"KATH?"Napatingin ako sa kanya. Tears started looming at her almond eyes. Nanatili akong nakatitig sa kanya kaya nag-iwas siya ng mga mata."Sorry... Hindi ko expected na ganoon pala kalala 'yong mangyayari..." Nanatili akong tahimik at seryosong nakatingin sa kanya habang marahan niyang dinadampi ang bulak sa noo ko.She bit her lips and looked at me guiltily. "Sorry talaga. Expected ko lang that... you will be disqualified from the contest."Tumango ako. Mark cleared his throat. Nag-angat sa kanya ng tingin si Cassandra. Pero ako, nanatiling nakayuko. Yes, I was thankful that they saved me from the embarrassment. At nagpapasalamat ako na dinala nila ako sa kotse at ginamot. Pero hindi pa rin maialis sa akin ang takot dahil minsan na rin nila akong b-in-ully."G-good thing that Marky was also there."Bumuntong-hininga ako. Saka ako nag-angat ng tingin sa lalaking nakatayo at nakahilig sa may pintuan ng kotse. "Salamat," sabay yuko. "Salamat sa inyong dalawa dahil tinulungan ninyo
NAGING bulung-bulungan sa buong campus ang biglaang pagkakaroon ng relasyon nina Yluj and Julene. Everyone was shocked. Inakala kasi nila na ako ang nililigawan ni Yluj. Well, maging ako rin naman ay nagulat. Though, after what had happened last Friday... inasahan ko ng titigil na sa panliligaw si Yluj sa akin.I was walking in the hallways. Nakayuko ako at pilit hindi iniinda ang talim ng mga tingin ng mga naroon. Oo, pinag-uusapan nila sina Yluj at Julene pero nang makita nila ako, sa akin na nabaling ang usap-usapan. Bumuntong-hininga ako, naririnig ang tinig ni Julene nang balaan ako kahapon. Maaaring wala na nga siyang gagawin, pero dahil alam na ng lahat kung anong sikreto ang itinatago ko... para na ring may ginawa siya."Good girl. Now smile. Lift your head up high. Ipakita mo sa lahat na maganda ka. Inside and out..."Malamyos na boses iyon ni Sophia nang makita niya akong umiiyak dati. Well, she's right. Matagal ko nang na-realize iyon pero dahil sa simpleng problemang ito,
"ANONG kailangan mo at nandito ka?" Yiel raised her brows at her as she stood up. Handa niyang sugurin si Julene pero mariin ko siyang tiningnan para pigilan.Bumuntong-hininga ako saka ibinalik ang sandwich sa lalagyan. I smiled at Yiel, reassuring her that I can handle this. "Okay lang, Yiel. Puwedeng iwanan mo muna kami saglit?""Pero, Kath...""Okay lang ako. Hindi naman niya ako masasaktan." I smiled again.Suminghap si Julene. "H-hindi. I am not here to fight. G-gusto ko lang kausapin si Ate Kath."Tumango si Yiel, masamang nakatitig pa rin kay Julene. "Sabagay, hindi naman ako lalayo. Diyan lang ako. Kung sakaling may gawin ka kay Kath... magtatawag ako ng mga reresbak."Napatingin si Julene sa buong paligid. Kahit ako rin naman. Napatango si Julene, nangingiwi. Siguro, natakot nang makitang maraming estudyante ang nakatambay ngayon sa ground. Takot dahil baka iniisip niya na kakampihan ako ng lahat matapos maipaliwanag ng mga teacher ang tungkol sa issue ko. At ngayon ay posib
TIWALA.Ito iyong pinakamahirap nang ibalik kapag nasira na. Well, I met him during my painful days. Ang araw kung saan tuluyan na akong nawalan ng tiwala sa mga lalaki... even with my own family and friends. But then that guy... made me realized that it's not wrong to trust again. To give a try. Dahil iba-iba nga naman ang mga tao. Yes, maybe someone broke my trust but it doesn't mean that I will generalize it. Because of him, I see now those people who truly loves and supports me despite the situation that I have. Kung ano at sino ako. Pero kahit ganoon, may mga taong hindi pa rin maintindihan kung anong kalagayan ko. Though, I understand them. I will trust it to Him, our God, that someday... those people will enlighten up their minds about my situation. Dahil hindi lang ako ang nakakaranas nito. Na someone out there, locking their selves in their rooms, miserable and fearful to show up their faces to the society because of this gender confusion. And that's my advocacy now, to t
