Share

Kabanata 8 Hinihiling ni Mr. Northwood na Hintayin Niyo Siya

Nabalot ng gauze ang sugat sa binti ni Lily. Mahirap sabihin kung infected ba ito. Pero, ang lugar ay talagang namamaga at nakaumbok.

"Tiningnan na ba 'to ng doktor?"

Masyadong walang pakialam si Lucian. Mukhang hindi naman siya nabahala o naabala nang tingnan niya ang namamaga nitong binti. Hindi masabi ni Lily kung ano ang iniisip niya, kaya hindi siya naglakas-loob na magsinungaling.

"Hinayaan ko na yung doktor na magpalit ng dressing. Siguro dahil hindi ko sinasadya na nabuhusan ko 'to ng tubig habang naliligo... Kaya naman na-infect."

Kumuha ng sigarilyo si Lucian at inilagay sa pagitan ng kanyang mga labi. Hindi niya pinansin ang no-smoking sign sa dingding. Sa isang click, bumukas ang lighter. Nagbigay ito ng mainit na glow sa kanyang mukha.

Humithit muna siya ng yosi bago ibinalik ang tingin sa binti ni Lily. "Lily, ipagpatuloy mo ang career path na 'yan dahil pinili mo 'yan. 'Wag mong sirain ang mga plano mo sa pamamagitan ng pagsuko. Ibinigay mo ang lahat para sa pangarap na 'yan 'di ba?"

Hindi inaasahan ni Lily na sasabihin niya iyon. Akala niya ay mag-aalala ito o susubukan siyang pakalmahin kapag nakita ang sugat niya.

Kung tutuusin kasi, biglang sisimangot si Lucian noon kapag nakikita siyang natatalsikan ng mantika. Kukuha pa 'yan ng yelo para ipahid sa balat niya.

"Lucian." Medyo nasasamid si Lily. "Sinisisi mo pa rin ba ako? Noon..."

"Hindi kita sinisisi. Choice mo 'yan. Ako naman, pinipili ko 'ding tuparin 'yung wish mo." Pinatay ni Lucian ang kanyang sigarilyo. "Binti mo naman 'yan eh. Pwede mong gawin diyan kung ano ang gusto mo kung ayaw mo nang sumayaw. Hindi na ako babalik dito sa ospital."

With that, umalis na si Lucian nang hindi lumingon.

Ilang sandali pa ay pumasok na si Queenie sa ward. "Oh kamusta? May sinabi ba si Mr. Northwood nung nakita niya yung sugat mo?"

"Sinabi niya na hindi na siya babalik dito sa ospital."

"Hindi ka ba umarte na mahina para maawa siya? Sinabi ko sa iyo na gusto ng mga lalaki 'yung babae na umaasa sa kanila. Hindi ka pwedeng maging mapagmataas gaya ng karaniwan mong ginagawa. Mas lalo mo lang siyang itutulak palayo."

Nang maisip ni Lily ang pagwawalang-bahala ni Lucian, isang mapanuksong ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. "Sobrang kalmado niya. Kahit mamatay ako sa harap niya ngayon, wala kang makikitang emosyon sa mukha niya kahit pa inaayos na niya ang libing ko."

Natahimik sandali si Queenie bago umiling.

"Ang mga lalaki ay nag-aalala tungkol sa kanilang reputasyon. Totoo yan lalo na para sa mga lalaki na makapangyarihan at maimpluwensyang gaya ni Mr. Northwood. Kailan pa ba siya nakaranas ng mga setback dahil sa isang babae? Masyado kang mapagmataas noon!"

Hindi siya sinagot ni Lily. Isang bakas ng panunuya ang bumungad sa kanyang mga mata habang iniisip niya, "Noon... Ganun nga ba talaga ang nangyari?"

Kinabukasan, hindi na kailangan pang magtrabaho ni Calista sa Northwood Corporation. Kaya naman natulog siya hanggang sa natural siyang nagising.

Si Yara naman ay nasa shop na niya. Nagpadala ito ng WhatsApp message, "Nakaset na ang appointment mo kay Jacob para bukas. Kaya lang 'di kita masasamahan kasi may client meeting ako nun."

Matapos makapagtapos ng kolehiyo si Yara, nagbukas siya ng antique shop gamit ang pondo ng kanyang pamilya. Siya rin ang responsable sa pagpapakilala ng mga bagong kliyente kay Calista.

"Okay," sagot ni Calista. Pagkatapos mag-almusal, lumabas na siya.

Nais ni Calista na maghanap ng matutuluyan pagkatapos umalis sa Everglade Manor. Mas maginhawa kung makakahanap siya sa isang lugar na malapit sa kanyang trabaho.

Kaya, pumunta siya sa real estate agency. Sa isang umaga lang, pumili siya ng apartment na may isang kwarto at dalawang sala. Malapit ito sa pinagtatrabahuan niya at hindi masyadong marami ang mga gamit. Nagbigay-daan ito sa kanya na gawing workspace ang pangalawang sala.

