Share

CHAPTER SEVEN

MUGTO ANG mga mata ng dalaga pagkagising niya pagkakinabukasan. She cried for the all night; she can’t believe that Drake shouted at her. She only cares for him, she’s just worried but look what she got? Ang sama-sama talaga nito sa kanya tapos sinasabi pa ng mga kaibigan nila na gusto siya nito? Maniniwala sana siya, kung naging mabait lang ang binata sa kanya. Sino naman ang matinong lalake ang sisigawan ang babaeng gusto nila di ba?

 Mabilis niyang tinapos ang pag-inom ng tubig nang pumasok sa kusina si Drake. Nagtama ang kanilang mga mata pero agad siyang umiwas ng tingin. Galit siya sa ginawang paninigaw nito, nasaktan nito ang ego niya.

Sumunod naman sa kanya ang mga mata ng binata sa pag-alis niya. 

“Anyare sa’yo? Namamaga ang mga mata mo?” tanong sa kanya ni Mason nang makasalubong niya ito. Umiling lang siya, wala siya sa mood magkuwento at baka umiyak lang. Ang sakit kaya ng ginawa nito. Alam naman niya hindi siya nito gusto pero kailangan talagang manigaw? Kahit konting respeto lang naman sana sa kanya dahil magkakabata sila. “Anyway, are you ready? Pupunta na rito ang mga pulis mamaya para kunin ang statement mo.”

Tumango siya. “Basta, Samahan mo ako ha?”

Niyakap siya ni Mason at hinaplos ang kanyang buhok. “Oo naman. Nasa tabi mo lang ako.”

Napangiti naman si Calli. Inaya siya nito na pumunta na sa floating restaurant dahil doon sila kakain ngayong umaga. Sumakay silang dalawa sa bangka at balak pa sana ng binata na hintayin si Drake pero umayaw siya, sinabing mauna na lang sila.

“Sigurado ka? Ayaw mong makasabay ang crush mo?” tukso nito sa kanya na siyang ikinirap niya lang ng mga mata. Dumapo ang mga mata niya kay Drake na naglalakad papalapit sa kanila, nakatutok ang mga mata nito sa cellphone at mukhang may seryosong ginagawa dahil nakakunot ang noo nito.

“Hinatayin na natin. Kawawa naman,” he insisted. Umupo siya sa upuan at bagot na naghintay habang nakahalukipkip. Edi hintayin, may magagawa ba siya?

Umupo sa tabi niya si Mason. “Bakit ba ang init ng ulo mo ngayon? Hindi ba maganda ang tulog mo?”

“Hindi nga ako nakatulog eh!” And it was Drake’s fault.

“Bakit naman?”

She stared at Drake. “Something happened and I’m busy making decisions last night.”

Tumalim ang mga mata niya nang may isang babae ang lumapit kay Drake. Nagtanong kasi ito kung nasaaan ang rentahan ng jetski na siyang itinuro naman ng binata.

“What is it?”

Kumuyom ang kamao ni Calli nang hawakan nung babae si Drake sa kamay. Gusto niyang hilain ang buhok nito pero sino naman siya para gawin yun? Hindi naman siya ang girlfriend.

She eyed Mason that is waiting for her answer. Sakto namang bumaling ng tingin sa kanya si Drake, nangangamba kung nakatingin ang dalaga. Nasabi kasi ni Mason kay Drake na tigilan ang pakikipag-usap sa ibang mga babae dahil hindi iyon nagugustuhan ng dalaga. Kaya naman pala siya nito sinungitan nung nakaraang araw at magkabati na sana sila pero nasigawan niya naman ito kagabi, ngayon….ramdam na niya ang galit nito.

“I’m planning to remove my feelings for him,” Calli answered proudly, like she’s very sure of it.  

Natawa naman ng malakas si Mason na agad na nasapok ng dalaga. “How dare you to laugh? I’m serious!”

He stop laughing but she can saw how  he wants to burst out. Sinamaan ito ng tingin ng dalaga. “Subukan mong tumawa at ihuhulog talaga kita,” banta niya.

Tumikhim si Mason. “Nakakatawa ka kasi. Siguradong-sigurado ka talaga eh alam ko naman na hindi mangyayari ang binabalak mo. Ikaw pa, kilala kaya kita at alam kong marupok ka. Huwag mo ng subukan dahil walang may mangyayari.”

Ngumuso si Calli. “Ewan ko sa’yo. Tawagin mo na nga ang haliparot mong kaibigan para makaalis na tayo. Nagugutom na ako. Lunurin ko kayong dalawa eh.”

Natatawang namang tumayo ang binata at tinawag si Drake na pinipilit ng babae na samahan niya ito.

“Drake, tara na. Galit na ang leon.”

Napatanga si Calli at malakas na hinampas ang kaibigan. Binaklas naman ni Drake ang braso mula sa pagkakahawak ng babae at tumakbo papunta sa dalampasigan, hindi niya ito nilingon kahit tinatawag siya nito.

Magkatapat sina Calli at Drake na nakaupo habang papunta sa floating restaurant. Nandun na ang ibang mga kaibigan nila at sila na lang ang hinihintay. Nang makarating ay inalalayan siya ni Mason sa pag-alis mula sa bangka, nilingon niya si Drake nang hawakan siya nito sa beywang para alalayan din. Naiinis niyang inalis ang kamay nito at napatanga naman doon ang binata.

“Ang tagal niyo,” reklamo ni Lim na kanina pa nagugutom.

