"I fvcking tried. I swear. I just can't do it. Di ko magets." Halos maluha na ko habang iniexplain sa boss ko kung bakit ako nagkaroon ng breakdown session kanina sa cubicle.
"My god, Samsara. Tatanga tanga ka pa rin eh dalawang taon ka na sa industriyang 'to?" Bigla niyang pinikot ang tenga ko kaya napaatras ako."Aray naman! Abuse yan ah! Report kita tignan mo." Biglang buhos ng emosyon ko.Nung na realize ko kung ano ang lumabas sa bibig ko, mas napaluha ako hanggang sa tuloy tuloy na ang pag tulo ng luha ko. Siguro kulang na lang ay humikbi ako at maglupasay sa sahig ng office."Anong sinabi mo?" Nanlalaki at nanlilisik ang matang tanong sa akin ng boss ko.Kung likas na malaki ang mata niya, mas lumaki pa to ngayon. May mas ilalaki pa pala 'yon?"Bat kasi nangurot ka? Tama ba yon?" Iyak kong pasabi."Ikaw ang tatanungin ko, Samsara. Tama bang inaway mo yung costumer? Ayos lang sana kung regular account ang hawak mo pero exclusive account ka! Jusko. Sa dinami dami ng aawayin mo, vip pa? Jusko. You're fired!"Kulang na lamang na pumasok sa loob ang mga katrabaho ko sa labas dahil sa tinginan nila. For sure, rinig na rinig at alam na alam nila na wala na akong trabaho."Pero sir-- may 6 months pa ho ako sa contract." Depensa ko naman.Umamba naman siyang kakaltukan ako kaya iniwas ko ang ulo ko. "Sasalita ka pa, di mo pa ba ko naintindihan? Layas!"Wala na akong nagawa kung hindi umalis na lang. Pag labas ko ng kwarto, samu't saring tingin ang sumalubong sa akin.Bawal kasi mag usap sa office, kaya hanggang tingin na lang ang naibibigay nila sa akin.Pag lapit ko sa cubicle, hinipo ni Sean ang likod ko. "Wait mo na ko sa labas pag balot mo ng mga gamit mo. Hatid kita.""Okay, Sean. Salamat." Walang gana kong sabi habang nililigpit ang mga gamit ko.Halos wala naman akong masyadong gamit sa cubicle ko. Mostly, notebooks, sticky notes at tsaka ballpens lang.Mahilig kasi ako sumulat ng tula kada naghihintay ng calls sa mga bwisit at entitled na vip costumers dito.Mataas nga ang sweldo sa trabaho, halos naman para akong kinukuhanan ng kaluluwa sa ugali nila. Ewan ko paano ko nakayang matiis ang industriyang to sa loob ng dalawang taon.Ah, kasi breadwinner pala ako.Yung mga magulang at kapatid ko, nasa probinsya. Tatlo pa ang pinagaaral ko kaya maski ako, hindi na nakapagtapos ng pagaaral.Pangarap ko sana na maging Flight Attendant. Dalawang taon na lang eh, kuha ko na sana ang diploma ko sa Tourism Management. Kaya lang, sobrang nag hirap ang pamilya kaya di muna ako tumuloy.Isang araw, inaya ako ng kaibigan ko na lumuwas sa Manila para mag trabaho. Ako naman, gora lang. Kesa magtiis ako sa 350 a day na sahod ko sa palengke. Di pa yon sapat para sa baon ng mga kapatid ko at gamot ni mama para sa highblood.Ngayon? Yung kaibigan ko mayaman na. Malay ko ba anong trabaho niya. Bigla na lang sumama at nagpakasal sa isang lalaking mayaman. Ayon, sarap na ng buhay. Ni hindi ko na nga nakakausap.Habang palabas ako sa office, lumiko muna ako sa kanan. Doon sa bandang pantry. Libre kasi lahat ng pagkain dito pag duty ka.Duty pa ko 'no. Di pa effective and pag tanggal sakin dahil di pa naman ako nakakalabas ng pinto.Kaninong rule yon? Akin.Kinuha ko ang apat na tupperware na dala dala ko. Minsan kasi, naiiwanan ko ang mga pagkainan ko sa office kaya naiipon. Hindi ko na rin inuuwi kasi pinaglalagyan ko rin naman ng mga pagkain pag chumichibog ako rito.Onti onti kong pinuno ang mga tupperware. Walang patawad. Kahit anong makita ko, sinusuksok ko sa tupperware hanggang sa halos mahirapan na kong isara.Lintik lang ang walang ganti.Hindi ko rin pinatawad ang mga creamer pati ang mga de timplang powders. Pinasok ko sa natitirang space ng kahon ko hanggang sa halos umapaw na.Nung kuntento na ko, bumaba na ko sa parking lot at hinintay si Sean na makalabas."T*ngin*? Ano yan? Shopping?" Agad na bungad niya ng makita ang kahon at tupperware na nakalagay na sa likod ng sasakyan."Eh tinanggal nila ko