Share

12

"Naks ang laki ng ngiti natin ngayon, ah," siniko ako ni Vien. "Labas pati gilagid eh."

"Gan'yan talaga kapag may nag-aalaga na sa'yo. Blooming palagi!" Kinurot naman ni Maika ang tagiliran ko.

"Alangan namang maging haggard ako, syempre dapat maganda ako palagi sa paningin ng boyfriend ko." Ngumisi ako.

"Wow naman! Kung dati crush mo lang siya tapos ngayon boyfriend mo na! Ano bang ritwal ginawa mo gabi-gabi?"

Lumingon ako kay Clouie at nginitian ang kaibigan ko, "siya nga 'yong nag-r-ritwal gabi-gabi kaya ganito ako ka baliw sa kanya."

Nagngiwian silang tatlo, hindi naniwala sa sinabi ko. Bahala sila basta si Sammuel ang gumayuma sa akin kaya ganito ako ka baliw sa kanya. Magpapansin ba ako kay Sammuel kung hindi niya ako ginayuma?

"Matanong nga kay Sammuel kung anong gayuma ang ginawa niya sa'yo," sabi ni Maika. "Ma-try nga sa crush ko."

"Nako! Asa ka pa! Kahit anong gawin mong pagkukulam sa crush mo hinding hindi ka niya magustuhan—"

"Ouch, Vien, ah. Nakakasakit ka na. Parang
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status