Hindi na siya nagulat kung alam nito ang mga nangyayari sa kanya. Lima silang magkakapatid. Siya ang bunso sa lahat at nag-iisang babae kaya sobrang mahal na mahal siya ng mga ito. Una siyang umuwi ng Pilipinas after she found out na naaksidente ang kanyang mga magulang dahil naambush sa daan. Sa sobrang sakit ng pagkawala ng mga ito, pumunta siya sa bar at naglasing mag-isa. She is a loner person kaya wala siyang best friend na matatawag. Sa katayuan nila sa buhay hindi siya nawawalan ng kaibigan dahil ang iba, kusang lumalapit sa kanya kahit hindi niya kilala. Ngunit hanggang doon lang siya, nakikipagkaibigan din ngunit hindi literal na masasabing best friend. Lumaki siyang puno ng pagmamahal ng kanyang pamilya. Spoiled princess sa apat na kuya niya at baby girl pagdating sa kanyang ama at ina. Kaya sobra siyang nasaktan ng mawala ang mga ito ng biglaan. Hindi niya rin alam sa sarili niya kung bakit na lasing siya sa bar at gustong gamutin ang init ng kanyang katawan kaya niya natagp
Tila naman naramdaman ni Lezlie ang pagtataka sa mga mata ni Tyler kaya inayos niyang muli ang aura niya at baka mahalata nito na wala talaga siyang sakit. Bweset kasi ang babaeng yun, inuubos talaga ang pasensya niya. "I'm sorry. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit ako nagkakaganito. Siguro epekto ito ng mga gamot na iniinom ko. Medyo sumikip ang dibdib ko. Balik muna ako sa silid natin." Nagmamadali siyang bumalik sa kanilang silid. Naiwan si Tyler na nahihiwagaan sa inaakto ni Lezlie. Pagdating sa silid, Agad na kinuha ni Lezlie ang kanyang cellphone. Hindi na pwede ito. Namumula siya sa galit na tinawagan si Olivia. "Bukas makalawa, ituloy natin ang plano. Kailangan ng mabura sa landas ko ang babaeng yan. Nararamdaman kong nahuhulog na ang loob ni Tyler sa kanya. Habang tumatagal lalong lumalantad ang sikreto ko." Kahit pabulong ang pagkakasabi niya bakas pa rin sa boses niya ang sobrang galit. "Areglado Boss. Sabihin mo lang kung anong oras." "Hintayin mo ang t
Hindi makapagsalita si Tyler ng hingiin ni Jeckaye ang Divorce paper. Pinagmasdan niya itong mabuti. Ang dating Kaye na nakilala niya, puno ng buhay ang mga mata. Kahit na hindi ito nakangiti, makikita niyang kuntento na ito kapag magkasama sila. Kahit na minsan nagagalit siya rito pero nasanay siyang ito ang unang pupunta sa kanya at humingi ng sorry. Masasabi niyang sa loob ng siyam na buwan, naging mabait ito sa kanya. Mas naramdaman pa nga niya ang pag-aalaga nito noong mga panahon na nagkasakit siya. Naintindihan naman niyang hindi iyon magawa ni Lezlie dahil masama pa ang loob nito sa kanya noon. Ngunit alam rin niya kung ano ang pinagdaanan ng girlfriend niya. Masakit rin ang ginawa niyang panloloko rito. Ngayon na ang tamang panahon para makabawi siya sa nobya. Tila natauhan siya sa isiping iyon kaya binalingan niya si Dennis na ngayon ay nakatayo na rin at nanonood sa kanila."Kunin mo ang Divorce paper sa loob ng library." Agad naman na tumalima si Dennis at pumasok sa libr
"Kaye, gabi na. Baka mapano ang bata." Sigaw niya habang hinahabol ito."Huwag kang mag-alala. Walang mangyayari sa kanya." Sagot din ni Jeckaye habang patuloy sa paglalakad."Dammit, Kaye!" Sigaw niya at mas lalo pang nilakihan ang paghakbang pababa ng hagdan. "Ako na ang magdadrive Mang Kulas." Pahabol niyang wika sa matanda ng makita na pumasok na si Kaye sa loob ng kotsr. Inagaw niya ang susi mula sa kamay ng driver at siya na ang pumasok sa loob ng driver seat.Nalilito man si Jeckaye sa inaakto ngayon ni Tyler, ngunit balewala iyon sa kanya. Basta masaya siya dahil sa wakas malaki na ang chance na maitakas niya ang anak. Hinayaan na lang niya na ipagdrive sila nito.Samantalang si Lezlie, ngayon pa lang natauhan. Nakalimutan niyang may sakit siya dahil mabilis siyang tumakbo pababa ng hagdan. "Tyler!" Malakas niyang sigaw ng makita na umalis din ito at pinagdrive pa ang mag-ina. Lalo siyang nagalit.Umabot na sa sukdulan ang galit niya. Kailangan na niyang burahin sa landas niya
