LUMAKAS ang pagkalabog ng puso ko. At salubong ang mga kilay akong nag-angat ng tingin sa lalaking nakatitig sa akin na para bang wala lang sa kaniya ang lahat. Kapal ng mukhang nagawa pang ngisian niya ako’t magpa-cute! Tsk!“B-Bakit daw, Marie?” sabay tayo ko’t tingin sa kaniya saka balik ulit kay Yluj.Marie shrugged her shoulder and sighed as she moved her eyeglasses a bit. “Hindi ko alam, eh. Basta pumunta na raw kayo ni Delos Santos ngayon sa faculty.”“Hai! Arigatou Gozaimasu, Marie.” Bahagyang yumuko si Yluj sa kaniya bago ako binalingan at hinigit ang palapulsuhan ko palabas ng classroom. “Let’s go, Imouto!”“Eh, ikaw kasi! Bakit mo ba kasi binugbog si Justine, ha?” tanong ko nang nasa hallway na kami.Nanlaki ang singkit na mga matang itinuro ni Yluj ang kaniyang sarili, nagmamaang-maangan. “Ako? Why me, Imouto?”Sigurado ako na dahil nga sa ginawa ni Yluj kay Justine kaya ngayon, pinapatawag kami sa Facul---ty? Hala. Bakit nga ba sa faculty? Dapat sa Guidance office kami
"STOP IT, Marky.” Napadilat ako nang makilala ang boses na iyon. Pero agad din na napakurap dahil sa sobrang lapit na ng kamay ni Mark sa mukha ko. As in inch na lang talaga, dadapo na ang palad niya sa pisngi ko. Nabitin lang dahil sa pagpigil ng babae. Naningkit ang galit na mga mata ni Mark na bumaling sa kaniya, hindi makapaniwala. “Sigurado ka, Cassy? Sa pagkakaalam ko, malaki ang atraso nitong babaeng ‘to sa ‘yo, ‘di ba?” You heard him right. Si Cassandra iyong pumigil sa kaniya. Siyempre, nasa likuran niya iyong mga alipores niyang nagtataka rin sa ginawa ng reyna nila. Bakit nga ba ginawa iyon ni Cassandra? Eh, ang laki ng galit kaya niya sa akin, lalo na nang umalis si Justine at nag-transfer sa ibang bansa. Wala rin naman kasi akong balita kay Justine hanggang ngayon. Ang tanging alam ko lang ay buong pamilya nila ang nag-migrate sa Canada. Hindi ko na rin naitanong kina Kuya Cusp at Kuya Kiel, mga kapatid ni Justine, ang dahilan ng paglipat nila. Pero sigurado ako na
ISANG LINGGO rin akong nanatili sa ospital. Mabuti na lang at bumuti agad iyong pakiramdam ko dahil kung hindi, ikakamatay ko na talaga ang sobrang pagkabagot. Isang beses lang dumalaw sina Joan at Yiel, siyempre ay school days. Busy rin sa pag-aaral, ‘no! Yiel is a consistent honor student. Samantalang si Joan, magba-valedictorian yata dahil sa sobrang talino. Well, hindi ko nga naman sila masisisi. Ano bang alam ko sa aral-aral na iyan? Kuntento na ako sa stock knowledge na mayroon ako. At least, kahit papaano ay hindi rin ako bumababa sa pagiging Top Ten. Consistent yata iyon simula nang matapos ako sa pagiging home-schooled. Hindi rin ako iniwan ni Mama at hinayaan mag-isa sa ospital. But I didn’t need her. Mas okay nga na nasa bahay na lang siya habang nasa trabaho si Papa. At si Kuya naman ay nasa school. Wala kayang mag-aasikaso sa mga iyon. Knowing Kuya Chris and Papa, parehong walang talento sa pagluluto. Well, kahit ako rin naman. Okay lang akong mag-isa. Sanay naman na
HINDI KO alam kung anong ginagawa ko sa lugar na ito. I know I don’t deserve to be here. Pero kasi, pag-attendance is a must ay dapat naroon ka. Dahil kung hindi, absent ka sa lahat ng subject sa buong araw na iyon kahit pumasok ka pa.“Are you okay, Imouto?” Umikot ang mga mata kong napasulyap kay Yluj. Ayun na naman iyong alien niyang endearment. Ilang beses ko na bang sinabi na itigil na niya ang pagtawag sa akin ng ganoon? Tss!Nasa isang gilid kami ng stage, malayo sa iba pang kasali sa pageant. Ngayon pa lang ay nakikinita ko na kung anong magiging resulta. And to be honest, ako lang iyong hindi karapat-dapat na mapasali roon.Kumbaga, unang tingin pa lang sa mga kalahok ay ako iyong kulilat. Nasa huli at walang kakayahang humabol sa ibang candidates. Iyon ako.“Kinakabahan ka ba, Imouto?” This time, napapikit na talaga ako nang mariin at huminga nang malalim. Ayoko sanang magpadala ulit sa galit para sa lalaking ito at baka makagawa na naman ako ng eksena, kaso ang daldal niy
