Share

CHAPTER THIRTEEN

NAGPAALAM SI Calli kay Drake na mag-uusap lang sila ni Mason tungkol sa napag-usapan nilang dalawa para malaman naman ni Mase. Ayaw naman niyang bigla na lang magkaroon ng pagbabago sa kanilang dalawa ng kanyang bff na wala man lang kaalam-alam ang kaibigan. 

"Is it okay?"

"Oo naman," walang pag-aalinlangan nitong sagot.

She's relieved that Mason understands her, as well as her boyfriend.

"So, puwede na ba akong maghanap ng jowa nito?"

Sinapak niya ito sa braso. Nakaupo sila sa bakanteng cottage at di tulad noon na magkadikit na magdikit, ay may konting espasyo na sa pagitan nila.

"Di naman kita pinipigilang magka gf ah. Edi maghanap ka, tulungan pa kita."

"Hindi mo nga ako pinipigilan pero nangako ako at dahil ngayong may kasintahan ka na, hindi na ako nakatali sa'yo."

Inirapan niya ito. "Hindi ka naman nakatali sa akin. Ang feeling mo."

Tinawanan lang siya nito nang may umikhim sa kanilang likuran at nang lingunin ay si Drake pala iyon. Gusto nitong kausapin si Mase kaya umalis si Calli para bigyan ng privacy ang dalawa. Bumalik siya sa vacation house.

Naupo si Drake at binalot sila ng katahimikan ng ilang saglit. Si Mase ang unang bumasag nun.

"Congrats," Mase greeted.

"Thanks and sorry din."

Umiling ito habang may ngisi. "Okay lang, naiintindihan ko naman. Alam kong alam mo na may pagtingin ako sa kanya kaya normal lang na magselos ka tapos inaasar pa kita." Natawa ito at tinanaw ang mapayapang dagat.

"Callisandria loves you so much. Lagi niyang kinukuwento sa akin kapag kinikilig siya dahil sa'yo, nasasaktan, naiinis, namimiss ka. Naging saksi ako sa kung gaano ka niya kamahal at naging saksi rin ako kung gaano katunay ang nararamdaman mo sa kanya. I know Calli is in good hands, you'll not hurt her. I know na hanggang kasalan na yang relasiyon niyo." Tinapik siya nito sa likod. "Ang akin lang, ingatan at aalagaan mo siya. Mahalin mo rin ng buo na alam ko namang gagawin mo. Sinasabi ko lang dahil wala na akong maisip na maipapaalala sa'yo."

Natawa silang dalawa.

"Tapos ka na ba sa speech mo?"

Mason nodded.

"Then, it's my turn. Thank you for being there for Calli, for taking good care of her. Salamat din sa pagpaparaya mo."

"Hindi ako nagpaparaya. Alam ko lang na ikaw din naman ang pipiliin niya sa huli. Mahalaga siya sa akin at ayaw ko na siyang pahirapan pa kaya hindi na ako sumubok na lumaban."

Napatayo si Drake. "Akala ko ba hindi ka magbabalak na ligawan siya? Sinabi mo yun sa akin nung nakaraang gabi."

"Sinabi ko nga yun dahil alam kong wala akong pag-asa pero kung alam kong mayron, nunkang ibibigay ko lang siya---aray!" hiyaw ng lalake nang sipain ni Drake ang paa nito."Aba! Ang sakit nun ah."

Agad na tumakbo si Drake papalayo, papunta sa dagat at hinabol naman siya ni Mason. Si Calli naman na nanunuod sa kanila di kalayuan ay napailing habang pinagmamasdan ang magkakaibigan.

Calli and Drake spent their whole day dating and being sweet to each other. Nag snorkeling ang dalawa at hindi sila nagbitiw ng kamay habang nasa ilalim ng dagat dahil natatakot si Calli pero sa kabila ng kaba ay aliw na aliw naman siya sa magagandang isda at korales.

May isinulat si Drake sa tubig at kumunot ang noo ni Calli. Sinenyasan niyang hindi niya alam kung ano iyon. Nagsulat ulit ito at naka ilang ulit pa pero hindi talaga alam ni Calli kung ano iyon.

