Tila naman naramdaman ni Lezlie ang pagtataka sa mga mata ni Tyler kaya inayos niyang muli ang aura niya at baka mahalata nito na wala talaga siyang sakit. Bweset kasi ang babaeng yun, inuubos talaga ang pasensya niya.
"I'm sorry. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit ako nagkakaganito. Siguro epekto ito ng mga gamot na iniinom ko. Medyo sumikip ang dibdib ko. Balik muna ako sa silid natin." Nagmamadali siyang bumalik sa kanilang silid. Naiwan si Tyler na nahihiwagaan sa inaakto ni Lezlie.Pagdating sa silid, Agad na kinuha ni Lezlie ang kanyang cellphone. Hindi na pwede ito. Namumula siya sa galit na tinawagan si Olivia."Bukas makalawa, ituloy natin ang plano. Kailangan ng mabura sa landas ko ang babaeng yan. Nararamdaman kong nahuhulog na ang loob ni Tyler sa kanya. Habang tumatagal lalong lumalantad ang sikreto ko." Kahit pabulong ang pagkakasabi niya bakas pa rin sa boses niya ang sobrang galit."Areglado Boss. Sabihin mo lang kung anong oras.""Hintayin mo ang text message ko." Agad na niyang pinatay ang tawag ng marinig ang mga yapak ng paa na papalapit sa kanilang silid."Ma'am, kukunin ko lang sana ang mga gamit ni Ma'am Jeckaye na hinatid ko kanina." Bungad ng driver.Tinaasan niya ito ng kilay. "Sabihin mo sa kanya siya ang pumunta rito. Wala siyang karapatan na utusan ang kahit sino sa loob ng mansyon dahil hindi naman siya ang nagpapasahod!""Okay lang naman sa akin na utusan niya Ma'am. Naintindihan ko naman po ang sitwasyon ni Ma'am Jeckaye dahil may anak siya." Paliwanag ni Mang Kulas."Sumasagot ka pa! Balikan mo siya at sabihin na siya ang kukuha rito!"Nakamot ni Mang Kulas ang ulo. Tumalima na lang siya at pinuntahan si Jeckaye.Ilang minuto ang nakalipas kasunod na niya ito na bumalik.Malapad ang ngisi ni Lezlie habang hinihintay ang paglapit ni Jeckaye."Mang Kulas, pasuyo na lang ako ng mga gamit namin." Pakiusap ni Jeckaye sa matanda."Hep..hep.." Agad na pigil ni Lezlie sa matanda. "Sinabi ko bang ikaw ang kukuha? Hayaan mo siyang damputin ang basura niya!"Kunot-noong binalingan ni Jeckaye ang babae. Kanina pa siya nanggigigil rito. Okay lang sana kung gamit niya lang ang kinukuha niya dahil hahayaan niya lang ito. Ngunit mga gamit ng anak niya ang mahalaga na makuha niya kaya kahit ayaw niyang lumabas ng silid ay tiniis niya dahil kailangan rin niyang bihisan ang anak."Oh! sorry, akin na ang baby mo para hindi ka na mahirapan na damputin ang mga basura ninyong mag-ina." Pang -iinis nito sa kanya dahilan upang patulan niya."Huwag mong subukang idikit ang mga kamay mo sa anak ko, sigurado akong gagaling 'yang cancer mo!" Pagbabanta niya rito.Ngunit sa halip na masindak ito, malakas na pagtawa pa ang kanyang narinig."Oh, I'm scared. Shhh.. Huwag maingay baka marinig ka ni Tyler. Hahaha! Akin na ang bata." Hindi niya alam kung bakit interesado ito sa anak niya. Pinipilit nitong kunin sa kanya ngunit ayaw niyang ibigay kaya ito umiyak. Galit niyang tinulak ito dahilan upang muntik na itong matumba. Nagtaka siya ng bigla na lang itong umiyak na para bang katapusan na ng buhay nito."What is this?"Sabay silang napatingin sa gawi ni Tyler ng marinig ang boses nito. Nakuyom ni Jeckaye ang kamao. Alam na niya kung bakit umiral na naman ang kadramahan ng babaeng ito. It turns out na nakita na nito si Tyler. Patakbo itong yumakap sa kanyang asawa."Babe, nahihirapan akong huminga. Sumasakit ang buong katawan ko. Pinuntahan ako ng babaeng 'yan upang saktan na naman. Good thing na nakita mo, kung hindi magsisinungaling na naman siya."Binalingan siya ni Tyler. Hinihintay nito na magsalita siya ngunit hindi niya ginawa. Bakit pa? Kung madalas kapag nagpapaliwanag siya, in the end si Lezlie pa rin ang pinapakinggan nito, kaya useless lang ang laway niya."Kaye, may sasabihin ka