Share

CHAPTER THREE

NAWALAN NA siya ng gana pang maglakad-lakad at naupo na lang sa malaking sanga ng kahoy na naanod ng alon papunta sa dalampasigan. Pinagmasdan niya si Drake na lumalangoy papunta sa mababaw na parte at sa pag-ahon ay bumalandara ang maganda nitong katawan. 

At sinong mag-aakalang ang dating lampayatot ay magiging ganito na kakisig ngayon? It's really different when puberty hits you. Tinutukso pa niya ang lalake noon pero ngayon, paano na niya ito tutuksuin kung nakakakapos ng hininga ang ganda ng katawan nito?  His body is well structured. He has this masculine body which has 6-pack abs, and firm muscles. A body built than can hook a girl's heart in just one glimpse. 

Hindi lang siya sa katawan appealing kundi sa kabuuan talaga. 

His pitch-black eyes were really magnetizing, with long lashes and thick eyebrows that always met. Pointed nose and kissable lips. Jet black thick hair where he runs his fingers and the bullets of water is slowly dripping down. 

He's handsome, ever since their were young. Maraming nagsasabi ng ganun at gusto pa ngang ampunin si Drake. Naalala niyang nasabunutan pa siya 'nung grade six pa lang sila dahil nagselos yung babae sa kabilang seksiyon na may gusto sa lalake kasi sobrang close nila.  Kasalanan ba niyang magkaibigan din ang mga magulang nila kaya sobrang close din sila ng lalake? 

"Baka matunaw ha?" 

Agad siyang napatingin sa lalakeng nakatayo sa tabi niya at nakatingin din kay Drake. Hindi niya alam na kanina pa pala 'to nakatingin sa kanya, sinusuri ang uri ng emosiyon na pinapakita ng kanyang mga mata. "Ha?" lutang niyang tanong. 

Naupo ito sa tabi niya. "Aminin mo, gusto mo si Drake noh?" mapanuri nitong tanong. 

Napaubo siya nang mabulunan ng sariling laway at umawang ang labi, "What?" She exclaimed. 

Tinutukso na talaga sila ni Drake noon pa man dahil daw sa chemistry na nakikita ng mga ito sa kanilang dalawa. 'Nung una, naiinis talaga siya dahil sobrang awkward pero 'di naglaon ay tinuring niya na lang na biro ito ng mga kaibigan niya. Okay siya roon sa shini-ship sila pero yung iisipin talaga nito na may gusto siya sa kababata? Nababaliw na ba 'to?

"Asus, deny pa more." And he poke her waist.  Sinita niya naman ito dahil nakikiliti siya. 

"Aminin mo na kasing gusto mo." Kapagkuwan ay nilapit nito ang bibig sa tenga niya. "I swear, hindi ko sasabihin sa iba." 

Tinulak niya ang mukha nito at ngumiwi. Padabog siyang tumayo habang hindi maipinta ang mukha. 

"Pinagsasabi mo? Hindi ko siya gusto noh," pagtanggi niya na may pagkakaasiwa sa boses. "Me and Drake are childhood friends. Ang awkward naman kung magustuhan ko siya 'di ba?" 

Tumayo naman ito at pinagpagpagan ang sexy short. "Hindi mo ako maloloko, kitang-kita ko kaya sa mukha mo ang pagkakagusto sa kanya kapag nakatingin ka kay Drake. Lagi kaya kitang pinagmamasdan, hindi mo---" 

"Sinabing hindi ko nga siya gusto!" Tumaas ang boses niya. "Kahit konti, wala akong nararamdaman para kay Drake." 

"At bakit naman?" Tinaasan siya nito ng kilay. Hindi pa rin naniniwala sa kanya. 

Umikot ang mga mata niya sa iritasiyon. "Look, I know a lot of women are admiring him, they say it is because of his looks, his appealing but for me? Siya pa rin 'yung lampayatot na Drake na kilala ko noon. Hindi ako affected sa katawan niya o kahit sa kaguwapuhan na sinasabi---" 

"Talaga?" 

Naputol siya sa pagsasalita at natulos sa kinakatatayuan kasabay nang pagtigil ng paghinga. Dahan-dahan siyang pumihit patalikod at naapatras nang makita si Drake. Kakaahon lang nito at may takip ang katawan  ng pink na towel pero medyo nasisilip pa naman ang abs nito.

"A-ano....." Hindi niya magawang ituloy ang sasabihin. Tinuro niya lang ito at napatingin sa may dagat kung saan ito kanina staka napadapo naman siya ulit dito. Kanina lang naliligo pa 'to 'di ba? Paanong nasa likuran na niya pala 'to? 

"Anong a-ano?" At ginaya pa talaga nito ang pagkakautal niya. 

Lumunok siya. "Narinig mo?" 

"Ang mga sinabi mo? Na lampayatot ako at hindi ka affected sa katawan ko?" Nagmamalaki itong tumango. 

