"Bakit ganyan ang hitsura mo? Ang payat mo. Pinapabayaan mo ang—" "Ano namang pakialam mo sa kung anong hitsura mayroon ako?" Napasuklay na ng buhok si Geoff upang supilin ang awang nadarama. Medyo guilty siya na baka dahil iyon sa annulment nila. "Kailangan kong makialam sa'yo Alyson dahil hindi ka pwedeng mamatay hangga't hindi pa tayo annul. Narinig mo? Ayokong gagamitin mo hanggang kamatayan ang apelyido ko!" "Huwag kang mag-alala, hindi pa ako mamamatay. Ayoko rin namang gamitin ang apelyido mo at ilagay sa magiging lapida ko." Pagkatapos ng tatlong taong kasal kay Geoffrey Carreon ay tuluyan nang sumuko sa pagiging martir na asawa ni Alyson Samonte. Pinagtibay pa ang hiwalayan nila nang malaman niyang nakabuntis ang asawa ng ibang babae. Piniling bumangon ni Alyson. Nagsikap siya upang tuparin ang mga pangarap niya kahit huli na sa tulong ni Kevin Evangelio. Ipinakita niyang sa kabila ng nangyari ay kaya niya pa 'ring bumangon. Hanggang sa magkaroon siya ng one time lifetime offer and opportunity sa ibang bansa. Sa pagbabalik niya ng Pilipinas bilang matagumpay na CEO ng sarili niyang kumpanya, muli kayang magsanga ang landas nila ng dati niyang asawa, ngayong nasa iisang industriya na sila? Ano ang kasabik-sabik na mangyayari sa muli nilang pagkikita lalo pa kapag nalaman ni Geoff na nagkaroon sila ng anak ni Alyson?
view moreMAGKATULONG NA NILINIS ni Alyson at ng maid ang binili nilang mga seafood. Noong una ang buong akala ng babae ay siya lang ang gagalaw pero nagulat siya nang matapos nito magbihis ay nagtungo si Geoff ng kusina. "Doon ka na, kami na ang bahala dito ni Manang." utos dito ni Aly. Bahagya siyang naiilang. Hindi siya sanay na ganito ang pakikitungo sa kanya ni Geoff. Parang may mali. "Hindi na. Gusto kong makita kung paano magluto niyan para in case na mag-cravings ako next time ay alam ko na kung paano magluluto." Mababaw na dahilan na naman 'yun para kay Alyson pero tinanggap na lang niya at pinalagpas ng tainga. "Sige, ikaw ang bahala." Habang pinagmamasdan ni Geoff si Alyson ay hindi mawala sa isipan niya ang ginawang pagsalungat sa gusto ni Loraine. Maging siya ay na-surpresa rin ng ginawa at lunabas sa bibig niya. Galit ito sa kanya, malamang ni isang tawag kasi o text ay walang natanggap. 'Ayos lang iyon, ngayon lang naman.'Excited na pinagsaluhan nila ang niluto ni Alyson.
NAKALABAS NA SILA ng wet market nang matigilan si Alyson. May natanaw kasi siyang coffee shop. Bigla na lang kumalam at nag-crave sa iced coffee ang sikmura niya. Ilang beses niyang sinipat si Geoff na tuloy-tuloy lang ang lakad pabalik kung saan nila iniwan ang kotse kanina. Kung tatawagin niya ito ay hindi rin naman siya maririnig sa distansya at layo nito sa kanya."Bahala na, saglit lang naman ako."Tumalikod siya at akmang pupunta na sa natanaw na coffee shop pero muli siyang humarap. Baka hanapin siya ni Geoff kapag nakita nitong wala siya sa likuran ng asawa. Iniiwasan niya ang mag-panic ito at isiping tinakasan niya."Geoff, saglit lang ha? May bibilhin pa pala ako. Nakalimutan ko. Wait lang!"Buhol ang mga kilay na humarap na si Geoff sa banda ni Alyson nang marinig ang malakas na sigaw. "Ano ba naman 'yan—""Mauna ka na sa kotse. Doon mo na ako hintayin. Sige na, Geoffrey! Babalik naman ako kaagad."Hindi na hinintay ni Alyson ang sagot ni Geoff at tuluyan niya na itong tin
