Share

CHAPTER SIX: Aling Josie

SAMSARA's POV

Nag bihis na ako ng pinaka magarang damit na nahanap ko sa cabinet. Nung napatingin nga ako sa salamin, napasabi na lang ako ng, "Eto na yon?"

Paano ba naman kasi ay ang dress na suot ko ngayon ay galing pa sa exchange gift namin sa christmas party nung unang taon ko pa lang na nagtatrabaho sa dati kong kumpanya.

Medyo kupas na nga ang kulay nito. Nakakahiya, pero laban lang.

Hindi ko naman kasi alam kung bakit kailangan e sa wolfgang pa kami sa may bgc kailangan mag usap ni Lemery.

Oo, si Lemery.

Matapos kong hingin ang contact number ni Lemery kay Skyler ay nai-send naman niya agad ito.

Sabi pa niya sa text, "My wife will be expecting you tomorrow at Wolfgang, Bgc. Does after lunch sound good?"

Of course, um-oo ako. Wala na naman akong ibang magandang gawin kung hindi makipag kita sa dati kong kaibigan.

Isa pa, kailangan ko nang kumilos. I'm running out of time. And by time, I mean I'm running out of money to help my family.

I can't have them suffering like me. Di bale ng ako, kaya ko naman. Pero makita sila na nahihirapan? Ayon ang ayokong maranasan.

Bumukas ang pinto at iniluwa nito si Sean. May dala itong supot na may tatak na kulay pula at tsaka na nag amoy chicken sa buong apartment ko.

"Ay. Taray. May lakad ka?" Agad na tanong niya nang makita akong nakapang alis. May towel pa nga ako sa buhok dahil pinapatuyo ko pa ito.

"Oo. Makikipagkita ako kay Lemery." Pagkasabi ko ay agarang lumapit sa akin si Sean.

Hinawakan niya ang braso ko. "Lemery? Si ex bestfriend?"

Tumango naman ako.

"Luh. Di nagkkwento." Umirap siya at tsaka pumunta sa bandang lamesa para ilabas ang pagkain sa plastic. "I guess ako na lang kakain nito."

Bigla naman akong natakam. Alam na alam talaga niya na paborito ko ang fried chicken at palabok mula sa fastfood na iyon. "Ano ba yan, Sean. Wrong timing ka naman. Pero, pwede naman ako sumubo no."

Bahagya siyang natawa. "Wag na! Mamaya bumundat pa tiyan mo eh nanikip na nga yang dress mo."

Tama siya. Paano ba naman kasi eh noong unang taon ko sa dati kong kumpanya ay halos kasing nipis ng walis tingting ang braso ko. Flat na flat pa ang tiyan ko.

Niregaluhan pa nga ako noon ng boss ko ng vitamins. Ang boss ko kasi noon, may gusto sa akin. Naging sekretarya niya pa nga ako ng apat na buwan bago siya lumipat sa Italy.

Nako, naalala ko nanaman yon.

"Oo na. Tse. Masarap naman ang pagkain ko mamaya. Sa wolfgang kami." Tinaas baba ko ang braso ko at ang tono ng pananalita ko ay parang nangaasar. Sinundan ko pa ito, "Mag steak kami. Makakatikim na ko ng medium rare."

Umirap naman siya. "Yabang mo! Mamaya mahiyang ka na ah. Tapos di mo na ko sasamahan kumain sa karinderya. Sasabunutan kita."

Lumapit naman ako sa kanya at tsaka siya niyakap. "Ay, hindi. Walang papantay sa mga food trip natin." Paglalambing ko naman sa kanya.

Kahit naman gaganyan ganyan si Sean, kami pa rin ang magka sangga sa lahat.

"Oh basta, balitaan mo ko ha. Kung di mo gusto lasa ng mamahaling pagkain, iiwanan ko na lang tong palabok at chicken sa ref mo. Pero patambay lang muna."

Binigyan ko siya ng ngiti. "Tambay ka lang. Wag ka lang magdadala ng boylet mo rito ha!"

Tumango tango siya ng paulit ulit. "Mag ayos ka na ng buhok mo. Daan tayo saglit sa mall. Palitan natin dress mo."

"Nako, wag na. Gastos nanaman. Two hundred na lang pera ko. Gagastusin ko pa sa angkas." Sabi ko naman.