ba?"Bahagya siyang nagulat dahil sa tanong nito. Dati hindi man lang siya binibigyan ng pagkakataon na magpaliwanag. Ngunit ngayon hindi niya alam kung ano ang nangyari bakit bigla na iyong naging interesado sa paliwanag niya."Narinig mo ang sinabi niya," sagot niya dahilan upang mapakunot ito ng noo."Hindi mo man lang ba ipagtatanggol ang sarili mo?"Umangat siya ng mukha upang tingnan ang asawa. Ano ang nakain nito? Nakalunok ba ito ng konsensya at biglang nag-iba ang trato sa kanya?" Tanong niya sa sarili. "Ano ba ang gusto mong marinig? Nakita mismo ng dalawa mong mata na tinulak ko siya. Kailangan ko pa bang ipaliwanag kung bakit ko siya tinulak?"Dahil sa narinig tarantang inagaw ni Lezlie ang eksena."Babe, ano pa bang paliwanag ang sasabihin niya. Nakita mo na mismo na tinulak niya ako di ba?""Naghihintay ako, Kaye." Nanatiling napako ang tingin ni Tyler kay Jeckaye ngunit wala siyang sagot na nakuha mula rito. Napaisip tuloy siya kung ano ang ginawa niya sa nakaraan, bakit natatakot ito ngayon na pagkatiwalaan siya. Kaya niya tinanong dahil alam niyang may malalim na dahilan kung bakit nito tinulak si Lezlie. Karga nito si Daric at hindi nito gugustuhin makipag-away na walang dahilan. At saka bakit ba nandito ito ngayon? Napansin niya ang Driver sa tabi ng asawa. Alam niyang saksi ito sa mga nangyari. “Mang Kulas, anong nangyari?”“Ah…kwan Sir—”“Ngayon lang siya dumating Babe. Huwag mong idamay si Mang Kulas dahil wala siyang alam sa mga nangyari.” Agaw ni Lezlie sa gusto pa sanang sabihin ng matandang driver. Nagbabanta ang kanyang mga tingin na nagpapahiwatig huwag itong magsalita.“Lezlie, hayaan mong magsalita si Mang Kulas, bakit ka ba sagot ng sagot?” Malumanay ngunit halata ang iritasyon sa boses niya.Lihim na nanggangalaiti ang kalooban ni Lezlie. Muntik na siya. “Huwag ka lang magkamali tanda, isusunod talaga kita sa papatayin ko.” sa loob-loob niya.“Ah,Sir, gusto lang kasi ni Maam Jeckaye na kunin ang mga gamit nila ng anak n’yo kaya lang ayaw ibigay ni Maam Lezlie.” Pag-amin ng matanda dahilan upang pamulahan ng mukha si Lezlie.Binalingan ito ni Tyler. Mabilis naman sa ito sa pagkapit sa braso niya.“Babe, ang totoo niyan pinapunta ko lang kasi siya upang hindi ka na mahirapan na papirmahin siya sa Divorce paper. Ngunit sa halip na maintindihan niya ako, nagalit pa siya at heto pinagbuhatan pa niya ako ng kamay.SLAP!Gulat silang lahat ng makita ang pagsampal ni Jeckaye kay Lezlie sa harap mismo ni Tyler. Napahawak si Lezlie sa kanyang pisngi na namanhid dahil sa malakas na sampal ni Jeckaye.“Kaye!” sigaw ni Tyler at kunot noong hinawakan ang kamay ni Jeckaye. Binitawan niya rin agad ito ng makita ang nakakapaso na mga titig nito sa kanya."Nakita mo na ang ginawa ko, Tyler, kaya hayaan mo na kami ng anak mo bumalik sa apartment." Nakikiusap ito.Nakuyom ni Tyler ang kamao. Halatang nahihirapan siyang magdesisyon."Saka na natin pag-usapan yan Kaye. Ang tanong ko ang dapat mong sagutin. Nagalit ka ba kay Lezlie dahil sa divorce paper?" Hindi niya maintindihan kung bakit pa niya ito itinatanong. Maliwanag naman na gusto nilang maghiwalay sa isa't-isa. Ngunit bakit mayroon siyang naramdaman na umaasa siyang makiusap ito sa kanya."I will sign the divorce paper, Where is it?" Walang ekspresyon nitong sagot dahilan upang mapaawang ang kanyang mga labi.Hindi makapagsalita si Tyler ng hingiin ni Jeckaye ang Divorce paper. Pinagmasdan niya itong mabuti. Ang dating Kaye na nakilala niya, puno ng buhay ang mga mata. Kahit na hindi ito nakangiti, makikita niyang kuntento na ito kapag magkasama sila. Kahit na minsan nagagalit siya rito pero nasanay siyang ito ang unang pupunta sa kanya at humingi ng sorry. Masasabi niyang sa loob ng siyam na buwan, naging mabait ito sa kanya. Mas naramdaman pa nga niya ang pag-aalaga nito noong mga panahon na nagkasakit siya. Naintindihan naman niyang hindi iyon magawa ni Lezlie dahil masama pa ang loob nito sa kanya noon. Ngunit alam rin niya kung ano ang pinagdaanan ng girlfriend niya. Masakit rin ang ginawa niyang panloloko rito. Ngayon na ang tamang panahon para makabawi siya sa nobya. Tila natauhan siya sa isiping iyon kaya binalingan niya si Dennis na ngayon ay nakatayo na rin at nanonood sa kanila."Kunin mo ang Divorce paper sa loob ng library." Agad naman na tumalima si Dennis at pumasok sa libr
