noo nito. "Hwag mong sabihing disgrasyada ka pa.. Walang hiya ka!! Lumayas ka sa pamamahay ko." bulyaw ng tita niya sabay hila ng buhok niya palabas ng bahay nito.

"Tita, magta trabaho na lang po ako. Maawa kayo sa amin ng baby ko. Wala kaming matutuluyang iba." wika nito.

"Maawa? Wala ka ng ginawang maganda sa pamilya ko. Lumayas ka na sa pamamahay ko. At ayoko ng makikita yang pagmumukha mo na pakalat kalat. Naiintindihan mo ba?" malakas na bulyaw ng Tita niya habang pinagsasarhan siya ng pintuan. "Tita, maawa kayo sa amin ng anak ko. Wala kaming mapupuntahang iba." malakas na sigaw niya mula sa labas habang kinakalabog ang pintuan nito. Ngunit tila bingi ang kaniyang Tiyahin at pinatayan pa siya ng ilaw. Biglang bumuhos ang ulan kasabay ng luha niyang walang tigil sa pagpatak at hindi malaman kong saan nga ba siya pupunta ngayon. Gayong wala naman siyang halos na kakilala sa lugar. Sa gitnan ng dilim at malakas na ulan naglakad siya papalayo ng bahay ng kaniyang Tiyahin. Na hindi alintana ang panganib na kaniyang haharapin. Ang tanging mahalaga sa kaniya ay mailayo niya ang kaniyang anak sa Tiyahing napakalupit.

Habang naglalakad siya sa daan, ng makaramdam siya ng gutom. Napadaan siya sa mga karinderya at humingi ng pagkain. "Ale, baka pwedeng makahingi ng pagkain. Gutom na gutom na po kasi ako." paki usap niya sa sa tindera ngunit imbes na pag bigyan siya nito, pinag tabuyan pa siya nito. Kaya walang nagawa ito kundi umalis at maglakad ng maglakad.

Hanggang sa hindi niya namalayan ang pag dating ng itim na kotse at nabangga siya nito. Nakita niyang lumabas ang isang ginang mula sa itim na kotse. At bago siya panawan ng ulirat rinig na rinig niya ang sigaw nito. "Helpppp! Everybody helppppp, please!"

Gulong gulo ang Ginang ng sandaling 'yon. Kaagad niyqng binalikan ang nabangga pagkatapos matawagan ang driver. Nagmamadali kasi siyang sundan ang anak na patungong airport para pigilan ito, kaso hindi naman niya magawang iwan ang nabangga at sinusundot siya ng konsensya niya.

Nagising siya sa apat na sulok ng kwarto at nakita niya ang nurse na nagmamatyag sa kaniya.

"Nurse, pwede pong mag tanong?"

"Yes, Hija! Ano ba 'yon?" balik na tanong ng Nurse habang nakatunghay siya dito.

"Ahmm! Bakit po ako nandito? Kumusta po ang baby ko? Okay lang po ba siya?" tanong niya sa Nurse habang kinakabahan. Bigla kasing natahimik ito sandali.

"Dinala ka dito ni Ginang Helen, nasa labas lang siya at may ginagawa. Okay naman ang baby mo." ani nito. Sa sinabi niya nakahinga na rin ako ng maluwag. Binalingan ko ang impis na tummy ko at kinausap ang baby ko. "Baby, narinig mo ba 'yon, ligtas tayo. Sorry kong hindi nakapag ingat ang Mommy. Pangako hinding hindi na mauulit." bulong niya habang kinakausap ang baby sa loob ng kaniyang sinapupunan kasabay ng kaniyang pag haplos dito.

Naiwan siyang mag-isa sa loob at papikit na sana para magpahinga ng bumukas ang pintuan at niluwa nito ang napakagandang Ginang na kaniyang nakita bago siya mawalan ng ulirat. Lumapit ito sa kaniya at kinamusta ang kaniyang kalagayan pati na rin ang sanggol sa kaniyang sinapupunan. Alam na kasi nito ang totoo at nahabag siya sa kalagayan ng disi-anyos na batang ina.

"Hija, pwede ko bang malaman kong ano ang pangalan mo?" tanong ng Ginang sa kaniya na agad naman niyang sinagot.

"C...Celestina po." nahihiyang sagot niya sabay yuko. Hindi niya kasi alam ang sasabihin lalo na't nahihiya siya na alam na nito na buntis siya. Baka isipin nito na malandi siya at pariwara.

"Celestina, nice name.." wika nito sabay ngiti sa kaniya. At muling nagtanong kong ilang taon na ba siya nahihiya man pero sinagot niya ang tanong ng Ginang. "Sixteen years old po." nahihiyang sagot nito. Sabay yuko ulit sa pagkakataon 'yon hinawakan ng Ginang ang kaniyang kamay. "May mapupuntahan ka bang iba? Nasaan ang mga parents mo?" tanong nito at pinakatitigan siya sa kaniyang mga mata na hindi na rin niya naiwasan at naluha na siya. Pag dating kasi sa magulang niya nagiging emosyonal talaga siya. "P...Patay na po." sagot niya sabay hikbi. Nagulat naman siya ng bigla itong yumakap sa kaniya at nagsalita. "I..I'm so sorry, hija. Hindi ko sinasadya na paiyakin ka. Gusto ko lang malaman kong saan kasi kita ihahatid kapag na discharge ka na dito."

"Pinalayas na po ako ng Tiyahin ko ng malaman niyang walang tatay ang pinagbubuntis ko. Pasensya na po kong labis akong naka abala sainyo." mahinang usal nito.

"Naku! Hindi ka naman naka abala sa akin. Actually, I have an offer for you. If you want. Pero, kong ayaw mo wala naman akong magagawa doon." ani ng Ginang.

"Po! Ano po ba 'yon?" magalang na tanong niya sa Ginang habang nakatunghay dito.

"Well, sabi mo kanina wala kang mapupuntahan. Bakit hindi ka na lang tumira sa bahay ko."

"Ho? Naku! Hindi na po nakakahiya na sobra. Ayokong isipin niyo na sinasamantala ko ang pag tulong niyo po sa akin. Sobra sobra na po ang tulong na nagawa niyo." sagot nito.

"Hindi hija, lalo na't buntis ka at bata pa. I got you." nakangiting wika ng Ginang.

Matapos nilang mag-usap, lumabas muna ito sandali at pag balik nito. Sinabihan niya na akong pwedeng ma discharge. Buong akala ko na hindi niya totohanin ang sinabi nito. Ngayon lulan na sila ng sasakyan. Hindi alam nito kong anong klaseng buhay ang kahaharapin niya sa bago niyang tahanan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status