Kabanata 18NANG gabing iyon, magulat man kayo o hindi. Walang nangyari sa amin ni Putlong. Maging ako, nagulat rin sa sarili ko, pero ng gabing talaga na iyon na hinalikan ako ni Putlong sa tuktok ng Perris-wheel. Ginulo na naman niya ang puso't utak ko.Pagkauwi namin ng gabing iyon sa apartment, binigyan ko muna si Putlong ng pamtulog niyang damit at nagpaalam na rin ako sa kanya na matutulog na ako at saka pumasok sa sariling kuwarto.Binagsak ko ang katawan sa kama at tumititig sa kisame. Hinawakan ko ang ibabang labi ko kung saan ko pa rin dama ang malambot na labi ni Putlong habang unti unti na naman akong kinakain ng malalim kong iniisip.Iniisip ko na naman kasi kung tama pa ba itong ginagawa ko. Kung tama bang gine-gate keep ko si Putlong sa totoo niyang pamilya dahil sa sarili kong interest sa lalaki. Dahil parang sa halik na iyon sa akin ng Damuho, parang may mga bagong pintuan na naman ang nagbukas sa isip ko.Mga pintuang pinilit kong ipagsa-walang bahala at isinara, per
Simula"NAGBABAGANG balita! Kakapasok lang, CIC, o Crimson International Company kabilang ngayong taon sa top-five most fastest growing company in Asia!""Wow! Ang galing!" napapantastikuhan kong kumento habang nginunguya ang popcorn sa bunganga ko. Inayos ko rin ang pagkakabukaka ko dito sa habang sofa-ng inuupuan ko at mas nakinig pa ng mas maige sa palatastas tungkol sa kompanyang nabanggit. Ang Crimson International Company kasi ay kilala bilang taga-export sa iba't-ibang mga bansa ng mga matataas na materyales pang instraktura. Purong Pilipino rin ang nagmamay-ari ng malaking kompanya na iyon kaya mas lalong nakaka-proud!Biruin, buong asia? Grabe! Hindi na ako magtataka kung makikilala ang kompanyang iyon sa buong mundo pagkaraan pa ng ilang taon. Ang bilis nilang lumago. Ilang taon pa lang ang tanda ng kompanyang iyon pero heto na sila. Nakikipag-kompetensya na sa mga naglalakihang kompanya sa iba't-ibang mga bansa.Napa-isip tuloy ako. Totoo kayang guwapo ang tagapagmana ng C
Kabanata 1PARA akong malalagutan ng hininga sa nakikita ko ngayon sa harap mismo ng apartment ko. Jusko! Totoo ba ito o tulog pa talaga ako??Mabilis akong nag-lingat lingat sa buong paligid dahil baka mamaya, isa pala itong sanggano! Dami kasing tattoo sa dalawang braso! At baka mamaya, may mga kaaway ito na humahabol sa kanya. Baka madamay pa ako dahil talagang dito pa siya sa harap mismo ng apartment ko nawalan ng malay! Anak talaga ng malas minsan oh!Napapasag na ako sa pagkataranta at napakagat pa ng ibabang labi sa sobrang kabang nararamdaman. Muli kong sinuyod ang buong madilim na paligid ng buong building ng apartment at ng wala talagang makita na kahit sino, nilakasan ko na ang loob ko lapitan ang lalaking maraming tattoo.Guwapo siya. Iyon agad ang napansin ko ng malapitan kong nakita ang mukha niya kahit nagkalat ang sugat at dugo niya sa mukha. Ang tangos ng ilong! Oh pak! Foreigner kaya ito??"Argh Luise! Ano bang iniisip mo!" Gulo ko sa sarili kong buhok dahil imbis na
Kabanata 2"OK CLASS. Dismiss. Puwede na kayong lumabas," untag ko sa huling klaseng tinuruan ngayong araw. Napa-buntong hininga ako sa isip-isip ko habang nag-aayos ng mga gamit. Sa wakas! Makakauwi na rin! "Thank you Ma'am Luise!" tinunguan ko lang sila ng tipid saka lumabas na sa classroom nila.Sa faculty room, wala pa si Honey kaya nasa-isip ko na na hindi pa tapos magturo ang damulag. Hindi ko na rin siya hinintay pa dahil uwing uwi na talaga ako."Ma'am Luise!" tawag sa atensyon ko ni Kuya Ben. Nilingon ko kung saan nang-galing ang boses niya at agad nginitian ang matanda ng makitang pasensyoso itong naghihintay sa akin sa bukanang gilid ng gate ng paaralan. "Magandang hapon po Kuya Ben," bati ko rito at sumakay na sa trisikel niya. Nawala ako sa reyalidad sa byahe ng maisip— G-Gising na kaya ang guwapong sangganong iyon? Paano kung gising na nga siya tapos napansin niya na naka boxer lang siya?! Baka-isipin nun pinagsamantalahan ko siya habang tulog siya! Namula ang pisnge