Nasapo naman niya ang magkabilang pisngi dahil ang tindi na ng pamumula 'nun sa kahihiyan. Gusto niyang magpaliwanag sa mga sinabi niya pero hindi alam kung ano ang sasabihin. 

Inakbayan siya ni Lim. "Alam mo, feeling ko talaga 'tong si Calli tomboy." 

Siniko niya ito at sinamaan ng tingin. "Anong tomboy ka riyan? Porke hindi affected sa mga abs at muscles hindi na agad babae? Anong magagawa mo kung ganun ako?" 

Inalis niya ang kamay nito sa balikat at kunwaring inis na umalis para makaiwas sa kahihiyan. Tumatawa naman siyang sinundan ng tingin ng dalawa at napailing si Drake habang nakapameywang. 

"Kunwaring naiinis. Gusto lang makatakas eh," lintaya ni Drake na para bang kilala niya ng sobra ang babae. Hindi pa rin maalis sa isip niya ang pamumula ng mukha nito na kulang na lang ay magmukhang kamatis. 

Nilingon siya ni Lim at hinawakan ang tuwalya. 

"Taray ng tuwalya mo ah, pink na pink. May ganito ka pa lang towel? Lakas mo namang maka turn off." 

Mas lalo pang natawa si Drake at inalis iyon mula sa pagkakatakip sa katawan niya. 

"Hindi, bigay lang 'nung babae 'nung umahon ako." 

"Kanina mo pa sana inalis 'yan. Baka kasi near sighted si Calli kaya hindi nakikita ang abs mo." 

Umiling siya. "Hindi na kailangan. Alam kong nakita na niya. " At inaya si Lim na bumalik na sa vacation house. 

Nang makabalik naman si Calli sa may vacation house ay agad niyang hinanap si Mason. Nakita niya itong nakatayo at nagcecellphone. Nilapitan niya ito at niyakap mula sa likuran.  Agad siyang nilingon ng lalake na nagulat sa biglang pagdating niya. Nakita nito ang nakasimangot niyang mukha. 

He lift her face. "Oh, anyare at nakanguso ka?" 

Calli throw a tantrums like a kid. "Kasi naman eh. I made an embarrassing moment again in my life Mason," sumbong niya na akala mo naman inagawan ng candy. Pigil naman ang matawa ni Mason. Hindi maganda ang timpla ng mukha nito at kapag pinakita niya sa babae na natatawa siya ay tiyak na magagalit talaga si Calli....pero ang cute kasi nito. 

"Ano ba 'yun?" Pinalungkot niya ang boses. 

She stop her actions and hug him, nagpapalambing at niyakap naman siya pabalik ni Mason. 

"Ayaw kong sabihin. Naiinis ako." 

He nods. "It's okay. Just hug me to ease that irritation ." Hinagod niya ang likod nito at hinalikan sa noo ang babae, sakto namang pumasok sina Lim at Drake sa sala at nakita ang pagmamahal sa halik na iyon ni Mason. 

Natigilan silang pareho pero unang nakabawi r'on ay si Lim. "Ang sweet niyo ah." 

Nagbitaw sina Mason at Calli. Dumapo ang mga mata ng dalaga kay Drake at muli na namang namula ang pisngi. Nagmamadali siyang umakyat papunta sa kuwarto niya. Nagpapagulong-gulong sa kama habang sinasabunutan ang buhok. Huminto lang siya nang may mapagtanto. 

"Oh that," she snapped when she realized her actions a while ago in the living room. It's too obvious that she's really affected.  She decided to inhale a deep breath and exhale it slowly. Ilang ulit niya iyong ginawa hanggang sa kumalma siya. 

"What happened at the shore is not a big deal," she convinced to herself. Eh ano naman kung narinig 'yun ni Drake? 'Yun naman kasi ang totoo. Wala siyang dapat na ikahiya.  "Tama, Calli. Tama. Wala kang dapat na ikahiya. SI Drake lang 'yun. "

Napatigil siya sa pagkausap sa sarili nang makarinig ng katok sa pinto ng kuwarto. Bumaba siya mula sa kama at inayos muna ang nabuhaghag na buhok bago naglakad papalapit sa pinto. Binuksan niya ito at agad din sanang isasara nang pigilan ito ni Drake na siya pa lang  kumatok. 

Napaatras siya nang humakbang ito papasok sa kuwarto niya. Iniharang niya ang mga palad at tumama iyon sa may dibdib nito. Nagulat siya at natatarantang inalis ang kamay. Pasimple niyang pinakalma ang sarili dahil sobrang lakas ng tibok ng puso niya. Iniwas niya ang mga mata sa hubad nitong katawan. "A-ano ba kasi ang ginagawa mo r-rito? L-lumabas ka-na, baka kung ano pa ang iisipin ng mga kaibigan natin."  At issue na naman. Mas lalo lang sila nitong tutuksuin. 

"At ano naman ang iisipin nila?" 