Pinakamahalaga, ang pamamahala sa building ay maganda din. Kailangang magrehistro ng kanilang ID card ang mga papasok sa apartment

Pagkatapos pumirma ng kontrata ay pumunta si Calista sa mall dahil maaga pa naman. Malapit na ang birthday ni Yara. Kaya, nagpasya si Calista na ibili siya ng isang bag.

Si Yara ay nagkukwento tungkol sa pinakabagong koleksyon ng isang partikular na brand. Nagkataon namang nasa shopping mall na pinuntahan niya ang brand na 'yun.

Sumakay si Calista sa elevator papuntang seventh floor.

"Miss, may gusto ka ba?" Lumapit sa kanya ang tindera.

Karaniwang alam na ng mga taong bumili ng gayong mga luxury item kung ano ang gusto nila.

"Mayroon ba kayo nung bag na featured sa summer collection?"

Ngumiti ng paumanhin ang tindera. "I'm sorry, ma'am. Limited edition po ang bag. May nag-book na kasi sa shop namin."

Medyo nadismaya si Calista. "Okay salamat."

Tatalikod na sana si Calista at aalis nang pumasok ang isang babaeng nakasuot ng professional attire.

"Hi. Nandito ako para sa limited edition bag na na-book ni Mr. Northwood," sabi niya sa salesperson.

Napahinto si Calista sa kanyang kinatatayuan. Dahan-dahan niyang ikinuyom ang kanyang mga kamao. Ang Northwood ay hindi isang karaniwang apelyido. At nakilala ni Calista ang babaeng nasa harapan niya.

Ang babae ay lumabas sa balita noon. Siya ang manager ni Lily.

Sumagot ang salesperson, "Okay. Pero, kailangan kong tawagan si Mr. Northwood para iverify. Pwede niyo po bang ibigay sa akin ang pangalan niyo?"

"Pinapunta ako ni Lily Scott. I'm Queenie Yates, manager niya."

Lumingon ang tindera at hinanap sa computer ang contact number ni Lucian.

Walang balak magtagal si Calista. Ang tanging naramdaman niya ay pamamanhid matapos ang panandaliang sakit sa puso. Dahil malapit na silang mag-divorce, wala siyang pakialam kung sino ang gusto niyang bilhan ng bag.

Aalis na sana siya nang tawagin siya ni Queenie, "Ms. Everhart."

Hindi inaasahan ni Calista na makikilala siya nito. "Yes. Anong problema?" Nagtaas ng kilay si Calista.

Hindi nagpatalo si Queenie, "Napakaganda mo. Hindi mo na kailangang kumapit sa lalaking hindi ka mahal. Kung mas maaga mo siyang binitawan, mas mabuti. Bata ka pa para makahanap ng ibang mas babagay sa'yo."

"Sinabi ba ni Lily sayo na sabihin mo yan?" Mayabang na nagtaas noo si Calista. "Nagbago na talaga ang panahon 'no? Noon, ang mga kabit ay nagtatago at naglilihim ng mga bagay-bagay. Natatakot sila sa kahihinatnan kapag lumabas ang sikreto nila. Ngayon, naglakas-loob pa silang maging mayabang sa harap ng mga asawa."

Ang tindig ni Calista ay tuluyan nang nanaig kay Queenie.

Pero ayaw aminin ni Queenie ang pagkatalo. "Ang totoong kabit ay 'yung hindi minamahal sa isang relasyon. Si Lily at Mr. Northwood ay isang couple naman na sa simula pa lang."

"Hindi ka pa kasal, tama?" Lumiit ang mga mata ni Calista at isang mapang-akit na alindog ang nagmumula sa kanya. "Kapag kasal ka na, ipapakilala ko ang asawa mo sa mga charming na dalaga. Sobrang generous mo eh, magiging okay lang naman 'yun sa'yo 'di ba?"

Natigilan si Queenie. Bago pa niya ito mapabulaanan, nagsalita muli si Calista, "Tungkol sa bag na 'yon, pakisabi kay Ms. Scott na ilipat ang kalahati ng bayad sa account ko. Kahit pa regalo yan ni Mr. Northwood, considered na joint asset pa rin namin 'yan

"Tutal, asawa niya ako. Makakaasa si Ms. Scott ng sulat mula sa lawyer ko kapag hindi ako natanggap ng bayad sa loob ng tatlong araw." Malumanay pero nangingibabaw ang tono ni Calista.

Hindi inaasahan ni Queenie na ang tila tahimik na babaeng ito ay may matalas na dila. Napakahirap niyang pakitunguhan.

Saglit na natahimik ang kadalasang magaling magsalita na si Queenie.

Akmang aalis na si Calista ay pinigilan siya ng salesperson. "Mrs. Northwood, sabi po ni Mr. Northwood...Hinihiling niya sa inyo na hintayin niyo siya dito," sabi niya, nanginginig ang boses.

Hindi inaasahan ng salesperson na may makikita siyang nakakagulat bago i-dial ang numero. Lalo siyang nagulat na si Lucian ang tumatawag at hindi ang kanyang assistant.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status