Umirap nanaman siya. "Ako ang gagastos. Wag ka na ngang epal. Magt-third anniversary na yang dress na yan." Pinindot pindot niya pa ang dress na suot ko.

Napasimangot naman ako. "Di naman halatang luma ah." Depensa ko sa kanya.

Pero sa totoo lang, kupas na ang kulay nitong dress. Dati ay dark na dark ang pagka pula nito, ngayon parang nagkakaroon na ng puti puti sa kulay. Parang cotton shirt ba na lumipas na kakalaba nang paulit ulit.

"Mahiya ka, Samsara. Fancy dining iyon. Isa pa wala ka man lang bang bagong hikaw? Perlas ba?"

Umiling ako. Ang tanging hikaw na meron ako ay kulay blue at pink. Pambata pa nga eh.

Umirap nanaman si Sean. "Paano ba naman eh bibilhan na kita, tanggi ka nang tanggi. Ayaw mo bang mag mukhang presentable naman? Kung kasing ganda mo ako, nako-- poporma ako nang poporma!"

Binato ko siya ng suklay. "Eh alam mo namang mahirap ako!" Sigaw ko pabalik. Kinuha ko na ang suklay at tsaka ako tumapat sa electricfan para magpatuyo ng buhok.

"Oo na. Mag make up ka na at mag ayos ng buhok para maka alis na agad tayo." sabi niya at tinuloy na ang pagkain.

Nag asikaso na ako at sumubo na rin ng kaunting palabok at chicken. Sasandok pa nga sana ako pero inilayo na ni Sean ang pagkain sa akin. Baka raw kasi pumutok na ang dress na suot suot ko.

Sakto naman nung paalis na kami, naka tanggap ako ng text mula kay Skyler.

Skyler Han:

Good day, Samsara! I'm informing you that my wife's already been fetched by our driver. She's on the way to wolfgang. Are you in need of a car? Tell me and I will have one fetch you :)

Siniko ko si Sean na busy sa pagsasapatos. Aalis na kasi sana kami. "Be, nag text na si Skyler. On the way na raw si Lemery."

Napa simangot siya. "Nako, pano na yan? Korni ng OOTD mo."

"Hayaan mo na. Maiintindihan naman siguro ni Lemery. Nag book na ko ah, malapit na rin yung driver. Ikaw na ang bahala rito." Sabi ko at tsaka siya bineso.

Habang hinahantay ko ang angkas sa may tindahan ni Aling Josie ay nagreply ako kay Skyler.

Samsara:

Magandang araw din, Skyler! I already booked a motocab and I'm on my way. Thank you so much.

Saktong pagka sent ko ng message ay may sumulpot sa gilid ko.

"Ganda mo ngayon, Sam." Bulong ni ate Josie at tsaka mahinang kinurot ang bewang ko. "May date ka

ka no?"

Chismosa talaga. Lumabas pa ng tindahan niya.

Bahagya akong tumawa. "Hindi po, Aling Josie. Makikipagkita lang po sa kaibigan ko."

"Akala ko magdedate na kayo ng boypren mo eh. Lagi ka pa namang sinisilip non sa apartment mo. Kaya lang eh hindi mo pinagbubuksan. Magkaaway ba kayo?"

Bigla namang nanlaki ang mata ko. "Ano pong lalaki aling Josie?" pasimple kong tanong.

"Basta lalaki. Naka black pa nga na baro na parang suit ba. Minsan lang siya dumalaw pero di mo pinagbubuksan. Naku, wag ka masungit sa boypren mo." Paalala niya.

Dito nagkakaroon ng kwenta ang mga chismosa. Pag may nakikita na silang bagay na hindi mo nakikita.

"Ganon po ba? Baka nakatulog na po ako kaya di ko siya napapag buksan." At binigyan ko naman siya ng mahinang tawa.

Magsasalita pa sana siya ng bigla na lang dumating ang angkas kaya nagpaalam na ako na aalis na.

Habang nasa byahe ay hindi maalis sa isip ko ang tinutukoy ni Aling Josie na lalaking sumisilip sa apartment ko minsan pag gabi.

Sino kaya yon? At anong pakay niya sa akin?

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Merceliena Motol Britania
so exciting love it
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status