Bigla siyang nakaramdam ng takot na baka iniwan na siya nito. Nasulyapan niya ang picture frame sa wall. Kinuha niya iyon. Larawan ito ng kasal nila ni Jeckaye. Ngunit picture na lang niya ang naiwan dahil punit na ito. Lalong naging masama ang kutob niya. Para na siyang iiyak. Maraming pumapasok sa isipan niya. Sa buong buhay niya ngayon pa lang siya nakaramdam ng takot na mawala ito sa buhay niya. “Kaye!” napaluhod siya sa loob ng silid nito ng makita ang isang pirasong lampin ng anak sa kama. “Daric,” usal niya habang yakap ang lampin nito. Napansin niya ang nakatuping papel na nalaglag sa sahig ng hilahin niya ang lampin. Nagtataka niyang dinampot iyon at binuklat. “Tyler, I’m sorry, Alam kong mali na inilayo ko sa’yo si Daric, ngunit ito lang ang tanging paraan upang mabigyan ko ng katahimikan ang pagsasama ninyong dalawa ni Lezlie. Kung mayroong man tama sa maling gabi natin noon, yun ay ang anak natin. Dahil sa kanya nagkaroon ako ng lakas upang harapin ang lahat ng pagsubok
“Dennis, ano tinawagan mo na ba ang lahat na mga shipping lines?” puno ng pag-alala ang boses niya. “Yes, boss ngunit wala siyang booking doon. Baka sa airlines Boss.” suhestiyon ni Dennis.Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga. “Walang bakas ni Kaye sa airport. Hindi rin siya nakapag book ng ticket. Ngunit nakita ko sa cctv footage ng kanyang apartment na lumabas siya dala ang aming anak at sumakay sa taxi. Wala ring plate number ang taxi.”“Possible naman na walang plate number Boss. Hindi kaya–” Hindi na natapos ni Dennis ang pagsasalita ng biglang nag pop-up sa phone screen niya ang numero ng ospital kung saan nanganak noon si Kaye.“Sandali sagutin ko na muna ito.” Paalam niya kay Dennis. Nilipat niya ang koneksyon ng linya sa telepono ng ospital.“Can I speak with Mr. Tyler Hanes?”“Speaking.” agad niyang sagot.“We would like to inform you that your child has been admitted to our hospital.”“Wha–What did you say?” Muli niyang pinaulit ang sinabi ng kabilang linya.
“Ganun ba kalala ang sinapit niya? Paano ko malalaman na siya ang ina ng anak ko kung hindi ako papasok sa silid niya?” Nagbuga ito ng hangin habang nakatingin sa kanya. “Alright, may iba pang paraan. Medyo risky on my part, dahil matatanggalan ako ng lisensya kapag nalaman sa taas ang gagawin natin na ito.” “Please do me a favor, Doctor Madrid. Help me to see her.” “Sumunod ka sa akin.” Pasimple silang dalawa na lumabas ng silid. “Tyler, saan ka pupunta?” Tanong ni Lezlie ng nakasalubong niya ito sa labas ng pintuan. Malandi pa nitong pinulupot ang mga kamay sa kanyang braso. Pasimple niyang tinanggal ito na tila ba naasiwa siya. “Mayroon lang kaming pag-uusapan ni Doctor Madrid.” Tama naman ang pagdating ni Dennis dahil tinawagan niya ito kanina na pumunta ng ospital. “Look after my son. Babalik ako.” utos niya rito bago sumunod sa likuran ni Doctor Madrid. Lihim na nagkatinginan si Olivia at Lezlie. Nahihiwagaan sila sa inaakto ni Tyler. Nagdududa ba ito sa kanila kaya pinaba
Hindi alam ni Tyler kung ilang oras na siyang nakatulala habang nakaupo sa driver seat ng kanyang sasakyan. Hanggang ngayon hindi pa rin niya matanggap na wala na si Kaye sa tabi niya. Bakit kung saan pa na handa na siyang sabihin rito ang totoong nararamdaman niya saka pa siya pinagkaitan ng tadhana. Ang tanga niya sobra. Asawa na niya si Kaye ngunit hiniwalayan pa niya. “Napakagago ko! Pvtang Ina!” BeeeeeeepppSa sobrang hampas niya ng manibela, umingay ng malakas ang busina ng sasakyan niya. Patuloy pa rin siya sa pag-iyak sa sobrang pagsisisi. Idinikit niya ang noo sa manibela habang inaalala lahat ng pagkakamali niya.Siguro kung nanindigan siya sa totoo niyang naramdaman, malamang hindi nangyari yun kay Kaye. Ngunit sino ang may gawa nun sa kanya? Kung naisin ni Kaye na umalis sa piling niya, sino naman ang taong nagtangka sa buhay nito? Bakit alam ng taong yun ang lahat ng mga galaw ni Kaye? At sino ang taong tumulong kay Kaye? Ayaw niyang isipin na iiwan siya ni Kaye dahil s
