Share

Chapter 10: THE TRUTH

CLOUD'S POV

"Hindi ko naman akalain na ganyan pala kakapal ang mukha mo Vier," harapang saad ko sa kanya habang pilit na pinipigil ang nagkukumuyos na galit sa loob ko. Anumang sandali kasi ay malamang na sumulpot na rin si Alvin at ayoko namang makita nito ang pagtatalo namin. Mamaya niyan, ako pa ang lumabas na masama dahil hindi pa nila kilala ang tunay na ugali ng babaeng kasama nila.

"Cloud sorry," hinging-paumanhin niya. Pero ano pa bang magagawa ng sorry niya? Wala na! Nagawa na niya eh!

Saka, bakit ba gano'n na lang kadali sa kanya na gawin ang bagay na 'yon? Bakit parang hindi ko makita sa kanya 'yung sakit na nararamdaman ko para sa aming anak? Ganoon ba talaga siya kawalang puso? Kawalang-kwentang babae?

"Ay, ang bongga naman! Parang mag-asawa lang ang peg," ani Alvin nang maabutan kami sa kusina. "O siya, ipagkape mo na 'tong asawa mo Vier para mainitan man lang ang sikmura bago niya tayo ipaghanda ng almusal," malawak ang ngiting utos niya kay Vier bago nagpalipat-lipat
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status