Share

CHAPTER 1

MALAKAS AT MABILIS ang pagkalabog ng puso ko. Nangangatog din ang mga tuhod kong humarap sa tatlong judges. Siguro ay dahil na rin sa sobrang mataas ang takong ng sandals ko. O hindi naman kaya’y dahil sa matinding kabang nararamdaman ko ngayon. Lalo na’t dalawa sa kanila ay mga kilalang batikan na beauty-queen ng probinsiya at ang isa naman ay ang gay organizer ng pageant.

Pilit ang ngiting umukit sa labi ko. Tumindig din ako nang diretso. “T-this is Katherine Azuretha Garcia… Fourteen years old… Mula sa bayan ng S-San Andres…”

Pangarap ko na ang pagsali sa mga ganitong contest bata pa lang ako. But because of my situation… lagi akong pinanghihinaan ng loob, nawawalan ng lakas at kumpiyansa sa sarili. Because I know… I know that I wasn’t belong in this kind of competition. Kung alam lang kasi nila—ng mga kaibigan ko. Hindi na sana nila ako pipilitin na sumali pa.

Matalim na titig ang ipinukol sa akin ng tatlo.

I swallowed the lump on my throat and smiled. “T-thank you,” sabi ko, nanginginig ang labi.

The judges bowed their heads on the long table and wrote something on the white paper. Hudyat ko na iyon para talikuran sila at lisanin ang stage.

I took a deep breath as I rushed trudging toward the backstage.

“I am really sorry, Kath,” salubong sa akin ni Joan. “You know, we just want to push you reaching your dream. Kaya hindi ka namin sinabihan tungkol dito sa screening ng Miss Teen Queen.”

I shrugged my shoulders as I trudged towards my things. “Ayos lang…”

Sanay naman na ako.

Actually, hindi ito ang unang pagkakataon na ginawa nila sa akin ito. Kung bibilangin, siguro’y hindi na kakasya pa sa mga daliri ng aking kamay at paa. Wala rin kasi akong nagagawa lalo na kapag nasa venue na kami at pinagtutulukan nila.

Nagpakawala muli ako ng isang malalim na buntonghininga at mabilisan kong sinuot ang puting V-neck T-shirt. Hindi kasi ako komportable sa suot kong itim na tube crop top kanina. Masiyadong revealing. Okay sa akin iyong fitted jeans, huwag lang iyong maiikling shorts na suot ng ibang aspirants. Hinding-hindi nila ako mapipilit na isuot talaga iyon.

Never.

“Okay. Para makabawi kami… I will treat you bago tayo umuwi,” aya niya. “Ano? G?”

May lungkot ang mukha kong tiningnan ang reflection niya sa salamin na nasa harap ko at pagod siyang nginitian. Umiling ako para tanggihan ang anyaya niya habang sinasalikop ko ang hibla ng mahaba at ubod na itim kong buhok at itinali iyon. “Hindi na, Joan. Mas gusto kong umuwi na lang.”

She sighed. Lumapit siya sa kung nasaan ako at pinagkrus ang mga braso sa ibabaw ng kaniyang dibdib. “But, Kath, we need to celebrate!”

“Mag-celebrate para saan?” I asked her with my tired eyes.

“For this screening!” she whined. “I know na makukuha ka bilang isa sa mga official candidate ng Miss Teen Queen!”

I sighed and slightly shook my head as I gathered my things and put it inside my bag. Miss Teen Queen is too much for me. Alam ko, tulad ng ibang screening na nadaluhan ko noon ay hindi ako makukuha. Tanggap kong wala sa judges ang problema kundi nasa sa akin. Umaasa rin kasi ako na kahit papaano ay maabot ko ang pangarap kaya lagi ko silang pinagbibigyan. Pero lagi naman akong bigo sa huli.

Dahil doon ay lagi akong pinanghihinaan, kaya’t nariyan sila at lagi akong pinagtutulakan at binibigyan ng lakas ng loob. Na bilang isang kaibigan kailangan nilang gawin ang lahat para maabot ko ang pagiging isang beauty-queen. Well, I am grateful that I have them.

