Share

Why Can’t It Be (Book 1 and Book 2)
Why Can’t It Be (Book 1 and Book 2)
Author: realisla

BEGINNING

LAST DAY for this school year. Halos marami ang masaya at nagdiriwang nang magsipaglabasan ng room ang mga kaklase ko kanina. Tapos na kasi ang exams at ang kalbaryo namin sa pagiging Grade 9 student at simula bukas ay bakasyon na. May kaniya-kaniyang plano na rin ang lahat kaya’t excited na sila para sa summer ng taon na ito—maliban sa akin.

Mula sa kinauupuan kong bleacher sa school ground ay pinapanood ko ang paglapit ng isang babae kay Justine. Joan Dela Cruz. Maganda. Sexy. At sikat sa buong school. Higit doon ay model din siya ng isang sikat na clothing brand sa isla. Kaya’y ang ganda niyang magdala ng damit. Kahit sa simpleng button-down white blouse at below-the-knee dark navy blue skirts na school uniform ng SAVS ay takaw-pansin siya. Kung gaano katipid ang pagsayaw ng dahon sa mga puno sa paligid nang umihip ang mabining hangin ay ganoon din kahinhin ang mga kilos niya.

Justine glanced at her direction.

Umukit ang mapait na ngisi sa aking labi. Alam kong interesado siya—no, scratch that!

He was attracted with her for sure.

Sumabog ang pait sa aking sistema. Ang ganda nilang pagmasdan. Sobrang bagay sila para sa isa’t isa. Like they were destined to meet each other. Na tulad ng sabi ng mga matatanda, nakasulat na ang pagtatagpo nilang dalawa sa mga tala.

Sa kulay kahel na kalangitan at sa malaking lumang covered court ng school sa kanilang likuran bilang background ay para silang nakakatunaw at nakakaakit na obra ng isang sikat na pintor sa buong mundo.

Guwapo si Justine at walang kuwestyun iyon. Isa rin siyang varsity ng school basketball team kaya’t hindi kataka-taka na noon pa man ay lapitin na talaga siya ng kababaihan tulad ng nakatatanda niyang mga kapatid. Ngiti niya pa lang na inilalantad ang pantay at maputi niyang mga ngipin ay laglag panty na.

Nagtataka nga ako minsan kung bakit nagustuhan niya ako’t niligawan. Kung paano niya ako nakilala? Kung bakit aware siya na nag-i-exist ang isang tulad ko? Maybe, because Kuya Chris was his friend? Since, kuya became part of the basketball team too before.

Hindi imposible.

Kaagad kong sinagot si Justine. Hindi ko na pinatagal pa ang panliligaw niya. But rumors spread like wild fire in school that I was just his flavor of the month. Hindi iyon nawala simula nang maging kami. Matapos daw ang isang buwan ay maghihiwalay rin kami tulad sa mga past relationship ni Justine. Hindi ko alam, pero lumipas ang isang buwan ay hindi naman nangyari.

Aware akong papalit-palit noon ng babae si Justine. Kalat iyon at laging pinag-uusapan ng lahat. Pero nang makasama ko siya simula ng panliligaw niya ay naniwala ako na baka nga nabago ko siya. Na napatino ko ang isang playboy.

Cliché, right?

Pero iyon ang naisip ko.

Sobrang taas ng tingin ko sa sarili kung iisipin na ganoon nga ang nangyari. Hindi naman kasi ako ang pinakamaganda sa buong klase—no, scratch that. Wala akong gandang panama sa lahat. Actually, I am just nobody here. Not famous unlike my brother. Just a typical girl who was aiming to graduate with flying colors. Kaya nang makita mismo ng mga mata ko kahapon ang panloloko ni Justine, sana’y naniwala na lang ako sa sabi-sabi.

He was too good for me. Sino ba naman kasi ako para magustuhan niya? I am just simple and plain. Malayo sa characteristics na gusto niya sa isang babae. Malayo sa mga ex niya. Baka nga pinagtripan niya nga lang ako. O hindi naman kaya’y pinagpustahan ng mga kaibigan niya.

“He asked me out, Kath!” iretableng balita ni Joan nang bumalik siya sa kung saan niya ako iniwan kanina.

“Kailan?” wala sa sarili kong tugon. Tutok na tutok pa rin ang mga mata ko sa kung saan sila nakatayo kanina kahit wala nang tao roon.

She took a huge sigh. Dumikit ang malambot niyang balat sa braso ko nang maupo siya sa tabi ko. “Mamaya raw! And he even asked for my number, too! And as your wish… binigay ko.”

