PA WELCOME BACK NI OTOR ANG GOLDEN PANTY NI AMOR. HEHE.. MARAMING SALAMAT.
Tiningnan ni Amor ang oras sa suot niyang wrist watch. Matagal pa bago ang oras ng kanyang flight. Hindi na kasi niya naabutan ang flight nang isang eroplano papuntang Denmark. Kakaalis lang nito. Mayroong flight na papuntang Pilipinas kaya iyon na lang ang sinakyan niya kaysa maabutan pa siya ng mga tauhan ng mommy niya. Subukan nyang makipagsapalaran sa bansang pilipinas kahit pa na wala siyang kakilala doon maliban sa Kuya Tyler niya. Ngunit kasalukuyang nasa honeymoon stage pa ngayon ang Kuya niya sa New York. Ayaw naman niya itong istorbohin.Tulad nga ng sinabi ng pinoy na taxi driver, ang panginoon na lang ang bahala sa lahat basta’t manalig lang siya. Nakaramdam siya ng pagka-ihi kaya nagpasya siyang pumunta muna sa cr. Habang naglalakad napangiwi siya. Pilit niyang inaayos ang kanyang mga hakbang upang hindi mahalata na kanina pa sumasakit ang mga loob ng perlas niya. Hindi naman siya inosente sa kakaibang nararamdaman niya dahil nawarak na ni Denver ang puki niya. May kara
“Dito ang magiging silid mo. Pasensya ka na at maliit lang kung ikumpara sa kwarto mo sa states.” nahihiyang wika ni Chris nang buksan na niya ang pintuan ng magiging silid ni Amor.Masayang ngumiti si Amor. “Ano ka ba Kuya Chris, malaki na nga itong room na binigay mo sa akin eh. Magrereklamo pa ba ako, eh ako na nga itong nag-abala pa sa’yo.” Pumasok siya sa loob upang igala ang paningin.“Kung hindi lang dahil iniwan ka sa akin ni Boss, abah hayaan na lang kita sa tabi ng kalsada.” Sinabayan pa nito ng palatak na tawa.Nakasimangot na tinapunan ng masamang tingin ni Amor ang lalaki. “Kuya Chris, grave ka sa akin ah. Ang sama mo.” Nagkunwari siyang nagtatampo. Lalo namang pumalatak ng tawa ang binata.“O siya.. sige na. Iiwan na muna kita rito. Ikaw na ang bahala nitong magiging silid mo. Kung may kailangan ka huwag kang mahiyang lumapit sa akin.” Akmang tatalikod na ito ng tawagin niya.“Ahmmm…Kuya Chris.”“Yes?” Nagtatanong ang mga mata ng binata habang nakatingin sa kanya.Nahihi
“May dahilan ba?” tanong niya. Matagal na hindi nakasagot si Denver. “Wala..” tipid niyang sagot. “Kuya, kilala na kita. Huwag mo ng subukan pa na itago sa akin ang nararamdaman mo dahil halatang-halata na. Bakit ka pupunta ng pilipinas?” “Tim, mahalaga pa bang sabihin ko sa’yo ang dahilan? Kaya kita pinapunta rito para mabigyan ka ng instruction. You will act as a chairman on my behalf–” “No..” Agad na putol ni Tim sa pagsasalita ng Kuya niya. “Bakit ko naman gagawin yan kung hindi ko alam ang rason ng biglaang desisyon mo. Bigyan mo muna ako ng sapat na rason kung bakit kailangan kong sundin ang utos mo.” Nagtagis ang bagang ni Denver. “Tim, ngayon lang ako humingi ng pabor para sa kumpanya. Ngayon lang ako nagkaroon ng desisyon para sa sarili ko.” Sandaling tumahimik si Tim at pinagmasdan ng maigi ang Kuya niya. Kilala niya ang Kuya niya mula noon pa. Kahit na sintapang nito ang kalaban sa negosyo kahit kailan hindi niya ito nakikita na parang nawalan ng buhay. Ngayon parang m
"Ma'am, your cervix is closed to 10 cm before your v*ginal delivery." Mula sa loob ng delivery room, makikitang nakahiga si Jeckaye sa isang stretcher bed. Panay ang himas niya sa tiyan upang maibsan ang pananakit nito. Binalingan niya ang Doctor. Nakita niya itong nakatuon ang atensyon sa hawak niyang cellphone. "Wala pa rin ba ang mister mo?" Pilit siyang ngumiti upang hindi nito mahalata ang nagbabadyang luha sa kanyang mga mata. "Parating na siya Doc." Pagsisinungaling niya ngunit ang totoo hindi niya alam kung darating pa ba ito. Muli na naman niyang tiningnan ang inbox sa cellphone. Umaasa na may mabasang mensahe mula sa kanyang asawa. Kanina pa niya tinatawagan si Tyler ngunit hindi nito sinasagot. Gusto lang naman niyang puntahan siya nito sa ospital dahil ngayon ang araw na manganganak siya. Ngunit walang Tyler na dumating. Kahit sa mga ganitong sandali, pinaramdam nito na hindi sila mahalaga ng anak niya. Hindi niya mapigilan ang kusang pagbagsak ng kanyang mga luha. Ano