KAAGAD NA LUMIKO at pumasok sa isang makipot na eskinita si Alyson nang matanaw niya ang pamilyar na sasakyan ni Geoff na bumubuntot. Gusto nitong makipaglaro sa kanya? Ibibigay niya.'Akala ko ba iniwan na niya ako? Bakit bumalik?'Nungkang sasakay siya ulit doon matapos nitong biglang ibaba siya kanina. Manigas siya. Hanggang mapudpod ang paa niya kakasunod ay hindi siya sasakay sa sasakyan nito. Maghahanap na lang siya ng taxi. Paglabas niya sa kabilang dulo ay nakita niya doon ang lalake. Muli siyang bumalik. Tila nakikipag-patintero kay Geoff. 'Magsawa siya kakasunod.'"Alyson!"Pinunas ng babae ang namuong pawis sa kanyang noo gamit ang likod ng kanyang palad. Napapagod na rin siya kakatakas kay Geoff."Nagdidilim ang langit, uulan na. Sumakay ka na nang makauwi na tayo. Huwag ka ng matigas!"Nakalabas ang isang braso ni Geoff sa bintana ng bukas na sasakyan. Halatang naiinis na sa kanya."Gusto mo bang magpabasa?"Hindi siya pinansin ni Alyson kahit pa namamanhid ang paa ng ba
MABAGAL ANG takbo ng sasakyan ni Geoff. Ayon sa napagtanungan niya na isa sa mga employee ng Evangelio Designs ay sa isang Italian restaurant dito banda ang punta ng dalawa. Narinig daw nito kanina ang usapang plano nilang celebration. Hindi pa tapos ang office hours pero nagpunta na siya doon para daanan si Alyson."Celebration? Huh! Silang dalawa lang? Anong dapat i-celebrate? Malamang ay date 'yon!" Hindi nagtagal ay nakita ni Geoff ang bulto ni Alyson at ni Kevin na nasa labas ng resto ang pwesto, agad siyang naghanap ng available na parking lot. Pasimpleng naglakad padaan doon upang magpanggap na coincidence ang lahat."What a coincidence!" ma-dramang hawak ni Geoff sa bibig niya na tumigil sa tapat ng mesa ng dalawa na seryoso pa 'ring nag-uusap, "Mr. Evangelio, narito pala kayo ng PA mo? Tingnan mo nga naman, ang liit lang talaga ng mundo.""G-Geoff?"Napatayo na si Alyson. Feeling niya ay nahuli siya ng lalake na may masamang ginagawa. Muli siyang napaupo nang maisip na hindi
"MR. EVANGELIO..." kuha ng atensyon ni Roxan sa lalake dahil parang invisible siya sa mata nito.Nakailang banggit pa siya ng apelyido ng amo bago pa siya narinig nito."Yes, Roxan?"Napakalas na ng yakap si Kevin kay Alyson nang makita ang reaction nito. Namumula ang magkabilang tainga na binalingan niya ang secretary. Nawala siya sa sarili. Noon pa lang niya naalala na kasama nga pala ito ni Alyson kanina. Masyado siyang nawiling bigyang ng recognition ang una at hindi napansin ang secretary niya."Thank you rin sa effort mo, Roxan. Malaki rin ang naging ambag mo. Parte ka ng success deal."Ngumisi lang si Alyson na hindi inaalis ang tingin kay Roxan. Nais niya sanang sabihin na wala naman itong ini-ambag kundi stress at kung anu-anong pananabotahe. Idagdag pa ang tungkol sa uniform nila na halatang planado. Buti at good mood siya. Hindi na lang niya inireklamo kay Kevin. Nairaos naman na ang lahat, ano pa ba ang hahabulin niya?"Walang anuman, Sir..." proud na wika ni Roxan na ang
SINIMULAN NI Alyson ayusin muna ang hitsura. Inilabas ang mga papers na kailangan niya sa pag-e-explain. Particular na ang actual drawing ng design ng building na nagawang dalhin niya."Pakinggan mo 'tong sasabihin ko Mr. Silverio dahil importante ito." Ini-explain ni Alyson ang plano nila at kung ano ang pagkakaiba ng design na gagawin ng Evangelio Designs para sa project ng Carreon Holdings. Pinakinggang mabuti 'yun ni Dexter kahit agaw pansin pa sa mga mata niya ang tumatagaktak sa pawis na mukha ni Alyson."Kaya niyong gawin 'yun?""Yes, Mr. Silverio sa tulong ng Clemente Corporation. Sisiguruhin namin na sure na mami-meet ang expectation ng bawat investors."Tumango-tango lang ang lalake. Medyo nakukumbinsi. Ang linaw ng paliwanag ni Aly. Hindi siya nahirapang sundan ang mga sinabi ito."Tingnan niyong mabuti ang design, kung ano ang narito sa design at plano ay ito rin ang susundin ng Clemente Corporation."Napatanong na lang si Roxan kung paano nagawa ni Alyson na dalhin ang f
