Share

Kabanata 9 Ang Bago Niyang Date

Naisip ni Calista na baka may problema sa kanya para magpahintay si Lucian. Pero, hindi niya inaasahan kung gaano ito kabilis na darating.

Palabas na sana siya ng pinto nang may nakita siyang matangkad na lalaking papunta sa direksyon niya.

Si Lucian ay nakasuot ng fitted black shirt at tailored pants. Mukha siyang guwapo at napaka-refined, nababagay sa tangkad at tindig niya. May natural na pagmamalaki sa pagdadala niya ng sarili, na naging dahilan para maging kapansin-pansin siya .

Siya ay guwapo, matikas, bata, at mayaman.

Kung babalewalain lang ang katotohanan na isa siyang g*go, tiyak na si Lucian na sana ang perfect heartthrob.

Si David ay naglalakad sa tabi niya. Kung ikukumpara sa kanya, imposibleng hindi mapansin ang presensya ni Lucian.

Sandaling natigilan si Calista.

Tumayo si Lucian sa harapan niya. "Sinabi sa akin ni Jonathan na hindi ka umuwi kagabi?"

Bakas sa nakakunot niyang noo na wala siya sa magandang mood.

Iniisip ni Calista kung pumunta ba siya para lang tanungin 'yun.

"Hindi ba sinabi sayo ni Jonathan ang sinabi ko? Hindi lang ako kagabi hindi umuwi. Pero hindi na talaga ako babalik."

Lumingon si Calista. Gusto na niyang umalis.

Pero, pinigilan siya ni David, "Ms. Everhart, dumating lang si Mr. Northwood pagkatapos malaman na nandito ka."

"So what? Ineexpect niya bang iiyak ako?" pagtataka ni Calista.

Si David ay isa sa iilan sa paligid ni Lucian na nakakaalam ng aktwal na relasyon ng mag-asawa. Pero, palagi niyang tinatawag si Calista bilang Ms. Everhart.

Sa kabila ng tatlong taon ni Calista sa beck and call ni Lucian, hindi kailanman inisip ni Lucian at ng lahat ng nakapaligid sa kanila na asawa siya ni Lucian. Hindi man lang sila magpanggap na may pakialam sila.

Galit na galit si Calista nang makita niyang nakaharang si David sa daraanan niya. "David, alam mo ba kung ano ang tawag nila sa mga katulad mo? Sunud-sunuran!"

"Calista." May galit sa boses ni Lucian. "Normal na bahagi ng buhay mag-asawa ang pag-aaway. Pero hindi mo 'to kailangang palakihin nang sobra.

"Naiwan mo lahat ng gamit mo sa bahay. Hindi ba hinihintay mo lang na suyuin kita? David, sige na gawin mo 'yung dinner reservation."

Matapos utusan si David, sinabi ni Lucian kay Cakista, "Magdinner tayo mamaya. Pwede kang pumili ng kahit anong gusto mo sa jewelry store pagkatapos. "

Ganito siya patahimikin ni Lucian pagkatapos ng away. Bibigyan niya siya ng mga bag, damit, alahas, kahit anong mabibili ng pera.

Noon, kinukunsinti ito ni Calista at sinasabi sa sarili na isa lang siyang ordinaryong lalaki. Hindi niya alam kung paano tratuhin nang tama ang mga babae. Hanggang sa nakita niya kung paano niya inalagaan si Lily ay alam niyang mali siya.

Ngumisi si Calista.

"Hindi sa naiwan ko 'yung mga gamit na 'yun. Iniwan ko talaga 'yun para kay Lily. Mukhang nag-e-enjoy siyang mangolekta ng mga segunda mano eh. Isipin mo na lang wedding gift ko 'yun sa inyo!" sabi niya sa matinis na boses.

Sa tabi niya, sinabi ni Queenie, "Madam Calista, hindi mo naiintindihan si Lily. Bagama't gusto niya si Mr. Northwood, hindi niya naisip na sirain ang kasal ng sinuman!

"Hiniling niya lang kay Mr. Northwood na i-reserve ang bag na ito dahil hindi siya miyembro ng brand na 'to. Kung gusto mo 'to, pwede naman naming ibigay sa iyo."

Kung may hierarchy ang mga bruha, ang babaeng nakatayo sa harap ni Calista ay nasa tuktok nito.

Dahil binanggit niya ang bag, tumalikod si Calista at ngumiti ng nakakaakit. "Sige, salamat ha."

Mahirap makuha ang bag. At saka, siguradong magugustuhan ito ni Yara.

Higit sa lahat, hindi kailangang bayaran ni Calista ito. Walang dahilan para tanggihan niya ang alok.

Wala siyang pakialam sa iniisip ni Lucian.

