Share

Kabanata 6 Gusto Niyang Pilitin Ito

Walang napansing mali si Calista sa sinabi ni Lucian. At saka, galit pa rin siya sa kawalang-interes nito. Kaya, tumango na lang siya.

Humigop ng sabaw si Lucian. Ibinalik niya ang kutsara nang may kaunting puwersa, at kumalansing ito sa mangkok.

Pagkatapos ay itinaas niya na kumot at humiga sakama. Nakatalikod pa rin sa kanya si Calista habang pinapatay ang bedside lamp. Pagkatapos noon, ipinikit niya ang kanyang mga mata, handa nang matulog.

Sa nakalipas na taon, minsan sila ay natutulog sa iisang kama. Pero palaging may puwang sa pagitan nila. Malaki ang kama para sa dalawang tao.

Pero, iba ang gabing iyon.

Mahimbing ang tulog ni Calista nang biglang idiin ni Lucian ang katawan nito sa kanya. Ang matigas nitong dibdib ay nakadikit sa likod niya, at bigla itong napayakap sa kanya. Nararamdaman niya ang mga muscles nito sa manipis na mga telang namamagitan sa kanila.

Ang mainit at malalim na paghinga nito ay dumampi sa kanyang tenga, nagpapataas ng temperatura sa silid. Tila nakakapaso.

Bago pa makapag-react si Calista, naramdaman niyang may dumidikit sa kanyang bewang. Natigilan siya saglit bago naintindihan kung ano ang gusto ni Lucian.

"Lucian..."

Nanginginig ang boses niya habang nagsasalita. Higit sa lahat ay mula sa pagkagulat, pero bahagi rin nito ang kaba. Natatakot siyang ipilit ni Lucian ang sarili nito sa kanya.

Inaasahan na ni Calista ang mangyayari noong una siyang ikasal. Pero, sa kawalang-interes ni Lucian sa paglipas ng mga taon ay naglaho din ang pag-asa ni Calista. Ngayon, sa nalalapit na hiwalayan, hindi nila pwedeng gawing kumplikado ang mga bagay sa pamamagitan ng pagtatalik.

Sapat nang magkamali ng isang beses.

"Hmm?" Ang paos na boses ni Lucian ay narinig ni Calista. Ang pahiwatig ng pagiging dominante dito ay imposibleng balewalain.

Sa sumunod na segundo, binaliktad siya ni Lucian at inipit sa ilalim nito. Nakatingin siya sa mga mata nito mula sa itaas.

Kinalma ni Calista ang sarili. "Ayoko," sabi niya. Sinubukan niyang itulak si Lucian palayo.

"Hindi ba nagreklamo ka na hindi kita nasasatisfy? Mukhang sabik na sabik ka pang ibigay sa'kin yung soup. Akala ko ganun mo kagustong may mangyari sa'tin at handa ka nang ibato ang sarili mo sa akin at gumawa ng milagro. Pero ngayon sinasabi mo na ayaw mo. Playing hard to get, ha?" Ilang pulgada ang layo ng labi ni Lucian sa labi niya.

Naiisip ni Calista na may sinasabi si Lucian na mali sa soup. "Hindi ko alam kung anong nangyayari," sinubukan niyang magpaliwanag.

"Sa tingin mo ba maniniwala ako? Hindi ito ang unang beses na ginawa mo 'to."

"Anong…"

Pakiramdam ni Calista ay wala siyang magawa sa tuwing naaalala niya ito. Palaging gumagawa ng paraan si Lucian para pilitin siyang maalala ang gabing iyon.

"Uulitin ko. Nangyari iyon dahil..."

Tinakpan ni Lucian ang mga labi niya bago pa siya matapos. Napilitan siyang lunukin pabalik ang kanyang mga salita.

Nagulat si Calista. Gamit ang kanyang mga kamay na nasa dibdib ni Lucian, sinubukan niya itong itulak palayo. Pero, pinalalim ni Lucian ang halik bilang tugon. Hindi ito banayad pero mapuwersa at possessive.

Kinagat ni Lucian ang labi ni Calista, at nalasahan niya ang kaunting ng dugo sa kanyang bibig. Umiikot ang isip niya dahil sa kakulangan ng oxygen. Pagkatapos, hinawakan siya ng nakakapasong kamay ni Lucian. Sa pagkabigla, napagtanto niya na ang mga butones ng kanyang kamiseta ay natanggal.

Napalingon si Calista para pigilan ito sa paghalik sa kanya. "Lucian, bitawan mo ako."

Buong lakas niyang pilit na kumawala sa pagkakahawak ni Lucian. Pero, natural na mas mahina ang mga babae pagdating sa lakas ng katawan.

