Share

CHAPTER 3: Is It Love?

VIER'S POV

Kinabukasan ay maaga akong nagbalik sa ospital para makapagpahinga naman si Alvin mula sa buong magdamag nitong pagbabantay kay Francis. Hindi pa rin kasi ito nagigising pero ayon naman sa Doctor ay wala kaming dapat na ipag-alala. Dahil

lang daw sa mga gamot na itinurok sa binata kaya hindi pa rin ito nagkakamalay.

Naupo muna ako sa upuan sa gilid at binuksan ang dala kong laptop. Inabala ko na lang ang sarili sa panonood sa mga winning performances ng mga nakaraang season ng PhilDance.

Matapos nito ay ang mga current competition naman sa bansa ang niresearch ko para malaman ang height at trend na kailangan naming sabayan sa nalalapit na kompetisyon.

Siguradong naghahanda na ang mga dancers nila. Binilinan niya kasi ang mga ito na magwarm up na bago siya umalis sa bahay ng pinsan ni Alvin. At pagbalik niya ay magsisimula na silang magpractice. Hindi sila dapat huminto sa paghahanda dahil lang sa naganap na aksidente. Hindi sila dapat na mag-aksaya ng oras. They have their selves and dreams to prove. Isa pa, hindi siya pwedeng matalo. Lalo na ngayon na alam niya na nasa tabi lang pala si Cloud.

Dapat niyang maipakita rito na hindi siya nagkamali sa ginawang desisyon.

She saw incredible stunts, impossible moves, great flies and really amazing performances habang nakatutok sa screen ng laptop. Ni hindi niya magawang alisin ang paningin doon sa sobra niyang paghanga sa mga kapwa mananayaw.

"Tropicals can do better than you guys," kampanteng turan niya habang nakatitig pa rin sa screen.

"Really huh?"

Natigilan siya sa narinig. Hindi pa man niya ito nalilingon ay tiyak niya kung sino ang nagmamay-ari ng malalim na boses na iyon. Naramdaman niya ang muling panginginig ng katawan.

"W-what are… you doing here?" Parang gusto niyang batukan ang sarili pagkulot ng dila niya. Muntik rin niyang maibagsak ang laptop na kanina ay nakapatong sa hita niya.

"Nagiging inglesera ka pala 'pag natetense?"

Napatigagal siya sa sinabi nito. Madalas niyang gamitin ang linyang iyon kapag inaasar niya ito noon. At tila 'yata kinilig ang puso niya dahil sa linyang iyon.

Gusto niya sanang matuwa pero wala siyang nakitang reaksyon sa mukha ni Cloud. Mataman lang itong nakatitig sa kanya. Hindi niya alam kung nagbibiro ba 'to o may iba pa ba siyang pakahulugan sa sinabi?

CLOUD'S POV

Tinawagan ko si Alvin nang umagang iyon para kumustahin ang lagay ni Francis. Sa totoo lang ay wala naman siyang pakialam sa lalaking iyon pero cargo de conciencia niya pa rin ito dahil siya naman ang dahilan kung bakit ito nadisgrasya.

Ayos naman na daw ito at hinihintay lang na magising kaya hinayaan na daw niya na si Vier na lang ang mag-asikaso rito dahil magpapahinga muna siya.

Hindi niya alam kung bakit pero tila naexcite siya nang malamang nasa ospital si Vier. Mabilis niyang pinaandar ang sasakyan patungo roon.

I was amazed by what I saw. Naabutan ko siyang nakatunghay sa laptop at halatang ineenjoy ang kung anumang pinapanood nito.

Her eyes were sparkling just like what they were before. Always sparkling and wonderful even with those dark spots below. Napakaganda rin niyang pagmasdan kahit pa halatang polbo at lipstick lang ang tanging kolorete sa mukha. She was always like that simple and beautiful..

"Tropicals can do better than you guys."

I heard her say na siyang nagpabalik ng aking ulirat.

"W-what are… you doing here?"

