Hindi makapagsalita si Tyler ng hingiin ni Jeckaye ang Divorce paper. Pinagmasdan niya itong mabuti. Ang dating Kaye na nakilala niya, puno ng buhay ang mga mata. Kahit na hindi ito nakangiti, makikita niyang kuntento na ito kapag magkasama sila. Kahit na minsan nagagalit siya rito pero nasanay siyang ito ang unang pupunta sa kanya at humingi ng sorry. Masasabi niyang sa loob ng siyam na buwan, naging mabait ito sa kanya. Mas naramdaman pa nga niya ang pag-aalaga nito noong mga panahon na nagkasakit siya. Naintindihan naman niyang hindi iyon magawa ni Lezlie dahil masama pa ang loob nito sa kanya noon. Ngunit alam rin niya kung ano ang pinagdaanan ng girlfriend niya. Masakit rin ang ginawa niyang panloloko rito. Ngayon na ang tamang panahon para makabawi siya sa nobya. Tila natauhan siya sa isiping iyon kaya binalingan niya si Dennis na ngayon ay nakatayo na rin at nanonood sa kanila.
"Kunin mo ang Divorce paper sa loob ng library."Agad naman na tumalima si Dennis at pumasok sa library. Di nagtagal lumabas na rin ito, dala ang brown envelope kasama pati ballpen. Binigay nito kay Tyler.Kinuha naman iyon ni Tyler at binigay kay Jeckaye."Nandiyan nakasaad ang lahat ng kondisyon sa paghihiwalay natin."Binasa ni Jeckaye ang nilalaman ng Divorce paper. Mapang-uyam siyang ngumiti habang nakatingin kay Tyler."Hmmm, a luxury villa and a white mansion in makati? Kulang ito.""What!?" Sabay na sagot ng dalawa, Tyler at Lezlie. Nasindak ang mga ito sa sinabi niya.Hindi makapaniwala si Lezlie na kayang ibigay ni Tyler ang Villa at white mansion kay Jeckaye gayung matagal na niyang hinihingi iyon. Hindi binigay sa kanya ni Tyler dahil ang dahilan nito, doon din daw sila titira kapag ikinasal sila. Ngunit ngayon binigay lang kay Jeckaye? Hindi siya papayag. Kukunin niya sa babaeng ito ang dapat sana ay pag-aari niya. Nakuyom niya ang kamao ng binalingan si Tyler.Samantalang si Tyler nanatili lang nakatitig kay Jeckaye. Hindi siya makapaniwala na kulang pa rin para rito ang binigay niya gayung espesyal sa kanya ang villa na yun."Why?" Tanong ni Jeckaye ng makita ang reaksyon ng mga ito. "May problema ba sa sinabi ko?" Nakataas ang kilay niyang tanong.Nagbuga ng hangin si Tyler. "Idagdag mo diyan kung magkano ang gusto mo." Payagan na lang niya kung magkano ang hinihingi nito. After all para din naman iyon sa anak nila."No!" Agaw ni Lezlie sa sinabi ni Tyler. "Seriously Babe? Pumapayag kang dagdagan pa niya ang binigay mo sa kanya? Sobrang laki na no'n!" Binalingan ni Lezlie si Jeckaye nanggagalaiti sa galit. "At ikaw na manghuhuthot ka, alam mo ba kung magkano ang halaga ng binigay sayo ni Tyler? It's 50 billion for pete' sake! Bilyon ang halaga ng mansion, maliban pa sa malaking villa, na bilyon na rin ang halaga! Tapos ikaw nakukulangan ka? Alam mo ba na halos patayin ko ang sarili ko para lang ibigay niya sa akin ang villa na yun?"Balewalang tinapunan niya lang ito ng tingin. Ayaw niyang makipag-usap dito. Itinuon niya ang atensyon kay Tyler. "Gusto ko ang kalahati ng yaman mo. Nakalimutan mo na ba