Share

Kabanata 14

Kabanata 14

"MA'AM Luise? Nabalitaan niyo na rin po ba ang bali-balita na may nagkalat na mga armadong rebelde rito sa atin?" Usisa ni Kuya Ben sa trisikel.

Hindi agad ako nakatugon sa kanya dahil ang utak ko ay nasa kaninang eksena pa rin kung saan tinanggihan ko ang paanyaya ni Sir Allan na kumain kami sa labas ngayong araw.

Hindi ko lang talaga iyon makalimutan. Nasa utak ko pa rin ang gulat at malungkot na mukha ng lalaki ng sabihin ko sa kanyang hindi ako makakasama dahil may gagawin akong mas importanteng bagay.

Nag-guilty ako na ewan. Pakiramdam ko— ang sama-sama ko. Pero kasi... si Putlong. Alalang alala talaga ako sa binata at hindi maalis ang nararamdaman kong ito hanggat hindi ko nakikitang ayos lang siya.

"Oo Kuya Ben. Binalita na sa amin 'yan kanina sa meeting kaya medyo ginabi ako ngayon," Sagot ko sa matanda na naka-pokus sa pagd-drive at sa daan.

Ngumuso ito, "Naku! Ma'am Luise! Iba na talaga ang panahon. Dati naman, walang ganito dito sa atin. Pero ngayon... naku...!
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status