Share

CHAPTER 4

LUMAKAS ang pagkalabog ng puso ko. At salubong ang mga kilay akong nag-angat ng tingin sa lalaking nakatitig sa akin na para bang wala lang sa kaniya ang lahat. Kapal ng mukhang nagawa pang ngisian niya ako’t magpa-cute! Tsk!

“B-Bakit daw, Marie?” sabay tayo ko’t tingin sa kaniya saka balik ulit kay Yluj.

Marie shrugged her shoulder and sighed as she moved her eyeglasses a bit. “Hindi ko alam, eh. Basta pumunta na raw kayo ni Delos Santos ngayon sa faculty.”

“Hai! Arigatou Gozaimasu, Marie.” Bahagyang yumuko si Yluj sa kaniya bago ako binalingan at hinigit ang palapulsuhan ko palabas ng classroom. “Let’s go, Imouto!”

“Eh, ikaw kasi! Bakit mo ba kasi binugbog si Justine, ha?” tanong ko nang nasa hallway na kami.

Nanlaki ang singkit na mga matang itinuro ni Yluj ang kaniyang sarili, nagmamaang-maangan. “Ako? Why me, Imouto?”

Sigurado ako na dahil nga sa ginawa ni Yluj kay Justine kaya ngayon, pinapatawag kami sa Facul---ty?

Hala.

Bakit nga ba sa faculty?

Dapat sa Guidance office kami ipapatawag, ‘di ba?

Ay, basta! Kasalanan talaga ng seksing butiki na ito ang lahat!

“Bakit mo ba kasi ginawa iyon kay Justine, ha? Dahil yata roon kaya siya nag-transfer sa abroad, eh! Kasalanan mo talaga ito!”

Inis ko siyang nilagpasan at nauna nang umakyat sa hagdanan. Bale kasi nasa second floor ng new building ang Faculty Room. Nakapag-exercise tuloy ako sa di oras. Tss.

Agad namang nakasunod ang seksing butiki at pinantayan ang mga hakbang ko. “Why I did that? Hmm… wala. That’s what I want. Trip ko lang,” he said playfully and then laughed.

Kumunot ang noo ko’t nagtaas ng kilay. Tumigil ako saka siya hinarap. “Iba ka rin talaga, ano!” sabay pairap ko siyang iniwan pero nakahabol pa rin siya kasabay ng mga halakhak niya.

“Why, Imouto? Worried ka ba sa akin kasi… nasaktan ‘yong kamao ko sa pagsuntok sa ungas na ‘yon?”

“Hindi!” inis kong singhal sa kaniya saka siya nilagpasan ulit, pero agad din nakahabol ang butiki dahil sa lawak ng mga hakbang niya.

I rolled my eyes and zipped my mouth. Ayokong kausapin siya. Well, ayoko nga sa maiingay. At ang isang ito ay ki lalaking tao ay ang daldal!

Naiiling na lang ako lalo na sa tuwing nagyayabang na siya raw ang pinakaguwapo sa buong Japan Academy, kung saang planeta siya galing. Tss! As if may pakialam ako, ‘di ba?

“Good morning, Katherine and Yluj,” masiglang bungad sa amin ni Ma’am Rivera na ikinakunot-noo ko. “Bilisan ninyo. Maupo kayo.”

Nagtatakang napasulyap ako kay Yluj. And as usual, malapad ang ngiti niya sa mga labi. Nagpapa-cute. Tsk! Bibitayin na yata kami, eh, ngingiti pa rin siya!

“Bakit niyo kami pinatawag, Ma’am?” busangot kong tanong nang makaupo na ako sa side chair ng table niya. “Dahil ba ito sa nangyari no’ng isang linggo?”

Kumunot ang noo ni Ma’am Rivera. “Ha? Anong nangyari no’ng isang linggo?”

So, hindi dahil doon kaya kami pinatawag?

