Share

Kabanata 10 Mabuhay na Parang Nabyuda

Gulat na tumingin sa kanya si Calista.

"Hahayaan mo bang mamuhay na parang byuda sa loob ng tatlong taon ang isang tao kung in love ka sa kanya? Ang baluktot ng pananaw mo sa love kung sa tingin mo ay normal iyon."

Sumang-ayon naman si Yara. "Tama ka. Pero bakit niya ipinipilit na bumalik ka? Aalis ka rin naman pagtapos ng tatlong buwan. Hindi lang kasi logical."

Hindi alam ni Calista kung bakit. Pero hindi rin siya interesadong alamin.

Nang sumapit ang hapunan, sa huli ay pinili na lang nilang lumabas at saka kumain ng stew.

Pumili si Calista ng super spicy na stew dahilan para pagpawisan siya sa sobrang init. Nabuhayan siya ng loob pagkatapos kumain.

Natatakot siyang magsimula ng gulo si Lucian. Kaya, pinatay niya ang cellphone niya nang gabing iyon.

Maaga siyang nagising kinabukasan.

Inilagay niya ang kanyang bagahe sa kotse at lumipat sa apartment na nirentahan niya.

Pagkatapos noon, inayos niya ang kanyang hitsura at pumunta sa kanyang magiging trabaho—Justa Workshop.

Si Jacob Xanders ang namamahala sa workshop. Siya ay isang maliit na lalaki na may salamin at mga 60 taong gulang. Pero, tila nabigla siya nang makita si Calista.

"Ikaw ba ang conservator na tinawag ni Yara na Callie?"

Magalang na tumango si Calista. "Opo ako nga."

Bagama't hindi gaanong nagtrabaho si Calista, lahat ng trabahong pinili niya ay napakahirap. Kaya, sikat siya sa industriya.

Pero, hindi niya ginamit ang kanyang tunay na pangalan dahil ayaw niyang ma-expose sa publiko. Simple lang ang napili niyang pangalan na Callie.

Nakita lang ni Jacob ang mga conservation project na natapos ni Calista. Hindi pa niya ito nakita sa personal.

Ang mga kasanayan ni Calista ay katangi-tangi, at ang kanyang mga diskarte ay top-notch. Nag-restore pa siya ng ilang historical pieces na hindi kayang gawin ng mga batikang propesyonal.

Dahil dito, palaging iniisip ni Jacob na si Callie ay halos kasing edad niya. Hindi niya inaasahan na siya ay isang dalaga!

"Nakita ko na ang mga proyektong na-restore mo. Napakahusay mo para sa iyong edad!"

Tumawa si Calista. "Masyado naman po kayong mabait. Marami pa po akong dapat matutunan."

Habang nakikipagkwentuhan, dinala siya ni Jacob sa bakanteng upuan. "Ito ang desk mo. Bryan, kumuha ka ng ilang gamit para makilala mo ang bago mong kasamahan."

Isang fundamental requirement para sa isang conservator na tukuyin ang yugto ng panahon ng artifact at ang mga katangian nito, pati na rin ang pagiging tunay nito.

Noong una, gusto ni Jacob na i-exempt si Callie sa entry exam. Pagkatapos ng lahat, siya naman ang personal na nag-hire sa kanya. Pero, nagpasya siyang sundin ang protocol.

Hindi si Calista ang inaasahan niya.

Mabilis na kinuha ni Bryan Lawson ang ilang artifact mula sa iba't ibang yugto ng panahon. Maingat niyang inilagay ang mga iyon sa mesa.

Nang makita ng iba sa workshop ang nangyayari, dali-dali silang nagtipon.

Nagpalitan ng bulong.

"Hindi ba't sinabi nila na sobrang talented daw ng taong darating ngayon? Ano ang ginagawa ng isang dalaga dito?"

"Baka nagpanggap lang siyang skilled. Tapos gusto lang niya makilala yung pangalan niya. 'Di niya siguro inexpect na dadaan siya sa pagiging metikuloso ni Jacob at kailngan niya makapasa sa test."

"Balita ko, ilang beses nang bumyahe si Jacob para lang ma-hire siya. Naku madidismaya siya! "

Habang nagkukwentuhan sila ay natukoy na ni Calista ang mga artifact na nasa mesa. Wasto niyang pinangalanan ang period, origin, characteristics at ilang maliliit na detalye ng bawat isa.

Nagulat si Bryan. "Ang bilis?"

Si Bryan ay estudyante ni Jacob. Sampung taon na ang nakalipas mula nang pumasok siya sa larangan pagkatapos na pagtatapos ng kolehiyo.

Aaminin niya, hindi niya matutukoy ang mga item na ito nang ganoon kabilis, kahit na sa kanyang karanasan.

Tumango si Jacob nang pabor sa kanya. Mukhang sinang-ayunan niya ang kaalaman ni Calista. Pero, ang totoong pagsubok ay sa panahon ng kanyang praktikal na gawain.

