Share

A Second Chance to Make
A Second Chance to Make
Author: Adri Hyun

CHAPTER ONE

THEY EXCLAIMED in happiness after their professor announced that their semestral break will start tomorrow. They threw up their trash worksheets like graduates throwing their hats and thanked their professor. 

"Why thanking me? You all deserve it. By the way, I want to congratulate you all for passing the first sem. Isa na lang at graduating na rin kayo. Kaya niyo 'yan!" And he did a fighting gesture that they did too. Having the confidence that they will be able to pass this course of them. 

Their prof. already excused himself since he has a lot of things to do and her blockmates started to make loud noises, celebrating their three weeks vacation. 

She sighs in relief and leans her back in the chair.  Finally, the rest she keep praying finally came. 

"Ikaw Calli, anong gagawin mo sa break natin?" tanong  ng kaklase niya na siyang nagpamulat sa kanya at nagkibit balikat. 

She shrug. "Ewan, baka mag-pa-part time." 

"Akala ko ba gusto mong magpahinga?" 

"Oo naman, yung utak ko ang pagpapahingain ko. Okay naman ako physically." 

Umingos ito. "Hindi ka magbebeach manlang?" 

"Hindi ako mayaman katulad niyo noh." At umikot ang mga mata niya. 

Mahirap lang siya. Ang papa niya ay magsasaka lang tapos ang kanyang ina naman ay isang housemaid. Nasa probinsiya ang mga ito habang siya naman ay nandito sa Manila. Nakapasa kasi siya ng scholarship sa isa sa mga sikat na university dito sa Manila at laking pasasalamat niya naman dahil sa loob ng apat na taon ay nagawa niyang i-maintain ang grades niya. She believe, hindi yun dahil sa talino kundi dahil  sa tiyaga at sipag. Aanhin mo naman ang utak kung tamad ka 'di ba? 

Dumating ang hapon at napatigil siya sa paglabas ng kanilang university nang makita ang dalawang matalik na mga kaibigan na naghihintay pala sa kanya sa labas. 

"Callisandria!" tili ng dalawa. 

"Oh my gosh! Airah! Lim!" She runs towards them screaming and spreading her arms widely. Not minding others staring at them. Mahigpit silang nagyakapan at tumalon-talon pa. Gosh, it's been a long time since she saw this two.  Three months na ata? 

"Na miss ko kayo." 

"Na miss ka rin namin kaya talaga pumunta kami rito eh." It's Airah and hug her again. 

"I have a lot to say to you, let's have a snack?" anyaya nito. 

Tumango naman siya agad at sumakay sila sa porche nito. 

Nang makarating sa malapit na coffe shop ay umorder sila ng tatlong americano at chocolate cake, nagpalibre siya kay Airah at pumayag naman ito. 

"Love na love mo talaga ako." Kinawit niya ang braso rito at sinandal ang ulo sa balikat. 

"Love ka riyan. Nilibre lang kita kasi matagal tayong hindi nagkita. Kamusta ka na this days?" 

Nagpakawala siya ng malalim na hininga. "Ito, stress pero kaya pa naman. Para sa pangarap." 

"Naks, kukunin kitang accountant sa business ko Calli ha?" 

Napamulagat siya. "May business ka na Lim?" 

"Pinapatayo pa lang."

"Wow," she said in awe. "Oo ba. Why not? Tanggapin mo ako agad ha? Wala ng interview." 

He laugh and did a dismissive move. 

"Oo naman. May tiwala ako sa'yong magaling ka." 

"Of course," she said proudly and flipped her hair. 

They waited until their food came and started another conversation again. She asked them about their doings and how happy she is knowing how successful they are. Sa kanilang magkakaibigan, ay siya na lang yung hindi pa nakakagraduate. She stopped for two years because of financial problems. She work to earn money until God helped her to continue her studies, she passed the scholarship exam. Konting tiis na lang din Calli, makakagraduate ka na rin. 

"Pero yung totoo kasi talaga Calli.... kaya kami nandito para pilitin ka." 

Napatigil siya sa pag-inom dahil sa sinabi ni Lim.

"Sa?" 

"Sa alam mo na." He motion her to realize it which she did. 

 Bumagsak ang balikat niya at nakakatamad silang tiningnan. "Seriously? Ayaw niyo talaga akong tigilan diyan?" 

It's about their beach reunion together with their cycle of friends and  Airah keeps bugging her of that for a week. Gosh. 

