DUMATING ANG SABADO. Mabuti na lang, hindi nakaabot sa mga teacher at admin ang gulong nangyari sa may corridor. Dahil kung hindi, dagdag kahihiyan iyon para sa akin. Ano na lang ang sasabihin nila? Na matapos ng breakup namin ni Justine ay nagiging basagulera na ako? Hindi maaari.Pagkatapos din ng eksenang iyon, iniwasan na ako ni Yluj. Hindi ko rin alam kung bakit? Iyan tuloy, mag-isa akong pumupunta ng gymnasium. At pakiramdam ko, parang may kulang. Sanay naman akong mag-isa. Pero sa oras na naglalakad ako sa hallway, bigla akong nalulungkot.“Katherine? Baby? Nariyan na ang mga kaibigan mo,” sigaw ni Mama sa labas ng silid ko matapos marahan na kinatok ang pinto.Actually, kanina pa ako nakapagbihis at nakapag-ayos nang kaunti. Naghihintay na lang talaga na may umakyat para katukin. Sabado kasi. At kapag ganitong araw, nasa bahay pa ang buong pamilya ko. And I didn’t want to be with them at this early.Hindi ko sinagot si Mama. Tumahimik na rin naman, kaya nasisiguro kong nasa ba
TUMIGIL ang pag-ikot ng mundo ko. Hindi ko alam kung bakit? Pero parang hinigop yata ng singkit na mga mata ni Yluj ang buong pansin ko at sa kaniya na lamang natuon. Yes, this isn’t the first time that I’ve got closer to a man’s face, but it seems that this was my first. Umabot hanggang tainga ko ang malakas na pagkalabog ng puso ko. Nagkakalapit naman kami noon ni Justine sa isa’t isa, pero hindi ako kinabahan nang ganito kalala. His eyes dropped on my lips. I swallowed hard when he bit his lower lip and looked into my eyes drunkily. As if na hindi pa nagkadikit ang mga labi namin kanina. Daplis lang iyon, pero I considered it as a kiss. “Kath? Couz? What are you two doing?” Pinag-initan ng mga pisngi, nagkukumahog akong bumangon mula sa pagkakadapa ko sa… Nanlaki ang mga mata ko at napatakip ng mga kamay sa bibig kong bumukas, naibaba ko rin agad upang magpaliwanag sa kaniya. “W-wala,” sabay iling ko. “Kasi natumba si Yluj… nasama ako kaya bumagsak ako sa… sa p-patpatin niyan
I WAS torn between to know the truth or not. Hindi ko pa man nakukumpirma kung ano nga ba talaga ang tunay kong nararamdaman para kay Yluj, saka ko naman malalaman na mahal pa rin pala siya ni Julene. I was right. May past relationship nga silang dalawa. Pero kailan? Noong grade four sila? How gross! Ang babata pa nila nang panahon na iyon. Tss. Okay. Susuko na ako. Hindi ko na aalamin pa kung ano nga ba talaga itong nararamdaman ko para kay Yluj. Napag-isip-isip ko noong linggo na ayaw kong makapanakit ng iba. Specially, ang murang puso ng isang grade seven student kahit pa halos dalawang taon lamang ang tanda ko sa kaniya. Naisip ko iyon habang nag-re-review ako para sa first grading exam sa mini library ng bahay namin.Though, ayaw ko rin na makisawsaw pa sa isang relasyon na magulo na. Saka isa pa, hindi ko nasisigurado kung mahal ko nga ba talaga si Yluj. So puwede na rin na huwag nang alamin pa. "Baby, nariyan na si Mariel. Nasa hapag. Sabay na lang kayong kumain ng almusal,"
“ATE KATH! Juls! Magsisimula na raw tayo sabi ni Madam Ashneka!”Ako lang ang tumingin kay Julene sa may entrada ng gymnasium. At si Yluj? Titig na titig sa akin na para bang sobrang mahalaga ng magiging sagot ko sa tanong niya.Ngumiti ako, nakalimutan na hindi ko dapat iyon gawin lalo na sa kaniya. “Tara na. Baka pagalitan tayo ni Madam.”Handa na akong bumalik ulit sa loob ng gymnasium. But after a few steps, Yluj caught my arm. Natigilan ako at kunot-noong napaangat ng tingin sa kaniya.“Answer my question, please?” He croaked, almost choking the pain on his voice. His eyes glimmered with hope for my answer.But I looked away and gulped. Julene waved as she smiled sweetly at me. Paano ko makakayang saktan ang ganiyan kaamong babae? Hindi ko magagawa. Kahit pa nagawa niya na itong saktan noon at maging hanggang ngayon. Hindi ko alam kung ano nga ba talaga ang nangyari sa kanilang dalawa. Pero sino ba naman ako para alamin pa iyon, hindi ba? Okay na sa akin na malaman na may pagti
