Nang maghapon na ay ako ang unang lumabas sa room, nagpaalam na ako kay Roger na hindi muna ako makatulong ngayon sa paglilinis dahil pupuntahan ko pa si Mama. Sinugod kasi si Mama sa hospital dahil mataas ang lagnat niya at nanginginig na siya. Napag-alaman naming nagkadengue si Mama.Pero paglabas ko ay si Sammuel ang una kong nakita, huminto ako at tinignan siya. Kumurap siya pagkatapos ay tumayo ng matuwid, "saan ka pupunta?" Marahan niyang tanong, siguro nakita niyang nagmamadali ako sa paglabas.Hindi ako nakapagsalita kaya nagsalita siya ulit, "iniiwasan mo pa rin ba ako?" Mabilis akong umiling, "hindi kita iniiwasan... Uh, pupuntahan ko lang si Mama sa hospital." Lumingon ako sa likod at nakita kong halos hindi na gumalaw sa mga kinatatayuan nila ang mga classmates ko dahil sa gulat na makita si Sammuel na kausap ko ngayon.Kinagat ko ang labi ko at naglakad na papunta sa hagdan, naramdaman kong sumunod sa akin si Sammuel sa likoran ko."Anong nangyari sa Mama mo?" Niling
Dahil sa sinabi ni Mama kanina hindi ko mapigilang mag-assume na naman. Pinanganak talaga akong assumera, hindi na ata 'yon magbabago."Nanligaw ba sa'yo 'yon, anak?" Napalingon ulit ako kay Mama, "hindi po..." "Hindi siya nanligaw sa'yo? Kasi kayo na?" Kung barkada ko lang 'to si Mama baka sinapak ko na rin si Mama sa kilig. Kahit si Mama pinapaasa ako. "Mama, hindi po kami ang advance mo naman masyado... Pero sana hehe sana maging kami..." Nag-a-assume ako na may nararamdaman din sa akin si Sammuel, hindi na tulad ng dati na hindi niya ako iniimikan ngayon hindi ko na mabilang na salita ang lumalabas sa bibig niya. Pinapansin na niya ako at maraming mga kilos siyang pinapakita sa akin na tanging mga lalaking may gusto sa isang babae lang ang gumagawa. Ewan ko ba! May parte sa sarili ko na 'wag mag-assume kasi masakit mag-assume sis! Subra! Ilang ulit na akong nasaktan dahil nga assumera ako, masakit! Grabe! 'Yong akala mo may gusto siya sa'yo pero assumera ka lang talaga. Ayun
"April, ikaw ang gagawin naming white lady," tinuro ako ni Claire. "Bagay na bagay sa'yo kasi mataas ang buhok mo." "Mas mataas pa ang buhok ng white lady kaysa sa akin, eh." "Basta ikaw na ang white lady, tapos ikaw Roger—" "White gentleman?" Sinamaan ng tingin ni Claire si Roger dahil sa pagputol nito sa sasabihin niya. "Walang gano'n, Roger," inirapan ni Claire si Roger at tumingin sa ibang kaklase namin. "Meron kaya para partner kami ni April!" Kinindatan ako ni Roger. Inikot ko ang mata ko, "sige... Payag ako na maging white lady." October 28 pa lang ay pinaplano na namin ang gagawin sa booth namin para ngayong November 3. Katatakotan ang booth kasi araw ng mga patay, holiday kasi sa november 1 at 2 kaya sa 3 na lang ito ginawa. May bayad symempre ang mga papasok at sa mga gustong ma explore ang loob ng booth. "Kailangan na nating nag design sa november 1 hanggang 2 para pagka november 3 handa na ang lahat," tumingin sa amin si Claire. "Sa make up ay may binayaran tayo n
Nasa bahay lang ako noong December hanggang sa January 3. Nagtatawagan lang kami ni Sammuel araw araw, nagkakamustahan at nag-uusap na umaabot ng ilang oras.Subrang saya ko, hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko. Noong araw na umamin siya sa akin na mahal niya ako parang sasabog ang puso ko sa tuwa. Hindi ako makapaniwala na aamin siya sa akin noong araw na 'yon, umiiyak ako dahil nasasaktan ako doon sa nakita ko sa kanila ni Caileigh pero hindi ko ko inakalang aamin siya sa akin.Ako ito... Unang nahulog ng tudo sa kanya, na para bang sa araw araw ay siya lang ang naiinisip ko. Na sa bawat araw na dumadaan siya ang ginagawa kong inspirasyon. Hindi ko rin inakalang mas lalong lalalim ang nararamdaman ko sa kanya. Hindi na ako assuming ngayon, kasi... Gusto niya rin ako... Hindi lang gusto mahal pa ako. Tangina, hindi ko alam kung ano i-r-react ko noong araw na 'yon ang tanging nagawa ko lang ay ang umiyak ulit sa harapan niya. "Nanligaw na ba si Sammuel sa'yo?" Napalin