She shrug. "Kahit ano. Kaya lumabas ka na." At pinaatras niya ito sa pagtulak sa may balikat. 

Nagmatigas naman si Drake. "Hindi ako aalis--" 

"At bakit?" She raised a brow and cross her arms above her chest. 

"Kasi kukunin ko pa yung singlet ko. Asan na?" At hinanap nito ang damit sa kuwarto niya gamit ang paglibot ng mga mata. 

Nanlaki naman ang mga mata niya at nasapo ang noo. Oo nga, yung singlet.  Pinahawakan pala nito iyon sa kanya. Inalala niya saglit kung nasaan na iyon. 

"Asan na? Don't tell me nawala mo?" 

"Ahhmm." Napakamot siya sa batok. "Parang naiwan ko ata roon sa kinauupuan ko kanina. Kukunin ko lang." At walang paalam siyang lumabas ng kuwarto. 

Naramdaman naman niya ang pagsunod nito pero hinayaan niya lang. Pinuntahan niya kung saan siya umupo kanina at nagtaka dahil walang singlet na naiwan doon, 'yung sanga lang ang nakita niya. 

"Asan na?" tanong  ni Drake nang makahabol. 

Tinuro niya ang kinauupuan. "Diyan ko lang naiwan kanina pero wala na. Asan naman 'yun? Hindi naman siguro nakuha ng alon 'di ba?"  Maaga pa at hindi pa malakas ang mga alon kaya hindi pa nito maaabot ng tubig ang inupuan niya. 

"Kinuha ng alon o ng kung sino?" May iritasiyon sa boses nito na siyang ikinangiwi niya. 

Patay. Importante ba iyon?

Yes it is. It's very important to Drake. Bigay 'yun ng namayapa niyang ex. 

"Magtatanong lang ako sa paligid." Hindi na hinintay pa ang sasabihin nito at tumakbo para maghanap ng mapagtatanungan. Nilapitan niya ang isang bata na gumagawa ng sand castle. Malapit lang ito sa kinauupuan niya kanina kaya baka napansin nito ang singlet ni Drake. 

"Excuse me." Sumukot siya at napatingin naman sa kanya ang bata. "May nakita ka bang black na sando roon?" Tinuro niya ang sanga ng kahoy. Umiling naman ito.

Nagpasalamat siya bago umalis. Sumusunod naman sa kanya si Drake kaya kapag nagtatanong siya sa mga babae ay ang mga mata nito ay nasa binata. Palihim siyang umirap nang makita ang pagnanasa sa mga mata nung foreigner na babae sa abs ni Drake. Ang lalake naman ay walang pake, ang inaalala lang nito ay sana mahanap nito ang singlet. 

"No, I don't see it." Kinuyom niya ang kamao dahil sa maarte nitong boses. Napipikon na talaga siya. 

Nagpatuloy ulit siya sa paghahanap. Pumantay ng lakad sa kanya si Drake at napatingin siya rito pababa sa katawan ng binata. Hindi na niya natiis. Tumigil siya sa harapan nito at gulat naman itong napatigil sa paghakbang. "Drake, puwede bang huwag kang hambog?" She hissed that makes his forehead creased. 

"Hambog? Pinagsasabi mo?" 

Bumuntong hininga siya. "Nagmamaang-maangan o pahumble? Puwede bang magdamit ka naman. Alam kong beach 'to, normal kung maglakad kang topless pero nakakadsitract kasi." At pumadiyak-padiyak siya sa inis. 

Panandaliang nagulat si Drake pero tumaas din ang sulok ng labi. He lean forward. "Akala ko ba hindi ka affected? Eh bakit ka distracted?" 

Tinago niya ang pagkapahiya. "That's not what I mean. I'm not distracted by your body but to those women that keep glancing at your body," she elaborated. 

"Uh-huh?" 

"Oo kaya magdamit ka na please lang." Baka hindi niya mapigilan ang sarili at magwala sa sobrang pag-aalburuto ng ulo niya na para bang bulkan. 

"Paano naman ako makakasuot ng damit eh hindi mo pa nahahanap ang singlet ko?" 

"Wala ka na bang ibang damit? Magbihis ka muna at maghahanap ulit tayo." 

Bumagsak ang mga balikat ni Drake at naigulo ang buhok. Nagdadalawang isip ito sa desisyon na gagawin pero sa huli ay napagdesisyunan na rin kung ano ang mas tingin niyang mabuti. "Huwag na tayong maghanap. Hayaan na natin." 

Nawala na ang inis sa mukha ni Calli. 

"Naisip ko na baka imposible pang mahanap pa natin yun. Alam kong pagod ka na kaya ang init na ng ulo mo. Tara na." 

Tinalikuran ni Drake si Calli at ang babae naman ay naiwang tunganga. Alam niyang gusto talagang mahanap ni Drake ang singlet nito pero napagdesisyunang huwag ng ituloy dahil alam nitong pagod na siya. 

Kung ganun man, babawi na lang siya rito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status