HIS WEIRD accent irritated me. Ngayon ko lang napagtanto kung gaano kasagwa ang paraan ng pananalita niya. Iyong boses niya, hindi ganoon kababa at kataas pero naging katunog ng isang bata. Saka isa siyang Pinoy, kalahati nga lang pero hindi pa siya nakakain ng Adobo? Seriously? Naiiskandalo sa sinabi niya, agad akong pinag-initan ng mga pisngi at maraming beses na kumurap. “Ano?! Naghalikan na kayo?” gulantang na tanong ni Yiel na napatayo sa kaniyang kinauupuan. Umiling ako. “H-hindi—” “It was just an accident. Natumba ako, she trying to help me out but she’s so weak. Kaya bumagsak siya sa katawan ko… a-and our lips met unintentionally,” Yluj told them the truth but it seems that they didn’t bought his explanation, specially Sophia as she giggled silently on her seats. Nanlalaki ang mga mata ko, hindi makapaniwalang nasabi niya iyon sa kanila. Well, even Sophia has a ghost of surprise at his statement. Bahagyang nakaawang ang mga labi kong bumaling sa kaniya at halos matuyuan a
MY EYES widened in fraction when I saw them talking. Paanong hindi? Eh, si Cassandra iyon! Cassandra Alvarez, the meanest of them all. Sariwa pa rin hanggang ngayon iyong ginawa niya sa akin na halos ikamatay ko na. Paanong nakakapasok pa rin siya sa SAVS? Sa pagkakaalam ko, na-expelled na sila sa school. Well, hindi ko na nakikita iyong mga alipores niya. Pero bakit narito pa rin siya? “Ate Kath,” sabay lapit sa akin ni Julene. “She was just talking to me. Gusto niya raw kasing makipagkasundo na sa ‘yo. Kaso hindi niya alam kung saan ka hahanapin. ‘Di ba, Ate Cassy?” Umikot si Cassandra matapos i-flipped ang mahaba niyang buhok at may ngising humarap sa akin. “Yeah. Ayaw ko nang gulo sa buong campus. That’s what I promised to mom and dad. So can we be friends?” Napatingin ako sa braso niyang mahaba na nakalahad sa harap ko. Peking mga ngiti ang nakaukit sa pula niyang labi, sigurado ako roon. I once saw it when she helped me out with Mark. At dahil oto-oto, naloko niya ako. At nga
“NARINIG MO ‘YON?” Natigilan ako nang umabot sa pandinig ko ang mahihinang kaluskos at pagkadurog ng mga tuyong dahon sa hindi kalayuan. Paano kung may ibang taong nakarinig sa usapan namin ni Yiel? Pakshet! Patay ako nito. “Wala naman. Ang alin ba?” “May kumaluskos sa bandang iyon,” sabay turo ko sa isang puno ng narra na malapit sa kinatatayuan namin. Napayapos sa mga braso si Yiel at tiningnan ang puno. “Ano ba ‘yan, Kath! Ki-tanghali, eh, kung ano-anong naririnig mo.” “Hindi. May narinig talaga ako…” “Hay naku! Halika na nga. Hindi ka naman gutom para mag-imagine riyan ng kung ano-ano.” Napatingin ulit ako sa puno. Hindi ako maaaring magkamali, parang may tao talaga roon. Lalapitan ko sana para i-check. Pero marahan na hinampas ni Yiel ang bumper ng kotse ni Joan dahilan ng pagkakatigil ko. “Ano ka ba, Kath! Halika na! Baka hinahanap na tayo sa loob. Naka-lock itong mga kotse kaya safe na. Wala naman sigurong carnapper sa village na ito, ‘di ba?” “Titingnan ko lang saglit
THE COOKIES were great. Halos ako nga lang ang makaubos ng gawa namin. Well, siya lang kasi ang naitulong ko ay ang tumitig sa kanyang mukha habang ginagawa iyong cookies. His cuteness was irresistible. Oo, aaminin ko na. Kilig na kilig ako sa tuwing ngingiti, kikindat at magpapa-cute siya sa akin. At sobrang saya ko dahil sa wakas ay binigyan ko iyong sarili ko ng pagkakataon para sumaya, magmahal at magtiwalang muli.Magtitiwala at aasa ako na baka si Yluj na nga iyong lalaking tinadhana at tatanggap sa buong ako. Sana...Tears fell down my cheeks. At agad kong pinalis iyon pero nakita rin naman agad ni Yluj."Why are you crying, Imouto?" he asked worriedly as he put down the bowl of cookies in the glass table and tried to touch my cheeks.Napangiti ako saka umiling. "W-wala. Ang sarap lang kasi nitong cookies mo. Hindi nagbago iyong lasa. Tulad pa rin noong Sabado," sabay singhap ko."Are you really sure?"Tumango ako at saka inubos ang cookies na hawak. "Oo. Practice?"He smiled