Biglang nanlabo ang paningin ko nang mangilid ang luha sa aking mga mata. “It’s… It’s our anniversary today, Joan—” pumiyok ako. Tuluyang bumuhos ang mga luha ko. Ano nga bang aasahan mo matapos mong masaksihan ang nangyari kanina at kahapon, Katherine? Magsi-celebrate? Magpa-party?

Marahang hinimas ni Joan ang likod ko. “I’m so, so sorry, Kath. I told you… breakup with that asshole.”

Joan is my friend. Hiniling ko lang na ilihim sa lahat dahil pakiramdam ko hindi ko deserve na maging kaibigan ang isang tulad niya. One year ahead siya sa akin. Actually, kaklase rin siya ni Justine. Kaya maliban sa maganda siya, siya lang itong naiisip ko para hingian ng favor sa planong ito.

Hindi kasi puwede ang best friend kong si Yiel. Totally opposite kasi siya ni Joan. Dakilang nerd, literally. Pero bakit ako napansin ni Justine? Oo, angat naman ako nang kaunti kay Yiel pero sobrang layo naman ng hitsura ko kay Joan. Napagtripan ka nga lang nila, Katherine! Tigas din ng ulo mo!

“Mahal ko siya, Joan,” humihikbi kong sabi sa kaniya.

“Haynaku! Sigurado akong siya rin ‘yong nag-first move kay Cassandra. Oo, kalat sa buong school na may gusto rin itong bruha kay Justine pero see, nilapitan ko lang ay nilandi ako agad.”

“Maybe, h-he’s just being friendly?” tanong ko, pangkukumbinsi na rin sa sarili na baka nga iyon ang rason sa lahat na nasaksihan ko.

“Friendly? Goddamn you, Kath!” inis niyang sabi sa akin. Dumistansya pa siya sa akin nang kaunti. “’Yung halikan nila ni Cassandra sa library na nakita mo, hindi iyon pagiging friendly! Cheating iyon!”

Hindi ako kumibo. Diretso lang ang tingin ko sa harap. Nakikinita kong umiikot ang mga mata niya dahil sa sobrang inis niya para sa akin. Well, Joan was right. Walang matinong lalaki ang mag-aayang lumabas nang ganoon kabilis kung ang pakay ay pakikipagkaibigan lang sa isang babae. Nakita ko sa mga kilos kanina ni Justine na attracted na attracted siya kay Joan. Hindi pakikipagkaibigan lang ang habol niya. More than that, maybe.

“So, what do you want me to do?” she asked after a long silence between us.

“Date him. Makipagkita ka sa kaniya---”

“Nababaliw ka na ba talaga, Kath!” sigaw niya, halos mabingi ako. “For goodness sake, you’d seen it twice with your own two eyes clearly as the river’s water. Mas sinasaktan mo lang ang sarili mo.”

Luhaang hinarap ko siya. Umiling ako. Hindi ako nababaliw. Pero kailangan ko pa ng isang rason para bumitiw sa relasyon na ito. Isa pang rason. Kahit isa na lang. Nagbabaka-sakali kasi ako na, for the last chance, makikita ko na kahit papaano’y mahalaga rin kay Justine ang mga pinagsamahan namin. Na mahalaga ako sa kaniya. Na minahal niya rin ako tulad ng pagmamahal na ibinigay ko sa kaniya.

“Please? Last na ‘to, Joan. Please?”

Huminga nang malalim si Joan bago siya marahan na tumango. “Okay. Para sa ‘yo, Kath.” She smiled weakly.

Napangiti rin ako at niyakap siya. “Thank you, Joan. Thank you.”

Kung hindi pumayag si Joan baka mas maduwag akong kumbinsihin pa ang sarili kong makipaghiwalayan kay Justine. I was deeply in love with him. Na kahit harapan ko pang makita araw-araw ang panloloko niya, panggagago niya, magbubulag-bulagan pa rin ako. Like I didn’t see anything. Iyon ang nasisiguro ko.

UNREGISTERED NUMBER:

HEY! IT’S ME JUSTINE. SAVE MY NUMBER, BABE! ;*

That’s our call sign. Pero hindi para sa akin ang text message na ito. Para ito kay Joan. Inabot niya lang sa akin ang cell phone niya para ako na ang magdedesisyon sa kung anong susunod naming gagawin.

