Share

CHAPTER TWO

MAS LALO pang nagkagulo ang mga kaibigan nila na siyang ikinailing lang ng dalawa. Kinuha na lang niya ang suitcase sa likod ng van at inaya ng pumunta sa vacation house para makita na niya si Mason.  Excited na siyang makita ang lalakeng 'yun. 

Nauna sa paglalakad sina Lawrence, Naomi, Airah at Lim . Nakasunod naman siya sa mga ito at nasa likuran niya sina Xiver at Drake. Palinga-linga siya para tingnan ang resort.  It's wide and offers a lot of services to the tourists. May 30 floors na hotel, expensive cottages and cabins. Kung gusto mo namang sa tent ay mayroon din. Bilihan ng mga pasalubong, nakahilerang mga stall ng pagkain kung saan live pang nagluluto ang mga chefs at aliw na aliw naman ang mga nanunuod. A lot of spots good for picture taking, water activities and more. 

Mahina siyang binangga ni Xiver nang mauna ito sa paglalakad. Kumunot naman ang noo niya. 

"Ako na."  Napalingon siya bigla kay Drake na kinuha ang suitcase niya. Agad niya iyong inagaw mula rito. 

"Hindi, okay lang. Kaya ko naman." 

Hinigpitan nito ang hawak sa maleta niya. "Hindi, ako na talaga. " 

Nagpumilit pa talaga ito kaya wala siyang pagpipilian kundi ang hayaan na lang. 

Mabagal ang paglalakad niya kaya binagalan din nito ang mga hakbang. Walang imik silang naglalakad habang magkatabi at naghahanap ang bawat isa ng kung ano ang puwede nilang pag-usapan. 

Sa mga kaibigan niya, kay Drake siya hindi malapit. Dati close naman sila pero habang lumalaki ay lumalayo na ang loob sa isa't-isa. He's too distant, minsan lang siya kung kausapin kaya ganun na lang din siya. Ayaw niya namang maging feeling close dahil baka ayaw nitong maging malapit ulit sila. 

"Tagal din nating hindi nagkita noh?" panimula nito ng usapan sa pagitan nilang dalawa. 

"Oo nga. Halos isang taon din. "  Kapag naman kasi nagkikita ang mga kaibigan nila ay minsan lang sila kung makisali at hindi nila naaabutan ang isa't-isa. 

"Sobrang busy rin kasi kaya halos ubos na ang time." 

"Nabalitaan ko nagkaproblema raw ang kompanya niyo. Mabuti na lang at naayos niyo naman agad." 

"Mabuti nga at naayos dahil kung hindi, tiyak na babagsak talaga ang kompanya. Malilintikan ako kay lolo." At napakamot ito ng ulo. 

Natawa naman siya ng mahina. Hanggang ngayon ay takot pa rin pala ito sa lolo nito. Naalala niya dati kung gaano talaga nakakatakot si Don Rafael De Vicente, mukha pa lang ay manginginig ka na. Miski sina Lawrence, Xiver at Mason ay takot din dito. Umiyak pa si Lawrence 'nung pinatawag ni Don Rafael De Vicente. 

Nang makarating sa vacation house nina Xiver ay agad siyang tumakbo papasok. Hinanap niya si Mason at tumili nang makita itong naghahanda ng pagkain sa may kusina. 

"Mason!" She runs towards him and hugs him tight. Mason lifts her and twirls them around. 

Ibinaba siya nito. "Ang gaan mo. Stress ka ba ng sobra?" 

"Oo pero nawala na ang stress ko dahil nakita na kita. Sobra talaga kitang namiss Mase, sobrang-sobra." 

"Talaga ba? Eh hindi mo nga ako tinatawagan," nagtatampo nitong sabi.

"Marami kasi akong iniisip pero huwag ka ng magtampo dahil habang nandito tayo sa beach ay ikaw lang ang iisipin ko." At pinanggigilan niya ang pisngi nito. Natawa naman si Mason at niyakap siya ulit. They both really miss each other. It's been two years since the last time they saw and months of losing connection. 

Nakatingin naman sa kanilang dalawa ang mga kaibigan nila. Nakangiti dahil alam nila kung gaano kagalak ang dalawa na makita ang isa't-isa pero maliban na lang sa isa na puno ng selos ang bumabalatay sa mga mata. 

After they greeted each other. Calli went to her room, kasama niya sa kuwarto si Airah. She throws herself on the bed and hugs the soft pillow. "Ang ganda rito sa resort nina Xiver," she complimented.  Tamang-tama ito para makapag-unwind siya. 

Airah smirk at her. "Sabi sa'yo eh tapos pa choosy ka pa." 

Sumimangot siya. "Ano pa ba ang pinanghihimutok mo riyan? Nandito na nga ako eh." 

"Chill. Ang init ng ulo mo." 

Nagpahinga lang siya saglit sa kuwarto at nang magising ay bumaba na ng sala. Naabutan niya ang mga kaibigan na nag-uusap habang kumakain sa lamesa. 

"Calli, dito." Kinawayan siya ni Mason na siyang unang nakapansin sa kanya. Naupo siya sa tabi nito, katapat naman niya si Drake kaya napatingin siya sa binata. Nakatuktok lang ang atensiyon nito sa kinakaing salad. 

"Anong gusto mo Cal?" Naalis ang tingin niya rito at napabaling kay Mason. 

