Share

Kabanata 6

Kabanata 6

KUSANG gumalaw ang katawan ko sa nadatnan. Nabitawan ko ang hawak kong supot ng letchong manok sa pagkabigla. Agad akong tumakbo kung nasaan ang kawawang binatang parang binabangungot ng gising. At nang ma-lebel-lan ko na siya. Tinaas ko ang mukha niya gamit ang dalawa kong nanginginig na mga kamay at tinitigan siya sa mata.

At parang pinipisat ng isang malaking kamay ang puso ko ng makita kong umiiyak ang guwapong binata.

Anong nangyari? B-Bakit siya nagkakaganito??

Sinuklay ko ang malambot niyang buhok bago mang-usisa,"P-Putlong, bakit nandito ka sa sahig? Anong nangyari? May nangyari bang masama sa 'yo habang wala ako, huh?"

Hindi ko mapigilan ipahalata sa boses kong nanginginig ang takot at matinding pag-aalala sa kanya. Ang bilis ng tibok ng puso ko ngayon. Nag-uunahan rin sa isip ko ang samut-saring puwedeng nangyari kay Putlong habang wala ako.

Katulad nang... niloob-an ba kami kaya siya umiiyak? Pero imposible iyon. Wala naman sa mga gamit dito sa apartment ko ang
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status