noong ikinasal tayo? Nagsumpaan tayo na lahat ng yaman mo ay akin at lahat ng akin ay maging sayo. Ngayong hiwalay na tayo, paghahati-an natin iyon. Besides, para din naman iyon kay Daric Ivan.""Ang kapal ng mukha mo para hingiin yun kay Tyler! Napaghalataan kang pera lang ang habol mo sa kanya!"Gumuhit ang kirot sa puso ni Tyler ng marealized ang sinabi ni Lezlie. Hindi malabong mangyari iyon. Hindi niya alam ang pagkatao ni Jeckaye. Out of nowhere bigla lang itong sumulpot sa harapan niya at sinabing buntis sa anak niya.Binalingan ni Jeckaye si Lezlie. "Bakit Ikaw? Hindi ba ganun ka rin? Pinaglalaban ko lang ang karapatan ko sa yaman ng asawa ko. Ikaw ano ba ang pinaglalaban mo?"Natameme ito sa sinabi niya. Kung tutuusin hindi na niya kailangan ang yaman ni Tyler. Ngunit sinasagad ng babaeng ito ang pasensya niya. "Oh, by the way, Tyler, pipirmahan ko lang ito kapag magkasundo tayo na aalis sa pamamahay mo." Dagdag sa sinabi niya habang nakatingin sa asawa na magiging Ex-husband na niya.Parang tuod si Tyler habang matagal na nakatitig kay Kaye. Ibang-iba na ito ngayon sa Kaye na nakilala niya Nine months ago. Tinapunan niya ito ng malahulugang tingin bago binalingan si Dennis."Bigyan mo siya ng additional attachment.""Tyler!" Puno ng galit ang mukha ni Lezlie ng makita na binigyan ni Dennis si Jeckaye ng isa pang malinis na papel upang doon e-lista ang lahat ng kondisyon nito sa paghihiwalay ng dalawa. Ngunit walang pumapansin sa kanya.Nasa kalagitnaan ng pagsulat si Jeckaye ng bigla itong hinablot ni Lezlie upang punitin. "This is madness!"Tumaas ang isang kilay niya habang pinupunit nito ang papel kaya naman umigkas ang kamay niya.SLAP!Napahawak muli ito sa pisngi ng sampalin niya. "You, daughter of a bitch!" Galit itong gumanti sa kanya ngunit hindi natuloy dahil umawat sa kanila si Tyler."Enough!"Hindi makapaniwala na tiningnan ni Lezlie ang nobyo. "Tyler, huwag mong sabihin na magpapauto ka na naman sa babaeng yan! Hindi mo ba nahalata? Pera lang ang habol niya sayo!""Pumili ka, susundin natin ang inaangal mo ngunit walang kasal, o, hahayaan ako sa desisyon ngunit magpapakasal tayo?"Natigilan si Lezlie. "Sss..syempre magpapakasal tayo." Alanganin niyang sagot."Then, shut—up!" Madiin nitong pagkakasabi dahilan upang tumahimik si Lezlie. Halos bumaon na ang kanyang mahahabang kuko sa palad dahil sa higpit ng pagkakatikom nito. Nakatingin lang siya kay Jeckaye ngunit pakiramdam niya gusto na niya itong patayin ngayon. Sinusubukan talaga nito ang kademonyohan niya. Bumaba ang tingin niya sa sanggol na karga nito. "Maghintay ka lang Jeckaye, kukunin ko sayo ang lahat, maging ang nag-iisang anak mo. Ililibing kita ng buhay hanggang sa isumpa mo ang araw na pumasok ka sa buhay namin ni Tyler."Ramdam ni Jeckaye ang galit ni Lezlie ngunit hindi niya iyon pinansin. Tinuloy niya ang ilan sa mga kondisyon na gusto niya sa attachment bago iyon ibigay kay Tyler.Nagdikit ang dalawang kilay ni Tyler ng makita ang ilan sa kondisyon nito."Two times a week?" Halata ang pagka-disgusto sa boses nito. "Do