Pero, hinawakan ni Lucian ang kanyang kamay nang papunta na siya sa cashier. "'Wag ka nang magtampo. Pwede naman kitang ipag-reserve ng bago. Hindi naman magtagal magkakaroon ng stock."

Nadurog ang puso ni Calista. Naramdaman niya ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata.

Naisip niya ang malungkot na kasal niya sa nakalipas na tatlong taon. Kung gaano siya nasaktan dahil doon. Hindi niya maiwasang ikumpara ang sarili kay Lily. Laging pinapaboran ang babaeng iyon.

Naintindihan ni Calista ang ibig sabihin ni Lucian. Hindi niya mahawakan ang bag na ito. Para kay Lily yun.

Hindi niya hinayaang makita ni Lucian kung paano namutla ang mukha niya.

"Gusto kong bilhin itong men's bag." Lumingon siya at itinuro ang isang bag sa tindera.

Napatikom ang labi ni Lucian. Bagama't hindi niya nagustuhan ang disenyo, bahagyang umayos ang itsura niya.

Naisip ni Lucian na mukhang hindi na galit si Calista. Binili pa siya nito ng regalo.

Lumambot ang boses niya. "Magdidinner tayo mamaya, okay? Ipapakuha ko na lang ang gamit ko sa apartment ni Yara. "

Hindi siya pinansin ni Calista. Nagpatuloy siya sa pagtatanong sa salesperson, "Pwedeng pakilagyan ng card?"

Tumango ang salesperson. "Opo."

"Pakisulat 'Happy Valentines Day, Mr. Quigley.'"

Namilog ang mga mata ni Lucian. Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ni Calista. Tanong niya, "Sino si Mr. Quigley?"

Kaswal na sagot ni Calista, "Yung date ko mamaya."

Pilit inalis ni Calista ang kamay niya sa pagkakahawak ni Lucian. "'Wag ka nang magtampo. Pwede naman kitang ipag-reserve ng bago. Hindi naman magtagal magkakaroon ng stock."

Kumalabog ang templo ni Lucian nang marinig ang mga salitang sinabi niya kanina na ibinabato sa kanya pabalik. Umigting ang kanyang panga habang nagngangalit ang kanyang mga ngipin.

Inihanda na ng salesperson ang bill. Pero, hindi siya nangahas na magsabi ng anuman sa ganoong sitwasyon.

Naglabas ng card si Calista at iniabot. "Ito oh."

Lalong nagdilim ang ekspresyon ni Lucian. "Sa tingin mo ba mabibili mo 'tong bag gamit ang buwanang sahod mo?"

Kinansela na ni Lucian ang black card na ibinigay niya kay Calista. Bukod sa paggastos nito sa hotel noong nakaraang gabi, hindi pa ulit ginamit ni Calista ang card na iyon.

Hindi man siya kumain sa labas o uminom nang madalas sa loob ng isang taon, hindi magiging ganun kadami ang ipon niya. Ni hindi niya kayang bumili ng bag na nagkakahalaga ng kalahati ng presyo ng binili niya ngayon.

Hindi man inaasahan, tagumpay ang transaksyon. Nagsimulang i-print ng POS machine ang resibo.

Kinuha ni Calista ang gift box sa salesperson bago umalis.

Puno ng galit ang mga mata ni Lucian habang pinagmamasdan itong umalis.

Walang imik si Calista pagkalabas ng mall. Nagpasya siyang tumawag ng taxi papunta sa antique shop ni Yara. Gabi na.

Hindi naman busy si Yara. Kaya naman, dali-dali siyang pumunta kay Calista matapos niya itong makita. "Oh bakit ka nandito? Diba sabi mo ipagluluto mo ako pero mamayang gabi pa?"

Inihagis ni Calista sa kanya ang kahon ng regalo. "'Wag mo nang alamin. Ang malas malas ko talaga." Napaupo siya sa couch, pagod na pagod.

Excited si Yara habang nakatingin sa box. "Ano 'to? Birthday gift ko ba 'to?"

Pumikit si Calista at bumulong, "Oo."

Sa pagkakataong iyon, sabik na binuksan ni Yara ang packaging. Nang makita niya ang bag ng mga lalaki sa loob, nadismaya siya. "Alam kong hindi mo iniisip na babae ako. Pero hindi mo kailangang ipaalala sa akin ng ganito."

"Pwede mo namang ibigay sa boyfriend mo." Walang pakialam si Calista.

Hindi nakaimik si Yara.

"Anong boyfriend? Counted ba lahat ng lalaking nakilala ko sa club?" siya ay nagtaka.

Nagpahinga sandali si Calista. Matapos kumalma ay ikinuwento niya kay Yara ang nangyari sa mall.

Naisip ni Yara na kakaiba na pinilit ni Lucian na umatras si Calista. Natahimik siya saglit at napatanong, "'Yung g*gong yun! Nainlove na ba talaga siya sayo?"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status