Share

CHAPTER 2: The Accident

CLOUD'S POV:

Ilang ulit ko na marahil tiningnan ang sarili sa rear-view mirror, just checking how I look. I smiled at what I saw. I look fine, as always. And I'm feeling great ng mga sandaling iyon.

Hindi ko rin napigilang mapadako ang tingin sa glove compartment ng sasakyan kung saan nakalagay ang espesyal na bagay na iyon. Medyo nadala ako sa emosyon at hindi na napansin na medyo matagal na pala akong hindi nakatingin sa daan.

Boom!

May pagmamadali akong bumaba ng sasakyan nang makita ang nagawa ko sa papatawid na sasakyan sa harapan.

"Ay jusko! Ano ba 'yan? Marunong ka bang mag-drive hijo?," nakakabingi ang boses na iyon kaya hindi ko na binigyang-pansin pa. Kaagad din naman itong huminto. "Cloud?"

Nakatuon ang tingin ko ng mga sandaling iyon sa mga kabataang bumababa ng van kaya laking gulat ko nang banggitin ng maingay na nilalang na 'yon ang pangalan ko.

"Ikaw na nga!"

Bahagya pa 'kong natigilan sa kaharap. Kaya pala ayaw kong tingnan ang mukha nito kanina pa.

"Ano'ng ginagawa mo rito?," kunot-noong tanong ko kay Alvin na siya palang lulan ng nabangga niyang van. Pero sa halip na sumagot ay napangiti pa ito na parang kinikilig.

"Parehong-pareho talaga kayo ni Vier."

Maayos naman sana akong makita ang nakakainis na taong ito pero hindi maganda ang marinig ang pangalan ng babaeng iyon. Naramdaman ko ang mabilis na pagbabago ng ekspresyon sa aking mukha na hatid ng galit na agad na pumuno sa buo kong sistema.

Pareho kaming napatanaw sa isa pang sasakyan sa likuran ng van na inokupa nina Alvin. Nagmamadaling nilapitan ng huli ang ilan pang mga kabataan mula roon habang tuluyan na siyang napatda sa kinatatayuan nang makita ang babaing kinamumuhian niya.

Punong-puno ng takot at pag-aalala ang mukha nito lalo pa nang huminto siya sa tabi ng driver's seat kung saan tanaw niyang nakaupo si Francis, isa sa mga kasamahan nito sa dance group noon pa man at mukhang masama ang tama.

Gusto ko sanang maawa sa kalagayan nito pero nangibabaw ang galit at inis ko sa iginagawad na pag-alala ni Vier sa kanya.

Tiim-bagang kong pinanood ang tila isang nakasusulasok na eksenang iyon sa harapan ko habang parang pinipiga ang dibdib sa sakit na nararamdaman.

Ilang minuto pa ay dumating na ang ambulansya na nagdala kay Francis sa hospital. Sinamahan siya nina Alvin at Vier habang ang iba nilang kasamahan ay nagsama-sama na sa isa pang sasakyan para makauwi na sa kung saan man sila papunta.

Nanginginig ang aking buong katawan sa galit habang binabagtas ang daan papunta sa pinakamalapit na ospital. Hindi ko pa rin lubos akalain na sa lawak ng mundo, ay muli pa kaming pagtatagpuin ng tadhana.

"Ang lupit naman," piping d***g ko sa mundo.

Nadatnan ko si Alvin na palakad-lakad sa labas ng emergency room habang si Vier ay tahimik lamang na nakaupo sa bench. Nakatungo at magkayapos ang mga palad.

Napapikit siya at mariing sumandal sa pader na katapat lang ng kinauupuan nito. He breathed heavily.

"Bakit kailangan mo pang magbalik?," tanong niya sa sarili habang nakatitig sa babaing lubos niyang minahal.... noon, ngunit sinuklian lamang nito ng 'di niya malilimutang sakit. He chuckled at that thought.

Naikuyom ko pa ang aking mga kamao habang nakatanaw dito. Naiinis ako sa nakikita. Ni wala man lang akong makapa na kahit konting pagsisisi man lang sa ginawa niya sa 'kin, sa 'min.

Muli lang tuloy na binuhay ng tagpong iyon ang nagwawalang galit sa loob ko para sa babaing ito na minsan kong pinag-alayan ng buhay ko.

Gusto kong maranasan din nito ang sakit na ipinaranas nito sa kanya at patuloy na pumapatay sa kanya bawat araw.

"Cloud," bigla ay tawag ni Alvin sa kanya. Pwede mo bang ihatid muna si Vier sa tutuluyan namin. Baka kasi nag-aalala na 'yung mga kasama namin," pakiusap nito.

Nakita ko kung pa'nung namilog ang mga mata ni Vier sa ipinakisuyo ng dati nitong manager. Gumuhit naman ang mapait na ngiti sa 'king labi.

"Sure."

Wala kaming imikan hanggang sa makarating sa parking lot ng hospital. Nakasunod lang ito sa likuran ko at halos hindi rin marinig ang mga yabag ng kanyang hakbang.

"Natatakot ka?," tanong ko nang balingan ito. Napangisi na lang ako as I saw ker knees trembling

"Cloud…."

Dati-rati parang musika sa pandinig ko ang pagtawag nito, pero nang mga sandaling iyon, parang pinag-alab pang lalo ng boses niya ang matinding galit na pilit kkng iginigiit at pilit kong kinakalimutan sa mahabang panahon.

Mabilis kong hinakbang ang espasyo sa pagitan namin at halos kaladkarin ko na siya papasok sa sasakyan. Walang itong nagawa kundi ang mapaluha na lamang.

Kitang-kita ko sa salamin sa harapan ko ang pagluha niya. I should be enjoying the view. But her tears only reminds me of my pain. My tears. My endless sorrow that started from that night.

Muling nanumbalik ang alaala ng gabing iyon. Ang gabing halos maramdaman ko ang kamatayan nang aminin ni Vier sa kanya ang bagay na iyon na 'di niya halos ma-imagine na kaya pala nitong gawin. Nagkamali siya ng pagkakilala dito. Nagkamali siya ng babaing minahal at pinagkatiwalaan.

But sh*t! Why does he hate it?

Bakit siya nasasaktan sa pagluha nito? 'Yun naman ang gusto niya, ang makita itong masaktan. Pero bakit parang siya pa ang higit na nasasaktan?

Hindi niya dapat nararamdaman ang ganoong awa para sa kanya. She don't and will never deserve it!

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Daisy Pedron
interesting tong story na to.. let's see
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status