LAST DAY for this school year. Halos marami ang masaya at nagdiriwang nang magsipaglabasan ng room ang mga kaklase ko kanina. Tapos na kasi ang exams at ang kalbaryo namin sa pagiging Grade 9 student at simula bukas ay bakasyon na. May kaniya-kaniyang plano na rin ang lahat kaya’t excited na sila para sa summer ng taon na ito—maliban sa akin. Mula sa kinauupuan kong bleacher sa school ground ay pinapanood ko ang paglapit ng isang babae kay Justine. Joan Dela Cruz. Maganda. Sexy. At sikat sa buong school. Higit doon ay model din siya ng isang sikat na clothing brand sa isla. Kaya’y ang ganda niyang magdala ng damit. Kahit sa simpleng button-down white blouse at below-the-knee dark navy blue skirts na school uniform ng SAVS ay takaw-pansin siya. Kung gaano katipid ang pagsayaw ng dahon sa mga puno sa paligid nang umihip ang mabining hangin ay ganoon din kahinhin ang mga kilos niya. Justine glanced at her direction. Umukit ang mapait na ngisi sa aking labi. Alam kong interesado siya—n
MALAKAS AT MABILIS ang pagkalabog ng puso ko. Nangangatog din ang mga tuhod kong humarap sa tatlong judges. Siguro ay dahil na rin sa sobrang mataas ang takong ng sandals ko. O hindi naman kaya’y dahil sa matinding kabang nararamdaman ko ngayon. Lalo na’t dalawa sa kanila ay mga kilalang batikan na beauty-queen ng probinsiya at ang isa naman ay ang gay organizer ng pageant. Pilit ang ngiting umukit sa labi ko. Tumindig din ako nang diretso. “T-this is Katherine Azuretha Garcia… Fourteen years old… Mula sa bayan ng S-San Andres…” Pangarap ko na ang pagsali sa mga ganitong contest bata pa lang ako. But because of my situation… lagi akong pinanghihinaan ng loob, nawawalan ng lakas at kumpiyansa sa sarili. Because I know… I know that I wasn’t belong in this kind of competition. Kung alam lang kasi nila—ng mga kaibigan ko. Hindi na sana nila ako pipilitin na sumali pa. Matalim na titig ang ipinukol sa akin ng tatlo. I swallowed the lump on my throat and smiled. “T-thank you,” sabi ko,
UNANG ARAW ng pasukan, mag-isa akong naglalakad sa hallway. Nauna na kasi si Yiel dahil may gagawin pa raw siya sa library. At ngayon, pinapalabas ko sa kabilang tainga ang mga bulung-bulungan ng mga estudyanteng nagkalat sa aking daraanan. “I told you… Maghihiwalay din sila!” “Kaya nga!” “Cassandra is better than her!” “Korak!” Saglit akong napapikit at napakagat sa pang-ibabang labi. Hindi man nila banggitin ang pangalan ko, alam kong ako iyong pinag-uusapan nila. After that incident, I’d heard that Justine dated Cassandra during our summer vacation. Kalat iyon sa buong online group page ng school. Iyon din ang dahilan kung bakit nag-deactivate ako ng accounts nitong bakasyon. Samu’t saring pangba-bash kasi ang nababasa ko sa timeline at messages ng social media accounts ko. Hindi ko na iyon sinabi kina Yiel at Joan. Kasi alam kong magiging OA na naman ang dalawang iyon. Baka isa-isahin pa nila iyong mga nagpo-post, nagko-comment at nagme-message sa akin at bigyan ng death thr
NANLAKI ANG mga mata ko’t dahan-dahan na yumuko. Iyong matangkad na lalaking pumasok sa classroom kasi, siya rin iyong nasa rooftop! Pakshet. “Konnichiwa!” bati niya sa maligalig na paraan. “I am Renzo Yluj Delos Santos, from Japan Academy. You can call me ‘Yluj’, my classmates. I hope you all be good to me. Arigatou!” Iyong boses niya, ang yabang! ‘Tapos itong mga kaklase kong mga babae, kung makatili at hagikhikan, akala mo naman artista itong ungas na ito! Tsk! Deserve niya talaga iyong sapak ko kahapon! “Miss Garcia?” ‘Tapos ano raw iyon? Konchenta? Arigoto? Iyong lugaw? Saan lupalop ba galing ang isang ‘to? Tsk! Sinasakop na yata tayo ng mga alien. Grrr. “Miss Garcia?” Oo, guwapo siya. Singkit ang mga mata. Maputi. Ang lakas ng dating ng messy hair niya. Pero sa white polo shirt at black slacks na hapit sa katawan niya, nagmukha siyang seksing butiki sa mga mata ko sa sobrang payat niya! Tahimik akong natawa’t marahan na napatangu-tango nang maisip iyon. “Yes, m