“Nothing po, Ma’am. Medyo nagkamabutihan lang kami ni Kath,” si Yluj na ang sumagot nang makatabi na sa akin.

Gulat, bagsak ang mga panga kong napatingin sa kaniya. “W-what?!”

Ma’am Rivera giggled. “Well. That’s nice to hear that. Tama lang talaga na kayo ang kukunin ko.”

Ngayon ay kay Ma’am Rivera naman ako napanganga. “Anong kukunin po, Ma’am?”

“Well. Malapit na kasi ang annual school fest ng school. You know what I mean. Right, Kath?”

I nodded. Oo, alam ko ang tungkol doon. At base sa mga mapang-intrigang titig ni Ma’am Rivera sa akin, hindi ko gusto kung anong iniisip niya.

“So?” I asked nonchalantly.

“Well. Napagkasunduan namin ng mga adviser ninyo na…”

Tumigil ang pagtibok ng puso ko sa antipasyon. “What?”

“Na kayong dalawa ni Yluj ang kukunin namin na representative ng section ninyo sa Miss and Mister SAVS.”

“Hai! Thank you, Ma’am.” Si Yluj, nalundag sa tuwa.

Umiling ako na ikinatahimik ng katabi ko. “Hindi, Ma’am. Ayoko. Maghanap na lang po kayo ng iba.”

Tumayo ako’t akmang aalis na nang magsalita si Ma’am Rivera kaya natigilan ako.

“Did you know na ang mananalo sa pageant, ipapadala namin sa South Korea?”

Natigilan ako sa pagpihit sa doorknob. South Korea?

“Yes, you’ve heard me right, Katherine. Ang mananalo, ipapadala namin as an exchange student sa South Korea Academy,” mas pinasigla pang sabi ni Ma’am Rivera nang mapansin ang pagkakatigil ko.

Nate-tempt ako… but I can’t.

Umiling ako at hindi sila tiningnan. “Ayoko po, Ma’am. Maghanap na lang po kayo nang iba. Sorry. Excuse me.”

Mabilis akong lumabas ng silid na iyon at huminga nang malalim. Hays, muntik na akong mamatay dahil sa pagpigil ko ng paghinga. Mabuti na lang at nakalabas ako kung hindi ay paglalamayan na yata ako ngayon.

Hahakbang na sana ako nang biglang may humigit sa braso ko.

“What’s your problem?!”

Galit na mukha ni Yluj ang bumungad sa akin. Kumunot ang noo ko dahil hindi ko makuha kung bakit siya nagagalit. Dahil ba sa tinanggihan ko iyong offer ni Ma’am Rivera?

Paki niya ba?

“Wala---”

“Then, why?! Why did you decline that offer? Ma’am Rivera told me that you’re interested to become an exchange student with that school,” galit niyang bulyaw sa akin.

Tumawa ako na walang halong kasiya-siya. “Ano bang problema mo?”

“Ikaw! Ikaw ang problema ko. Pangarap mo ‘yon, ‘di ba? Bakit tinanggihan mo? Dahil ba sa akin? Ganiyan mo ba ka ayaw sa akin?”

Umiling ako. “Hindi---”

“Well… Gomen nasai,” namumula ang kaniyang mga matang nag-iwas sa akin ng tingin. “Sumimasen.”

Natulala ako nang lagpasan niya ako. Gusto ko sanang ipaliwanag kung bakit ayaw kong tanggapin na maging representative ng section namin, pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula.

At lalo na dahil dumugo ang ilong ko sa sinabi niya.

Ngumisay?

Sumaamen?

Hays.

Tama nga na pangarap ko ang paaralan na iyon pero hindi ko matatanggap ang offer dahil sa pageant. Sumali man ako roon, alam kong hindi ako mananalo. At hindi ako ang mapipili para maging exchange student ng SAVS.

Ano bang panlaban ko sa mga magagandang sasali sa pageant na iyon? Wala. Dahil wala akong panama sa mga magagandang babaeng magiging representative ng ibang year at section.

