Share

CHAPTER 4: Shadow of the Past

CLOUD'S POV

Matapos ang kahangalang pagpunta sa ospital ay dumiretso na agad ako sa bahay ng aking ama. Magmula noong mamatay ang lola Miling na siyang nagpalaki sa akin, ay dito na ako nanirahan, kasama ng aking amang umabandona sa akin noon, ang bago nitong asawa na si Lanie at ang dalawa nilang anak na sina Richard at Jackson.

Nanirahan ako rito hindi dahil sa gusto ko, kundi dahil kailangan kong lumayo sa lugar na iyon. Sa lugar na 'yon na puno ng masasakit na alaala.

Dumiretso na 'ko sa kusina at kumuha ng maiinom. Kailangan ko ng pampakalma. Mabilis kong pinuno ng whiskey ang baso at inisang lagok iyon.

FLASHBACK

"Tapusin na natin 'to Cloud. Kesa naman mahirapan pa tayo. Mabait ka naman eh. Gwapo. Siguradong makakahanap ka pa ng ibang babaeng mamahalin. 'Yung mas mamahalin ka.” Nakangiti pa nga ito habang sinasabi ang mga katagang iyon.

"Mas mamahalin ako? Bakit Vier, hindi ka ba seryoso sa'tin? Ano ba 'tong relasyon natin para sa'yo ha? Laro lang?"

Muli itong ngumiti bago sumagot. "Bata pa naman tayo ah. Hindi natin kailangang maging seryoso agad sa relasyon ano! Pwede namang experiment muna di ba? Trials and errors, gano'n."

Nagtiim ang bagang niya sa mga narinig. Trials and errors? Ano ba'ng tingin nito sa kanya?

Mahal na mahal niya ito at ang buong akala niya ay ganoon din ang nararamdaman ni Vier para sa kanya. Nagkamali pala siya.

Akmang aalis na ito nang muli siyang nakabawi ng lakas para magsalita. "What about our child?" Napahinto ito sa paghakbang sa tanong niya. "Nakita kitang bumili ng pregnancy kit last week. Nakita ko 'yung result na tinapon mo sa cr ng babae sa plaza."

Madilim sa parteng iyon ng eskinita pero kitang-kita ko 'yung takot at nangingilid na luha sa mga mata ni Vier.

"Hindi ka makakaalis ng bansa sa kalagayan mo. Pa'no ka magsasayaw ha?"

Nanginig ang kanyang mga kamay nang hindi ito sumagot at sa halip ay bigla na lang napaluha. Hindi niya gusto ang tinatakbo ng utak niya ng mga sandaling iyon pero….

"Sorry Cloud…… so-rry."

Nakatungo siya habang paulit-ulit na humihingi ng paumanhin.

Hindi maawat ang pag-iyak nito pero hindi siya makaramdam ng awa para sa kanya. "Anong sorry? Sorry saan Vier?" Pilit niyang nilalabanan ang masamang bagay na iyon na naglalaro sa isip niya. Mahaba ang pasensya niya, pero hindi sa mga sandaling iyon.

"Intindihin mo na lang ako Cloud. Twenty-two pa lang ako. Marami pa 'kong pangarap. Isa pa kailangan kong tumayo para sa mga kapatid ko."

Gumuhit ang mga linya sa noo ko habang litung-lito sa kung ano ba ang nais nitong iparating.

"Ano'ng ginawa mo?," tiim-bagang kong tanong sa kanya. "Ano'ng ginawa mo Vier?," pag-uulit ko sa mataas na boses na siyang nagpatalon sa gulat sa kanya.

Pakiramdam ko rin ay lalabas na ang mga litid ko sa lalamunan sa lakas ng sigaw na iyon. Nanginginig na 'ko sa galit.

"Wa-wala na."

"Wala, ano'ng wala Vier! Ano—"

Natigilan siya nang tuluyang maproseso ng isip ang sinasabi nito. Hinablot niya ng buong pwersa ang dalawang braso nito. Kitang-kita niya ang sakit na nararamdaman nito sa pagdiin ng hawak niya sa braso nito. Pero walang-wala iyon sa nagwawalang galit na nararamdaman niya.

She just killed his child!

"Ang aga n'yan ah," bati sa kanya ni Ric. Kumuha ito ng malamig na tubig at tumabi sa kanya. "What is it?"

Tatlong taon lang ang agwat ng edad nila at pareho rin silang serious type na tao kaya marahil magkasundo sila. Kasundo rin naman niya si Jack, ang bunso, pero dahil na rin siguro sa pagiging outgoing nito kaya hindi niya ito masyadong ma-gets kung minsan.

"Girls?"

Napatungo siya habang pinagmamasdan ang basong puno na muli ng alak. Pinaikot-ikot niya ang laman nito habang tinatakasan ang imahe ni Vier sa kanyang isipan. He heard Ric laughed loud na tumigil din kaagad nang tingnan niya ito ng masama.

"Ano bang meron? I mean, nakabangga ka. 'Di ba dapat 'yon ang problemahin mo."

"Kilala ko naman sila."

"Hmmm. So, what's bothering you? Or should I say who?"

Matalim na tingin ang muli niyang isinagot sa kapatid. Matalino naman ito. Mabait at matinong kausap. Sadyang may pagka-pakialamero nga lang kung minsan. And his question didn't help him.

"It's Vier," walang-buhay niyang tugon matapos simsimin ang laman ng baso niya.

Nabulunan pa ito sa iniinom na tubig sa narinig. Minsan na niyang naikwento sa kapatid ang tungkol sa nakaraan niya. Lasing na lasing siya noon at kailangan niya ng mapaghihingahan ng kanyang sitwasyon.

"Nagkita kayo?," tanong nito nang makabawi sa pag-ubo.

"Hmm," tanging naitugon niya.

"How was it?" His comforting concern let him breathe a little lighter….. for a while.

He let out a sigh. "I, I want her."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status