"Calli kasi, ang tagal na rin simula 'nung makumpleto tayo. Pagbigyan mo na kami, hindi masaya ang reunion kung wala ka." Ngumuso si Airah at niyakap siya mula sa gilid. 

"I told you Airah, I have work." She already readied her papers and will start to apply tomorrow, hoping that she will be accepted. 

"Puwede bang pahinga ka muna? Di naman need na magtrabaho ka 'di ba?" 

Yes, it's not a need indeed. Maayos ang buhay ng pamilya niya sa probinsiya dahil may magandang trabaho na rin ang kuya at nabibigyan naman siya ng kanyang monthly allowance ng mga ito at pati na rin ng university pero gusto niya pa ring matrabaho. Malaki na siya, dapat gumawa naman siya ng mga paraan para masustentuhan ang buhay niya, hindi lang yung aasa lang siya sa pamilya. 

"Sige na please," they beg. Lumuhod pa si Lim sa harapan niya na agad niyang pinatayo pero ayaw sumunod.

"Alam mo bang uuwi na si Mason? Nandun siya kaya sumama ka na," inalog ni Airah ang braso niya

"Mason?"  Kumislap naman ang mga mata niya sa saya. 

"Oo, nandun siya. Sinabi ni Xiver sa akin." 

Mason. He is her closest boy BFF among the four boys. He's currently at Alaska because of his work but he's going home now? How dare he not tell her about that. 

"Ano? Sasama ka na?"  There's hope in their eyes knowing Mason got her interest. 

"Sigurado kayong nandun si Mason ha?" she  assure. 

"Oo nga." 

Mahaba ang buntonghininga niyang pinakawalan at inikot ang mga mata staka tumango-tango. Wala siyang choice. Nandun daw si Mason eh. 

The two screamed in enjoyment and she immediately stopped them since customers started to stare at them. 

Lim slapped her on her arm. "Pero alam mo, nakakatampo ka. Pupunta ka dahil kay Mason na hindi nga nag-effort na suyuin ka tapos kaming lumuhod na sa harapan mo, 'di ka pumayag." 

"Well...sorry Lim but I love Mason."  She loves him as her best friend. 

"Ano ka ba Lim, that's not important anymore. One thing that only matters now is that Calli already agree. Right?" 

She nod. 

At dahil sa pagpayag niya ay pinag-usapan na nila kung ano ang magandang gawin habang nasa resort. Makikita sa dalawa ang excitement. 

"Ano ka ba? Hindi ako sanay sumuot niyan," tanggi  niya nang alukin siyang bibilhan ni Airah ng swimsuit. 

"Eto naman oh, ang losyang mo talaga. Alam mo bang ang daming sexy roon sa beach nina Xiver?" 

Aba, malay niya. Di pa naman siya nakakapunta roon noh. 'Di  nga niya  alam kung nasaan 'yun. "And so?" 

Binatukan siya ni Lim kaya muntik na siyang mabilaukan. 

"Ang bobo nito. 'Di mo gets? Ang gustong sabihin ni Airah ay baka ma-attract si Drake sa mga babae roon kaya dapat bonggahan mo rin ang suot mo. Pakita mo ang ganda ng katawan mo." 

Hays. Ito na naman po sila, tinutukso na naman siya kay Drake. Kailan pa ba ang mga ito titigil? She grimace and shook her head firmly. "Why I would bother to impress Drake? As if naman type ko yun." 

Drake is one of her childhood friends at napipikon na talaga siya sa ayaw matapos na panunukso ng mga ito sa kanila. 

Sunday afternoon when she decided to pack her things. She made a list to be sure all her needs are packed. She brought lots of clothes since they will last in the beach for three weeks, wala naman siyang dapat pang problemahin sa pambayad dahil ang mga boys na raw ang bahala r'on. Miski sa hotel at pagkain nila. 

Maaga siyang natulog dahil alas-tres ng umaga ang alis nila. More than 5 hours din kasi ang travel mula sa manila papuntang resort kaya dapat maaga silang aalis para maaga rin 'dung makakarating.  Mahaba-habang upuan na naman 'to. 

Naghintay siya sa labas ng apartment pagkakinabukasan at ilang minuto ang hinintay sa labas. She's wearing a tie and button caramel brown, a casual dress that is above the knee, and a black big jacket to cover herself from the cold.  She's texting Airah to ask where they are now since she's been waiting for 30 mins. Ang lamig pa naman. 

She cover her eyes using the back of her hand because of the blinding lights coming from the van approaching her. Huminto ito sa tapat niya at lumabas si Lawrence mula sa driver seat. 

