Share

Kabanata 2

Kabanata 2

"OK CLASS. Dismiss. Puwede na kayong lumabas," untag ko sa huling klaseng tinuruan ngayong araw. Napa-buntong hininga ako sa isip-isip ko habang nag-aayos ng mga gamit. Sa wakas! Makakauwi na rin! 

"Thank you Ma'am Luise!" tinunguan ko lang sila ng tipid saka lumabas na sa classroom nila.

Sa faculty room, wala pa si Honey kaya nasa-isip ko na na hindi pa tapos magturo ang damulag. Hindi ko na rin siya hinintay pa dahil uwing uwi na talaga ako.

"Ma'am Luise!" tawag sa atensyon ko ni Kuya Ben. Nilingon ko kung saan nang-galing ang boses niya at agad nginitian ang matanda ng makitang pasensyoso itong naghihintay sa akin sa bukanang gilid ng gate ng paaralan. 

"Magandang hapon po Kuya Ben," bati ko rito at sumakay na sa trisikel niya. 

Nawala ako sa reyalidad sa byahe ng maisip— G-Gising na kaya ang guwapong sangganong iyon? Paano kung gising na nga siya tapos napansin niya na naka boxer lang siya?! Baka-isipin nun pinagsamantalahan ko siya habang tulog siya! Namula ang pisnge ko sa hiya sa sariling naisip. Gaga Luise! Hindi naman siguro! Tinitigan mo lang naman iyong putlong niya. Hindi mo naman ginalaw! 

Pero what if...? Napatigil ulit ako.

Magnanakaw talaga ang lalaking iyon at pagka-gising niya, nag-umpisa na siyang i-sako ang mga mamahalin kong pinggan at maliit na flatscreen tv?!

"Ma'am Luise, alam niyo po ba na may bagong bukas na ukay-an sa bayan? Naku! Tumingin kami roon ng asawa ko kanina. Ang ga-ganda at mura ng tinitinda nilang damit!" napatigil ako sa pag-iisip ng kung ano-ano at napa-tingala kay Kuya Ben sa 'driver seat' sa labas ng trisikel niya dahil sa sinabi niya. 

Actually, kanina pa siya nagk-kuwento ng chismis niya sa akin ngayong araw. Bonding namin iyon tuwing hinahatid at sinusundo niya ako para hindi boring sa byahe. Ako lang talaga itong lutang at kung ano-ano ang nasa isip ngayon. 

"T-Talaga po Kuya Ben? Mura lang ang binebenta nilang damit?" na-enganyo ako alamin lalo iyong tinutukoy niyang ukay-an sa may bayan dahil doon sa huling sinabi niya.

Nag-pintig talaga ang dalawa kong tainga doon sa salitang 'mura'. Dahil bigla ako nagka-balak bilihan ang guwapong sanggano sa apartment ko ng mga sarili niyang damit para naman hindi lang boxer niya ang suot-suot niya! Nakakatam kasi- I-I mean... nakakaawa pala! Oo tama! Iyon yon. 

Tumungo-tungo si Kuya Ben habang nasa daan pa rin ang tingin, "Oo Ma'am Luise! Naku! Ang dami ngang tao kanina sa opening! Buti na lang talaga maaga kami pumunta ng asawa ko kanina para makabili."

Bigla akong nag-alala sa tinuran ni Kuya Ben. Plano ko kasing bukas na lang doon dumaan at bumili dahil wala na akong lakas ngayong araw sa puyat at pagod. Kaso- baka kapag pinagpabukas ko pa ang pamimili. Baka maubusan naman ako ng mga quality na damit! 

Tumingin ako sa labas. Pa-dapit hapon pa lang. Kaya ko pa mamili siguro ng damit para sa lalaking iyon. 

"Kuya Ben, p'wede daan muna tayo sa bayan? Tingin tayo roon sa sinasabi mong bagong bukas na Ukayan," lingon ko ulit sa matanda sa labas doon sa 'driver seat' niya. 

Tumungo naman agad ang matanda. Kaya nagpalit nga kami ng destino. Pumunta muna kami sa bayan. At pagkarating namin doon sa sinasabi niyang Ukayan. Maraming tao!

"Naku Ma'am! Mas marami ata ngayong tao kasi labasan na ng mga estudyante! Baka hindi na kayo makabili ng maayos niyan sa loob! Siksikan!"