Joan’s face darkened. Naniningkit ang mga mata niyang tumingin sa akin mula sa salamin. “Don’t tell me iniisip mo na naman na hindi ka makakapasok?”

Yumuko ako at hindi umimik.

Joan groaned and stamped her feet like a child. “Come on, Kath! Makakapasok ka, okay? I believe in you. ‘Wag kang mag-isip ng mga negative thoughts, okay?”

Mas lalong hindi ako nakatugon sa kaniya nang magsipagpasukan na rin ang iba pang aspirants. Hindi tulad ko ay may malawak na ngiting nakapinta sa kanilang mga labi. Bakas ang saya at mataas na kumpiyansa nila para sa sarili. It seemed that they were satisfied with their performance on the stage. Siguro ay tanggap na agad sila. Hindi tulad ko, kailangang hintayin pa ang tawag ng officials.

Sa huli ay hindi rin naman ako tatawagan. Ayaw lang saktan sa on the spot rejection. Mapapahiya at masasaktan yata ako kung ganoon nga siguro ang mangyayari. But it was okay to endure the pain and embarrassment, if they would tell me the truth straightly on my face. Kaysa, eventually, ay papaasahin din naman ako.

Napakurap ako nang bigla akong niyakap ni Joan. Ang init na galing sa kaniyang katawan ay nagpapakalma sa nararamdaman ko. Alam kong nababasa niya kung anong bumabagabag sa isip ko.

“Don’t lose hope, okay? I am pretty sure that they will call you. Maghintay lang tayo, okay?”

I urged myself to stretch a smile on my face and nodded.

Kimkim ang mumunting pag-asang hatid ni Joan, bumaba ako sa red Porsche niya nang tumigil ito sa tapat ng bahay namin. Nabili niya iyon gamit ang perang kinita niya sa pagmo-model. Kaya minsan, naiinggit ako na nabibili niya ang mga gusto sa sariling mga kamay. Hindi tulad ko, nakaasa pa rin sa mga magulang ko.

“Gosh! How’s the screening, Kath?!”

Hindi pa man nakakatapak ang likod ng rubber shoes ko sa sementadong kalsada, sinalubong na ako ng nakakairitang tili ni Yiel. Nasa may gate siya nakatayo, pero nang makitang bumaba ako sa kotse ay agad siyang tumakbo palapit sa akin.

“Pasok ba?” dagdag niyang tanong.

Nagulat ako nang biglang hinawakan niya nang sobrang higpit ang mga braso ko, excited na excited siya para sa magiging sagot ko.

I heard Joan’s screams, too. Kabababa niya pa lang ng kotse. “Pasok siya, Mariel! Pasok siya!”

Naiiling, sinapo ko na lang ang mukha ko dahil sa kahihiyan. Marami kasing dumadaan ang napapabaling sa amin habang sina Yiel at Joan ay walang humpay na nagtatalon at nagtitili. Magkayap pa silang dalawa!

“Alam niyo… gutom lang ‘yan,” sabi ko sa mariin na paraan. “Pasok na tayo.”

Nag-aagaw ang kulay kahel at asul sa kalangitan nang pumasok kami sa loob ng bahay. Nagpatuloy ang tilian nina Joan at Yiel hanggang sa salas at makaupo na silang dalawa sa sofa. Pagod kong binuksan tuloy ang TV. Iba talaga ang imahinasyon nilang dalawa. Wala pa nga, kung saan-saan na napupunta ang usapan nila. Simula sa casual dress na susuotin ko hanggang sa swimsuit, gowns, costumes at kung anu-ano pa! Hindi ako makakapasok kaya alam kong hindi naman talaga kailangan ang paghahanda.

