Share

CHAPTER FIVE: Give me your number

SAMSARA's POV

Agad akong nag friend request kay Skyler Han. Agad din naman niya itong inaccept. Kanina pa nga ako nagdadalawang isip na mag message sa kanya. Para kasing nakakahiya.

Si Skyler, napaka professional kahit sa social media. Ang mga kasama niya sa picture ay kapwa mayayaman din. They only wear suits or polo in pictures. Hindi ako nakakita ng picture na hindi magara ang suot nila.

As per Lemery, she looks so different. Maputi at makinis na siya ngayon, pati ang kulot niyang buhok ay pina diretso niya na rin. Medyo nakakalungkot lang dahil gandang ganda ako sa kulot niyang buhok noon.

Para tapusin ang pakikipagtalo ko sa sarili ko ay tinaype ko na lang ang mensahe ko kay Skyler.

Samsara Sakura:

Good day. You may not know me but I'm sure your wife, Lemery, does. I am her friend from the province. Gusto ko lang sana maitanong kung kumusta na siya. At kung ayos lang, gusto ko sana na makuha ang personal account niya. Salamat, sir Skyler.

Nung pinindot ko na ang send ay tsaka na ako nakaramdam ng hiya. At nung nakita ko itong nag delivered, parang mas gusto ko na lang na magpakain sa lupa.

What was I thinking?

Dahil hindi ako mapakali kakahintay sa reply niya ay nilibang ko na muna ang sarili ko sa pamamagitan ng pag subok mag hanap ng trabaho sa f******k.

Puro naman scam ang mga to. Sinubukan ko rin to dati pero napakahirap mag hanap ng trabaho. Kung di kailangan ng experience, kailangan mo naman mag labas muna ng pera bago kumita.

Hindi ko na kaya itaya pa ang perang meron ako. At tsaka nauubusan na ko ng oras dahil kailangan na nga mag down ni tonton sa kanyang papasukang eskwelahan. Mahigit isa't kalahating linggo na lang.

Saan ko naman kikitain ang sampung libo sa loob ng maiksing oras lang?

Maya maya pa ay tumunog na ang cellphone ko. Sa sobrang kaba ay halos mapasuntok ako sa hangin.

Unti unti kong iniharap ang nakataob kong cellphone. Isang text lang pala mula sa kapatid kong si tonton.

Tonton: Ate. Kumusta ka na po? Ate pasensya na ha. Papaalala ko lang po sana yung downpayment para sa tuition ko. Ako na lang po kasi ang di nakakabayad sa listahan namin kaya hindi ako makapasok sa group chat namin.

Hindi ko rin alam kung anong irereply ko kay tonton. Walang wala talaga akong pera ngayon bukod sa nasa two hundred pesos cash ko at ilang libo na lamang na nasa bank account ko na itinatabi ko para sa emergency fund.

Hindi ko na pwedeng gastusin pa iyon.

Kahit wala akong masagot ay alam kong kailangan kong bigyan ng update si tonton.

Samsara: Hello tonton. Ayos lang naman ako. Kayo ba kumusta na? Pasensya ka na ha. Wala pa kasing sweldo si ate. Hayaan mo, nextweek eh makakabayad na rin tayo. Pagpasensyahan mo na muna si ate.

Agad din namang nag reply si tonton.

Tonton: Okay din naman kami ate. Salamat ate, asahan ko po yan ha. Kumain ka na ba?

Samsara: Oo naman. Kagagaling ko lang nga sa labas at kumain kami ng mga kaibigan ko. Sa susunod pag naka luwag luwag, sisikapin ko mailuwas kayo sa Maynila para naman makita niyo anong itsura ng mga buildings dito.

Tonton: Wow, talaga ate? Salamat po. Kami rin kumain na ate. Salamat po sa padala ninyo. Pasok na ako sa trabaho.

Bigla na lang akong napaluha. Nakakalungkot ang ideya na kailangan ko pang mag sinungaling para lang mag mukhang maayos lang ang lahat.

Kilala ko kasi si tonton, pag nalaman non na ganito akong naghihirap dito sa Maynila ay ititigil niya na lang ang pag aaral niya. At ayoko na mangyari yon.

Di bale nang ako ang hindi nakapag tapos ng pag aaral, huwag na huwag lang ang mga kapatid ko.

Samsara: Sige tonton, mag iingat ka. Sabihin mo lang sa akin ang iba pang kailangan dyan sa bahay. Mahal ka ni ate.