Tears fell down my cheeks as I typed Joan’s reply for him: DONE! MEET ME IN SWEET ‘N SWEET AT 5:30. SEE YOU! :)

Humihikbi kong inabot ang cell phone sa nakabusangot na si Joan. Hindi siya pabor sa gagawin namin. Kung hindi para sa akin, hindi ko siya makukumbinsi sa planong ito. Pero kinakabahan ako sa kung anong mangyayari mamaya.

“Are you really sure about this, huh?” Humalukikip si Joan at matalim ang ipinukol niyang tingin sa akin.

I nodded as I wiped out my tears on my cheeks.

Matapos magtipa ng text message gamit ang sariling cell phone para kay Kuya Chris na baka late na akong makakauwi mamaya, tumulak na kami ni Joan sa napag-usapang lugar ng tagpuan.

I was nervous, while Joan was irritated. Bumaba kami sa tricycle na sinakyan at agad pumasok sa loob ng coffee shop. Um-order na rin kami kaagad ng kape sa counter. Mabuti na lang at unang inasikaso kami ng babaeng barista dahil kung hindi, baka maabutan ni Justine na magkasama kami ni Joan. Mabisto pa kami.

Kaunti na lang ang taong naririto sa Sweet ‘n Sweet. Halos palubog na rin kasi ang haring araw at handa nang maghasik ang dilim sa labas. Bitbit ang tray ng kapeng in-order ay dumiretso na ako sa mesa sa may pinakadulong bahagi ng shop at naupo. Kahit medyo mainit pa’y napasimsim ako kaagad sa tasa nang matanaw ko ang pagpasok ng isang pamilyar na lalaki at paglapit nito sa mesa kung saan naroroon ang kaibigan ko.

My heart stopped beating because of the anticipation.

Tama lang ang layo ko sa kanilang dalawa. Sapat lang para makita ko ang bawat galaw nilang dalawa. Sapat lang para hindi niya ako mapansin lalo na’t nakatalikod siya sa akin. Well, sinadya namin na mapatalikod siya sa banda ko para hindi niya mapansin na naririto ako.

Pinipigilan ang luha kong bumagsak mula sa aking mga mata, tigtig na titig ako sa likod ni Justine. Napansin kong bagong ligo siya dahil medyo basa pa ang kaniyang magulong kulay kapeng buhok. Kahit ganoon ay ang hot niya pa ring tingnan. He was in a button-down black polo shirt and jeans. And that was unusual in our dates.

Sa patuloy na pagmamasid, marami pa akong napunang kakaiba sa mga kilos ni Justine. Tulad nang mas masiyado siyang pormal sa harap ni Joan kaysa sa akin. Like a gentleman in front of his love---waiting patiently and romantically to get her magic word “Yes!”. Masiyadong pormal na hindi ko maiwasang maikumpara sa pagiging kaswal niya sa akin. At masakit iyon!

He’s sweet and romantic. Pero hindi ko maalala kung kailan niya ba ako binigyan ng isang bugkos ng mga bulaklak. Wala. Hindi niya ginawa kahit noong manligaw siya sa akin, wala siyang binigay kahit isang piraso. I thought his presence were already enough. Pero hindi pala, lalo na nang masaksihan ko ang pag-abot niya ng bugkos ng mga rosas kay Joan at sabay patak ng isang mabilis na halik sa pisngi nito na para bang isa siyang masugid na manliligaw.

JOAN:

HE ASKING ME OUT WATCHING SINE. WHAT AM I GONNA DO?

Sumulyap si Joan nang bahagya sa gawi ko. Her brows wiggled while she was smiling from ear to ear. Pero alam kong nanggigigil na siya.

Ano kayang sinabi ni Justine?

Inilapag ko na ang cell phone sa ibabaw ng mesa matapos kong magtipa ng reply para sa kaniya at s-in-end iyon: MANOOD KAYO. :)

I smiled bitterly as she nodded at me and faced Justine again.

Kung masasaktan man ako nang sobra sa gagawin, tatanggapin ko. There’s nothing different. I was always used to be hurt and traitor by the one I loved. Ganoon yata talaga. Kung sino pa iyong mga mahal mo, sila rin ang sasakit sa iyo nang sobra. My parents hurt and broke my heart.

Siya pa kaya?