Umahon sila.

"Ano--"

Hindi na niya natapos pa ang sasabihin nang bigla siya nitong siniil ng halik. Humalik naman siya pabalik at ikinawit pa ang mga kamay sa batok nito.

They kissed for a couple of minutes before they stopped. Nilingon ni Calli ang kasama nilang nag-a-assist sa kanila at mabuti na lang ay hindi ito nakatingin.

"I love you, yun ang sinulat ko."

She smiled sweetly. "I love you too."

They continue their snorkeling. They even had a photo under the sea at kanina pa iyon pinagmamasdan ni Calli habang naghihintay sila ng kanilang pagkain. They are at the floating resto right now.

Napaangat siya ng tingin sa binata nang kuhaan siya nito ng litrato. "Ang ganda ng ngiti mo rito."

Pinakita nito iyon at ginawa pang lockscreen na siyang ikinapula ng pisngi niya.

"Ang pangit."

"Ang ganda kaya," giit naman nito.

Dumapo ang tingin ni Calli sa suot nitong grey na swinglet. Bigla niya naalala ang nawala niyang swinglet nito. "Drake?"

"Hmmm?"

"Tanong ko lang, bakit napakahalaga sa'yo nung singlet na naiwala ko?"

Nawala naman ang masayang ngiti nito sa labi at napalitan ng pait. From that, alam niyang hindi maganda ang nangyari.

"Bigay kasi yun ng ex ko."

Sandali siyang nagulat. Tumikhim siya nang makaramdam ng kirot sa dibdib. "Mahal mo siguro noh? Ang lungkot mo eh."

Tumango naman nito at pakiramdam niya ay may bumara sa kanyang lalamuna. Uminom siya ng tubig. Grabe, di manlang inisip ang nararamdaman niya.

"I love her..."

Sinabi pa.

"As a friend," dugtong nito na siyang ikinabalik ng tingin niya rito.

Biglang napawi ang sakit sa puso niya.

"Si Alicia, naging malapit talaga sa akin. Nung una, jinowa ko siya dahil naghahanap ako ng babae na baka...baka magiging rason para mawala ang nararamdaman ko para sa'yo. Hopeless kasi ako nun na magiging tayo."

"Our relationship last for a year, sa unang pagkakataon nagtagal ng ganun ang relasiyon ko sa isang babae . Hindi ko alam kung bakit tumagal ng ganun, siguro dahil naging malapit na kami sa isa't-isa at hindi siya tulad ng mga babae na clingy. Parang magtropa nga lang kami kung magturingan. Hindi ko na kaya nun dahil nakokonsensiya na talaga ako, ayokong ipagpatuloy ang relasiyon ko sa kanya kasi ikaw pa rin talaga. Inamin ko na ginawa ko siyang panakip butas, alam kong nasaktan ko siya dahil gusto niya ako pero kailangan kong tigilan na. To my shock, alam niya pala ang laman ng puso ko, she just decided to stay to accompany me. When we broke up, that's the start of our friendship too. "

"Nasaan na siya ngayon?"

Hinawakan nito ang kamay niyang nasa ibabaw ng lamesa. "She's dead. Breast cancer ang sakit niya. "

Natuptop ni Calli ang bibig kapagakuwan ay agad na humingi ng pasensiya. "Sorry."

"You don't need to. Ganun talaga at staka, matagal na rin kaya hindi na masakit. Nakakalungkot lang."

Calli feel sad. Gusto niya sanang makilala rin ang babaeng yun. "Puwede ba nating dalawin ang puntod niya kapag nakauwi tayo ng Manila?" She wants to thank her.

"Oo naman."

The food already arrived and they change the topic into a funny one. Kung kanina ay sa tapat niya nakaupo si Drake, ngayon ay nasa tabi na niya habang ang isang kamay nito ay nasa kanyang beywang.Pinisil siya nito na siyang kanyang ikinasinghap at hinampas ito sa braso.

Matapos kumain ng tanghalian ay sumubok pa sila ng ilang sea activities. Kumain din sa mga stalls.