NGUMISI PA si Alia nang makita niya si Geoff na titig na titig na. Sa kanyang mga mata ay may kislap pa ng pag-ibig sa mata nito. Nagtataka lang talaga siya na hindi 'yun maamin ng kanyang amo. Ilang beses na rin niyang pinayuhan ito pero nagmamatigas pa rin siya."Tingnan niyo Sir, parang instant celebrity ang asawa niyo doon oh! Believe na believe sa kanya ang mga taong nakapalibot." Napaiwas na ng tingin dito si Geoff. Hindi pinansin ang huling tinuran ni Alia. Anong paki niya? Alam niya ang dahilan kung bakit kasama nila si Dexter Silverio at nang dahil 'yun sa project."Hindi ba at si Mr. Silverio 'yun? Narito ba sina Mrs. Carreon dahil sa Building Tower na project—""Stop calling her Mrs. Carreon, Alia. May makarinig sa'yong ibang tao. Tawagin mo na lang siya sa pangalan niya. Maliwanag ba?""Sir, wala namang ibang tao sa atin dito bukod sa atin at sa mga—""Huwag ka ng mangatwiran. Sundin mo ang gusto ko!" "Sir, alam ko ang nararamdaman mo. Hindi mo kailangang ilihim."Mapang
LUMAPAD pa ang ngiti ni Dexter nang makasilong sila sa lilim. Pinaabutan niya ang dalawang babae ng tig-isang baso ng malamig na tubig. Agad naman iyong tinanggap ni Alyson dahil parang mahihimatay na siya sa uhaw. Nalimutang may baon nga pala siyang tubig. Si Roxan naman ay pa-demure pa, ngunit sa bandang huli ay kinuha na rin niya ang baso at mabagal na itong ininom. "Maraming salamat, Mr. Silverio." hinga ni Alyson nang malalim matapos maubos ang tubig."Anong pangalan mo? Have we met before?" magkasunod na tanong ng lalake, itinagilid pa ang ulo. "Medyo pamilyar ka kasi sa akin." "Baka hindi ako 'yun, Mr. Silverio. Baka nagkamali lang po kayo ng tingin. Bagong tanggap na employee pa lang ako sa Evangelio Designs.""Talaga?""Yes, Mr. Silverio. Baka napagkamalan mo lang ako." "Ang formal naman ng tawag mo sa akin. What if tawagin mo na lang ako sa aking first name? Dexter. Iyon na lang. Huwag na ang Mr. Silverio."Napataas na ang isang kilay ni Roxan sa sinabi ng lalake. Babaero
PANAY ANG hila ni Alyson sa suot niyang skirt. Tila kinulang iyon ng tela. Hindi tuloy maiwasang humantad at makita ang makinis at bilugan niyang mga hita. Okay naman ang pang-itaas noon, kayang e-handle ni Alyson na parang sinukat. Ang hindi niya lang maatim ay ang pang-ibaba. Kung alam niya lang na may paganito rin, nagdala na lang sana siya ng sarili niyang golf uniform. Iyong desente at comfortable. Nabuyo lang talaga siya sa project na 'yon eh!"Alyson? Hindi ka pa ba tapos? Anong petsa na?Uugatan na ako sa paghihintay sa'yo at aalis na lang ang pakay natin dito nasa loob ka pa rin!"Muli pang umikot sa kawalan ang mga mata ni Alyson sa mga patutsadang 'yun. Nakaharap pa rin siya sa whole body na salamin sa loob ng changing room. Napansin niyang medyo tumaba na siya o marahil ay dala 'yun ng pagbubuntis niya kaya feeling niya ay parang lumalaki na ang katawan niya. Lalong-lalo na ang balakang niya."Sandali lang! Maghintay ka diyan!" sagot niyang inaabot na naman ng bwisit kay Ro
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.