"Ma'am, your cervix is closed to 10 cm before your v*ginal delivery."
Mula sa loob ng delivery room, makikitang nakahiga si Jeckaye sa isang stretcher bed. Panay ang himas niya sa tiyan upang maibsan ang pananakit nito. Binalingan niya ang Doctor. Nakita niya itong nakatuon ang atensyon sa hawak niyang cellphone."Wala pa rin ba ang mister mo?"Pilit siyang ngumiti upang hindi nito mahalata ang nagbabadyang luha sa kanyang mga mata."Parating na siya Doc." Pagsisinungaling niya ngunit ang totoo hindi niya alam kung darating pa ba ito. Muli na naman niyang tiningnan ang inbox sa cellphone. Umaasa na may mabasang mensahe mula sa kanyang asawa. Kanina pa niya tinatawagan si Tyler ngunit hindi nito sinasagot. Gusto lang naman niyang puntahan siya nito sa ospital dahil ngayon ang araw na manganganak siya. Ngunit walang Tyler na dumating. Kahit sa mga ganitong sandali, pinaramdam nito na hindi sila mahalaga ng anak niya.Hindi niya mapigilan ang kusang pagbagsak ng kanyang mga luha. Ano ba ang aasahan niya sa lalaking ni minsan hindi siya natutunang mahalin? Aksidente lamang siyang nabuntis dahil sa kanilang isang gabing pagkakamali. Kapwa sila estranghero sa isa't-isa ng nagsalpukan ang init ng kanilang mga katawan sa bar. Pareho silang may problema at ang pagniniig ang kanilang solusyon ng mga sandaling iyon. Dahil nagbunga ang isang gabing pagkakamali, pinilit niyang pakasalan siya nito kahit para na lang sa bata. Ngunit hindi ganun kadali ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa dahil may mahal na itong iba bago pa man siya nakilala.Ilang sandali pa, umilaw ang screen ng cellphone niya. Nabuhayan siya ng loob ng makita ang pangalan nito sa inbox. Ininda niya ang pananakit ng tiyan para lang mabasa ang mensahe nito."I'm sorry wife, kailangan ako ni Lezlie ngayon."Napahawak siya ng mahigpit sa kanyang dibdib ng maramdaman ang paninikip nito. Hindi pa man siya nanganganak, ngunit pakiramdam niya unti-unti na siyang pinapatay ni Tyler. Bakit nga ba siya tamang umibig sa maling tao? Akala niya natutunan na rin siyang mahalin ni Tyler dahil nag-iba ang pakikitungo nito sa kanya these past few months. Nagiging sweet ito kaya naman lalong nahulog ang loob niya. Ngunit hindi pala siya dapat umasa sapagkat mas mahalaga si Lezlie sa buhay nito kaysa sa kanya na asawa.“Ahhhhh!” Nakaramdam na siya ng pangingilo at sobrang sakit ng tiyan. Gusto ng lumabas ng baby niya. Nanginginig ang kanyang mga kamay na binigay ang cellphone sa Doctor para itabi muna ito. “Doc, lalabas na yata ang anak ko.” Panay ang hinga niya ng malalim at pagbuga ng hangin upang ipunin ang kanyang lakas. Sarili lang niya ang aasahan niya ngayon. Para sa anak niya kailangan niyang lumaban.“Alright, huminga ng malalim, hold your breath, then push….”“Huuuhmmppp…..aaahhhh!” Tinodo niya ang pag-ire habang mahigpit na nakakapit ang mga kamay niya sa headboard ng kanyang stretcher bed. Iniimagine niya na kasama si Tyler upang magkaroon siya ng lakas na ipalabas ang anak niya.“One more, malapit ng lumabas ang baby.” narinig niyang wika ng Doctor.Muling niyang inipon ang kanyang lakas at umire ng todo. “Hmmmmmppp…Aaaaahhh!” Narinig niya ang iyak ng sanggol pagkatapos nito.