Nag-aalala ako bigla sa sinabi ni Kuya Ben. Pero winaglit ko rin iyon sa isipin ko at determinadong lumabas ng trisikel niya. 

"Manong, wait niyo na lang po ako rito. Itra-try ko pa rin makabili ng kahit ilan lang kahit papaano."

Nag-aalala agad ang matanda. "Naku Ma'am! Sigurado po ba kayo?"

Tinunguan ko lang ang matanda bilang sagot at saka naki-siksik na papasok sa Ukay-an na sa labas pa lang, ga-dagat na ang dami ng tao! 

Hindi na rin mapigilan ng mga tao ang pagt-tulakan at pags-sikuhan para mauna lang. Nadamay ako doon pero hindi ko na lang ininda basta makapasok at makabili lang ng damit sa guwapong sanggano-ng iyon. 

Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit ganito na lang ako ka-desperada bilihan siya ng damit may maisuot lang siya. Pabor pa nga sa akin kung naka-boxer lang siya lagi dahil madadapuan ko ng tingin ang malaki niyang pag-aari. Pero kasi- nag-aalala rin ako na baka lamigin ang lalaking iyon dahil kinumutan ko lang siya kanina bago ako umalis. Baka mamaya, mas lalong lumala ang sitwasyon niya.

At mahirap man aminin, dahil kahapon ko lang siya nakilala. Hindi ko rin alam kung bakit ko ito nararamdaman. Pero... nag-aalala ako sa guwapong sanggano-ng iyon.

-

"Ma'am Luise! Buti naman at nakabili kayo! Ang tagal niyo!" salubong sa akin ni Kuya Ben ng makalabas ako ng buhay at buo sa Ukay-an. 

Nginitian ko lang naman ang matanda at tinaas sa kanya ang binili kong magagandang damit na pang lalaki. 

"Oo nga Kuya Ben, e. Buti nga may naabutan pa ako." tawa ko pa sa kausap.

Kumunot ang noo niya sa pinamili ko. "Ma'am, bakit puro panlalaki ang binili niyo?"

Nagitla ako roon.. Pero pagkaraan, nagpakawala na lang ako ng pekeng tawa.

"P-Para sa lalaking kapatid ko po kasi ito Manong!" rason ko pa. Kahit ang totoo, wala talaga akong lalaking kapatid. 

-

Pagkauwi galing sa bayan. Naabutan kong hindi pa rin nagkakamalay ang lalaki. Good as dead pa rin ito na nakahiga sa sofa at ganoon pa rin ang ayos niya kung paano ko siya iniwan. 

Bumuntong hininga na lang ako. Nag-palit muna ako ng damit sa kuwarto at binabad ang uniform ko pang-pasok sa CR dahil lalabahan ko ito mamaya.

Nagluto rin muna ako ng hapunan para sa akin. Putlong ang balak kong kainin dahil bigla akong nag-crave dito. Buti na lang, meron pa akong stock sa ref. 

Habang nagluluto sa kusina, nililingat lingat ko ang tingin ko sa likuran ko kung saan tanaw ko mula sa puwesto ko ang nakaratay na guwapong sanggano.

Baka kasi mamaya, gumising ito sa pagkakahimlay niya ng hindi ko alam at bigla na lang ako sakalin nito patalikod! Baka kasi mamatay tao talaga siya. Judger na kung judger pero naninigurado lang! 

Pinagpatuloy ko ang pagp-prito ng putlong. Pagkatapos niyon, kumain na rin ako. Naghugas rin at naglaba pagkatapos. At pagkatapos ng lahat ng gawain. Saka ko inatupag ang lalaki. 

"Hoy, hindi kita re-rapè-in, ha! Bibihisan lang kita! Baka iniisip mo, porke't guwapo ka, isusuko ko na ang bataan ko sa 'yo! Hindi ah!" naka-nguso kong kausap sa walang malay habang sinusuutan ito ng t-shirt at short niya. Medyo natagalan nga lang ako sa pags-suot ng short niya dahil sinulit ko muna ang paninitig sa bakat niyang ari.

Hihi! Malandi na kung malandi pero ang laki kasi talaga! Saka... talent fee ko ito sa pag-aalaga sa kanya 'no! Sinisingil ko lang! 