Magaganda ang mga nakasabayan ko sa screening. Ano nga bang aasahan ko? Miss Teen Queen is the most prestigious beauty pageant in the province. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa mga kukote ng mga kaibigan ko para isali ako roon. Yes, I have the beauty and brain---they say. Pero hindi ako naniniwala roon. Bukod sa ang layu-layo ko sa hitsura ng ibang aspiring candidates kanina…

Their confidence was oozing, too!

Iyon ang wala ako.

“Sandali nga! Kung pasok si Kath, eh, bakit parang naglalamay yata ang mukha niya?” sabay turo sa akin ni Yiel.

I sighed. “Kasi---”

Joan cut me off. “K-Kasi… alam mo na… she’s tired, Mariel. Right, Kath? Gusto pa sana nga namin mag-celebrate sa mall kaso pagod na siya. Kaya hayun, umuwi na lang kami.”

For the hundredth times this day, I sighed again. “Kuha lang ako ng meryenda. Baka gutom na kayo.”

Nagpatuloy ang dalawa sa pag-uusap kahit napansin nila ang pagbagsak pa lalo ng balikat ko dahil sa sinabi ni Joan. Tinalikuran ko sila, hinayaan ang imahinasyon nilang dalawa. Tulad ng sinasabi ko, hindi ako makukuha. Sa pag-ismid ng organizer kanina, alam kong alam niya na ang misteryong bumabalot sa akin. I could see it through his censorious hawk-like eyes. Iyon din ang dahilan kung bakit hindi na ako umaasa pa.

Kinuha ko ang babasaging pitsel sa loob ng fridge. Kinuha ko na rin ang isang box ng chocolate cake na binili namin ni Kuya Chris kanina matapos magsimba.

Sa bilugang lamesa, nilapag ko iyong pitsel at cake saka tinimpla na ang orange juice. Habang ginagawa iyon ay ramdam ko ang mabigat na presensiya sa may bandang likuran ko, tanda na mayroong taong nakamasid sa akin.

“Nakauwi na pala kayo. Kasama mo sa labas si Joan?” she asked me after a long silence.

“Oo,” may pagod sa boses kong sabi at ayaw na sanang dagdagan pa. “Nariyan din si Yiel sa labas. Nakikibalita tungkol sa screening.”

Hindi siya nagsalita.

Umiling ako at iniwan ang tinitimplang juice para kunin ang tray sa lababo. Sa kasamaang palad, malapit iyon kung nasaan nakatayo si Mama. Bahagyang namasa ang kaniyang mga mata at umusog para bigyan ako ng sapat na distansya. At dahil sa ginawa niya, napansin ko ang yakap-yakap niyang plastic basket, lalagyan ng mga maruruming damit. Base sa hitsura, paniguradong katatapos niya pa lang maglaba.

“Ah. Kumusta nga pala ang screening?”

Batid kung napansin niyang alam ko na kanina pa ang tungkol sa pupuntahan namin ni Joan bago magpaalam sa kaniya ang aking kaibigan. Sabi ko nga, sanay na ako sa mga kilos nila. Dahil din sa pagkawala ng tiwala ko sa mga tao, natuto rin akong manuri.

“Okay lang…”

“Pasensya, ‘Nak, hindi ko lang talaga mahindian si Joan. Alam ko kasing gusto niya lang makatulong.”

Tumango ako at hindi nagsalita. Matapos makuha ang sadya sa may lababo, dumiretso na ako sa lamesa, tinalikuran siya. Dahan-dahan kong inilagay ang meryenda at mga gagamitin naming utensils sa tray.

“Galit ka ba?”

Natigilan ako.

Sa tanong niyang iyon, sigurado akong alam niya na ang magiging sagot ko para roon. She just wanted to confirm it straightly from me. Simula kasi nang malaman ko ang katotohanan, bulgar na ang pagpapakita at pagpaparamdam ko ng galit sa kanila.

From that day, I couldn’t trust her… even Papa, too.

Sarili nila akong anak pero nagawa pa rin nilang magsinungaling sa akin, kaya paano ako magtitiwala sa ibang tao kung sila mismo na mga magulang ko ay nagawa iyon sa akin?