Tumayo na sila. Kumirot ang puso ko nang alalayan ni Justine si Joan hanggang sa makalabas na sila ng shop. Nang medyo malayo na ang distansya nila ay saka lang ako tumayo at sinundan sila. I was at their back, following them like I am a damn secret agent. Bumili sila ng ticket sa pilang maikli. Nagtago ako sa linya ng mga taong katabi ng sa kanila. Nang nasa glass window na sila, biglang lumingat si Justine sa direksyon ko. My heart beats fast and loud as I hid myself from the tall man standing next to me. Napapikit ako at sinulyapan sila, pero nakapasok na sila sa loob. That was my cue to fall in line and buy a ticket the same movie as them.

Kabado ako nang i-abot sa akin ng babaeng teller ang ticket ko. I took a deep and long breath as I entered in the assigned cinema room. Madilim. At ang tanging big screen ang nagpapaliwanag nang bahagya sa loob. I roamed my eyes, pero nahirapan akong makita sina Justine at Joan.

Nasaan kaya sila?

Nang hindi sila mahanap, wala akong choice kundi ang maupo na lang sa bakanteng upuan malapit sa kinatatayuan ko. The movie was boring. A cartoon. Hindi ito iyong hilig na mga palabas ni Justine kaya’t bakit dito niya dinala si Joan? Maybe Joan loved watching kind of movie like this.

I crossed my arms on the top of my chest.

I sighed again and again and again.

Boring talaga ang movie kaya’t lumabas ako at napagdesisyunan na sa labas na lang sila hihintayin.

Halos isang oras akong nag-stay sa isa sa mga bleachers malapit sa sinehan na pinasukan namin. Good thing that I had my popcorn and soda with me. Dahil kung hindi, siguro kanina pa ako umuwi. But no, kailangan kong hintayin si Joan para malaman kung anong ginawa nila sa loob. Well, aside from watching that damn boring movie. Alam ko rin iyong “Sinehan Mythology”. Iyong dadalhin ng lalaki sa first date nila ang babae sa loob ng sinehan para---damn you, Kath! Bakit iyon ang iniisip mo?

Justine couldn’t do that.

He was different.

Well, wasn’t he?

Kumirot ulit ang dibdib ko. Pero agad din akong naalerto nang mahagip ng mata ko ang mga taong nagsisipaglabasan ng sinehan. The movie has already ended. Tumayo ako at medyo lumapit sa dagsa ng mga tao. Siyempre kailangan kong mag-ingat at baka makita ako ni Justine. Pero naubos na ang mga tao ay walang Joan at Justine na lumalabas.

The movie has already ended for goodness sake!

Bakit hindi pa sila lumalabas?

Biglang kumirot nang sobra ang dibdib ko nang maalala ang “Sinehan Mythology”. Dali-dali ay patakbo akong pumasok sa loob. And there, my heart tore up into millions of pieces because of what I had witnessed.

Joan and Justine were kissing.

I was so sure that Justine kissed her. Kaya’t hindi dapat ako makaramdam ng galit para kay Joan. This is all my plan. Pero hindi ko maiwasang masaktan sa nakita. Mas masakit pa ito nang makita kong kahalikan ni Justine si Cassandra.

I felt betrayed.

“K-Kath,” Joan called with a shock.

Her eyes were bloodshot when she find me trembling at the entrance.

Napabaling din sa akin si Justine, namimilog ang kaniyang mga mata. His swollen lips were slightly parted. He tried to call my name but nothing came out on his mouth.

“J-Just…” Tears fell down on my cheeks as I tried to call his name too but I even couldn’t complete it. Mahirap pala talaga. It really hurts! I turned my back at them and started to run as fast as I could.

“Kath, wait!”

I heard Joan called me but I didn’t stop.

“Sandali lang, Katherine. Let me explain,” sigaw ni Justine.

Pero nagbingibingihan ako at nagpatuloy lang sa pagtakbo palabas ng mall. Agad huminto ang tricycle na unang pinara ko.

“Sandali lang, Katherine!”

Justine was just three meters away from me. I stopped for a while and stared at his manly face. Sorry, Justine. Pero nauntog na ako mula sa malaking kalokohan na ito. Isang malaking kahibangan na ito.

Umiling ako at tuluyan nang sumakay sa loob ng tricycle.

Nilagpasan namin ang nakatayo lang na si Justine, titig na titig sa pag-andar ng sinasakyan ko. Hindi ko napigilan ang pagragasa ng mga luha ko hanggang sa makauwi ako sa bahay namin. I am grateful that nobody had noticed me when I ran up to my room.

I cried the pain whole night. Umaasang bukas, magiging magaan na muli ang nararamdaman. Para sa muli naming paghaharap, maayos na ako tulad ng dati.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status