Nabalot ng gauze ang sugat sa binti ni Lily. Mahirap sabihin kung infected ba ito. Pero, ang lugar ay talagang namamaga at nakaumbok."Tiningnan na ba 'to ng doktor?"Masyadong walang pakialam si Lucian. Mukhang hindi naman siya nabahala o naabala nang tingnan niya ang namamaga nitong binti. Hindi masabi ni Lily kung ano ang iniisip niya, kaya hindi siya naglakas-loob na magsinungaling."Hinayaan ko na yung doktor na magpalit ng dressing. Siguro dahil hindi ko sinasadya na nabuhusan ko 'to ng tubig habang naliligo... Kaya naman na-infect."Kumuha ng sigarilyo si Lucian at inilagay sa pagitan ng kanyang mga labi. Hindi niya pinansin ang no-smoking sign sa dingding. Sa isang click, bumukas ang lighter. Nagbigay ito ng mainit na glow sa kanyang mukha.Humithit muna siya ng yosi bago ibinalik ang tingin sa binti ni Lily. "Lily, ipagpatuloy mo ang career path na 'yan dahil pinili mo 'yan. 'Wag mong sirain ang mga plano mo sa pamamagitan ng pagsuko. Ibinigay mo ang lahat para sa pangara
Naisip ni Calista na baka may problema sa kanya para magpahintay si Lucian. Pero, hindi niya inaasahan kung gaano ito kabilis na darating.Palabas na sana siya ng pinto nang may nakita siyang matangkad na lalaking papunta sa direksyon niya.Si Lucian ay nakasuot ng fitted black shirt at tailored pants. Mukha siyang guwapo at napaka-refined, nababagay sa tangkad at tindig niya. May natural na pagmamalaki sa pagdadala niya ng sarili, na naging dahilan para maging kapansin-pansin siya .Siya ay guwapo, matikas, bata, at mayaman.Kung babalewalain lang ang katotohanan na isa siyang g*go, tiyak na si Lucian na sana ang perfect heartthrob.Si David ay naglalakad sa tabi niya. Kung ikukumpara sa kanya, imposibleng hindi mapansin ang presensya ni Lucian.Sandaling natigilan si Calista.Tumayo si Lucian sa harapan niya. "Sinabi sa akin ni Jonathan na hindi ka umuwi kagabi?"Bakas sa nakakunot niyang noo na wala siya sa magandang mood.Iniisip ni Calista kung pumunta ba siya para lang t
Gulat na tumingin sa kanya si Calista."Hahayaan mo bang mamuhay na parang byuda sa loob ng tatlong taon ang isang tao kung in love ka sa kanya? Ang baluktot ng pananaw mo sa love kung sa tingin mo ay normal iyon."Sumang-ayon naman si Yara. "Tama ka. Pero bakit niya ipinipilit na bumalik ka? Aalis ka rin naman pagtapos ng tatlong buwan. Hindi lang kasi logical."Hindi alam ni Calista kung bakit. Pero hindi rin siya interesadong alamin.Nang sumapit ang hapunan, sa huli ay pinili na lang nilang lumabas at saka kumain ng stew.Pumili si Calista ng super spicy na stew dahilan para pagpawisan siya sa sobrang init. Nabuhayan siya ng loob pagkatapos kumain.Natatakot siyang magsimula ng gulo si Lucian. Kaya, pinatay niya ang cellphone niya nang gabing iyon.Maaga siyang nagising kinabukasan.Inilagay niya ang kanyang bagahe sa kotse at lumipat sa apartment na nirentahan niya.Pagkatapos noon, inayos niya ang kanyang hitsura at pumunta sa kanyang magiging trabaho—Justa Workshop.S
Puno ng buhay ang lugar dahil puno ng mga tao ang mga food stalls. Nag-uusap usap ang lahat at nag-e-enjoy sa kanilang oras.Naka-bun ang mahaba at kulot na buhok ni Calista. Nakataas2 ito sa likod ng kanyang ulo gamit ang claw clip. Nang ibaba niya ang kanyang ulo, ilang hibla ng buhok ang nalugay. Tinakpan nila nang bahagya ang kanyang mukha, binibigyang-diin ang kanyang maganda at makinis na balat.Tinuro niya ang menu at lumingon para kausapin ang lalaking katabi niya. Tumango siya, at ngumiti ito, senyales sa waiter.Nagtaas ng kilay si Cade. "Tingin ko nag-e-enjoy ang asawa mo sa oras niya ngayong iniwan ka na niya!"Hindi sumagot si Lucian. Tumalikod na lang siya para lumabas ng private room.Sa isang lugar malapit sa food stall, naubos ni Bryan ang isang bote ng beer. Hindi pa rin siya makapaniwala. "Ikaw ba talaga si Callie? Yung Callie na nag-ayos ng sirang antique vase?"Napatingin sa kanya si Calista, natigilan. Paulit-ulit niya itong tinanong habang papunta sila rito