Nang hindi na nag reply si tonton ay tumayo ako at nag lakad lakad para kolektahin ang aking sarili. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera at kung anong dasal pa ang kailangan kong gawin para lang masolusyunan ang lahat ng ito.

Nahihiya na rin akong lapitan si Sean. May mga problema rin naman siya at isa pa ay ayokong maging isang abusadong kaibigan.

Maya maya pa ay tumunog ang cellphone ko.

Skyler Han replied to your message. You are now connected.

Bigla na lamang nanginig ang mga kalamnan ko. Para akong nasusuka sa kaba.

LANDON's POV

These couple in front of me are now acting chaotic. Skyler's typing on the phone while Lemery's directing him on what to say.

Kahit na ganon ang strategy nila ay nagtatalo pa rin sila kung ano ang dapat sabihin.

"No, don't tell her that we're made possible because of miss night!" Lemery shouted.

Skyler opposes. "Eh hindi ba ayon ang pakay niya? Malamang napuntahan na siya ni miss avon. Sigurado akong nag reach out siya because she is curious."

Bahagya namang tinulak ni Lemery si Landon. "Are you not listening to everything that I'm saying? Nasabi ko na na napuntahan na siya nila miss avon. My ghad." Then she rolled her eyes.

They continued fighting, while me? Staring. I don't know what to say.

Pag usapang mapapang asawa na, natutulala ako at hindi alam ang gagawin.

Siguro kung simpleng flirt lang ito, alam na alam ko na kung anong sasabihin pero this is different. I accepted the offer because it feels like I'm running out of time.

Also, because Pops have been harassing me by setting me up on blind dates with girls I don't have any interest with.

Kaya lang naman ako pumapayag sa blind dates niya is because usually, those dates ends up in my flat--- in bed. And that is the fun part of it.

Sinasabi ko naman kay Dad that I'm on a quest to find a wife. But he said that he does not believe me. Lagi ko raw kasing kinakama ang mga babaeng nakikilala ko.

"Ikaw? Ano say mo?" I fell back into my conciousness when I heard Skyler's voice. Naka tingin na silang dalawa sa akin habang hinihintay ang sagot ko.

All I can say is, "What?"

Lemery took a deep breath and she made sure that I hear her exhale. "You are of no help. Love life mo to!" She rolled her eyes on me.

In my defense, "What am I supposed to say? The question is not even related to miss night. It is about you, Lemery."

Then a moment of silence was broken when Skyler gently faced her wife.

"Baby..." He started. "Landon's right. She's really asking about you. Maybe we need to do this slowly first before opening that thing about Miss Night. Para di mabigla. Alam mo na mahirap na." Then he gave Lemery an assuring smile.

Lemery shrugged her shoulders and took the phone out of her husband's hand. She started typing while saying the words out loud.

"Good day, Samsara. This is Skyler Han. And yes, I do know Lemery which happens to be my wife. She is Lemery Han now. She is fine, safe and sound with me. May I ask for the purpose of you asking for her contact number?"

Before she hit the send, I oppose, "Why would you need to ask for the purpose? Just give her the contact!"

I'm frustrated. This is slowing things down and also, I thought we need to be straight forward with it?

"You moron. Para may confirmation. Manahimik ka nga, Landon. Di ka naman kasi marunong makipag usap ng pormal. Tse!" Pagsusungit niya sakin.

Bigla naman akong tinawanan ni Skyler. "Nako, isipin mo na lang kung ganyan din ang pagka masungit ng kaibigan niya."

Isa ka pa, Skyler.

His notification dings again.

Lemery read the reply out loud. "I have to ask her about something, it needs to be private. Please, kailangan ko na talaga ang number niya. I'm kind of running out of time."

Running out of time? About what?

Lemery sighed. Her shoulders are down and she looks sad. Siguro ay nararamdaman niyang mabigat ang dinadala ni Samsara. After all, they were good friends before.

"This must be about her family." She briefly said.

I ask, "What about it?"

"Their life's pretty hard, Landon. Mas malala pa sa kung anong pinagdaanan ko noon at nung pamilya ko. I already escaped that. But all these years that I've been enjoying a good life, siya, nandon pa rin."

I don't know why I'm feeling this. Hindi naman ako ganito kaawain. Pero siguro kasi ay napagmasdan ko ang buhay ni Lemery noong bago pa lang sila ni Skyler.

It was difficult. And Lemery is saying that Samsara's life is harder than hers? I can't even imagine. I'm not even sure if I want to imagine it.

I let out a deep breath.

"Give it to her, Lemery."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status