you know what you mean by this? Nilalayo mo sa akin ang anak ko!" Reklamo nito."Hindi ko siya nilalayo sayo! Umiiwas lang ako sa gulo." Katwiran niya ngunit ang totoo, ayaw lang niya malaman ni Tyler ang plano niyang pagtakas bukas kasama ang kanyang anak.Nagtagis ang bagang ni Tyler habang nakatingin kay Kaye. "He's my son!""But you have your woman! Hindi naman pwedeng araw-araw kang pupunta sa apartment gayung may babae kang naghihintay sayo!" Sinulyapan nito si Lezlie.Nagbuga ng hangin si Tyler habang nakapamewang. Kailan pa naging sakit sa ulo itong asawa niya? Ngunit wala siyang magawa. Sanggol pa lang ang anak niya at matatalo siya sa custody kapag idinaan niya ito sa korte. Automatic na sa ina mapupunta ang bata. Baka mas lalong hindi niya makita ang kanyang mag-ina. Hindi na siya nagreklamo pa. Ngunit muling umakyat ang dugo niya ng marinig muli itong nagsalita."Mang Kulas, pakidala na lang ng mga gamit ng baby sa ibaba.""Anong binabalak mo?" Nagtataka niyang tanong."Babalik sa apartment." Tumalikod na ito sa kanila at sumunod naman si Mang Kulas na dala ang dalawang luggage nito."Fuck!" Humakbang din siya upang sundan ang mga ito."Kaye, gabi na. Baka mapano ang bata." Sigaw niya habang hinahabol ito."Huwag kang mag-alala. Walang mangyayari sa kanya." Sagot din ni Jeckaye habang patuloy sa paglalakad."Dammit, Kaye!" Sigaw niya at mas lalo pang nilakihan ang paghakbang pababa ng hagdan. "Ako na ang magdadrive Mang Kulas." Pahabol niyang wika sa matanda ng makita na pumasok na si Kaye sa loob ng kotsr. Inagaw niya ang susi mula sa kamay ng driver at siya na ang pumasok sa loob ng driver seat.Nalilito man si Jeckaye sa inaakto ngayon ni Tyler, ngunit balewala iyon sa kanya. Basta masaya siya dahil sa wakas malaki na ang chance na maitakas niya ang anak. Hinayaan na lang niya na ipagdrive sila nito.Samantalang si Lezlie, ngayon pa lang natauhan. Nakalimutan niyang may sakit siya dahil mabilis siyang tumakbo pababa ng hagdan. "Tyler!" Malakas niyang sigaw ng makita na umalis din ito at pinagdrive pa ang mag-ina. Lalo siyang nagalit.Umabot na sa sukdulan ang galit niya. Kailangan na niyang burahin sa landas niya
Sumilip si Jeckaye sa bahagyang nakaawang na bintana. Mula sa kanyang kinatatayuan matatanaw niya ang papalayong sasakyan ni Tyler. “I’m sorry Tyler, ngunit kailangan kong gawin ito.” Nagbabadya ang kanyang mga mata na bumalik sa kama upang umupo. Ngayon na ang tamang panahon upang umuwi sila ng kanyang anak sa New York. Hindi na niya hihintayin na maisip pa ni Tyler na lagyan ulit ng bodyguard ang labas ng apartment niya baka lalo pang maantala ang kanilang pag-alis. Isang buwan na rin ang nakalipas simula ng lumipat sila ng apartment. Hindi muna siya tumakas dahil nilagyan ng mga bodyguard ni Tyler ang loob at labas ng apartment niya. Kinailangan pa muna niyang makuha ang tiwala nito na hindi niya itatakas ang kanilang anak. Inunahan na kasi siya ni Lezlie. Sinabihan nito na tatakas siya kasama si Daric upang lalong magalit sa kanya si Tyler. Ngayon, pinauwi na nito ang mga bodyguard dahil nakuha na niya ang buong tiwala nito. Kinuha niya ang cellphone mula sa kanyang handbag at ti