KKabanata 3Napakurap kurap ako. Totoo ba ang nakikita ko? I-I mean... totoo bang gising na talaga si Putlong at ka-face-to-face ko na talaga siya ngayon? As in?! Grabe! Ang guwapo niy— I mean... may himala! Tama! Oo! May himala talaga 'yon! Hallelujah! Aligaga akong lumapit sa maliit na sala kung nasaan si Putlong. Nang nasa harapan niya na ako, tumingala sa akin ang lalaki at inosente ako nitong tinitigan gamit ang nakakahumaling sa ganda niyang dark blue-ng mga mata.At sa ilang segundo kong pagtitig sa mukha ng sanggano, doon ko mas lalong napatunayan sa sarili ko na sobrang guwapo niya talaga. Sobrang puti pa. Kaya imposible talaga siyang maging kriminal katulad ng iniisip ko! At kung totoo man na kriminal nga siya—baka ako pa ang mag-sorry sa kanya kapag nahuli ko siya sa aktong nilolooban ako! "S-Sino ako?" ulit niya sa tanong niya kanina na hindi ko na pala nasagot dahil sa sobrang pagkahumaling ko titigan ang mga mata niyang parang hinihigop ako sa sobrang lalim. Kumurap k
Warning: SPG slight.Kabanata 4"Sige na maghubad k-ka na," utos ko kay Putlong na kanina pa ako tinititigan gamit ang maganda niyang mga mata.Nandito na kami sa banyo. Dito kami dumeretso pagkatapos niya kumain. Hindi niya rin sinagot ang tanong ko sa kanya kanina k-kung... gusto niya bang tulungan ko siya maligo. Pero—mukhang hindi niya naman kaya maligo mag-isa kaya nandito pa rin ako. Sinamahan siya.A-At saka...! Purong pagmamalasakit 'to 'no! Wala naman akong gagawing kakaiba kay Putlong! "Sige na Putlong, maghubad ka na para makaligo ka na. Gabing gabi na oh. Sige ka, magkaka-sipon ka kapag mamaya ka pa maliligo!" kunwari'y banta ko sa lalaking wala ng ginawa simula pa kanina kung hindi titigan ako. Ene be Putlong! Heweg kengeng geneyen! Ehe! — Joke!"Tss," Iling ko na lang nang pagkaraan ng hindi pa rin siya kumikilos at talagang tinitigan niya lang ako ng nakakalunod niyang mga mata.Ako na ang lumapit sa kanya para hindi na kami abutin ng madaling araw dito sa banyo. Dahil
Kabanata 5"ANTE Tigang ka!" asik mismo sa mukha ko ni Honey kinabukasan ng i-kuwento ko dito ang kagabing nangyari sa akin na ako mismo, hindi ko maipaliwanag kung ano.Sinamaan ko ang 'akla ng tingin. Inirapan lang naman ako nito bago ulit nagsalita, "Nagpre-cum ka. Iyon ang nangyari sa 'yo kagabi." "P-Pre-cum...?" mahina kong tanong.Hindi ko kasi alam kung ano iyon. Hindi man kapani-paniwala pero iyon ang totoo. Kapag usapang ganito na talaga—napapaghalataang, 'Never-Been-Touch-And-Never-Been-Lapangs' ako dahil talaga wala akong kaide-deya sa mga makamundong bagay.Meron lang na unti pero hindi pa rin kasing dami ng nalalaman ni Honey na lagi na lang bina-brag sa akin na every week siya may booking at lalaki.Napabuntong hininga na lang si 'akla sa akin at napa-iling. Nabasa siguro nito sa mukha ko na hindi ko talaga alam ang sinasabi niya.Nagsalita siya ulit, "Beh, nagp-precum ang babae kapag sobrang intimate ng iniisip mo. Hindi mo mapipigilan 'yon. Normal lang ang nangyayari
Kabanata 6KUSANG gumalaw ang katawan ko sa nadatnan. Nabitawan ko ang hawak kong supot ng letchong manok sa pagkabigla. Agad akong tumakbo kung nasaan ang kawawang binatang parang binabangungot ng gising. At nang ma-lebel-lan ko na siya. Tinaas ko ang mukha niya gamit ang dalawa kong nanginginig na mga kamay at tinitigan siya sa mata.At parang pinipisat ng isang malaking kamay ang puso ko ng makita kong umiiyak ang guwapong binata.Anong nangyari? B-Bakit siya nagkakaganito??Sinuklay ko ang malambot niyang buhok bago mang-usisa,"P-Putlong, bakit nandito ka sa sahig? Anong nangyari? May nangyari bang masama sa 'yo habang wala ako, huh?" Hindi ko mapigilan ipahalata sa boses kong nanginginig ang takot at matinding pag-aalala sa kanya. Ang bilis ng tibok ng puso ko ngayon. Nag-uunahan rin sa isip ko ang samut-saring puwedeng nangyari kay Putlong habang wala ako.Katulad nang... niloob-an ba kami kaya siya umiiyak? Pero imposible iyon. Wala naman sa mga gamit dito sa apartment ko ang