Nilingon ni Lucian si Calista. "Dahil tanga ka. May mali diyan sa utak mo, at bulag ka.""Ang—" asar na asar si Calista kaya napangiti siya. "Bakit ako mag-aaksaya ng oras na makipag-usap sa isang baboy?"Bumaling siya para buksan ang pinto ng kotse, pero hinawakan ni Lucian ang braso niya para pigilan siya. Isang anino ang gumapang sa kanyang gwapong mukha.Sa labas, walang tugon si Bryan mula sa loob ng sasakyan at nagsimulang mag-alala. Ang mga katok sa bintana ay naging mas madalas at apurahan. "Callie, okay ka lang?""Callie?" ulit ni Lucian. May kung anong delikado ang bumungad sa kanyang mga mata. "How sweet. 'Di pa tayo divorced pero nagmamadali ka nang magtaksil sa'kin. Parang mas lumala ang taste mo sa lalaki," sabi ni Lucian.Hindi na nag-abalang ipaliwanag ni Calista ang hindi pagkakaunawaan na nagsimula dahil sa palayaw na iyon. Hindi na iyon ganoon kahalaga."Tama ka. Ang pangit talaga ng taste ko sa lalaki. Kaya nga pinakasalan kita eh. Magkatra-- magkaibigan lang
Naisip ni Lucian na sapat na ang kanyang sinabi at pinalambot ang kanyang tono. "Hindi nagtatagal ang away mag-asawa. Wala akong oras para dito. Umuwi ka ngayong gabi, at makakalimutan natin ang lahat."Hindi narinig ni Calista ang kanyang sinasabi. At tiyak na hindi niya sinubukang isipin kung ano ang ibig niyang sabihin ng "tagalinis."Ang alam niya ay pinagtatawanan siya nito dahil sa suweldo nito. Akala niya hindi siya makakabayad ng renta. Akala pa niya ay pinaglalaruan siya nito."Baliw ka ba? Kahit wala akong kinikita … kahit kailangan kong manirahan sa kalye, hindi na ako babalik sa'yo. Bakit hindi ka na lang pumayag sa divorce? Kung ayaw mo, dadalhin ko 'to sa korte!"Pagkatapos ay ibinaba ni Calista ang tawag at hinarangan siya.Nais din niyang i-block siya sa WhatsApp pero nagpasya na umalis ng kahit isang paraan ng pakikipag-ugnayan. Kung sakaling gusto nilang pag-usapan ang kanilang hiwalayan.Ipinangako niya sa sarili na haharangin niya ang scumbag na iyon kapag nak
Hindi sumagi sa isip ni Calista na biglang papayag si Lucian sa kanilang hiwalayan. Dapat masaya siya tungkol dito, 'di ba?Napangiti siya ng matagumpay. "Salamat sa naman at ibibigay mo na ang hiling ko." Tumalikod siya at umalis sa madilim na lugar.Pag-uwi niya, inihanda niya ang lahat ng mga dokumentong kailangan. Pagkatapos, inilagay niya ang mga iyon sa kanyang bag.Natigilan siya saglit habang tinitignan ang litrato nila. Kinuha ito noong araw na nagparehistro sila ng kanilang kasal.Tatlong taon silang kasal. Pero ito lang ang larawan nilang magkasama. Tinitigan ni Calista ang walang ekspresyon na lalaki sa larawan at naramdaman niyang medyo nadudurog ang puso niya.Pasalamat na lang siya at matatapos na ang nakakapagod na kasal na ito.Wala nang paghihintay sa walang laman na sala tuwing gabi, nakatitig sa orasan at huhulaan kung uuwi si Lucian. Titigil din ang pagtibok ng puso niya sa kaunting haplos nito. Sa wakas ay titigil na siya sa pag-iisip na may nararamdaman tal
Nagulat si Calista sa pagsigaw niya sa telepono. Natigilan siya at hindi alam ang isasagot. Napatingin siya kay Selena na nakatingin din sa kanya pabalik. Pagkatapos, tumalikod siya at lumabas ng ward."Anong pinagsasabi mo?" tanong niya. Kailan pa siya nagbiro sa kanya?Malalim at malupit na boses ni Lucian ang umalingawngaw mula sa kabilang linya. "Nasaan ka na ngayon?""Sa ospital-""Kung gagawa ka ng dahilan, gumawa ka naman ng mas kapani-paniwala," biglang pagsingit ni Lucian."Hindi ba ikaw 'tong atat sa divorce? Isang gabi lang ang lumipas ah, ang sakit-sakit na ng katawan mo na hindi ka makabangon sa kama? O baka naman nanggugulo ka lang para makuha ang atensyon ko?"Hindi man lang nasabi ni Calista sa kanya na nasa ospital si Selena nang tuloy-tuloy ang pagsigaw ni Lucian. Alam niyang hindi maganda ang impression nito sa kanya, pero hindi niya naisip na mas masahol pa ito.Inakusahan niya agad ito nang hindi man lang nagtitiis na tapusin itong magsalita, lalo pa't makin