"Naks ang laki ng ngiti natin ngayon, ah," siniko ako ni Vien. "Labas pati gilagid eh." "Gan'yan talaga kapag may nag-aalaga na sa'yo. Blooming palagi!" Kinurot naman ni Maika ang tagiliran ko."Alangan namang maging haggard ako, syempre dapat maganda ako palagi sa paningin ng boyfriend ko." Ngumisi ako."Wow naman! Kung dati crush mo lang siya tapos ngayon boyfriend mo na! Ano bang ritwal ginawa mo gabi-gabi?" Lumingon ako kay Clouie at nginitian ang kaibigan ko, "siya nga 'yong nag-r-ritwal gabi-gabi kaya ganito ako ka baliw sa kanya." Nagngiwian silang tatlo, hindi naniwala sa sinabi ko. Bahala sila basta si Sammuel ang gumayuma sa akin kaya ganito ako ka baliw sa kanya. Magpapansin ba ako kay Sammuel kung hindi niya ako ginayuma? "Matanong nga kay Sammuel kung anong gayuma ang ginawa niya sa'yo," sabi ni Maika. "Ma-try nga sa crush ko." "Nako! Asa ka pa! Kahit anong gawin mong pagkukulam sa crush mo hinding hindi ka niya magustuhan—""Ouch, Vien, ah. Nakakasakit ka na. Parang
"Hello po, Tita," bati ko sa ina ni Sammuel na naabutan namin na hinahanda na ang mesa."Nand'yan na pala kayo. Nako! Pasensya na hindi ko pa nalinis ang mesa," mabilis na kumuha ng pampunas sa mesa ang ina ni Sammuel. "Ma, ako na po dito..." Pero inagaw ni Sammuel ang basahan sa kanyang ina. "'Wag na, tawagin mo na lang ang Papa mo na nandoon sa likod, hinahagod na naman ang kanyang manok." Hindi nakinig si Sammuel sa sinabi ng ina niya, kinuha pa rin ni Sammuel ang basahan sa kanyang ina at siya na mismo ang nagpunas sa mesa."Ako na po, baka may niluto pa kayo doon," sabay lingon ni Sammuel sa dirty kitchen nila.Napangiti na lang ako habang pinapanood ko si Sammuel na nagpupunas ng mesa. I'm so lucky to have him. Mahal niya ang kanyang pamilya, may respeto, maalaga, at malambing pero hindi mawawala ang pagiging gwapo niya. "Uh, Tita Sonya tulungan ko na po kayo sa pagluluto," iniwan ko si Sammuel doon para puntahan si Tita Sonya para tulungan siya."Malapit na ako matapos kay
Ang bilis ng panahon, ilang buwan na lang graduate na kami ng Senior High School, maraming preparations mas dumadami ang mga school works na dapat asikasohin. Tuwing tanghali lang kami minsan nagkakatime ni Sammuel sa isa't isa dahil sa subrang busy na dahil graduating kaming dalawa. Sa gabi rin ay halos hindi na kami nag-uusap sa phone dahil kahit sa gabi ay may ginagawa kaming school works.Pero kahit busy kaming dalawa hindi pa rin kami nawawalan ng time sa isa't isa. Sinisiguro ni Sammuel na nag-uusap kami araw araw, nagkukumustahan at nag-o-open up sa isa't isa gan'yan ang ginagawa namin para mas lalong mapatatag ang relasyon namin. May pangarap kaming dalawa, pangarap ko ay pangarap din ni Sammuel. Pinlano na namin ang future naming dalawa noong nakaraang araw nga ay nagpa-plano kami sa mangyayari sa amin sa college at kung ano ang mga possibilities na mangyayari."Siguradong mas lalo tayong maging abala sa college dahil mas mahirap na sa college," sabi ko. "We will graduate.
"This is it!" Masaya kong sigaw habang nakatingala sa pangalan ng eskwelahan na pinasokan namin ni Sammuel.Laking pasalamat namin na pasado kaming dalawa sa entrance exam, nag take din kami ng scholarship para mabawasan ang gagastohin namin."College na tayo, love!" Niyugyog ko ang balikat ni Sammuel. Ngumiti naman siya sa akin at hinawakan ang kamay ko, "para sa pangarap nating dalawa... G-Graduate tayo sa eskwelahang 'to." "Para sa pangarap!" Hawak kamay kaming naglakad papasok, may ibang napapalingon may iba ding walang pake. Tinulongan ako ni Sammuel na hanapin ang first subject ko. "Ang layo pala natin 'no," na realize kong ang layo layo naming dalawa sa isa't isa tapos iba iba pa ang schedule namin. "Sa tanghali hihintayin kita." Marahan niyang sambit.Tumango ako at bumaba ang tingin sa lunch box na dala dala ni Sammuel. Siya ang nagluto ng tanghalian namin mamaya, sinabihan ko siya na ako na magdadala ng lunch namin kaso ayaw niya kaya hinayaan ko na lang siya. "Nandito