“Magreklamo ka sa isa riyan, ang landi kasi. “

Napatigil sa pagbaba si Drake dahil alam niyang siya ang tinutukoy ni Calli. Napakamaot na lang siya ng ulo. Hindi naman siya lumalandi eh.

Sila na lang naman ang hinihintay kaya nang makaupo ay nagsimula na silang kumain. Calli is happy while watching the fishes swimming under their cottage. She can’t focus to her food because she’s busy watching them.

The morning breeze of the air that mixed with the smell of the sea is so good to feel and the light movement of the cottage every time they move. She take a bite of the watermelon and stood up to pour some melon juice in her glass when Drake took the pitcher first. She stop chewing and take a sit again. Akmang lalagyan nito ng juice ang baso niya pero agad niyang inilayo iyon kadahilanan na matapon ang juice at mabasa siya.

Agad siyang napatayo at sininghalan ang lalake. “Ano ba?”

Napatayo naman ito at tiningnan ang damit niyang nabasa. “Ikaw naman kasi, iniwas mo ang baso---”

“Bakit? Sinabihan ba kitang lagyan mo?”

Pinunasan ni Mason ang basa niyang damit ng tissue at pinapakalma siya. Naguguluhan naman sa kanila ang mga kaibigan.

Bumuntong hininga si Drake at ikinuyom ang kamao, pinipigilan ang galit. Hindi dahil sa paninigaw sa kanya ng dalaga kundi sa nakikita niya. Hanggang kalian ba siyang hindi susundin ni Mason?

“Look. I know that I hurt you last night—”

“Don’t bring up what happened last night. That’s not the case here.”

“Talaga ba? Dahil sa nakikita ko, galit na galit ka ngayon dahil sa nagawa ko.”

Naitikom ni Calli ang bibig at naghanap ng mga salitang maisasabi. “Oo, galit nga ako dahil sa ginawa mo at dinagdagan mo pa ang galit na iyon ngayon.”

“Calli, kalma lang.”

Hindi niya pinakinggan si Mason. Nagpupuyos siya sa galit at gusto niyang ilabas iyon. Para siyang bombang malapit ng sumabog. Itong Drake talaga, isang sakit sa ulo. Ang dami na nitong ginawa na siyang nagbigay ng inis at sakit sa kanya, sinasadya man nito o hindi.

Napayuko ito at kita sa mukha ang konsensiya. “Sorry.” He didn’t mean to hurt her.

May kung ano namang humaplos sa puso ng dalaga dahil sa uri ng boses nito. Alam niyang nagiging marupok na naman siya kaya sinita niya ang sarili. Hindi niya ito patatawarin ng basta-basta lang. Magdusa siya! Calli roll her eyes and cross her arms. “Not forgiven.”

May kung anong bumara sa lalamunan ng binata.

“Bakit? Ano ba ang nangyari kagabi?” lakas-loob na tanong ni Xiver nang matahimik ang dalawa.

Binalingan ito ng may masamang tingin ni Calli. “Edi tanungin niyo siya.” Sabay duro niya kay Drake. “Makaalis na nga rito.”

Niyaya niya si Mason na bumalik na sa vacation house dahil nawalan na siya ng gana pang kumain. Agad naman itong sumunod at mabilis siyang hinawakan ng muntik ng matumba dahil gumalaw ang cottage, padabog kasi siyang naglakad.

Nakasunod lang ang mga mata ni Drake sa dalaga na inaalalayan ni Mason sa pagsakay sa bangka. Nang makaalis ang mga ito ay napatingin siya sa kawalan. Ang pangit talaga sa pakiramdam kapag galit sa’yo ang taong gusto mo.

Yes, he likes Calli. Even before.

“Ano ba angnnagyari?” Xiver asked again.

He sigh deeply. “I shouted at her last night…when I almost kissed her.”

Suminghap ang mga ito.

Habang pinagmamasdan niya ito kagabi nung ginagamot nito ang sugat niya at pumasok sa utak niya ang suot nito ay hindi niya alam pero bigla na lang niya itong kinubabawan. He wanted to kiss her hungrily, to taste him. He desire her and he lost his control, mabuti na lang napigilan niya ang sarili bago pa man dumampi ang labi niya sa labi nito dahil kung hindi, she will end up naked. Kaya ganun na lang ang pananakit na ginawa niya sa sarili at nasigawan ito.

Nasapo niya ang mukha. “Ano na ang gagawin ko? She’s mad at me,” he hopelessly said.

“Apologize,” Lawrence answered.

“I already did.”

“Then do it again, again and again. Huwag kang sumuko hangga’t hindi ka niya napapatawad. Malambot naman ang puso ni Calli kaya tiyak na mawawala rin ang galit niya sa’yo,” it’s Airah. “Suyuin mo lang at bibigay din yan. We’ll help you.”

Napangiti siya kay Airah. He’s really lucky that he have them, kung wala? Ewan na lang niya. Dahil sa pagiging torpe niya, ang mga ito na ang gumagawa ng paraan para mapalapit siya Calli at makapag-usap sila kahit papaano. Sinasabi ng mga ito sa dalaga na gusto niya ito pero ayaw namang maniwala. Ganun ba kahirap paniwalaan yun?

“Umamin ka na kasi,” pamimilit sa kanya ni Xiver noon.

“Ayaw ko nga, natatakot ako.” Is that even possible? Ang matakot sa babae? Well..ganun talaga siguro kapag gusto mo ng sobra ang isang tao. You are afraid to be rejected ‘cause you know it will bring you a lot of pain.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status