“He’s a boy.” Nakangiting wika ng Doctor.Sa kabila ng pagbigat ng talukap ng kanyang mga mata, pinilit pa rin niya ang sarili na makita ang kanyang anak habang nililinisan nito. Muling bumagsak ang luha niya habang nakatitig sa bunga ng pagkakamali niya. “I’m sorry baby,” usal niya. NGayon pa lang gusto na niyang humingi ng tawad sa kanyang anak dahil hindi niya ito mabibigyan ng kumpletong pamilya. Muling bumalik sa alaala niya ang masayang mukha ni Tyler ng malaman na lalaki ang anak nila. Pinakita niya noon ang ultrasound at kahit hindi sabihin, nakikita niya ang excitement sa mga mata nito. Ngunit hanggang doon lang iyon. Hindi siya kasama sa mga pangarap nito para sa anak nila. Nabuo man ang anak niya sa pagkakamali ngunit sisiguraduhin niyang pupunuin niya ito ng pagmamahal.Nasa ganun siyang sistema ng biglang may nagtakip ng kanyang ilong. Gusto niyang manlaban ngunit wala na siyang lakas upang gawin iyon. Hindi na niya magawang ipagtanggol ang sarili niya dahil nawalan na siya ng malay.—Ilang sandali pa ang nakalipas makikitang lumabas ang Doctor mula sa delivery room. Palihim siyang pumunta sa likuran kung saan nandoon naghihintay ang isang sopistikada na babae. Nakasuot ito ng maikling palda, at white blouse na pinatungan ng black blazer. Tinanggal nito ang black shades na suot, tinapon ang sigarilyo na nakaipit sa daliri at humarap sa kanya."Madam tapos na ang pinapagawa mo sa akin." Sa mga kamay nito ay ang isang sanggol na lalaki na nababalot ng puting baby blanket.Sumilay ang demonyong ngiti sa labi ng babae habang nakatingin sa Doctor. "Good. Akin na ang bata." Inabot ng dalawang kamay nito ang sanggol.Halata ang takot sa mukha ng Doctor habang palinga-linga ito sa paligid. Kinakabahan ito na baka may makakita sa kanila."Naipasok ko na ang pera sa account mo. Siguraduhin mo lang na walang nakakaalam tungkol dito."Agad namang tumango ang Doctor tanda ng pagsang-ayon. Akmang aalis na ito ng biglang mag ring ang telepono ng babae. Sumenyas si Olivia sa Doctor na huwag munang umalis dahil hindi pa siya tapos.“Hello Boss. Nakuha ko na ang sanggol.” Nakangising bungad nito sa kabilang linya.“Nandiyan na si Tyler sa hospital. Ibalik mo muna ang sanggol at baka hanapin niya.”“What?” gulat na tanong nito. “Paano na ang plano natin?” Binalik nito ang sanggol mula sa kamay ng Doctor.“Saka na natin ituloy ang plano. Ayaw kong magduda sa akin si Tyler.”“Tangina!” Napamura siya ng mapansin ang mga bodyguard ni Tyler na nakakalat sa labas ng hospital. “Nandito nga siya Boss. Akala ko ba kasama mo siya?” Halatang sinisisi nito ang babaeng Boss sa tono ng boses nito. Kung hindi dumating si Tyler hindi rin nito malalaman na kinidnap ang sanggol.“Hindi umubra ang drama ko sa kanya. Pvtang Inang babaeng ‘yan, mapapatay ko talaga siya sa pag-agaw niya sa akin kay Tyler!” Ramdam ang galit sa boses ng Boss niya.“Paano ito ngayon, maraming bodyguard sa labas ng hospital?” Nataranta si Olivia na nagtago sa likuran ng Comfort Room.“Pvnyeta! Gawan mo ng paraan! Kapag nahuli ka huwag na huwag mo akong idamay papatayin talaga kita!”Beep.Beep.Beep.Nagbuga siya ng hangin at binalingan ang Doctor na ngayon ay namumutla sa sobrang kaba.“Hoy! Siguraduhin mo lang na walang nakakaalam sa nangyaring ito! Alalahanin mo, alam ko kung saan nakatira ang pamilya mo kaya hindi ka pwedeng makatakas sa akin. Ipasok mo na sa loob ang bata!”Parang naiihi naman ang Doctor na tumalima. Pasimple siyang bumalik sa loob at pinasok ang bata sa nursery room. Hindi niya alam kung sino ang ama ng bata ngunit sapat na ang takot na nakita niya sa mukha ni Olivia para madagdagan ang kaba na nararamdaman niya.