I know that they’d sacrificed so much just to hide my identity in public. Palipat-lipat kami ng tirahan noon. Nagpapakababa at nanatiling pribado. Pero hindi iyon sapat para mapatawad ko sila sa nagawa nilang kasalanan sa akin.

Pausbong ang pangalan noon ni Mama sa showbiz industry. But one day, the famous leading lady, Wendy Ramos, quitted the showbiz. Nagulantang ang fans niya pero dahil sa tagal na noon, nakalimutan din ang pangalan niya. Kilala ngayon si Mama ng mga bagong kakilala bilang “Dy”. Pabor naman iyon sa kaniya at sa kay Papa, na iniwan din ang sariling kompanya para mamuhay bilang isang mababang mamamayan ng San Andres. Para maingatan nila ang pinuprotektahang sikreto ko. Pero lahat ng iyon ay hindi sapat. I still respected them as my parents but to trust them again… I can’t.

I couldn’t.

Ang hirap ng magtiwala muli.

“Sorry, anak. But if it is still because of what we’ve done from the past… matagal na naming pinagsisisihan iyon. Hanggang ngayon ay hinihintay namin ang iyong kapatawaran, Katherine. Mahal ka namin ng Papa mo.”

Mariin akong napapikit, nangingilid ang mga luha. Nababasag din ang puso ko sa tuwing nakikita kong nasasaktan sila. The pain that I caused them five years now, killing me so much! Ano nga ba ang magagawa ko? They made me like this. They were all at fault why I see this world with full of hatred. That I always feel I am alone. That I pitied myself so much. Kasalanan nila iyon.

Huminga ako nang malalim. Lilipas din ito. Tulad nang mga nagdaang araw na nakaramdam ako ng ganito. Makakaramdam ako ng awa at sakit. But, eventually, as the days went on, mare-realize kong galit pa rin ako sa kanila.

“Si Joan, nasaan na?”

Nag-iisa na lang si Yiel sa salas nang makabalik ako. Nilapag ko ang dalang tray sa kawayang center table. At saka naupo sa tabi niya.

“Umalis. Nagkukumaripas…” sagot niya, tutok na tutok siya sa pinapanood niyang drama sa TV.

“May problema raw ba?”

“Hmmm. Wala naman,” sabay baling niya sa akin. “Ikaw… kumusta ka? Ayos ka na ba?”

May iba siyang ipinahihiwatig doon kaya nagulat ako. Namimilog ang mga matang napaiwas ako ng tingin sa kaniya. Yumuko ako para pigilan ang pagtulo ng mga luha ko.

“Okay lang naman ako. Wala namang problema,” kaswal kong sagot, nag-iingat.

Yiel is my best friend. Sa lahat ng taong mas nakakakilala sa akin nang lubusan, siya iyon. Sabay kaming lumaki. Bukod kay Kuya Chris, siya lang din iyong lubusan kong pinagkakatiwalaan.

Mariel Lopez is the only heiress of the Lopez Firm, isang sikat na law firm sa bansa. Tita Dienne, her mother, is my Mama’s best friend in showbiz. While Tito Yunnie, her father, is my Papa’s best friend, too. Dahil sa malapit na magkaibigan ang mga magulang namin, naging ganoon din kami.

I used to tell her all my secrets.

Not until the bean had been spilled.

My parents lied to me.

Naging ilag ako sa lahat simula noon. Hindi alam kung kanino magtitiwala kaya kahit kay Yiel, maingat ako magkuwento. Minsan pa nga, kinikimkim ko na lang kaysa ibahagi pa sa kaniya.

“Don’t fool me, Katherine. Kilala kita. Hindi mo ako maloloko.”

“Ang alin ba?”

“I know you better than you knew me, Kath…”

“Ayos lang talaga ako, Yiel---”

“’Wag ako, Kath! Alam ko ang lahat kahit isekreto niyo pa sa akin ni Joan. I know that you and Justine broke up!”

Nanahimik ako. Hindi kinumpirma ang sinabi ni Yiel.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status