Dahil hindi kailanman pinanood ni Jacob si Calista na nag-restore ng mga artifact noon, hindi siya nangahas na bigyan siya ng isang tunay. Kaya naman, inutusan niya si Bryan na kumuha ng replika para maibalik niya. Ito ang karaniwang ginagamit nila para sa mga pagtatasa.

"'Wag mo sanang isiping pinepersonal ka ha. Isa lang talaga 'to sa procedures ng studio. Sobrang hprecious kasi ng artifacts na 'to at hindi sila mapapalitan. Kay amaingat kami sa kung sino ang makakatrabaho namin."

Tumango si Calista at nauunawaan niya.

Ang restoration ng mga artifact ay isang mahaba at nakakapagod na proseso. Dagdag pa, walang mataas na pag-asa kay Calista. Kung tutuusin, ang isang nakababatang tulad niya ay maituturing lang na isang baguhan sa kanyang karanasan. Naghiwa-hiwalay ang mga tao matapos mawalan ng interes sa kanya.

Natigilan ang lahat nang makita ang mga na-restore na artifact bago pa matapos ang araw.

Bumuntong-hininga ang isa sa kanila, "Inabot ako ng tatlong araw para marestore ito noong una akong pumasok..."

Lahat sila ay namangha sa mabilis at mahusay na restoration process ni Calista, maliban kay Jacob. Tahimik niyang pinagmasdan ang naibalik na fragment sa kanyang kamay.

Hindi mahirap mapansin ang kanyang mga daliri na nanginginig kung titingnang mabuti.

Nagtataka si Jacob habang nakatingin kay Calista. "Anong relasyon mo kay Rachel?"

May kung anong kumislap sa mga mata ni Calista nang marinig ang pangalang iyon. Pero, walang nakapansin dahil napakabilis lang nito.

"Narinig ko na ang pangala niya pero hindi ko siya kilala personally," sagot niya pagkaraan ng ilang saglit.

Si Rachel ay minsan nang naging pinakamamahal at repetadong preservationist sa industriya. Isa siyang all-round restoration genius.

Pwedeng ilarawan ng isa ang kanyang mga kakayahan bilang out of this world. Narinig ng lahat sa industriya ang kanyang pangalan. Pero, bigla siyang naglaho pagkatapos niyang sumikat.

Walang nakakaalam ng tungkol sa kanyang kinaroroonan nitong mga taon.

Nagpatuloy si Jacob, "Pero iyong conservation technique mo... Halos kapareho ito ng sa kanya."

"Conservator din po ang lolo ko. Natutunan ko lahat sa kanya."

Nagdilim ang ekspresyon ni Jacob. Sa huli, tumango siya at hindi na nagtanong pa. Halatang disappointed siya.

Gayunpaman, maliwanag na si Calista ay nabibilang sa trabahong ito. Kinikilaa ni Jacob ang talento na meron si Calista.

Pormal niyang ipinakilala si Calista sa lahat. "Ito nga pala si Callie. Siya ang bago niyong katrabaho."

Pagtayo sa gilid, natigilan si Bryan. "Callie? Ikaw ang Callie na 'yun? Hindi ba dapat mas matanda ka pa ata? Bakit..."

Sinamaan siya ng tingin ni Jacob. Sinenyasan siya nito na tumahimik.

"Callie, wag mo siyang pansinin."

Ngumiti lang si Calista bilang tugon. Pagkatapos noon, pinakilala ni Jacob sa iba si Calista.

Hindi kalakihan ang Justa Workshop. Mayroon lamang walo hanggang siyam na tao sa workshop, kasama siya.

Lahat sila ay mukha namang mababait at nagbibigay ng taos-pusong papuri. Ito ay hindi katulad ng pambu-bully na kinakaharap ni Calista sa Northwood Corporation.

Gustung-gusto ni Calista ang working environment sa workshop, kung iisipin pa ay nakuha na niya sa kanyang pangarap na trabaho.

Pagkatapos nilang makaalis sa workshop, lahat p ay gustong kumain sa lumabas para sa hapunan. Tradisyon ng Justa Workshop ang kumain kapag may bagong staff na sumali. Ito ay itinuturing na isang seremonya ng pagtanggap para sa kanila.

Pumili sila ng seafood stall para maghapunan. Samantala, may isang high-class na restaurant sa tapat mismo ng stall.

Tumayo si Cade Carter sa harap ng floor-to-ceiling window sa ikalawang palapag ng restaurant. Kaswal niyang sinulyapan ang lungsod sa ibaba habang naninigarilyo.

Bahagya niyang itinaas baba. "Look. Diba si Calista yun?" tanong niya kay Lucian sa tabi niya.

Tumingin si Lucian sa direksyon na itinuro ni Cade. Gaya ng inaasahan, nakita niya si Calista na nakikipag-chat at nakikipagtawanan sa ibang tao.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status