Share

06

"Alam mo bang nakakasama sa kalusugan ang araw araw na mag-assume?" Saad ni Vien.

Tumango naman ang dalawa, sumang-ayon sa sinabi ni Vien.

"Kayo nga d'yan eh. Bakit hindi ba kayo nag-assume sa crush niyo ah?"

Sabay silang napakamot sa kanilang ulo. Alam ko na kasi kung sino ang mga crush nilang tatlo at kagaya ko hinahabol at nagpapansin din sila sa crush nila.

"Nakalimutan kong magkaibigan pala tayo haha." Tumawa si Clouie habang kinakamot ang ulo niya.

"So, kumusta kayo ni Sammuel?"

Bumaling ako kay Maika, dahil sa tanong niya napanguso ako at sinubsub ang mukha sa mesa.

"Ayon nga, tama nga ako na pagkatapos ng araw na 'yon ay hindi na mauulit ang pangyayaring 'yon."

Pagkatapos kasi noong chinat ko si Sammuel na may gusto ako sa kanya parang umiwas siya sa akin. Hindi na niya ako kinakausap, hindi ko naman sinasabing kailangan niya akong tratohin ng gano'n na parang ma relasyon kami ang gusto ko lang ay sana hindi niya ako lalayuan.

Ito 'yong kinakatakutan ko eh. Kapag aamin ka, kinabukasan magugulat ka na lang na hindi ka na pinapansin ng taong gusto. 'Yong mga araw na hindi ka pa umamin ay nag-uusap kayo pero kapag aamin ka na sa taong gusto mo ay lalagpasan ka na lang na parang isang hangin na hindi nakikita pero nararamdaman.

Nararamdaman ka niya pero wala lang talaga siyang gusto sa'yo. 'Yong nararamdaman ka niya pero hindi ka niya pinapansin.

Mali ba ang ginawa kong pag-amin kay Sammuel noon? August pa nangyari 'yon pero September na ngayon.

Sa chat lang naman ako umamin sa kanya. O baka naman sinadya niya talagang replyan ako ng gano'n para snobin lang ang pag-amin ko?

Tanggap ko na hindi niya ako gusto pero hindi naman ako papayag na pagkatapos kong umamin sa kanya na gusto ko siya hindi na niya ako papansinin?

"Oh, nagpalit pala siya ng profile sa f******k niya,"

Natigil ako sa pag-iisip at napabaling kay Vien. Kinuha ko kaagad ang cellphone ko para makita ang bagong profile picture ni Sammuel.

"1 minute pa lang pero 100 reacts na! Tapos ang dami pang comment na mine!" Niyugyug ako ni Vien.

Isang buwan na ang account niya at ang dami niya kaagad na friends ag followers, grabe sikat talaga crush ko.

Napatitig ako sa bago niyang profile. Ang puso ko biglang tumibok ng malakas! Ang inis na nararamdaman ko sa kanya sa loob ng halos isang buwan ay biglang nawala ng makita ang picture niya!

Seryosong seryoso siya sa picture at nakafocus lang ang camera sa kanya. Para siyang model sa isang brand! Grabe! Subrang gwapo naman ng crush ko!

Nasa stage na ako na i-uncrush ko na siya dahil naiinis ako pero biglang nawala dahil nakita ko lang ang picture niya!

Paano ko siya mauncrush kung ganito ka gwapo?!

Syempre! Hindi ako papayag na hindi niya ako pansinin! Hindi ako papayag na turingin lang niya akong parang hangin.  Hindi ako papagay na gano'n gano'n lang.

Kailangang may gawin ako para mapansin niya muli ako.

Kinagat ko ang labi ko at nagtype para sa comment ko.

Ako: akin ka, Sammuel.

"Aba! Ang rupok naman ng isang 'to! Akala ko uncrush na 'to dahil hindi pinansin ng isang buwan!"

Pinapanood pala ng tatlo ang ginagawa ko, nakasilip sila sa cellphone ko.

"Wala kaya akong sinabi na uncrush ko na siya," giit ko.

Binalik ko ang tingin sa cellphone ko, napangiti na lang ako habang nakatitig sa picture ni Sammuel. Syempre auto save 'yan!

