Share

Chapter 8: THE USER

CLOUD'S POV

Alas kwatro pa lang ng umaga at halos wala pa 'kong tulog kakaisip sa babaeng 'yon. Haisst!

Mabilis akong bumangon para makaligo at makapagsipilyo na kesa naman bangungotin pa 'ko ng gising dahil lang sa walang kwentang babaeng 'yon.

Sabado ngayon at tiyak na mapupuno ng tao sa restaurant kaya kailangan kong makapamili ng mga fresh seafoods na karaniwang inoorder sa amin.

Short at simpleng t-shirt lang ang gayak ko para presko sa pakiramdam. Masyado kasing mainit 'pag nagsimula ka nang mag-ikot-ikot sa wet market kaya ganito ang lagi kong gayak sa tuwing magpupunta roon.

Una akong nagtungo sa pwesto ni Manang Lena, ang suki naming tindera ng seafoods. Palagi siyang maaga sa palengke kaya sa kanya rin napapapunta ang karamihan ng malalaki at de kalidad na crabs at sugpo na hanap ko.

"Napaaga ka yata sir Cloud ah," anito na nginitian ko lang. Alam niyang darating ako dahil nga Sabado ngayon pero madalas ay mga alas-singko pa 'ko dumarating kaya itinatabi na niya ang mag
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status