Nung dumating naman ang gabi ay napailing na lang si Calli dahil tinotoo nga ng mga kaibigan ang sinabi kanina na may big celebration sila ngayong gabi.

Malapit sa dalampasigan sila nagsaya, may bonfire sa gitma at mga nilutong pagkain. Malalim na ang gabi at sumasayaw si Lawrence sa gilid ng apoy, medyo may tama na rin ito dahil nakainom.

Binigyan siya ni Drake ng barbecue at binato ng paper cup si Lawrence.

"Baka mawalan ka ng balanse at bumagsak ka sa apoy. Leletsunin talaga kita."

"Kakainin ka talaga naming lahat," segunda naman ni Xiver.

"Ewww!" Tili ni Lim na diring-diri.

"Ewww? Ewww?" tanong ni Lawrence rito."Tinatanggihan mo ba ang hot na lalaking 'to?" Tinuro nito ang sarili.

"Hot? Itulak kita sa apoy gusto mo?"

At nagsimulang magtalo ang dalawa. Hinayaan naman nila ang mga ito at nagyayaan na lumangoy sa dagat ang iba.

Nagpaiwan sina Drake at Calli dahil nilalamig ang dalaga. Niyakap siya nito mula sa likuran at ipinatong ang baba sa kanyang balikat.

"There's a lot of starts tonight."

Napatingala si Calli. "Oo nga. Naalala mo pa ang sinabi mo sa akin noon na magiging astronaut ka paglaki mo para makuhaan mo ako ng star?"

Natawa si Drake at tumango-tango. "Oo, dati...pani-paniwala talaga akong makakakuha ako ng bituin pero imposible pala yun."

Sumandal si Calli rito. "Pero sana noh? Gusto ko ring pumunta sa labas at makita ang kalawakan."

"But sadly, hindi tayo mga astronauts."

"Nakakainis naman kasi. Ang hirap maging astronaut. Ano kaya ang pinaglihi sa kanila ng mga magulang nila at sobrang talino nila? Malaman ko lang talaga, ipaglilihi ko talaga yun sa anak ko."

"Anak natin," pagtatama nito.

"Anak pala natin."

"Pero gusto mo bang gumawa na tayo ng anak ngayon?"

Nanlalaki ang mga matang nilingon ito ni Calli. "Now na?"

"Gusto mo ba?"

Napalunok siya. "Hindi. Natatakot ako, di pa ako handa."

Nilagay nito ang ilang hibla ng buhok sa likuran ng kanyang tenga. "I understand pero sa honeymoon, bawal ka ng tumanggi ha? Sisiguraduhin ko talaga na sa isang putok, may mabubuo agad."

Kinagat ni Calli ang pang-ibabang labi. Napaka blunt talaga nito. "P-pero..gusto mo bang....gawin muna natin yung....foreplay na sinasabi mo?"

Nagulat naman si Drake. "Seryoso? Tinatanong mo yan?"

She nodded repeatedly.

"Kung sasabihin ko bang oo, papayag ka?"

"Magtatanong ba ako kung hindi?"

That make him smirk. "Why not? Ikaw na itong nagyaya eh. Sa kuwarto tayo."

Tumayo ito at hinila naman siya patayo. Umalis sila ng dalampasigan nang hindi nalalaman ng isa sa mga kaibigan nila.

Napalunok si Calli nang kubabawan siya ni Drake matapos nitong maghubad ng damit. Puno ng pagnanasa ang mga mata nitong nakatingin sa kanya.

"Are you sure about this?"

"Y-yes."

"What pushes you to do this?"

"Hindi ko alam....hinahanap ng katawan ko?"

Kanina niya pa ito pinag-iisipan. Habang magkasama sila ni Drake at ilang beses na naghalikan ay pansin niya ang pagpipigil nito na palalimin pa ang ginagawa. Nirerespeto nito ang pagiging hindi niya handa.

"Hinahanap ka rin ng katawan ko, Calli. Don't worry, hindi mo pagsisisihan ang mangyayari ngayong gabi."

With that, he dipped his head and claim her lips.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status