Share

15

"This is it!" Masaya kong sigaw habang nakatingala sa pangalan ng eskwelahan na pinasokan namin ni Sammuel.

Laking pasalamat namin na pasado kaming dalawa sa entrance exam, nag take din kami ng scholarship para mabawasan ang gagastohin namin.

"College na tayo, love!" Niyugyog ko ang balikat ni Sammuel.

Ngumiti naman siya sa akin at hinawakan ang kamay ko, "para sa pangarap nating dalawa... G-Graduate tayo sa eskwelahang 'to."

"Para sa pangarap!"

Hawak kamay kaming naglakad papasok, may ibang napapalingon may iba ding walang pake. Tinulongan ako ni Sammuel na hanapin ang first subject ko.

"Ang layo pala natin 'no," na realize kong ang layo layo naming dalawa sa isa't isa tapos iba iba pa ang schedule namin.

"Sa tanghali hihintayin kita." Marahan niyang sambit.

Tumango ako at bumaba ang tingin sa lunch box na dala dala ni Sammuel. Siya ang nagluto ng tanghalian namin mamaya, sinabihan ko siya na ako na magdadala ng lunch namin kaso ayaw niya kaya hinayaan ko na lang siya.

"Nandito
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status