Share

CHAPTER TWO: A visit from Avon

Iniisip ko pa rin yung kagabi. Si avon talaga, di ako pinatulog. Malay ko ba kung anong agent ang ipapadala nila rito sa bahay ko?

Agent pala na pinadala ng boss ko para patayin ako dahil sa kalokohan ko kahapon. O kaya padala nung exclusIve VIP partner na ang hilig makipag argue eh mali naman siya.

Ako pa talaga nasibak.

Bigla na lang nag ring ang phone ko. Si Sean pala.

"Oh? Sana napatawag ka para ibigay ang ulam ko. Kumakalam na sikmura ng unemployed mong beshie." Bungad ko.

"Bwisit ka. Alas kwatro pa lang ng umaga." Hindi ko nga namalayan na alas kwatro pa lang dahil sa naalipungatan lang din ako.

"Ano yon? Di naman pala ulam concerned 'tong tawag mo. Nagsasayang ka lang ng load."

"Bwisit ka talaga kahit kailan. Sama ka na lang sa akin sa BGC sa susunod na araw. May kaibigan ako don nagwowork sa mga office. Hiring daw."

"Magkano ba sweldo dyan?"

"Aba. Malay ko. Wag ka na umarte. Sige na, abot ko ulam mo bago pumasok sa office. Patanggal pa more." Asar niya bago ibaba ang tawag.

Malamang sa malamang galing nanaman sa gimikan si Sean para maghanap ng boylet na makaka one night stand. Paalala ko na nga lang sa kanya na sa hilig niya umisa nang umisa sa gabi, mag ingat na lang siya sa mga sakit.

Si Sean, daig pa niyan ang bampira.

Lagi pa naman kaming nagsheshare ng inuman. Baka magkasakit pa ko. Wala na ngang sex life, magkakasakit naman ng ganon. Wag naman.

Tumayo na ko at kumuha ng singkwenta sa wallet ko. Wala na pala akong kape. Makabili nga ng twinpack.

Kinuha ko ang twalya at isinabit iyon sa likod ko pantakip ng dibdib dahil wala akong bra.

"Te Jossie, pabili nga ng twin pack. Samahan mo na rin ng itlog tsaka sampung pisong tuyo." Tawag ko sa tindahan.

"Oh, sam. Tuyo ka nanaman ah. Magka UTI ka niyan." Paalala ni ate Jossie.

"Huy di naman, ate. Last week pa ko nag tuyo."

"Sus. Nung isang araw kaya." Binalot na niya ang mga binili ko at inabot ko na rin ang bayad. "Kako naman eh pwede ka naman umutang, basta bayad next week."

"Wag na, ate. Manggigil ka pa sakin pag di ako nakabayad." Biro ko naman.

Mabait si Ate Jossie. Parang typical na nanay na chismosa na kailangan mo biro biruin at maging kasundo para di ka niya ichismis. Tsaka, hello? Ano naman ang machichismis niya sa akin eh halos hindi na ako nagpapakita sa street namin.

Pag tapos kasi ng office, bihira na ko lumalabas ng bahay dahil tulog. Lalabas lang pag bibili ng pagkain.

Habang naghihintay ng sukli, biglang dumami ang taong bumibili sa tindahan.

Puro lalaki.

Bigla ring nag amoy expensive. Lilingon sana ako pero nakakahiya dahil puro sila lalaki.

"Ma'am, give me one marlboro blue. You want one guys?" Tanong ng lalaking boses mayaman sa mga kasama niya. Siya rin siguro 'tong amoy mayaman na nasa likod ko.

"No, sir. We're on duty." Sagot naman ng isang lalaking naka suit.

"Lame."

"Teka lang ha. May sinusuklian pa ko Ijo." Sabi ni Ate Jossie habang inaayos ang sukli ko. Wala na ata siyang barya.

"Taga saan ka pala, Ijo? Mukhang di ka taga rito. Maayos ang baro ninyo eh." Ayan nanaman si Ate Jossie. Di na napigilang chumismis.

Bahagya namang natawa yung mayaman. Iniisip ko lang, pogi kaya 'to?

"Yes ma'am. I'm not from around here. Just been wanting to see someone."

"Ah, tanong mo sa akin. Kilala ko lahat dito."

Oo naman syempre Ate Jossie. Sa pagka chismosa mong yan.

"Sukli mo, Samsara. Inom tubig ah bata ka tuyo ka nang tuyo." Sermon niya bago ibigay ang sukli.

"Ito na yosi mo, Ijo." Abot naman niya ng marlboro blue sa lalaki.

"Thank you, Ate." Sabay naming banggit.

Bago ako pumasok sa pinto ng apartment ko. Tinignan ko muna kung kaya ko bang makita ang itsura ng lalaki.

Matangakad, maputi, halatang alagang alaga ang kutis pagkabata. Muscular din at halos puputok na ang tshirt sa laki ng braso at dibdib. Halatang may budget magpa membership sa gym.

Bigla naman itong humarap at sumandal sa lamesa na nakalatag sa harap ng tindahan. Habang hinihipak niya ang yosi, nakatitig lamang siya na parang may iniisip.

Maayos din ang buhok niya, naka brush ito palikod at naka faded ang gilid. Napakalinis tignan. Matangos din ang ilong niya at mapanga, hindi ko lang makita kung anong klase ng mata ang meron siya.

Siguro may lahi itong Italian o kaya Americano.