"Rence," tili niya at niyakap ito. Natatawa naman itong yumakap pabalik. "Namiss kita ng sobra." Pinanggigilan niya ang pisngi nito. 

"Na miss din kita Cal, tagal nating hindi nagkita." 

"Kaya nga eh." 

Binuksan nito ang pinto at kinawayan niya sina Airah at Lim na nasa loob. Sumilip naman si Naomi at binati siya. 

"Naui!" 

Lumabas ito at nagyakapan sila. Kinuha naman ni Lawrence ang suitcase niya at nilagay sa likod ng van. 

"Naomi," her friend corrected. 

"But I want Naui. Mas maganda siya." 

"Ewan ko sa'yo. Tayo na nga sa loob. Malamig dito." 

"Sinabi mo pa, kaya nga naka jacket ako oh." Sabay pakita niya sa suot. 

Pumasok na siya sa loob ng van at nang makaupo sa tabi ni Airah ay nagtaka siya dahil ang kaunti lang nila. Nilingon niya ang kaibigan na inaantok pa. "Nasaan ang iba? Si Mason?" 

"Ay grabe, may pa special mention talaga?" Rinig niyang sabi ni Lim sa likod. 

"Nandun na sila sa beach kahapon pa. Nauna na sila r'on para asikasuhin ang lahat," sagot sa kanya ni Airah at humikab. 

Ngumuso siya at sumandal staka humalukipkip. Akala pa naman niya makikita na niya si Mason. Excited pa naman siya. When the ride started, Naomi and she had a conversation with Xiver since Lim and Airah are now asleep. They talked about their childhood memories and they keep laughing but after an hour, she fall asleep too. 

She was awakened when she felt the van stop and  thought they already arrived but they just stopped at the gasoline station.  Lumabas siya at nag-unat ng katawan.  Nangangalay na ang puwet niya kakaupo. 

Nilapitan siya ni Naomi at inabutan ng kape. "Matagal pa ba tayo?" Mag-aalas sais na ng umaga at malayo na sila sa Manila. Hindi na siya pamilyar sa lugar kung saan man sila ngayon. 

"Mga one hour na lang at nasa resort na rin tayo." 

Nang nagpatuloy ulit sila sa biyahe ay hindi na siya natulog pa, nakainom na rin kasi ng kape at napaayos siya ng upo nang pumasok sila sa isang resort.  Mula sa gate ay kita niya at amoy ang dagat. Agad naman silang pinapasok ng guard nang makita nito si Lawrence at nang huminto sa may parking lot ay agad siyang bumaba. 

Idinipa niya ang kamay at pinikit ang mata, nilalanghap ang malamig na hangin na papunta sa kanya. Fresh air mixed with the smell of the sea, finally. She twirl around when someone called her name. 

"Calli!" 

Nilingon niya kung sino ito at imbes na rito mapatingin ay sa lalakeng katabi nito dumapo ang mga mata niya. 

Their eyes were connected as he walked toward her.  He's wearing a black singlet emphasizing his white skin and beach shorts. Messy hair with no emotion on his face. Xiver hugged her as he got closer causing them to break their eye contact and she almost lost her balance because of the impact. He messes her hair. 

"Na miss kita ng sobra, Cal." 

"Hindi kita namiss," biro niya na siyang ikinasimangot nito. Natawa naman siya. "Biro lang, of course namiss kita. Sobrang-sobra." 

"Eh si Drake, Calli? Hindi mo yayakapin?" 

Nilingon niya si Lawrence na may mapanuksong ngiti sa labi. Napatingin naman siya kay Drake na hindi pa rin inaalis ang tingin sa kanya. 

Natawa siya ng pilit. "Of course, yayakapin. Ang tagal din kaya 'nung huli kaming nagkita nito." Nilapitan niya si Drake at tumingkayad para yakapin ito. Saglit lang sana iyon pero yumakap kasi ito pabalik at hinapit pa siya papalapit dito. 

Lumakas bigla ang tibok ng puso niya. 

"Kiss pa!" 

Ginawa niya iyong rason para makaalis sa mga bisig nito at nilingon si Airah. "What?" she  exclaimed, paglilinaw niya.

"Cheeks to cheeks greetings ba." 

Napatango naman siya at namumula ang mukhang hinalikan ng mababaw si Drake sa pisngi. 

"Long time no see." 

"Long time no see," he responded. Now, with a smile in his lips. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status