Share

Chapter 28: HECTOR MENDEZ

VIER'S POV

"Sino ka?" bungad ko sa estrangherong lalaki na bigla na lamang lumapit sa amin upang ialok ang kanyang coat. Such a gentle deed, but who knows, 'di ba?

"Ha? Hindi ako sinu-ka ha, iniire ako," pilit niyang pagbibiro na hindi naman bumagay sa hitsura at paraan ng pananalita niya. Mukhang naramdaman din naman niya 'yon sa sarili at napatungo na lamang. Kapansin-pansin din ang pamumula ng magkabilang tenga niya nang makita niya ang reaksyon naming dalawa ni Carol, na imbes na matawa sa kanyang old joke, ay napakunot pa ang noo. "Hindi ba swak?," kapagkuwan ay tanong niya. "Pasensya na. Narinig ko lang kasi 'yon sa kaibigan ko. 'Kala ko nakakatawa," pagpapaliwanag niya. Kahit naman ako ay mahihiya kung sakaling masabi ko ang ganun ka-baduy na joke lalo pa sa mga taong hindi ko naman ka-close o kilala man lang.

Hindi naman siya mukhang ewan o ano. He actually looks formal and a serious type of man. Kaya rin siguro hindi niya nagawang ibato ng tama 'yung kenkoy joke niya kanina.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status