Bumuntong-hininga ako matapos kong i-kuwento ang lahat kay Yiel nang mag-recess. Nasa cafeteria kaming dalawa at kasalukuyang hinihintay si Joan, sinundo raw si Sophia.

“Eh, ano namang paki mo kung galit nga siya?”

Umikot ang mga mata ni Yiel nang yumuko siya sa librong binabasa.

“I don’t know.” I just shrugged my shoulders. “Siguro… nagi-guilty lang ako kasi sinisisi niya ang kaniyang sarili sa maling rason.”

“Maling rason nga ba?” makahulugang tanong ni Yiel, hindi nag-angat ng tingin sa akin.

Natigilan ako’t napalunok dahil doon. Hindi ko alam pero lumakas ang pagkalabog ng puso ko nang maalala ang galit na mukha ni Yluj kanina. Gosh! Ano bang nangyayari sa akin?

Natigil lang ako sa pag-iisip nang biglang umingay ang table namin, kahit maingay naman talaga sa kabilang mga mesa.

“Oh my G! Buti at gising ka na, Kath?”

Nalilito akong bumaling kay Joan. “Ha?”

“Alam niyo, kanina pa ‘yan tulaley!” sabay irap ni Yiel at subo sa spaghetti.

“Really? So, sino ang iniisip mo, Kath?” Si Sophia.

Kumurap-kurap ang mga mata ko at prinoseso ang nangyayari. Teka! Bakit nandito na sa mesa sina Sophia at Joan? At… At saan nanggaling itong mga pagkain na nasa mesa?

“Haynaku! Dahil iyon sa lalaking iyon!”

Tumaas ang kilay ni Joan na tumingin kay Yiel dahil sa sinabi nito. “Lalaki? You mean… may lalaki na naman itong si Kath?!”

Sophia giggled.

Bigla akong nakaramdam ng hiya para sa mga kaibigan ko. Bakit ba nagkaroon ako ng mga kaibigan na ganito? Hays.

Walang Yluj na pumasok hanggang hapon. Siguro, dinamdam niya nang sobra iyong nangyari kaninang umaga.

Hindi niya naman talaga kasalanan, eh. It’s just that… pageant iyong magiging contest para maging school exchange student sa SKA. Ayokong mapahiya kahit gaano ko kagustong manalo roon.

Ubos ang energy ko nang mag-uwian. Mag-isa lang akong naglalakad nang ibaba ako ng traysikel sa kanto ng subdivision. Si Yiel kasi, sinundo nang maaga ng papa niya dahil may business dinner daw sila.

Si Kuya Chris ang naabutan ko sa sala, nanonood ng cartoons sa telebisyon. Wala ako sa mood makipag-usap sa kaniya lalo pa’t naaalala ko na baka siya ang nagsabi kay Justine tungkol sa sikreto ko.

Nasa ikatlong baitang na ako ng hagdanan nang tawagin ako ni Kuya Chris.

“Kumusta ang school?”

Tumigil ako’t bagot siyang hinarap. “Walang bago---no, may nagbago pala. Tahimik na ‘yong buhay ko nang mawala si Justine,” pairap kong sagot sa kaniya.

Medyo may distansiya man, tanaw ko ang pagtaas ng mga kilay ni Kuya Chris. “What do you mean?”

I rolled my eyes and shrugged my shoulders. “Wala!” sabay talikod ko sa kaniya saka nagpatuloy na sa pag-akyat.

“May meryendang niluto si Mama! Kumain ka kung gusto mo!”

I sighed as I shook my head. Hindi ako lumabas ng kuwarto ko kahit medyo nate-tempt ako sa meryenda. Tiniis ko na lang ang pagkalam ng sikmura ko’t tumutok sa pinapanood kong K-drama sa laptop habang nakadapa sa kama na kinatulugan ko rin kalaunan.