Napabalikwas ng bangon si Jeckaye ng marinig ang pagkalabog ng pintuan sa ibaba. Dahan-dahan siyang bumaba at sinilip mula sa doorbell camera kung sino ang tao sa labas ng pintuan. “Kaye,” mahinang boses ang narinig niya sa labas na tumatawag sa pangalan niya. Nagtaka siya ng napagtanto na si Tyler iyon. Sumandal siya sa may pintuan habang nakahawak sa kanyang dibdib. “Ano ang kailangan niya? Bakit siya bumalik?” takang tanong niya sa isip.“Kaye, I want to see my son.” muling bigkas nito. Nagbuga sya ng hangin bago buksan ang pinto. Pagbigyan na lang niya since ito na rin ang huling gabi na makita at makasama nito si Daric.“Hi,” Nakangiti nitong bungad sa kanya. Napansin niyang mag-isa lang ito at walang kasamang bodyguard.“Saan ang mga alalay mo?” tanong niya at tinalikuran ito. “Pinauwi ko na, distorbo lang sila.” sagot nito at pumasok na rin bago isara ang pinto.“Kung ganun ano ang ginagawa mo rito?” takang tanong niya. “Pwede mo naman bisitahin si Daric bukas ng umaga.“Wala
“Mga Ogag, sandali!” Tumigil sa paghatak sa kanya ang limang lalaki mula sa loob ng taxi ng marinig ang pagsigaw ng isang babae. Lumingon ang mga ito. “Boss Olivia,” tawag ng isa. “Dahan-dahanin ninyo ang paghila sa kanya baka mapano ang bata. Kailangan yan ni Madam Lezlie. Bahala na kayo sa babae yan ang utos ni Boss Tyler.Nanilim bigla ang aura ni Jeckaye ng marinig ang sinabi ni Olivia. Ibig sabihin pakana itong lahat ng dalawa? Bigla siyang nahihirapan huminga. Hindi niya lubos akalain na umabot sa ganito ang gagawin sa kanya ng dalawa. Posibleng gawin ito sa kanya ni Lezlie ngunit si Tyler? Ano ang dahilan nito upang gawin ito sa kanya? Dahil ba natatakot itong itakas niya ang bata? Possible ngang isa iyon sa mga rason. "I want to feel you Kaye," bigla na naman niyang narinig ang mga katagang iyon na binigkas ni Tyler mula sa sulok ng isipan niya. Sa pangalawang pagkakataon pinatunayan nito sa kanya na isang pagkakamali na inibig niya ito. Humawak siya sa handle ng kotse ng ma
Bigla siyang nakaramdam ng takot na baka iniwan na siya nito. Nasulyapan niya ang picture frame sa wall. Kinuha niya iyon. Larawan ito ng kasal nila ni Jeckaye. Ngunit picture na lang niya ang naiwan dahil punit na ito. Lalong naging masama ang kutob niya. Para na siyang iiyak. Maraming pumapasok sa isipan niya. Sa buong buhay niya ngayon pa lang siya nakaramdam ng takot na mawala ito sa buhay niya. “Kaye!” napaluhod siya sa loob ng silid nito ng makita ang isang pirasong lampin ng anak sa kama. “Daric,” usal niya habang yakap ang lampin nito. Napansin niya ang nakatuping papel na nalaglag sa sahig ng hilahin niya ang lampin. Nagtataka niyang dinampot iyon at binuklat. “Tyler, I’m sorry, Alam kong mali na inilayo ko sa’yo si Daric, ngunit ito lang ang tanging paraan upang mabigyan ko ng katahimikan ang pagsasama ninyong dalawa ni Lezlie. Kung mayroong man tama sa maling gabi natin noon, yun ay ang anak natin. Dahil sa kanya nagkaroon ako ng lakas upang harapin ang lahat ng pagsubok