"Kaye, gabi na. Baka mapano ang bata." Sigaw niya habang hinahabol ito."Huwag kang mag-alala. Walang mangyayari sa kanya." Sagot din ni Jeckaye habang patuloy sa paglalakad."Dammit, Kaye!" Sigaw niya at mas lalo pang nilakihan ang paghakbang pababa ng hagdan. "Ako na ang magdadrive Mang Kulas." Pahabol niyang wika sa matanda ng makita na pumasok na si Kaye sa loob ng kotsr. Inagaw niya ang susi mula sa kamay ng driver at siya na ang pumasok sa loob ng driver seat.Nalilito man si Jeckaye sa inaakto ngayon ni Tyler, ngunit balewala iyon sa kanya. Basta masaya siya dahil sa wakas malaki na ang chance na maitakas niya ang anak. Hinayaan na lang niya na ipagdrive sila nito.Samantalang si Lezlie, ngayon pa lang natauhan. Nakalimutan niyang may sakit siya dahil mabilis siyang tumakbo pababa ng hagdan. "Tyler!" Malakas niyang sigaw ng makita na umalis din ito at pinagdrive pa ang mag-ina. Lalo siyang nagalit.Umabot na sa sukdulan ang galit niya. Kailangan na niyang burahin sa landas niya
Sumilip si Jeckaye sa bahagyang nakaawang na bintana. Mula sa kanyang kinatatayuan matatanaw niya ang papalayong sasakyan ni Tyler. “I’m sorry Tyler, ngunit kailangan kong gawin ito.” Nagbabadya ang kanyang mga mata na bumalik sa kama upang umupo. Ngayon na ang tamang panahon upang umuwi sila ng kanyang anak sa New York. Hindi na niya hihintayin na maisip pa ni Tyler na lagyan ulit ng bodyguard ang labas ng apartment niya baka lalo pang maantala ang kanilang pag-alis. Isang buwan na rin ang nakalipas simula ng lumipat sila ng apartment. Hindi muna siya tumakas dahil nilagyan ng mga bodyguard ni Tyler ang loob at labas ng apartment niya. Kinailangan pa muna niyang makuha ang tiwala nito na hindi niya itatakas ang kanilang anak. Inunahan na kasi siya ni Lezlie. Sinabihan nito na tatakas siya kasama si Daric upang lalong magalit sa kanya si Tyler. Ngayon, pinauwi na nito ang mga bodyguard dahil nakuha na niya ang buong tiwala nito. Kinuha niya ang cellphone mula sa kanyang handbag at ti
Napabalikwas ng bangon si Jeckaye ng marinig ang pagkalabog ng pintuan sa ibaba. Dahan-dahan siyang bumaba at sinilip mula sa doorbell camera kung sino ang tao sa labas ng pintuan. “Kaye,” mahinang boses ang narinig niya sa labas na tumatawag sa pangalan niya. Nagtaka siya ng napagtanto na si Tyler iyon. Sumandal siya sa may pintuan habang nakahawak sa kanyang dibdib. “Ano ang kailangan niya? Bakit siya bumalik?” takang tanong niya sa isip.“Kaye, I want to see my son.” muling bigkas nito. Nagbuga sya ng hangin bago buksan ang pinto. Pagbigyan na lang niya since ito na rin ang huling gabi na makita at makasama nito si Daric.“Hi,” Nakangiti nitong bungad sa kanya. Napansin niyang mag-isa lang ito at walang kasamang bodyguard.“Saan ang mga alalay mo?” tanong niya at tinalikuran ito. “Pinauwi ko na, distorbo lang sila.” sagot nito at pumasok na rin bago isara ang pinto.“Kung ganun ano ang ginagawa mo rito?” takang tanong niya. “Pwede mo naman bisitahin si Daric bukas ng umaga.“Wala