-

Mabilis lumipas ang isang linggo. Hindi pa rin gumigising si 'Putlong' simula ng makita ko siya sa tapat ng apartment kong duguan at walang malay.

Putlong na lang rin pala ang ipinangalan ko sa kanya dahil iyon lang ang pumapasok sa isip kong puwede ipangalan sa kanya na bagay na bagay sa kanya kasi… Basta! Secret. Akin na lang iyon. 

Patuloy pa rin ang pag-aalaga ko sa kanya. Binibihisan pag-uwi galing trabaho at kinukumutan tuwing aalis kahit mainit. Dahil trip ko lang. 

Nitong mga nakaraan rin. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit patuloy ko pinag-a-aksayahan ng oras at panahon ang lalaking iyon gayong marami na akong problema. 

Puwede ko naman siyang i-suko sa mga awtoridad kung gugustuhin ko dahil stable naman na ang lagay niya. Hinihintay na lang talaga magkaroon ng malay. Pero kahit ganoon na ang kaso, hindi ko pa rin magawa. Wala akong lakas para i-suko siya. Hindi ko kayang hindi ako ang mag-aalaga sa kanya. Hindi ko siya kayang mawala. 

Kaya napag-desisyunan ko. Kapag nagising na lang siya, saka ko siya papaalisin. Bumuntong hininga ako para mawala ang lumulusob na kalungkutan sa akin at saka nagpatuloy sa paglalakad papunta sa faculty room para makapag-ligpit at maka-uwi na. Ang dami ko pang gagawin sa bahay. 

"Oh Luise? Uuwi ka na naman agad? Ang aga mo naman ata umuwi lagi! Stay ka muna! May chi-chika ako sa 'yo bakla!" Si Honey. Nang maabutan akong nags-salpak ng gamit ko sa shoulder bag ko. 

Tamad ko siyang binalingan. "Honey, bukas mo na lang i-kuwento sa 'kin 'yang chismis mo. Gusto ko nang umuwi. Pagod ako."

Naasiwa akong tinitigan ng kaibigan mula ulo hanggang paa. "Che! Anong pagod! Ang sabihin mo, gusto mo lang umuwi para makapag omegle ka! Para mang-hunting na naman ng afam!"

Kahit literal na pagod talaga. Natawa ako sa sinabi ni Honey. Naalala ko kasi iyong mga panahong, adik nga ako sa kilalang dating website na iyon dahil doon ako naghahanap ng guwapong foreigner. Natigil nga lang ako sa pag-gamit dahil dumating si Putlong sa buhay ko.

Dinuro ko ang mukha ni Honey. "Hoy taba! Hindi ah! Hindi na ako nago-omegle! Nagbabagong buhay na ako!" inirapan ko pa siya habang patuloy pa rin sa pags-salpak ng gamit ko sa bag ko. 

Tumawa na lang rin si Honey at umiling iling. "Tss! Hindi ako naniniwala! Magugunaw na ang mundo kapag nangyari 'yan."

Hindi ko siya sinagot. Nagpatuloy na lang ako sa paga-ayos ng gamit ko. At nang papalabas na ako ng faculty. Bigla akong tinawag ni Honey. 

Nilingon ko siya. 

"Oh nga pala beh, kanina, nakasalubong ko si Teacher Allan pabalik rito," ngumiting aso siya bigla. "Hinahanap ka niya sa akin."

Napa-busangot na lang ako sa balita niya. Iyon ba yung chismis na sasabihin niya? Tss. "Sabihin mo, wala na ako. Retired na. Kulit niya."

Tinawanan lang ako ng kaibigan. 

-

"Salamat Kuya Ben! Bukas po ulit!" masaya kong paalam sa matanda ng mahatid na ako nito sa tapat ng apartment ko. 

Sumagot siya. At pagkatapos, pumanik na rin papaalis. Tinanaw ko muna ang trisikel ng matanda at ng hindi ko na ito matanaw. Saka ako umakyat papunta sa apartment ko at pagkabukas ko ng pintuan ko. 

Kusang nanlaki ang mata ko ng makita si Putlong na naka-upo na at inosente lang nakatanaw sa gawi ko. 

Bumilis ang pintig ng puso ko ng sa kauna-unahang pagkakataon, nakasalubong ko ng tingin ang dark blue niyang mga mata. 

"S-Sino... ako?"

Itutuloy... 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status