“Where’s my son?”Gulat na nakahawak sa dibdib ang mid thirties na Doctor ng marinig ang baritonong boses ng lalaki mula sa kanyang likuran. Namumutlang lumingon siya para lang tumingala dahil sa tangkad nito. Sa sobrang liit niya hindi man lang siya lumagpas sa kilikili ng lalaki. Sino ba ang hindi nakakakilala sa lalaking ito na laging laman ng television, Radyo, magazines at maging billboard sa daan mukha lang nito ang nakabalandra. Maliban sa isa itong sikat na hollywood actor, nagmamay-ari pa ito ng pinakamalaking kumpanya sa buong bansa; Ang Hanes Group of Companies. Lalong naging matapang ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya dahil sa naging reaksyon niya. Ngayon niya lang nagawang titigan ito sa malapitan kaya napatulala siya. Sobrang gwapo pala nito. Kahit nakakatakot ang presensya nito ngunit kayang takpan ng angkin nitong kagwapuhan.Binalingan ni Tyler ang assistant niya ng makaramdam siya ng inis. Naintindihan naman nito ang ibig sabihin ng mga tingin niya kaya ito na ang umusisa sa Doctor.“Doc, saan ang anak ng pasyente na nagngangalang Jeckaye Tan?”Saka pa lang nakabawi sa sarili ang Doctor. Ilang beses siyang napakurap ng kanyang mga mata habang nakatitig sa binata. Hindi siya makapaniwala na ito pala ang ama ng batang dudukutin sana kanina. Biglang nanlalambot ang mga buto niya sa tuhod. Mabilis siyang nag sign of the Cross. Akala niya simpleng tao lang ama ng sanggol na ito. Buti na lang binalik sa kanya ni Olivia ang sanggol kung hindi patay na talaga siya ngayon dahil gigisahin siya ng tanong kung saan na ang bata.Nagdikit ang dalawang kilay ni Tyler ng makita ang kakaibang reaksyon ng Doctor habang nakatitig ito sa kanya. Halata ang takot sa mga mata nito. Binalingan niya si Dennis—ang assistant niya. “Tanungin mo nga kung ano nangyari diyan?” Halata ang iritasyon sa boses niya. Nagkakamot na siya ng kilay sa pagkayamot.Pumitik ng daliri si Dennis sa harap ng Doctor kaya muli itong natauhan."Doc, okay lang po ba kayo?" Tanong ni Dennis.“Where’s my son?” Inis na tanong ni Tyler. Atat na siyang makita ang only son niya.Dahil sa magkasunod na tanong sa Doctor agad itong nahimasmasan.“Ahh ha? Ah..ito ang anak n’yo Sir.” Tarantang tinuro niya ang bata na bagong lagay niya sa baby bed.Biglang napalis ang pagkayamot sa mukha ni Tyler ng makita ang anak niya. Matapos niyang magdis-infect ng kamay, agad niyang kinarga ang sanggol.“Boss, akala ko dati ayaw mo ng anak?” Hindi nakatiis si Dennis na tanungin siya.Salubong ang kilay na tinapunan niya ito ng tingin. "When did you become interested in my private life?"Nakamot ni Dennis ang ulo at hindi nagawang makasagot sa kanyang Boss. “Kunin mo ang mga pinamili ko sa kotse.” Lumabas siya habang karga pa rin ang bata. Sumunod naman sa likuran niya si Dennis upang kunin ang kanyang pinamili."Tyler Hanes! Idol!""Pwedeng magpapicture?"As usual, nakuha na naman ni Tyler Hanes ang atensyon ng lahat sa loob ng ospital ng makita siya. Pinalabas niya ang kanyang nakakaakit na mga ngiti na kinababaliwan ng lahat. Nagtilian ang mga kababaihan na nangangarap na m