"Yung baked macarons." 

Nilagyan naman siya nito sa kanyang pinggan at napasinghap nang padabog na binagsak ni Drake ang kustara nito staka uminom ng juice. 

"Okay ka lang?" Hindi niya napigilang tanong. 

Tumango ito.  "Oo." 

While they eat, they talk a lot of things and the topics are mostly about her since they missed a lot of events in her life.  Sharing their current happenings, she realize how their lives already changed. Kung dati, ang pinoproblema lang nila ay  kung ano ang lalaruin sa araw-araw. Iiyak dahil papatulugin ng mga magulang sa tanghali pero ngayon, hindi na uso ang laro kasi kailangan mong seryosohin ang lahat, hindi ka na makakapagpahinga kung kailan mo gusto kasi binabagabag ka naman ng mga tatapusin mong trabaho. 

She's happy that despite of not having a communication for a long time, their friendship still remain. Maraming nagbago sa mga kaibigan niya lalo na sa pisikal na kaanyuan, mas lalong gumanda, mas lalong gumuwapo at naging makisig, mas naging mature. Marami mang nagbago sa kanila pero marami pa rin namang nanatiling mga ugali na siyang mananatili sana sa tanang buhay nila. 

"May boyfriend ka na ba Cal?" 

Nabulunan siya sa tanong ni Xiver. Mariin siyang umiling na siyang ikinangiti naman ng isang lalake na kanina lang ay naikuyom ang kamao nang marinig ang tanong ni Xiver. 

"Wala na akong time para roon. 'Yung worksheet na actually yung jowa ko." 

"Mabuti naman kung ganun. Huwag ka munang magboyfriend hangga't may isa pa ritong hindi pa tapos sa pagiging torpe ha?" makahulugan nitong sabi. 

Her forehead creases. "Who do you mean?" 

Magsasalita sana si Xiver nang senyasan ito ni Mason na tumahimik at pinanlisikan ng mata,  pinagbabantaan. "Don't worry, hindi ko sasabihin." 

Mas lalo namang naguluhan si Calli at nilingon si Mason na nginitian siya nang mahuli niya itong kausap si Xiver. 

"Anong pinag-uusapan niyo?" 

"Ha? Wala." Mariin itong umiling. "Kumain ka na lang. Sinarapan ko talaga ang pagkakaluto riyan sa lasagna kasi paborito mo." 

Tiningnan niya pa ito ng matagal at nagpatuloy sa pagkain.  Naghihinala siya kay Mason. Ito ba ang tinutukoy ni Xiver na hindi pa tapos sa pagiging torpe? 

Matapos nilang kumain ay napagdesisyunan niyang maglakad-lakad sa resort.  Matindi ang sikat ng araw pero hindi naman iyon masakit sa balat dahil alas nuwebe pa lang naman ng umaga.  Lumapit siya sa isa sa mga stall kung saan nagluluto ang isang chef at napaatras nang biglang umapoy ang pan at nakipagsabayan siya sa mga palakpakan. 

Di naman siya nagtagal doon at napagdesisyuna din na maglakad sa may dalampasigan habang nasa likod ang kanyang mga kamay. There has a lot of tourists, wearing their swimming attire. May nakita pa siyang dalawang babae kanina na see through pa talaga ang knit top. Bilib din siya sa confidence ng dalawang babae, siya kasi hindi mahilig magsuot ng mga damit na sobrang revealing. Hindi siya sanay na pinapakita ang kabuuan ng katawan niya sa maraming tao. 

Maganda naman ang katawan niya. She has curves, flat stomach, enough big of breast and butt but she's uncomfortable showing it to them. Lalo na at iba na ang isip ng mga tao ngayon. 

Masiyado siyang naaaliw sa paligid niya at hindi napansin na may paparating pa lang bola sa kanyang direksiyon. Matatamaan sana siya sa ulo nang may sumalo nun. Suminghap siya sa gulat sa biglang paglitaw ng isang lalake at hinarap ito. "D-dra-ke," she utters his name. Startled. 

He throw the ball back to those teenagers playing volleyball before turning his gaze at her. 

Humakbang naman siya paatras nang mapagtantong sobrang lapit pala ng katawan nila. Naaamoy na niya ang natural na amoy nito na humahalo sa pabango. Lumunok siya dahil sa malalim ang emosiyon na ipinapakita ng mga mata nito habang magkatama ang mga mata nila. Umiwas siya. "Ahm...anong ginagawa mo rito?" 

"Wala. Tulad mo, naglalakad din." 

"Ganun ba? Salamat nga pala." 

He smile. "No probs. Ingat ka habang naglalakad." 

Tumango  siya. 

"Hindi ka ba magtatampisaw sa dagat?" tanong nito kapagkuwan nung bumalik sila sa pagiging tahimik. 

"Mamaya na si--" 

Hinubad nito bigla ang damit na siyang ikinabitin ng kanyang salita. Inabot nito iyon sa kanya na mas lalo pa niyang ikinagulat. 

"Pahawak naman," hingi nito ng pabor at nang tanggapin niya ang damit nito ay tumakbo ito papunta sa dagat. Napatingin siya sa singlet na hawak at dumapo ulit ang tingin sa lalake. Hindi niya napigilan ang sarili na amuyin ito dahil tutal naman ay hindi nakatingin si Drake. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status