“Dennis, ano tinawagan mo na ba ang lahat na mga shipping lines?” puno ng pag-alala ang boses niya. “Yes, boss ngunit wala siyang booking doon. Baka sa airlines Boss.” suhestiyon ni Dennis.Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga. “Walang bakas ni Kaye sa airport. Hindi rin siya nakapag book ng ticket. Ngunit nakita ko sa cctv footage ng kanyang apartment na lumabas siya dala ang aming anak at sumakay sa taxi. Wala ring plate number ang taxi.”“Possible naman na walang plate number Boss. Hindi kaya–” Hindi na natapos ni Dennis ang pagsasalita ng biglang nag pop-up sa phone screen niya ang numero ng ospital kung saan nanganak noon si Kaye.“Sandali sagutin ko na muna ito.” Paalam niya kay Dennis. Nilipat niya ang koneksyon ng linya sa telepono ng ospital.“Can I speak with Mr. Tyler Hanes?”“Speaking.” agad niyang sagot.“We would like to inform you that your child has been admitted to our hospital.”“Wha–What did you say?” Muli niyang pinaulit ang sinabi ng kabilang linya.
“Ganun ba kalala ang sinapit niya? Paano ko malalaman na siya ang ina ng anak ko kung hindi ako papasok sa silid niya?” Nagbuga ito ng hangin habang nakatingin sa kanya. “Alright, may iba pang paraan. Medyo risky on my part, dahil matatanggalan ako ng lisensya kapag nalaman sa taas ang gagawin natin na ito.” “Please do me a favor, Doctor Madrid. Help me to see her.” “Sumunod ka sa akin.” Pasimple silang dalawa na lumabas ng silid. “Tyler, saan ka pupunta?” Tanong ni Lezlie ng nakasalubong niya ito sa labas ng pintuan. Malandi pa nitong pinulupot ang mga kamay sa kanyang braso. Pasimple niyang tinanggal ito na tila ba naasiwa siya. “Mayroon lang kaming pag-uusapan ni Doctor Madrid.” Tama naman ang pagdating ni Dennis dahil tinawagan niya ito kanina na pumunta ng ospital. “Look after my son. Babalik ako.” utos niya rito bago sumunod sa likuran ni Doctor Madrid. Lihim na nagkatinginan si Olivia at Lezlie. Nahihiwagaan sila sa inaakto ni Tyler. Nagdududa ba ito sa kanila kaya pinaba
Hindi alam ni Tyler kung ilang oras na siyang nakatulala habang nakaupo sa driver seat ng kanyang sasakyan. Hanggang ngayon hindi pa rin niya matanggap na wala na si Kaye sa tabi niya. Bakit kung saan pa na handa na siyang sabihin rito ang totoong nararamdaman niya saka pa siya pinagkaitan ng tadhana. Ang tanga niya sobra. Asawa na niya si Kaye ngunit hiniwalayan pa niya. “Napakagago ko! Pvtang Ina!” BeeeeeeepppSa sobrang hampas niya ng manibela, umingay ng malakas ang busina ng sasakyan niya. Patuloy pa rin siya sa pag-iyak sa sobrang pagsisisi. Idinikit niya ang noo sa manibela habang inaalala lahat ng pagkakamali niya.Siguro kung nanindigan siya sa totoo niyang naramdaman, malamang hindi nangyari yun kay Kaye. Ngunit sino ang may gawa nun sa kanya? Kung naisin ni Kaye na umalis sa piling niya, sino naman ang taong nagtangka sa buhay nito? Bakit alam ng taong yun ang lahat ng mga galaw ni Kaye? At sino ang taong tumulong kay Kaye? Ayaw niyang isipin na iiwan siya ni Kaye dahil s