Kaya nga siya na lang ang nag-aadjust upang makaiwas sa gulo. Okay lang noon dahil solo katawan siya. Ngunit ngayon kailangan na niyang protektahan ang anak maliban sa sarili niya. Hindi niya hawak ang utak ni Lezlie. Kung nagawan siya nito ng masama noon, hindi malayo na gagawin din nito ulit yun. Isa pa sa kinakatakot niya ang nangyari after niyang manganak. Alam niyang may nagtakip ng ilong niya kaya nawalan siya ng malay. Malaki ang pasasalamat niya at nandito pa ang anak niya. Isa pa iyon sa lihim niyang imbestigahan. Kapag sinabi niya ito kay Tyler hindi naman soya paniniwalaan dahil wala namang nangyari sa kanya. Isiniksik ni Lezlie sa utak nito na mahilig siyang gaunawa gawa ng kwento kaya iyon ang paniniwala ng asawa niya. Hindi na siya nakipag argumento pa kay Tyler. Baka isipin pa nito na kukunin ang anak sa kanya. Baka lalo lang silang magkagulo. "Fine," tipid niyang sagot. Makalipas ang tatlong araw, lumabas na rin sila sa ospital dahil healthy naman si Daric at walang
Hindi na siya nagulat kung alam nito ang mga nangyayari sa kanya. Lima silang magkakapatid. Siya ang bunso sa lahat at nag-iisang babae kaya sobrang mahal na mahal siya ng mga ito. Una siyang umuwi ng Pilipinas after she found out na naaksidente ang kanyang mga magulang dahil naambush sa daan. Sa sobrang sakit ng pagkawala ng mga ito, pumunta siya sa bar at naglasing mag-isa. She is a loner person kaya wala siyang best friend na matatawag. Sa katayuan nila sa buhay hindi siya nawawalan ng kaibigan dahil ang iba, kusang lumalapit sa kanya kahit hindi niya kilala. Ngunit hanggang doon lang siya, nakikipagkaibigan din ngunit hindi literal na masasabing best friend. Lumaki siyang puno ng pagmamahal ng kanyang pamilya. Spoiled princess sa apat na kuya niya at baby girl pagdating sa kanyang ama at ina. Kaya sobra siyang nasaktan ng mawala ang mga ito ng biglaan. Hindi niya rin alam sa sarili niya kung bakit na lasing siya sa bar at gustong gamutin ang init ng kanyang katawan kaya niya natagp
Tila naman naramdaman ni Lezlie ang pagtataka sa mga mata ni Tyler kaya inayos niyang muli ang aura niya at baka mahalata nito na wala talaga siyang sakit. Bweset kasi ang babaeng yun, inuubos talaga ang pasensya niya. "I'm sorry. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit ako nagkakaganito. Siguro epekto ito ng mga gamot na iniinom ko. Medyo sumikip ang dibdib ko. Balik muna ako sa silid natin." Nagmamadali siyang bumalik sa kanilang silid. Naiwan si Tyler na nahihiwagaan sa inaakto ni Lezlie. Pagdating sa silid, Agad na kinuha ni Lezlie ang kanyang cellphone. Hindi na pwede ito. Namumula siya sa galit na tinawagan si Olivia. "Bukas makalawa, ituloy natin ang plano. Kailangan ng mabura sa landas ko ang babaeng yan. Nararamdaman kong nahuhulog na ang loob ni Tyler sa kanya. Habang tumatagal lalong lumalantad ang sikreto ko." Kahit pabulong ang pagkakasabi niya bakas pa rin sa boses niya ang sobrang galit. "Areglado Boss. Sabihin mo lang kung anong oras." "Hintayin mo ang t
Hindi makapagsalita si Tyler ng hingiin ni Jeckaye ang Divorce paper. Pinagmasdan niya itong mabuti. Ang dating Kaye na nakilala niya, puno ng buhay ang mga mata. Kahit na hindi ito nakangiti, makikita niyang kuntento na ito kapag magkasama sila. Kahit na minsan nagagalit siya rito pero nasanay siyang ito ang unang pupunta sa kanya at humingi ng sorry. Masasabi niyang sa loob ng siyam na buwan, naging mabait ito sa kanya. Mas naramdaman pa nga niya ang pag-aalaga nito noong mga panahon na nagkasakit siya. Naintindihan naman niyang hindi iyon magawa ni Lezlie dahil masama pa ang loob nito sa kanya noon. Ngunit alam rin niya kung ano ang pinagdaanan ng girlfriend niya. Masakit rin ang ginawa niyang panloloko rito. Ngayon na ang tamang panahon para makabawi siya sa nobya. Tila natauhan siya sa isiping iyon kaya binalingan niya si Dennis na ngayon ay nakatayo na rin at nanonood sa kanila."Kunin mo ang Divorce paper sa loob ng library." Agad naman na tumalima si Dennis at pumasok sa libr