eh. Alangan namang umalis ako ng walang dala. Di pwede yon. Tsaka wala na kong pagkain sa apartment. Kulang na lang lagyan ko ng sinigang mix yung tubig tsaka iulam." Reklamo ko.Totoo naman kasi. Halos sabay sabay ang projects ng mga kapatid ko. Pinagiipunan ko pa ang tuition fee ni tonton, sumunod sa akin na kapatid.Gusto raw kasi mag engineering. Eh di nakapasa sa mga state universities kaya wala akong choice kung hindi pag aralin siya sa private. Kesa huminto, sayang ang panahon.Kakayanin naman ni ate.Working student din naman siya. Pero maliit lang ang sweldo kaya hindi niya kaya."Ano na balak mo, Sam? Bwisit ka kase. Di mo na lang tiniis.""Tangek. Nakaka stress na. Burn out na ko talaga. Baka meant to be na sibakin ako dahil sa bwisit na costumer na yon." Reklamo ko.Binuksan ko na ang wafer na kinuha ko sa office habang nagsimula ng nag drive si Sean."Bes. Di sapat yang meant to be mo kasi ilan ang pinapalamon mo. Tulungan na lang kita maghanap ng work." Alok ni sean."Go lang. Pahinga muna ako sa bahay ng ilang araw. Padalhan mo muna ako ng ulam, ha.""Oo naman. Loka loka, ako bahala sa iyo." Pagtapos niyang sabihin yon. Tumahimik na kami.Pag may problema ako, si Sean ang andyan. Paano ba naman kasi eh mayaman. Kumbaga trip trip niya lang na mag trabaho.Doktora ang nanay at tatay niya. Kaya ano man ang mangyari, financially stable siya.Sana all may safety net, di ba?"Dito na lang, Sean. Salamat ah." Isa isa kong ibinaba ang box at tupperwares sa sasakyan at inilapag na muna ito sa gilid. Second floor pa kasi ang apartment ko kaya medyo mahirap magbitbit nang sabay sabay."Wala yon. Para namang others." Sabi niya naman."Ulam ko bukas ah." Paalala ko sa kanya."Oo na. Loka ka. Mababaliw ako sa pinaggagagawa mo sa buhay mo. Adios, unemployed kong kaibigan." Pangasar pa niya bago umalis.Una kong iniakyat ang box bago ang tupperwares.Nung nakahiga na ako sa kama. Naisip ko ang mga magulang ko pati na ang mga kapatid ko.Lalo na si tonton. Dalawang linggo na lang kailangan ko na makapag down sa kolehiyong papasukan niya. Seven thousand na lang ang pera ko sa bangko. Three fifty na lang ang cash ko. Babayad pa ko ng upa, tubig at kuryente.Sumabay pa ang lintik na disconnection notice na yan.Bwisit naman oh. Bakit ba hindi ako pinanganak na mayaman? Bakit ba hindi na lang mayaman ang angkan ko?Higit sa lahat, bakit ako ang kailangan sumalo ng responsibilidad na karami rami?Sa kalagitnaan ng pag iisip ko, bigla na lamang ng ring ang phone ko."Hello? Sino to?" Tanong ko.Sa gulat ko, biglang nagsalita ang isang babaeng boses mayaman sa telepono."This is Avon from Miss Night. I was asked to call you. Said you might be needing a job." What an expensive voice."Sorry? Wrong number ka po ata. May trabaho ako." Pagsisinungaling ko. Delikado na, mamaya scammer pala."Samsara Angela Sakura. Half Filipino, Half Japanese. Based on the report I'm holding right now, you were fired earlier due to customer service mishandling on an exclusive VIP partner of your company. I can also clearly see that before exiting the office, you almost emptied half of the shelves in your pantry's office. Am I right?"Napatulala ako at hindi nakapagsalita. Legal bang alam niya lahat ng yon?"Eh teka nga! Sino ka ba? Siga ka ah." Bwisit na sabi ko."As I said, Ms. Sakura. I am Avon from Miss Night and I am offering you a job." Inis din na sabi niya."Eh ano bang trabaho yan? Di mo muna sabihin.""I can't tell you what it is on the phone. We will send you an agent tomorrow. Have a good night and get some sleep." Banggit niya bago ibinaba ang telepono.Anong send me an agent tomorrow? Baliw ba siya? Ni hindi nga ko pumayag. Sabi na scam eh.Isinawalang bahala ko na lamang ang tawag at nag handa na para matulog.Kailangan ko nang sulitin ang pahinga ko bago ako sumabak maghanap ng trabaho.Sa totoo lang, ang hirap maging mahirap.Sana makapang asawa na lang ako ng milyonaryo.Iniisip ko pa rin yung kagabi. Si avon talaga, di ako