Sumilip si Jeckaye sa bahagyang nakaawang na bintana. Mula sa kanyang kinatatayuan matatanaw niya ang papalayong sasakyan ni Tyler. “I’m sorry Tyler, ngunit kailangan kong gawin ito.” Nagbabadya ang kanyang mga mata na bumalik sa kama upang umupo. Ngayon na ang tamang panahon upang umuwi sila ng kanyang anak sa New York. Hindi na niya hihintayin na maisip pa ni Tyler na lagyan ulit ng bodyguard ang labas ng apartment niya baka lalo pang maantala ang kanilang pag-alis. Isang buwan na rin ang nakalipas simula ng lumipat sila ng apartment. Hindi muna siya tumakas dahil nilagyan ng mga bodyguard ni Tyler ang loob at labas ng apartment niya. Kinailangan pa muna niyang makuha ang tiwala nito na hindi niya itatakas ang kanilang anak. Inunahan na kasi siya ni Lezlie. Sinabihan nito na tatakas siya kasama si Daric upang lalong magalit sa kanya si Tyler. Ngayon, pinauwi na nito ang mga bodyguard dahil nakuha na niya ang buong tiwala nito. Kinuha niya ang cellphone mula sa kanyang handbag at ti
Napabalikwas ng bangon si Jeckaye ng marinig ang pagkalabog ng pintuan sa ibaba. Dahan-dahan siyang bumaba at sinilip mula sa doorbell camera kung sino ang tao sa labas ng pintuan. “Kaye,” mahinang boses ang narinig niya sa labas na tumatawag sa pangalan niya. Nagtaka siya ng napagtanto na si Tyler iyon. Sumandal siya sa may pintuan habang nakahawak sa kanyang dibdib. “Ano ang kailangan niya? Bakit siya bumalik?” takang tanong niya sa isip.“Kaye, I want to see my son.” muling bigkas nito. Nagbuga sya ng hangin bago buksan ang pinto. Pagbigyan na lang niya since ito na rin ang huling gabi na makita at makasama nito si Daric.“Hi,” Nakangiti nitong bungad sa kanya. Napansin niyang mag-isa lang ito at walang kasamang bodyguard.“Saan ang mga alalay mo?” tanong niya at tinalikuran ito. “Pinauwi ko na, distorbo lang sila.” sagot nito at pumasok na rin bago isara ang pinto.“Kung ganun ano ang ginagawa mo rito?” takang tanong niya. “Pwede mo naman bisitahin si Daric bukas ng umaga.“Wala
“Mga Ogag, sandali!” Tumigil sa paghatak sa kanya ang limang lalaki mula sa loob ng taxi ng marinig ang pagsigaw ng isang babae. Lumingon ang mga ito. “Boss Olivia,” tawag ng isa. “Dahan-dahanin ninyo ang paghila sa kanya baka mapano ang bata. Kailangan yan ni Madam Lezlie. Bahala na kayo sa babae yan ang utos ni Boss Tyler.Nanilim bigla ang aura ni Jeckaye ng marinig ang sinabi ni Olivia. Ibig sabihin pakana itong lahat ng dalawa? Bigla siyang nahihirapan huminga. Hindi niya lubos akalain na umabot sa ganito ang gagawin sa kanya ng dalawa. Posibleng gawin ito sa kanya ni Lezlie ngunit si Tyler? Ano ang dahilan nito upang gawin ito sa kanya? Dahil ba natatakot itong itakas niya ang bata? Possible ngang isa iyon sa mga rason. "I want to feel you Kaye," bigla na naman niyang narinig ang mga katagang iyon na binigkas ni Tyler mula sa sulok ng isipan niya. Sa pangalawang pagkakataon pinatunayan nito sa kanya na isang pagkakamali na inibig niya ito. Humawak siya sa handle ng kotse ng ma
Bigla siyang nakaramdam ng takot na baka iniwan na siya nito. Nasulyapan niya ang picture frame sa wall. Kinuha niya iyon. Larawan ito ng kasal nila ni Jeckaye. Ngunit picture na lang niya ang naiwan dahil punit na ito. Lalong naging masama ang kutob niya. Para na siyang iiyak. Maraming pumapasok sa isipan niya. Sa buong buhay niya ngayon pa lang siya nakaramdam ng takot na mawala ito sa buhay niya. “Kaye!” napaluhod siya sa loob ng silid nito ng makita ang isang pirasong lampin ng anak sa kama. “Daric,” usal niya habang yakap ang lampin nito. Napansin niya ang nakatuping papel na nalaglag sa sahig ng hilahin niya ang lampin. Nagtataka niyang dinampot iyon at binuklat. “Tyler, I’m sorry, Alam kong mali na inilayo ko sa’yo si Daric, ngunit ito lang ang tanging paraan upang mabigyan ko ng katahimikan ang pagsasama ninyong dalawa ni Lezlie. Kung mayroong man tama sa maling gabi natin noon, yun ay ang anak natin. Dahil sa kanya nagkaroon ako ng lakas upang harapin ang lahat ng pagsubok