TWO WEEKS LATER…. “Dennis!” Gulat na napalingon si Dennis ng marinig ang boses ni Lezlie. Mabilis ang mga hakbang nito na pumasok din sa loob ng elevator kasama niya. Bumaba ang tingin nito sa puting envelope na hawak niya sa kamay. “Naku lagot,” usal ni Dennis sa sarili niya. Kabilin-bilinan ng kanyang Boss na huwag ipaalam kay Lezlie ang tungkol sa pag-alis nito. “Ano ang dala mo?” “Patay,” Hindi nga siya nagkamali. Nagtanong nga ito. Mabilis niyang tinago sa kanyang likuran ang puting envelope na may laman na ticket. “Akin na, patingin.” utos nito sa kanya at gustong agawin ang envelope mula sa kamay niya. Ngunit hindi niya hinayaan na mangyari iyon. “Wala po ito Mam. None of your business.” Namumutlang wika niya. “Gusto mo bang sampalin kita para magkaroon ako ng business sa’yo?” Galit nitong sagot sa kanya. Akmang kukunin muli ang ticket sa kamay niya mabuti na lang nagbukas ang elevator. “Jusko, Amen,” usal niya sa sobrang pasasalamat dahil niligtas siya ng elevator. Ma
“Wife,” Hinalikan ni Allaric si Jayna sa labi pumasok na sila sa loob ng mansyon. Hindi pa ito nakuntento pati ang malaking tiyan nito ay hinalikan na rin niya. “Siya nga pala, may kasama akong kaibigan, si Tyler.” Pagpapakilala niya habang nakaakbay sa asawa. Ngumiti si Tyler at naglahad ng kamay kay Jayna na tinanggap naman nito. Napansin niyang malaki na ang tiyan nito ngayon. Mukhang ilang buwan na lang manganganak na. Bigla siyang nakaramdam ng lungkot ng maalala ang mga buwan na buntis pa lang si Jeckaye. Hindi man lang niya pinaramdam ang pagiging ama niya kay Daric nang sa loob pa lang ito ng sinapupunan. Lalong bumigat ang dibdib niya habang pinapanood ang sweetness at saya ng dalawa sa harapan niya. Umaasa siyang darating din ang araw na maranasan nila ni Kaye ang tulad nito. “Wow, ang cute ng baby.” Kinuha ni Jayna si Daric mula sa likuran ni Tyler ng makita nyang gising na ito. “Ang laki mo, nakakagigil.” Panay ang halik niya sa pisngi ni Daric sa sobrang gigil niya. “
“Bro, pasensya na. Nasa opisina ka dapat ngayon, pero inabala pa kita.” Tinanggal niya ang kanyang seatbelt ng makarating na sila sa harap ng Amarah Hospital sa Washington Northeast Branch. “Sinabi ko na Bro, wala talagang problema sa akin. Nakahanda akong tulungan ka. Ngunit hindi ko kayang hawakan si Denver dahil malakas din ang kapangyarihan niya sa New York. Kung tutuusin kaya mo naman eh. Bakit ayaw mong gamitin ang pwersa mo dito sa New York?” “Hindi ko pwedeng gamitin ang pwersa na mayroon ako dito sa New York para lang labanan ang kapatid ni Kaye. Naintindihan ko ang pinagdaanan niya. Baka mas lalo lang magalit Kaye sa akin kapag nalaman niyang kinalaban ko ang mga Kuya niya. Malaki nga ang pasasalamat ko sayo dahil maaga kong nalaman ang background ni Kaye. Second Option ko ang paggamit ng kapangyarihan ko sa New York para lang makita si Kaye. Ngunit ayaw kong makarating sa mga magulang ko ang kahibangan ko kapag ginawa ko yun. Kaya ikaw muna ang una kong nilapitan dahil hin
6 MONTHS LATER“Boss, may bisita ka.” Umangat ng mukha si Allaric upang tingnan kung sino ang bisita na sinasabi ni Troy. “Oh, Bro, ikaw pala.” Bahagya siyang nagulat ng bumisita ito sa kanyang opisina. Anim na buwan na ang nakalipas simula ng umalis ito sa kanyang mansyon. Kahit ayaw niya ginalang na lang niya ang desisyon nito na umalis. “Saan ang inaanak ko, hindi mo yata kasama?” dagdag niyang tanong ng umupo ito sa harapan ng table niya.“Nasa Condo. Iniwan ko muna sa yaya Nurse niya. May mga bodyguard naman akong iniwan doon kaya kampante naman akong iwan siya.” Nakangiting sagot ni Tyler.“Mukhang nahulaan ko na ang sinadya mo rito sa opisina ko.” “Hindi ka nga nagkamali, Bro.” mapakla siyang ngumiti halatang problemado.“Ano ba ang maitutulong ko?” Sandali munang itinigil nito ang pagtipa sa laptop at itinuon ang buong atensyon sa kanya.“Hindi ko na siya mahanap.” Naiiyak niyang sagot.“Si Jeckaye?” pagkumpirma nito.Bahagya siyang tumango. “Simula ng una’t huling punta na