pinatulog. Malay ko ba kung anong agent ang ipapadala nila rito sa bahay ko?Agent pala na pinadala ng boss ko para patayin ako dahil sa kalokohan ko kahapon. O kaya padala nung exclusIve VIP partner na ang hilig makipag argue eh mali naman siya.Ako pa talaga nasibak.Bigla na lang nag ring ang phone ko. Si Sean pala."Oh? Sana napatawag ka para ibigay ang ulam ko. Kumakalam na sikmura ng unemployed mong beshie." Bungad ko."Bwisit ka. Alas kwatro pa lang ng umaga." Hindi ko nga namalayan na alas kwatro pa lang dahil sa naalipungatan lang din ako."Ano yon? Di naman pala ulam concerned 'tong tawag mo. Nagsasayang ka lang ng load.""Bwisit ka talaga kahit kailan. Sama ka na lang sa akin sa BGC sa susunod na araw. May kaibigan ako don nagwowork sa mga office. Hiring daw.""Magkano ba sweldo dyan?""Aba. Malay ko. Wag ka na umarte. Sige na, abot ko ulam mo bago pumasok sa office. Patanggal pa more." Asar niya bago ibaba ang tawag.Ma
Siguro ay nagtataka kayo kung anong nangyari pag tapos bumisita rito ni Miss Avon. Actually, hindi ko rin alam. Ang alam ko lang ay wala akong nagets. I mean, yung idea? Alam na alam ko. If I ever agreed to accept her offer to join Miss Night and be one of the girls, I have to sell my self to a billionaire. And, yes, gets na gets ko iyon. Pero ang hindi ko lang magets ay kung bakit ako papayag na ibenta ang sarili ko? Hindi ako baliw at lalo nang hinding hindi ako desperada kahit na ano pa ang sitwasyon ko. Mahirap ang buhay pero hindi ko gusto na kahit kailan ay ibenta ang katawan o ang buhay ko para sa malaking pera. "Seriously? Ayan talaga sinabi? Word by word?" Gulat na gulat si Sean sa haba ng kwento ko. Halos siya, hindi rin talaga makapaniwala. "Sinong baliw naman gagawa niyan? Baka naman kasi scam talaga." Nag labas ako ng malalim na hininga, "Hindi, promise. Kung nakita mo lang ang mga pinakita sakin ni Miss Avon, you would know na legit talaga." Totoo naman. From the red
Landon's POVI felt her hands on my face. I didn't feel anything though. If you received continuous hate from the girls you have dumped, parang wala na lang sayo ang lahat.The tall, petite girl in front of me is fueled by anger. Too much anger to the point that I could see the veins on her forehead. "How about the countless sex we've had? We basically did it everywhere!" She shouted.I smirked at her, walked towards the bar and poured some whiskey on the glass. "I told you what kind of person I am before I entered myself down there." Tinuro ko ang bandang baba ng kanyang katawan with my eyes. "I actually felt so welcomed down there. I don't know what you're fussing about.""And after that, iiwan mo lang ako!?" Then she threw me her one heel."Obviously." I replied calmly. "Aside from that, we were just fuck buddies. Nothing serious." Then he threw me her another heel.Kung mapula na siya kanina, mas pumula pa siya sa galit ngayon. Which is kind of sexy if you are going to ask me."Yo
SAMSARA's POVAgad akong nag friend request kay Skyler Han. Agad din naman niya itong inaccept. Kanina pa nga ako nagdadalawang isip na mag message sa kanya. Para kasing nakakahiya.Si Skyler, napaka professional kahit sa social media. Ang mga kasama niya sa picture ay kapwa mayayaman din. They only wear suits or polo in pictures. Hindi ako nakakita ng picture na hindi magara ang suot nila.As per Lemery, she looks so different. Maputi at makinis na siya ngayon, pati ang kulot niyang buhok ay pina diretso niya na rin. Medyo nakakalungkot lang dahil gandang ganda ako sa kulot niyang buhok noon. Para tapusin ang pakikipagtalo ko sa sarili ko ay tinaype ko na lang ang mensahe ko kay Skyler.Samsara Sakura:Good day. You may not know me but I'm sure your wife, Lemery, does. I am her friend from the province. Gusto ko lang sana maitanong kung kumusta na siya. At kung ayos lang, gusto ko sana na makuha ang personal account niya. Salamat, sir Skyler.Nung pinindot ko na ang send ay tsaka na