Nang hindi ko namalayan, nakatingin na pala siya sa akin at nakangisi.

Shet.

Kulang na lang ay ang isiksik ko ang sarili ko papasok sa apartment. Muntikan ko na rin mabitawan ang itlog na binili ko.

Talaga naman, Samara. Nagmumukha kang CCTV sa ginagawa mo.

Bago ko pa kamuhian ang sarili ko sa hiya, niluto ko na ang itlog at tuyong binili ko dahil kumakalam na rin ang sikmura ko. Kung hihintayin ko pa si Sean, baka matagpuan na lang akong walang buhay dahil sa gutom.

Kako naman, nextweek ay magkakaroon na ko ng trabaho. Pasok naman siguro ang experiences ko.

Maya maya pag tapos kumain ay biglang may kumatok sa pinto.

"Sandali, Sean! Aga mo naman. Kakatapos ko lang kuma--" Pag bukas ko ng pinto, hindi ang inaasahan kong tao ang nasa harap ko kundi dalawang lalaking matangkad na nakasuot ng itim na suit.

Men in Black?

Maya maya ay walang pasabing may isang matangkad din na babae ang dumire diretso papasok ng bahay.

Hindi na ako nakapagsalita at wala rin akong choice kung hindi sumunod na lamang sa kanila.

"So, you're Samara." Banggit ng babae habang pinagmamasdan ang apartment ko. Nakakahiya, amoy tuyo pa naman dito.

"Y-yes. Ako nga. Ano ba yon?" Sagot ko naman. Pansin ko namang nagtakip ng ilong yung babae. "Pasensya na kung amoy tuyo. Teka buksan ko lang bintana." Tsaka ako lumapit para buksan ang bintana at tinapat ang bentilador doon para lumabas ang amoy.

"We talked last night. Remember?"

Avon? Naknangteteng. Tinotoo nga.

"Avon? Sa Miss Night? Pero hindi ko ho tinanggap yung alok ninyo. Pasensya na baka na mix niyo ko sa ibang tao."

"Nope. I have strict orders to pursuade you into accepting our offer." Matigas niyang sabi. She's also sitting comfortable with her legs cross.

Habang yung mga guards niya, isa ang nakatayo sa pinto at isa naman ang nakatayo sa tabi niya.

"Sit down, Samara. Ask me your questions." Sa tono ng pananalita niya, parang may gayumang magpapasunod sa iyo na gawin ang sinabi niya.

I sat beside her. But not too close. Aminado kasi ako na amoy tuyo ako. Iniisip ko kung anong tanong ang maaari kong itanong.

I cleared my throat. "Ano bang offer niyo?"

Ngumisi siya at tsaka humarap sa akin. Iniabot din ng isa sa mga guard niya ang isang folder.

"This is our company. It is called Miss Night." Binuklat niya ang folder at tumambad ang isang picture ng mga babaeng sama sama sa isang picture. Nakalagay ang taong 1995. Siguro, siyam na babae ang nandito.

Binuklat niya pa ang folder at tumambad ulit ang picture ng siyam pang ibang babae. 1996 naman ang nakalagay na taon. Habang nagbubuklat siya, pataas nang pataas ang taon at iba't ibang siyam na babae ang nasa picture.

"Every year, we carefully and thoroughly select nine girls that will be candidates for Miss Night."

"Anong eksaktong ginagawa dyan?" Curious na tanong ko.

"It is an opportunity for each candidate to enter another world. A world where they do not need to worry about money or anything in the world."

Habang binubuklat niya ang picture, isang picture ang nakaagaw ng atensyon ko dahil sa pamilyar na mukha.

Sa picture na ito ang taon kung kelan kami lumuwas ng kaibigan ko. Ito rin ang taon kung kailan siya yumaman at hindi ko na nakausap.

"Lemery?" Gulat kong tinuro ang mukha ng isang babae sa picture.

"You know her?" Tanong ni Miss Avon.

"Oo. Kaibigan ko yan. Kasabay kong lumuwas dito---"

"I bet she's loaded now, hmm?" Mas tumindi ang ngisi niya na parang may pinapahiwatig sa akin.

"As I was explaining, if you accept our offer, you don't have to worry about anything anymore. Tuitions ng kapatid mo, pagpapagamot sa magulang mo, lalo na ang perang ipapadala mo sa kanila---- you can get it all by accepting this job."

"Miss Avon, isa sa mga natutunan ko sa buhay, walang bagay such as easy money. Wag mo na lang sayangin ang oras ko kung papangakuan mo ko ng ganyan at hindi naman pala totoo." Sabi ko.

Ayoko na rin umasa. Totoo namang delikado ang easy money. Wala namang ganon. Masyado ng kapitalista ang mundo para kumita pa ang mga normal na tao ng pera na ganon na lang kadali.

"That's true. That's why I'm saying that this offer is an opportunity. Wala namang mawawala sayo kung hindi ka susubok. All we want here is to help you." Sumandal siya muli sa sofa at para bang walang balak na umalis hangga't hindi ako nakakapagdesisyon.

"If pumayag ako, what will be my role?" I asked.

Ayokong ma involve sa bagay na hindi legal. At kung totoo man ang sinasabi ni Avon, baka ito na nga ang sagot para hindi na mamroblema ang pamilya ko sa pera.

"Well, all you have to do is--" Iniabot niya sa akin ang isang pulang card.

"Let a billionaire purchase you."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status