"Ang sabihin mo marupok ka lang," si Clouie.

Nilingon ko siya at inirapan, "excuse me. 'Wag mo akong itulad sa'yo na marupok sa crush mo."

"Ay! Nag comment din ang ex niya!" Napalingon kaming tatlo kay Maika dahil sa sigaw niya.

Mabilis kong binalik ang tingin sa cellphone ko at tinignan ang mga nagcomment sa profile picture ni Sammuel.

"Ay! Ang shala ng pangalan! Caileigh Eiffel Montederamos!" Si Vien.

"Ano 'yan? Paris Eiffel tower?" Nagsitawanan kami sa sinabi ni Maika.

Umiling na lang ako at hinanap ang comment ni Caileigh na ex ni Sammuel. Dahil sa dami ng nagcomment kailangan ko pang hanapin ang comment niya.

Caileigh Eiffel Montederamos: Hanggang ngayon, makita ko lang picture mo tumitibok na ng malakas ang puso ko.

"Ex na 'to ni Sammuel 'di ba? Bakit nagpaparamdam pa 'to?" Kumunot ang noo ko, ako 'yong naiinis sa comment niya at may mga reply pa ito na kinikilig sa comment ni Caileigh.

"Baka gustong bumalik kay Sammuel kaya ganyan." Sambit ni Vien.

"Stalk nga natin 'yan,"

Dahil sa sinabi ni Maika, nagkumpulan kaming apat. Ini-stalk namin ang account ni Caileigh Eiffel Montederamos.

"Putik! Ang jeje nito!" Tumawa si Vien dahil sa isang shared post ni Caileigh.

Nag-enjoy kami sa kaka-stalk sa account ni Caileigh. Tawa kami ng tawa sa tuwing may makikita kaming nakakatawang picture ni Caileigh. Sumasakit na nga ang t'yan namin kakatawa.

"Pabayaan na natin 'yan. Ang iisipin ko muna ngayon ay ang nalalapit na birthday ni Sammuel," lumayo ako sa kanilang tatlo.

Tinigil na naman ang kakatawa sa mga picture ni Caileigh. Maganda naman si Caileigh ngayon ang problema lang ay ang jeje nga lang noon.

Nakakababa ang confidence ng kagandahan niya sa totoo lang, kahit ako na babae ay nagagandahan din sa kanya pero dahil kay Sammuel... Tumaas ang confidence ko.

Tama siya, bakit ko i-c-compare ang sarili ko kay Caileigh?

May sarili akong ganda at may sarili rin siyang ganda. Pakialam ko kung maganda siya eh mas maganda naman ako? Si Sammuel na ang nagsabing maganda ako ehe...

"Kailan birthday ni Sammuel?" Kunot noong tanong ni Maika.

"September 13 na ang birthday niya at iniisip ko kung ano ang pwedeng iregalo sa kanya." Nagpangalumbaba ako sa mesa.

Kahapon pa ako nag-iisip kung ano ang ireregalo ko kay Sammuel pero sa totoo lang wala akong maisip. Ang hirap kasi eh.

"Suggest naman kayo oh kung ano ang pwedeng i-regalo sa kanya," lumingon ako sa mga kaibigan ko.

Kailangan ko ang tulong nila, kailangan ko ang suggestion nila kung ano ang magandang i-regalo sa birthday ni Sammuel.

"Hmm, relo?"

Napangiwi ako sa suggestion ni Maika.

"Mahal ang mga relong branded—"

"Hindi ko naman sinabing branded eh. Doon tayo bibili ng relo sa mga tindahan lang d'yan. Hindi mahal, katulad mo hindi niya minahal."

Napa-poker face ako. Kung malapit lang si Maika sa akin nasabunutan ko na siya.

"Hmm, bracelet? Anklet?" Suggestion naman ni Clouie.

Medyo napaisip ako ro'n, pwede naman siya pero ang ikakasakit lang sa ulo ko ay anong bagay na kulay o kaya naman design na pwedeng i-regalo sa kanya.

"Alam ko na kung ano ang pwedeng i-regalo kay Sammuel. Mura lang 'to maka less ka pa,"

Napabaling kaming lahat kay Vien, ngumisi siya sa akin at tinaas niya ang kanyang kilay.