"Kaye, gabi na. Baka mapano ang bata." Sigaw niya habang hinahabol ito."Huwag kang mag-alala. Walang mangyayari sa kanya." Sagot din ni Jeckaye habang patuloy sa paglalakad."Dammit, Kaye!" Sigaw niya at mas lalo pang nilakihan ang paghakbang pababa ng hagdan. "Ako na ang magdadrive Mang Kulas." Pahabol niyang wika sa matanda ng makita na pumasok na si Kaye sa loob ng kotsr. Inagaw niya ang susi mula sa kamay ng driver at siya na ang pumasok sa loob ng driver seat.Nalilito man si Jeckaye sa inaakto ngayon ni Tyler, ngunit balewala iyon sa kanya. Basta masaya siya dahil sa wakas malaki na ang chance na maitakas niya ang anak. Hinayaan na lang niya na ipagdrive sila nito.Samantalang si Lezlie, ngayon pa lang natauhan. Nakalimutan niyang may sakit siya dahil mabilis siyang tumakbo pababa ng hagdan. "Tyler!" Malakas niyang sigaw ng makita na umalis din ito at pinagdrive pa ang mag-ina. Lalo siyang nagalit.Umabot na sa sukdulan ang galit niya. Kailangan na niyang burahin sa landas niya
Sumilip si Jeckaye sa bahagyang nakaawang na bintana. Mula sa kanyang kinatatayuan matatanaw niya ang papalayong sasakyan ni Tyler. “I’m sorry Tyler, ngunit kailangan kong gawin ito.” Nagbabadya ang kanyang mga mata na bumalik sa kama upang umupo. Ngayon na ang tamang panahon upang umuwi sila ng kanyang anak sa New York. Hindi na niya hihintayin na maisip pa ni Tyler na lagyan ulit ng bodyguard ang labas ng apartment niya baka lalo pang maantala ang kanilang pag-alis. Isang buwan na rin ang nakalipas simula ng lumipat sila ng apartment. Hindi muna siya tumakas dahil nilagyan ng mga bodyguard ni Tyler ang loob at labas ng apartment niya. Kinailangan pa muna niyang makuha ang tiwala nito na hindi niya itatakas ang kanilang anak. Inunahan na kasi siya ni Lezlie. Sinabihan nito na tatakas siya kasama si Daric upang lalong magalit sa kanya si Tyler. Ngayon, pinauwi na nito ang mga bodyguard dahil nakuha na niya ang buong tiwala nito. Kinuha niya ang cellphone mula sa kanyang handbag at ti
Napabalikwas ng bangon si Jeckaye ng marinig ang pagkalabog ng pintuan sa ibaba. Dahan-dahan siyang bumaba at sinilip mula sa doorbell camera kung sino ang tao sa labas ng pintuan. “Kaye,” mahinang boses ang narinig niya sa labas na tumatawag sa pangalan niya. Nagtaka siya ng napagtanto na si Tyler iyon. Sumandal siya sa may pintuan habang nakahawak sa kanyang dibdib. “Ano ang kailangan niya? Bakit siya bumalik?” takang tanong niya sa isip.“Kaye, I want to see my son.” muling bigkas nito. Nagbuga sya ng hangin bago buksan ang pinto. Pagbigyan na lang niya since ito na rin ang huling gabi na makita at makasama nito si Daric.“Hi,” Nakangiti nitong bungad sa kanya. Napansin niyang mag-isa lang ito at walang kasamang bodyguard.“Saan ang mga alalay mo?” tanong niya at tinalikuran ito. “Pinauwi ko na, distorbo lang sila.” sagot nito at pumasok na rin bago isara ang pinto.“Kung ganun ano ang ginagawa mo rito?” takang tanong niya. “Pwede mo naman bisitahin si Daric bukas ng umaga.“Wala