Share

34

Maaga akong dumating sa restaurant na pinag-usapan namin ni Lea kahapon, wala pa siya pagdating ko. Sinadya kong magpaaga dahil babasahin ko pa ang kaso niya.

"What's your order, ma'am?" May lumapit sa akin na waiter sa restaurant.

"Tubig na lang, please..."

Ngumiti ako sa waiter bago binalik ang tingin sa laptop ko. Kinakabahan man pero kakayanin ko 'to.

Dumating ang tubig na hiningi ko sa waiter. Ilang minuto ang dumaan ay dumating na si Lea.

Pinanood ko ang pag-upo niya sa harapan ko. Ngumiti siya sa akin at tinaas ang kamay, nagtawag ng waiter.

"Late ba ako?"

Umiling ako, "maaga lang akong dumating." Sagot ko.

Tumango lang siya at nag-order na. "Anong gusto mong kainin, April?"

Kung maka April 'to parang close kami, ah.

"Wala, ayos na ako sa tubig." Sabay taas ng basong tubig.

Tinaas niya lang ang kilay niya at nagkibit na lang ng balikat. Pinaalis na niya ang waiter pagkatapos ay humarap sa akin.

"So, kumusta ang anak niyo ni Sammuel?"

"Hindi ang anak ko ang pag-uusa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status