“Mga Ogag, sandali!” Tumigil sa paghatak sa kanya ang limang lalaki mula sa loob ng taxi ng marinig ang pagsigaw ng isang babae. Lumingon ang mga ito. “Boss Olivia,” tawag ng isa. “Dahan-dahanin ninyo ang paghila sa kanya baka mapano ang bata. Kailangan yan ni Madam Lezlie. Bahala na kayo sa babae yan ang utos ni Boss Tyler.Nanilim bigla ang aura ni Jeckaye ng marinig ang sinabi ni Olivia. Ibig sabihin pakana itong lahat ng dalawa? Bigla siyang nahihirapan huminga. Hindi niya lubos akalain na umabot sa ganito ang gagawin sa kanya ng dalawa. Posibleng gawin ito sa kanya ni Lezlie ngunit si Tyler? Ano ang dahilan nito upang gawin ito sa kanya? Dahil ba natatakot itong itakas niya ang bata? Possible ngang isa iyon sa mga rason. "I want to feel you Kaye," bigla na naman niyang narinig ang mga katagang iyon na binigkas ni Tyler mula sa sulok ng isipan niya. Sa pangalawang pagkakataon pinatunayan nito sa kanya na isang pagkakamali na inibig niya ito. Humawak siya sa handle ng kotse ng ma
Bigla siyang nakaramdam ng takot na baka iniwan na siya nito. Nasulyapan niya ang picture frame sa wall. Kinuha niya iyon. Larawan ito ng kasal nila ni Jeckaye. Ngunit picture na lang niya ang naiwan dahil punit na ito. Lalong naging masama ang kutob niya. Para na siyang iiyak. Maraming pumapasok sa isipan niya. Sa buong buhay niya ngayon pa lang siya nakaramdam ng takot na mawala ito sa buhay niya. “Kaye!” napaluhod siya sa loob ng silid nito ng makita ang isang pirasong lampin ng anak sa kama. “Daric,” usal niya habang yakap ang lampin nito. Napansin niya ang nakatuping papel na nalaglag sa sahig ng hilahin niya ang lampin. Nagtataka niyang dinampot iyon at binuklat. “Tyler, I’m sorry, Alam kong mali na inilayo ko sa’yo si Daric, ngunit ito lang ang tanging paraan upang mabigyan ko ng katahimikan ang pagsasama ninyong dalawa ni Lezlie. Kung mayroong man tama sa maling gabi natin noon, yun ay ang anak natin. Dahil sa kanya nagkaroon ako ng lakas upang harapin ang lahat ng pagsubok
“Dennis, ano tinawagan mo na ba ang lahat na mga shipping lines?” puno ng pag-alala ang boses niya. “Yes, boss ngunit wala siyang booking doon. Baka sa airlines Boss.” suhestiyon ni Dennis.Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga. “Walang bakas ni Kaye sa airport. Hindi rin siya nakapag book ng ticket. Ngunit nakita ko sa cctv footage ng kanyang apartment na lumabas siya dala ang aming anak at sumakay sa taxi. Wala ring plate number ang taxi.”“Possible naman na walang plate number Boss. Hindi kaya–” Hindi na natapos ni Dennis ang pagsasalita ng biglang nag pop-up sa phone screen niya ang numero ng ospital kung saan nanganak noon si Kaye.“Sandali sagutin ko na muna ito.” Paalam niya kay Dennis. Nilipat niya ang koneksyon ng linya sa telepono ng ospital.“Can I speak with Mr. Tyler Hanes?”“Speaking.” agad niyang sagot.“We would like to inform you that your child has been admitted to our hospital.”“Wha–What did you say?” Muli niyang pinaulit ang sinabi ng kabilang linya.
“Ganun ba kalala ang sinapit niya? Paano ko malalaman na siya ang ina ng anak ko kung hindi ako papasok sa silid niya?” Nagbuga ito ng hangin habang nakatingin sa kanya. “Alright, may iba pang paraan. Medyo risky on my part, dahil matatanggalan ako ng lisensya kapag nalaman sa taas ang gagawin natin na ito.” “Please do me a favor, Doctor Madrid. Help me to see her.” “Sumunod ka sa akin.” Pasimple silang dalawa na lumabas ng silid. “Tyler, saan ka pupunta?” Tanong ni Lezlie ng nakasalubong niya ito sa labas ng pintuan. Malandi pa nitong pinulupot ang mga kamay sa kanyang braso. Pasimple niyang tinanggal ito na tila ba naasiwa siya. “Mayroon lang kaming pag-uusapan ni Doctor Madrid.” Tama naman ang pagdating ni Dennis dahil tinawagan niya ito kanina na pumunta ng ospital. “Look after my son. Babalik ako.” utos niya rito bago sumunod sa likuran ni Doctor Madrid. Lihim na nagkatinginan si Olivia at Lezlie. Nahihiwagaan sila sa inaakto ni Tyler. Nagdududa ba ito sa kanila kaya pinaba