SAMSARA's POVNag bihis na ako ng pinaka magarang damit na nahanap ko sa cabinet. Nung napatingin nga ako sa salamin, napasabi na lang ako ng, "Eto na yon?"Paano ba naman kasi ay ang dress na suot ko ngayon ay galing pa sa exchange gift namin sa christmas party nung unang taon ko pa lang na nagtatrabaho sa dati kong kumpanya.Medyo kupas na nga ang kulay nito. Nakakahiya, pero laban lang.Hindi ko naman kasi alam kung bakit kailangan e sa wolfgang pa kami sa may bgc kailangan mag usap ni Lemery.Oo, si Lemery.Matapos kong hingin ang contact number ni Lemery kay Skyler ay nai-send naman niya agad ito. Sabi pa niya sa text, "My wife will be expecting you tomorrow at Wolfgang, Bgc. Does after lunch sound good?"Of course, um-oo ako. Wala na naman akong ibang magandang gawin kung hindi makipag kita sa dati kong kaibigan.Isa pa, kailangan ko nang kumilos. I'm running out of time. And by time, I mean I'm running out of money to help my family.I can't have them suffering like me. Di bale
SAMSARA's POVMag-iilang oras na rin ng naka lapag ako rito sa BGC. Nakapunta na ako rito pero hindi ko talaga kabisado ang lugar na to dahil bukod sa napaka raming tao ay masyado ring malaki ang lugar na ito.Di na nga ako nakapag tanong kay kuyang angkas dahil nagmamadali siya. Paano ay may na-book agad na pasahero. BGC kasi kaya madali lang makapag book ang mga riding app dito.Hindi naman kasi commuter friendly ang lugar kaya no choice kung hindi mag book na lang ng private service para makalibot.Isa ko pang problema ay hindi ko alam kung nasaan ang wolfgang dito. "Bwisit naman. Bakit ba kasi rito pa nag meet?" Reklamo ko sa sarili ko.Nakakahiyang mag tanong dahil lahat ay busy makipag kwentuhan. Also, nakakahiya rin dahil halos sosyal ang mga tao rito. Miski ang mga asong dala dala nila ay halatang sosyal din at hiyang sa dog food pati na sa buwanang vet check up.Mga aso sa lugar namin can not.Ilang minuto na rin akong nagpapalibot libot dito. May limang minuto na lamang ako
LEMERY's POVHer eyes immediately got wide. I mean, if ako ang nasa posisyon niya, my eyes will get wide too."I know, I know---" Isinenyas ko ang kamay ko na para bang sinusubukan siyang ikalma. I really want her to calm down. "Sam-sam, I've been monitoring you for months now. I even sent people to be an exclusive partner to a previous company mo para lang mamonitor ka."Her eyes even got wider. "Why would you do that?" She looks so offended. I would be offended too. "Gusto ko lang i-check kung kumusta ka na. Pasensya ka na, okay?" She stayed silent. Siguro ay kailangan niya ng punong explanation. "I wanted to know how are you. Then one time, report sa akin ng exclusive partner na I hired to monitor you, you stopped taking calls. So, I sent someone to see your situation. Natanggal ka na pala." After I said that, hindi pa rin siya nagsasalita. Naka tingin lang siya sa akin at halatang halata na may bahid ng disappointment ang kanyang mukha. Dahil don ay hindi na rin muna ako nag s
LANDON's POVAfter gym, I went straight to my flat to try and take some more sleep before working. When I woke up, Miss Anjie, my secretary had rang my phone seventeen times already and left me one hundred five messages. "Chill, Anjie. What do you want?" I ask the phone screen while I go through her messages one by one.Halos pare-parehas lang naman ang lahat ng sinasabi niya. Puro papers from our partners na kailangan ko nang pirmahan sa lalong madaling panahon.I rolled my eyes as I force myself out of the bed. Nakakatamad kumilos lalo na ngayong maulan. Parang gusto ko na lang na humiga at matulog buong araw.I mean I could do it pero I'm not sure if my father would be happy with that. He wants me to get my life straight. Sabi ko nga eh ako na ang bahala sa buhay ko pero sadyang wala lang talaga siyang tiwala sa akin.Sabi pa nga niya noon, wala raw akong sense of independency. Malay ko ba sa tatay ko kasi as far as I know, I am the best at what I do. Ako naman talaga ang karapat