“OO NAMAN. Maupo ka,” sabi ko. Naupo si Julene sa tabi ni Yluj at napansin ko agad ang biglang pagtamlay ng aking katabi. Hindi ko alam kung anong mayroon sa kanilang dalawa, pero pakiramdam ko ay magkakilala sila at itong seksing palakang ito ay in denial lang. Biglang um-awkward ang mesa namin. Mabuti na lang ay tumayo si Yiel at natatawang naglahad ng kamay sa kay Julene kaya naagaw niya ang buong pansin naming lahat. “Hi! I’m Yiel. Ikaw? Anong pangalan mo?” Tiningnan lang ni Julene ang kamay ni Yiel, na parang tulad ng ginawa kahapon ni Yluj sa kaniya. Nagtagal iyon kaya tumikhim ako at ipinakilala na lang siya. “By the way, siya si Julene. Julene Reyes ng Grade Seven, Amethyst.” Ngumiti ako sabay sulyap sa bagong kakilala na may pilit na ngisi sa labi. “Representative siya ng lower year sa darating na pageant.” “Ah,” si Joan sabay tango at simsim sa orange juice niya. “Grade seven siya? Bakit parang kaedad niyo lang, Kath?” Nahihiyang humalakhak si Julene. “Eh kasi, Ate, r
UMUWI AKO nang mag-isa na bagsak ang mga balikat. Hindi ko alam kung bakit apektado ako sa mga nakita at narinig ko Yluj at Julene. Alam ko na may special nga sa turingan nilang dalawa… noon. Pero ngayon, ramdam ko iyong sakit na dinadala ni Yluj sa pagsigaw niya kay Julene. But Julene seems didn’t care at all. “Baby, kakauwi mo pa lang?” Naabutan ko si Mama sa salas, nanonood ng drama. Hindi ko siya sinagot, diretso lamang ang lakad paakyat ng hagdan. Wala talaga ako sa mood para makipag-usap. Ang gusto ko lang ay ang magpahinga na. Itulog kung anuman ang nararamdaman ko. Baka dahil sa sobrang pagbibigay ko ng meaning sa mga ginawa ni Yluj, akala ko ay apektado na rin ako sa kung anong nararamdaman niya. Na hindi naman dapat dahil isa siyang seksing butiki—scratch that! What I mean is pesting butiki pala! Dapat mainis ako sa kaniya kasi nang dahil sa kaniya, napahiya na naman ako. Kung hindi dahil sa kaniya, wala sana ako sa letcheng rehearsal na iyan. Hindi sana ako kasali sa pa
DUMATING ANG SABADO. Mabuti na lang, hindi nakaabot sa mga teacher at admin ang gulong nangyari sa may corridor. Dahil kung hindi, dagdag kahihiyan iyon para sa akin. Ano na lang ang sasabihin nila? Na matapos ng breakup namin ni Justine ay nagiging basagulera na ako? Hindi maaari.Pagkatapos din ng eksenang iyon, iniwasan na ako ni Yluj. Hindi ko rin alam kung bakit? Iyan tuloy, mag-isa akong pumupunta ng gymnasium. At pakiramdam ko, parang may kulang. Sanay naman akong mag-isa. Pero sa oras na naglalakad ako sa hallway, bigla akong nalulungkot.“Katherine? Baby? Nariyan na ang mga kaibigan mo,” sigaw ni Mama sa labas ng silid ko matapos marahan na kinatok ang pinto.Actually, kanina pa ako nakapagbihis at nakapag-ayos nang kaunti. Naghihintay na lang talaga na may umakyat para katukin. Sabado kasi. At kapag ganitong araw, nasa bahay pa ang buong pamilya ko. And I didn’t want to be with them at this early.Hindi ko sinagot si Mama. Tumahimik na rin naman, kaya nasisiguro kong nasa ba
TUMIGIL ang pag-ikot ng mundo ko. Hindi ko alam kung bakit? Pero parang hinigop yata ng singkit na mga mata ni Yluj ang buong pansin ko at sa kaniya na lamang natuon. Yes, this isn’t the first time that I’ve got closer to a man’s face, but it seems that this was my first. Umabot hanggang tainga ko ang malakas na pagkalabog ng puso ko. Nagkakalapit naman kami noon ni Justine sa isa’t isa, pero hindi ako kinabahan nang ganito kalala. His eyes dropped on my lips. I swallowed hard when he bit his lower lip and looked into my eyes drunkily. As if na hindi pa nagkadikit ang mga labi namin kanina. Daplis lang iyon, pero I considered it as a kiss. “Kath? Couz? What are you two doing?” Pinag-initan ng mga pisngi, nagkukumahog akong bumangon mula sa pagkakadapa ko sa… Nanlaki ang mga mata ko at napatakip ng mga kamay sa bibig kong bumukas, naibaba ko rin agad upang magpaliwanag sa kaniya. “W-wala,” sabay iling ko. “Kasi natumba si Yluj… nasama ako kaya bumagsak ako sa… sa p-patpatin niyan