"Ano? Sabihin mo na. Malapit na ang birthday niya kaya kailangan kong bumili na ng regalo para kay Sammuel."

Hinintay namin ang sasabihin ni Vien.

"Brief! Brief ang i-regalo mo sa kanya! 'Yong brief na mukha mo ang nakaprint."

Humagalpak si Vien na sinabayan ni Maika at Clouie. Sinamaan ko sila ng tingin, tinignan nila ako pagkatapos a nagkatinginan silang tatlo tsaka kumaripas ng takbo palabas sa canteen.

Tumayo ako at hinabol sila.

"Patay kayo sa akin kapag nahuli ko kayo!" Sigaw ko habang hinahabol silang tatlo na hindi pa rin tumitigil sa pagtawa at habang hinahabol ko sila palagi nilang binabanggit ang brief na mukha ko ang naka print.

Litse! Napapatanong ako paano ko ba sila naging kaibigan?!

"Oh, bakit ka tulala d'yan?"

Sumulpot si Roger sa harapan ko, biyernes ngayon at nandoon silat lahat sa harapan para mag flag retreat. May ginagawa pa kasi ako sa room kaya hindi na nakasali sa flag retreat kaya imbis na humabol nanatili na lang ako dito sa room para mag-isip ulit para sa ireregalo ko kay Sammuel.

Bumuntonghininga ako at tumingin kay Roger, "ano bang magandang i-regalo para sa isang lalaki?" Matamlay kong tanong.

Para kasing nawala ang lahat nang lakas ko dahil sa kakaisip sa i-r-regalo ko kay Sammuel.

Bukas na ang birthday niya pero ngayon wala pa rin akong regalo. Nabalitaan kong marami daw pupunta sa bahay ni Sammuel, kahit hindi kilala ni Sammuel ay pupunta.

Gano'n siya ka sikat dito sa New Corella National Highschool. Kahit isang simpleng birthday party lang ay dinadagsa.

"Hmm, relo,"

Pinukpok ko ang noo ko sa mesa, kahit si Roger ay relo rin ang suggestion.

Mahal ang relo at wala akong sapat na pera para bumili ng relo, tsaka pakiramdam ko may mag-r-regalo na kay Sammuel ng relo baka nga maraming nagkatulad doon eh.

"Sino ba r-regalohan mo? Ano bang paborito niya?"

Napatingin ulit ako kay Roger, "birthday na ni Sammuel bukas... Wala pa akong regalo sa kanya, eh." Ngumuso ako at pinukpok ulit ang noo sa mesa.

"Kaya naman pala. Kaya naman pala ganyan ka ka-problemado dahil si Sammuel pala ang r-regalohan mo."

"Wala kasi akong maisip na pwedeng mairegalo sa kanya. Lahat kasi ng naiisip ko ay pakiramdam ko gano'n din ang i-r-regalo ng mga dadalo bukas."

Sasabog ata ang ulo ko dahil sa kakaisip ng bagay na 'to. Ngayon pa lang ako nagkaganito, kung ang mga kaibigan ko simpleng regalo lang ang binibigay ko. Hindi ako matatagalan sa pag-iisip ng i-r-regalo sa kanila pero kay Sammuel, parang sinusubok nito kung hanggang saan ang kaya ng utak ko.

"Akala ko ba ayaw mo na ro'n kasi hindi ka niya pinansin? Anong nangyari?" Umismid ako, pareho lang sila ng tanong ng mga kaibigan ko.

"Ewan ko. Lumambot ang puso ko noong nakita ko lang siya..."

Kanina kasi nakasalubong ko siya noong papunta ako sa office ng adviser namin. Nakayuko lang siya, may binabasa. Natatakot ako na kausapin siya kaya dire-diretso lang ang lakad ko. Pero ang totoo, gustong gusto ko na siyang kausapin.

"Patay na patay ka talaga sa lalaking 'yon 'no?" Tumaas ang sulok ng labi ni Roger at sumandal sa upuan.

"Paano kung... Tayo talaga?" Tumitig siya sa akin, umirap ako at kinuha ang bag ko tsaka tumayo.

"Paano kung wala talagang para sa'yo?" Ganti ko.