Kinabukasan ay nagising ako dahil sa sobrang pagkalam ng sikmura ko. Halos mamilipit ako sa sobrang sakit. Pinilit kong bumangon at maligo.

Nang makapagbihis ng school uniform, agad na akong bumaba. And as usual, mag-isa na naman akong magbi-breakfast. May pagkain na sa mesa. Natakpan lang para hindi langawin at langgamin. Umirap na lang ako nang makita ang note na nakadikit sa food cover.

Prinsesa,

Enjoy your sinangag and d***g. Paborito mo pa naman ‘yan. Muntikan na nga ‘yang ubusin ng Kuya mong patay gutom. Tinampal ko.

Sige-sige. Kain ka na. Good morning! :)

                                                        —  mama <3

Napabuntong-hininga na lang ako dahil sa ka-corny-han ni Mama.

Palabas na ako ng bahay namin nang biglang tumunog ang cell phone ko. Kinuha ko ito sa bulsa ng palda ko at binasa ang text message.

YIEL:

GURL, NAUNA NA AKO. HINTAYIN NA LANG KITA SA LIBRARY.

Doon nga ako nagtungo nang makarating ng SAVS. Magaan ang pakiramdam kong naglakad sa hallway dahil parang wala silang nakikitang Katherine sa gitna nila.

Well, okay nga iyon sa akin dahil tahimik na ngang talaga ang buhay ko. Siguro, kailangan kong magpasalamat kay Justine one of this days. Dahil sa pagkawala niya, hindi na mainit ang mga mata sa akin ng mga babaeng dating may gusto sa kaniya.

Well, siyempre kapag makahanap ako ng way para ma-contact siya. Eh, nasa abroad na iyon ‘no! May number nga siya sa akin, alam kong walang kuwenta naman dahil pang local lang iyon. T-in-ry ko rin sa mga social media account, pero hindi ko mahanap profile niya.

I sighed.

Malapit na ako sa library. Isang liko na lang nang harangan ako ni Mark, iyong bully sa school. Nakasandal siya sa pader kanina bago ako lapitan at kanina pa yata talaga ako hinihintay.

“Hey Katherine!” bati niya.

Tumigil ako’t walang interes siyang tiningnan.

He chuckled playfully. “Sandali lang. Mag-usap naman tayo.”

Kumunot ang noo ko’t naniningkit ang mga matang tiningala siya. Matangkad din kasi ang isang ito. Guwapo naman. Mabango at maporma. Iyon nga lang kung si Justine, babaero… siya naman ay basagulero.

Tsk.

Huminga ako nang malalim saka siya nilagpasan pero mabilis niya rin akong naharangan.

Humalakhak siya. “Sandali nga lang. Sabi ko, mag-usap tayo, ‘di ba?”

“Problema mo ba, ha?” inis kong singhal sa kaniya. “May dapat ba tayong pag-uusapan? Sa pagkakatanda ko, hindi tayo close para mag-usap nang ganito.”

Nagsalubong ang mga kilay ni Mark. Galit niya akong tinitigan at humakbang palapit sa akin. As if na hindi pa kami magkalapit nang husto sa lagay na iyon.

Napaatras ako dahil ramdam kong wala siyang balak na tumigil. Humakbang lang ako paatras pero tinutumbasan niya naman habang ang mga mata niya’y titig na titig sa akin.

“A-Ano ba?! Problema mo ba, huh?!” nababahala ko ng singhal nang maramdaman ko na ang malamig na semento sa likod ko. Tanda na wala na akong maaatrasan pa.

“Anong problema ko? Ikaw! Ang tapang-tapang mo! Gusto ko lang namang kausapin ka!”

“Wala nga tayong pag-uusapan dahil hindi tayo close!”

“Aba!”

Napapikit ako nang umangat sa ere ang kamao niya at akmang sasapakin ako.

Jusko! ‘Wag niyang sabihin na papatulan niya ang isang babae?

Lord, save me.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status