Share

Kabanata 9

Kabanata 9

"NANOOD ka na naman 'no," may lamang asik sa akin ni Honey umagang umaga.

Naguguluhan ko siya saglit tinaasan ng tingin bago bumalik sa pag-aayos ng mga lesson plan ko sa desk ko, "Anong sinasabi mo Honey? Anong nanood na naman ako?"

Suminghap siya ng malalim bago magsalita, "Alam mo beh, tatanggapin naman kita kung aamin ka sa aking nanonood ka ng popcornibels, e. Hindi iyong pinapahirapan mo yung sarili mo mag-sinungaling sa akin, e, ang laki laki ng eye bags mo, oh! Huling huli ka na!"

Mabilis kong sinamaan ng tingin si Honey, "Beh, hindi nga ako nanonood ng gano'n! Ano ka ba! Saka p'wede ba? Huwag kang sumigaw! Mamaya may makarinig sa 'yo ng mga estudyante sa labas sa lakas ng boses mo, e! Ano pang isipin sa atin!"

Inirapan niya ako at humalukipkip, "Oh, e, anong rason bakit p'wede nang pagtaniman ng kamote yang under eyes mo sa lalim, ha? Saka bakit namumula yang dalawa mong mata? Nag-aadik ka talaga 'no?"

Sa lumalabas sa bibig ng kaibigan. Gusto ko na siya sigawan at
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status