Impit akong napangiti sa naging reaksyon niya. "Nagiging inglesera ka pala 'pag natetense?"

Gusto ko sanang matawa sa ginagawang pang-aalaska dito pero minabuti ko na lang na huwag magpakita ng kahit anong emosyon. Isa pa, bakit ba ako natutuwa? The lady, or should I say, the woman in front of me isn't a saint.

"I came to pay his bills," kapagkuwan ay sabi ko na lang.

"O-ok," anito at saka itinabi ang laptop sa bag nito. Maya-maya pa ay lumapit ito sa may sidetable at iniayos ang mga prutas para kay Francis.

"You look pale," sabi ko nang lapitan ko siya.

We were too close that I can smell her, that natural fragrance that she always have. The smell that I'm longing for. Hindi ko na napigilan ang sariling lapitan pa siya hanggang sa wala nang espasyong nagbubukod sa kanilang mga katawan.

VIER'S POV

Halos takasan na 'ko ng hininga nang pumwesto ito sa likuran ko. "Sh*t Cloud! What are you doing?," piping hiyaw n'ya sa ginagawa nito sa kanya.

Ramdam niya ang init ng matipuno nitong katawan sa likod niya at hindi niya nagugustuhan ang nararamdamang iyon sa paglalapit ng kanilang mga katawan.

She even heard him giggle as he put his arms around her. Para siyang kinikiliti sa haplos na hatid ng hininga nito sa likod ng tenga niya. Lalo nitong pinaiinit ang katawan niya.

Hindi niya alam kung saan siya naiinis. Sa ginagawa bang kalandian ni Cloud o sa nararamdaman niya habang nakapaloob siya sa maiinit na braso nito.

Hindi niya maikaila na gusto niya iyon. Ang pakiramdam na siya ay pag-aari nito.

Dahan-dahan nitong pinilas ang isang saging mula sa mesa at pinagapang iyon sa kanyang tiyan, dibdib at sa leeg niya hanggang sa maihain iyon sa labi niya.

"Eat this," maawtoridad na utos nito na sinunod naman niya.

"Good!," anito sa malamyos at nang-aakit na tono. At dahan-dahan siyang iniikot paharap sa kanya.

"Eat," ulit muli ni Cloud habang nakahain sa may bibig niya ang saging na kinuha nito. Pero 'di katulad ng naramdaman niya kanina ang ekspresyon sa mukha nito.

Nagkamali lang ba siya sa naramdaman niya?

"Cloud—"

"Let's have dinner later." Kung utos ba 'yon o tanong, hindi niya alam. He sounds neutral. Ganoon din ang mukha at pati na rin ang mga mata nito. Mga matang dati-rati ay parating nangingislap at punong-puno ng buhay.

Siya ba ang dahilan? Dahil pa rin ba sa nangyari noon? Pero matagal na 'yon, giit niya sa sarili.

"I'll pick you up—"

"Hindi pwede," mariing putol niya sa sasabihin nito.

"And why?," tanong nito sa iritado na'ng tono. Gumuhit rin ang ilang linya sa noo nito habang madilim ang mga matang nakatitig ito sa kanya.

"Where's the Cloud that I knew?," bulong niya sa isip habang pinagmamasdan ang mukha ng lalaking minahal.

"May practice kami mamaya... One month na lang 'yung meron kami kaya hindi kami pwedeng magpakampante."

Kung tutuusin ay hindi naman iyon pagdadahilan lamang. Totoo iyon. Alam niyang magagaling ang mga miyembro ng Tropical. Nakita at nasuri na niya ang mga kakayahan nila pero hindi iyon sapat para magpabaya sila. Malaking kompetisyon ang nasa harapan nila and she can't afford to lose. Hindi sa harap ni Cloud.

"Hindi ka pa rin talaga nagbabago," turan nito na may mapait na ngiti sa labi at iiling-iling. "The same old Vier!"

Muli ay nakita niya ang panlilisik ng mga mata nito at mabilis na tinungo ang pintuan at pasalpak itong isinara.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status