Dahil sa magkasunod na tanong sa Doctor agad itong nahimasmasan.“Ahh ha? Ah..ito ang anak n’yo Sir.” Tarantang tinuro niya ang bata na bagong lagay niya sa baby bed.Biglang napalis ang pagkayamot sa mukha ni Tyler ng makita ang anak niya. Matapos niyang magdis-infect ng kamay, agad niyang kinarga ang sanggol.“Boss, akala ko dati ayaw mo ng anak?” Hindi nakatiis si Dennis na tanungin siya.Salubong ang kilay na tinapunan niya ito ng tingin. "When did you become interested in my private life?"Nakamot ni Dennis ang ulo at hindi nagawang makasagot sa kanyang Boss. “Kunin mo ang mga pinamili ko sa kotse.” Lumabas siya habang karga pa rin ang bata. Sumunod naman sa likuran niya si Dennis upang kunin ang kanyang pinamili."Tyler Hanes! Idol!""Pwedeng magpapicture?"As usual, nakuha na naman ni Tyler Hanes ang atensyon ng lahat sa loob ng ospital ng makita siya. Pinalabas niya ang kanyang nakakaakit na mga ngiti na kinababaliwan ng lahat. Nagtilian ang mga kababaihan na nangangarap na m
Kaya nga siya na lang ang nag-aadjust upang makaiwas sa gulo. Okay lang noon dahil solo katawan siya. Ngunit ngayon kailangan na niyang protektahan ang anak maliban sa sarili niya. Hindi niya hawak ang utak ni Lezlie. Kung nagawan siya nito ng masama noon, hindi malayo na gagawin din nito ulit yun. Isa pa sa kinakatakot niya ang nangyari after niyang manganak. Alam niyang may nagtakip ng ilong niya kaya nawalan siya ng malay. Malaki ang pasasalamat niya at nandito pa ang anak niya. Isa pa iyon sa lihim niyang imbestigahan. Kapag sinabi niya ito kay Tyler hindi naman soya paniniwalaan dahil wala namang nangyari sa kanya. Isiniksik ni Lezlie sa utak nito na mahilig siyang gaunawa gawa ng kwento kaya iyon ang paniniwala ng asawa niya. Hindi na siya nakipag argumento pa kay Tyler. Baka isipin pa nito na kukunin ang anak sa kanya. Baka lalo lang silang magkagulo. "Fine," tipid niyang sagot. Makalipas ang tatlong araw, lumabas na rin sila sa ospital dahil healthy naman si Daric at walang
Hindi na siya nagulat kung alam nito ang mga nangyayari sa kanya. Lima silang magkakapatid. Siya ang bunso sa lahat at nag-iisang babae kaya sobrang mahal na mahal siya ng mga ito. Una siyang umuwi ng Pilipinas after she found out na naaksidente ang kanyang mga magulang dahil naambush sa daan. Sa sobrang sakit ng pagkawala ng mga ito, pumunta siya sa bar at naglasing mag-isa. She is a loner person kaya wala siyang best friend na matatawag. Sa katayuan nila sa buhay hindi siya nawawalan ng kaibigan dahil ang iba, kusang lumalapit sa kanya kahit hindi niya kilala. Ngunit hanggang doon lang siya, nakikipagkaibigan din ngunit hindi literal na masasabing best friend. Lumaki siyang puno ng pagmamahal ng kanyang pamilya. Spoiled princess sa apat na kuya niya at baby girl pagdating sa kanyang ama at ina. Kaya sobra siyang nasaktan ng mawala ang mga ito ng biglaan. Hindi niya rin alam sa sarili niya kung bakit na lasing siya sa bar at gustong gamutin ang init ng kanyang katawan kaya niya natagp
Tila naman naramdaman ni Lezlie ang pagtataka sa mga mata ni Tyler kaya inayos niyang muli ang aura niya at baka mahalata nito na wala talaga siyang sakit. Bweset kasi ang babaeng yun, inuubos talaga ang pasensya niya. "I'm sorry. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit ako nagkakaganito. Siguro epekto ito ng mga gamot na iniinom ko. Medyo sumikip ang dibdib ko. Balik muna ako sa silid natin." Nagmamadali siyang bumalik sa kanilang silid. Naiwan si Tyler na nahihiwagaan sa inaakto ni Lezlie. Pagdating sa silid, Agad na kinuha ni Lezlie ang kanyang cellphone. Hindi na pwede ito. Namumula siya sa galit na tinawagan si Olivia. "Bukas makalawa, ituloy natin ang plano. Kailangan ng mabura sa landas ko ang babaeng yan. Nararamdaman kong nahuhulog na ang loob ni Tyler sa kanya. Habang tumatagal lalong lumalantad ang sikreto ko." Kahit pabulong ang pagkakasabi niya bakas pa rin sa boses niya ang sobrang galit. "Areglado Boss. Sabihin mo lang kung anong oras." "Hintayin mo ang t