Namamaga ang labi ni Lucian sa paghalik. "Hindi ba gusto mo ng divorce dahil sa sexual dysfunction ko at kawalan ng kakayahan para masatisfy ang pangangailangan mo? Ngayong wala nang mali sa akin, wala ka nang valid reason para sa divorce."

Inalalayan ni Lucian ang sarili at bahagyang lumuhod sa kama. Hinawakan niya ang baba ni Calista at inihilig ang ulo nito sa kanya. Sa ganun, napilitan si Calista na tingnan si Lucian.

Kitang-kita ni Calista ang nakaumbok sa ibabang bahagi ni Lucian sa ganoong posisyon.

Pero wala pa ring malasakit si Lucian gaya ng dati, ang bawat salita niya ay naging dahilan ng pagiging tense ni Calista. "Masaya ka ba sa nakikita mo?"

Walang nasabi si Calista.

Malungkot ang ekspresyon niya. Pero, tumunog ang telepono ni Lucian sa oras na sasagot pa lang si Calista. Mabilis na kinuha ni Lucian ang telepono sa bedside table. Nang makita niya kung sino ang tumatawag ay napakunot ang noo niya.

Manager iyon ni Lily.

Isinwipe ni Lucian ang kanyang telepono para sagutin ang tawag. "Anong problema?"

Sinubukan ni Lucian na lumayo kay Calista habang nagsasalita. Pero, biglang iniharang ni Calista ang kanyang braso kahit kanina lang ay umiiwas siya sa lalaki.

Nanigas si Lucian nang lumapit sa kanya ang malambot na mga labi ni Calista. Ibinaba niya ang kanyang tingin, at ang kanyang madilim na mga mata ay nakamamatay. Nangangatog ang mga ngipin niya sa pagiging frustrated.

Nagsasalita pa ang nasa kabilang linya. Bahagyang naririnig lang ni Calista ang ilang usapan.

Iniisip niya, malamang may sinabi na naman ng taong iyon kay Lucian na may mali kay Lily. Isa lang itong paraan para mapuntahan ang homewrecker at bisitahin ulit.

Gamit ang matalas na tingin, nagpadala ng babala si Lucian kay Calista. Pero, itinaas lang ni Calista niya ang kanyang baba sa kanya nang mapanukso.

Sanagot niya ang tanong ni Lucian kanina. "Sobrang satisfied nga ako eh. Ang tagal mo din sa kama. Minsan hindi ko na kaya. Magdahan-dahan ka naman oh."

Sapat lang ang lakas ng boses niya para marinig ng kausap.

Sinasadya ni Calista ito. Kung tutuusin, wala siyang pakialam na gamitin ang bawat trick sa libro para mang-agaw ng lalaki.

Nakaramdam si Lucian ng bukol sa kanyang lalamunan. Humigpit ang pagkakahawak niya sa telepono kaya namuti ang kanyang mga daliri.

Muling nagsalita ang boses sa kabilang linya. "Mr. Northwood, matatapos na ang dancing career ni Lily kung magiging disabled siya."

Nagpatuloy ang kausap ni Lucian, "Marami siyang tiniis sa simula ng kanyang career. Gusto niyang maging isang kilalang dancer sa lalong madaling panahon para hindi ka mapigil ng kanyang background. Ngayon injured siya at nangangailangan ng physical therapy bawat linggo."

Napaawang ang labi ni Lucian. Pagkatapos ay bumaba siya sa kama. "Bantayan mo siyang mabuti."

Hindi na siya pinigilan ni Calista na umalis. Ayaw niyang mapahiya ang sarili niya. Alam na niyang wala nanaman itong pakialam sa kanya.

Wala siyang planong bawiin si Lucian. Pero, hindi niya palalampasin ang pagkakataong inisin si Lily at maghiganti.

Agad namang nagpalit si Lucian. Lumabas siya ng kwarto ng walang kahit isang salita sa asawa.

Mahimbing ang tulog ng lahat. Tanging ang malamlam na ilaw sa hallway ang nakabukas.

Paglakad niya papunta sa entrance, biglang lumiwanag ang napakalaking crystal chandelier sa sala.

Nakatayo si Selena sa entrance ng kusina. Hawak niya ang controller ng ilaw. "Gabi na ah. Saan ka pupunta?"

Kumunot ang noo ni Lucian. "Mom, bakit hindi ka pa natutulog?"

"Tinatanong ko kung saan mo balak pumunta. Iiwan mo si Calista sa kalagitnaan ng gabi?"

Napatikom ang labi ni Lucian. Mahinahon niyang sagot, "Nawalan ako ng kontrol kanina at hindi ko sinasadya na masaktan siya. Bibili lang ako ng gamot para sa kanya ngayon."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status