Tumawa lang si Roger at tumayo tsaka sumabay sa akin sa paglalakad.

"Ayos lang na i-regalo sa kanya ay mura lang basta galing sa puso mo 'yon tsaka tingin ko naman ay hindi isang material boy si Sammuel. Tatanggapin niya kahit ano, kahit 'yan pa ang pinakamura sa buong mundo."

Napahinto ako at tumingin kay Roger na nasa unahan. Tumigil din siya sa paglalakad at lumingon sa akin.

"Tatanggapin niya kahit mura?" Tanong ko.

Tumango naman si Roger, "oo. Sigurado ako doon kasi naging classmate ko siya noong grade 7. May nagkagusto sa kanya na isang estudyante tapos binigyan siya ng mumurahin na bagay pero tinanggap pa rin ni Sammuel."

Ngumuso ako, tapos na ang flag retreat. Wala na gaanong mga estudyante sa eskwelahan, nakauwi na lahat.

Sabay pa rin kami ni Roger lumabas sa gate.

"Baka gusto niya 'yong babae kaya niya tinanggap?" Lumingon ako kay Roger.

Tinignan niya ako pagkatapos ay ngumisi tsaka kinamot niya ang ulo niya.

"Crush nga 'yon ni Sammuel kasi si Caileigh nagbigay no'n sa kanya," tumawa ulit si Roger.

Gusto ko siyang sapakin pero nawalan ako ng gana. Gano'n talaga niya kagusto si Caileigh na kahit mumurahing bagay ay tinanggap niya?

Kaya rin ba na hindi niya tinanggap ang mga love letter namin kasi hindi niya kami gusto? Paano kung... Si Caileigh ang nagbigay no'n? Tatanggapin niya kaya?

"Eh, hindi niya ako gusto... Hindi niya rin tanggapin ang regalo ko?" Mahina kong sinabi.

Tinapik ni Roger ang balikat ko, "'wag kang mawalan ng pag-asa! Subukan mo lang na ibigay sa kanya kung tatanggapin niya edi okay! Kapag hindi naman, 'wag mo lang dibdibin, hmm? Pero pakiramdam ko tatanggapin niya 'yong regalo mo kahit ano pa 'yan."

Napatitig na lang ako kay Roger na malaki ang ngiti. Yumuko ako at napangiti na rin.

Bumuntonghininga ako at tumingala sa kalangitan. Bahala na si Batman. Ano naman ngayon kung hindi niya ako gusto? Sanay na ako sa pang-snob niya sa akin, sanay na ako sa rejection. Hindi na ito bago sa akin, nasanay na ako na ma-reject ni Sammuel.

Ilang ulit na ba akong na reject? Maraming beses, pero sumuko ba ako? Hindi. Kasi gano'n ko siya ka gusto.

Nagkahiwalay kami ng dinadaanan ni Roger, dumiretso kaagad ako sa mga tindahan dito sa New Corella.

"Uh... May keychain po kayo?" Tanong ko.

"Meron," umalis ang babae para kunin ang mga keychain.

"Ito na lang natitira." Sabay lapag niya sa mga keychain.

Napatitig ako sa mga keychain. Simple lang sila at mura lang. Tatanggapin kaya ito ni Sammuel kagaya sa sinabi ni Roger?

Hindi ako si Caileigh baka mareject ulit ako ngayon sa pagkakataong ito. Nakakahiya kapag hindi niya ito tatanggapin. Nakakahiya ring ipakita sa kanya 'to na ang ilan sa mga dumadalo ay ang mamahal ng mga binigay kay Sammuel.

"Ito na lang po..." Sabay kuha ko sa isang keychain na isang cute na batang babae na may hawak na puso.

"15 pesos."

Ngumiti ako at nagbayad na, pagkatapos kong magbayad ay dumiretso na kaagad ako sa terminal ng mga jeep.

Habang nasa byahe pauwi sa bahay ay nakatitig lang ako sa keychain. Isang anime na bata na may hawak na puso... Para lang din akong nagpapahiwatig ng nararamdaman ko kay Sammuel.

Palagi naman... Palagi naman akong nagpapahiwatig ng nararamdaman ko sa kanya. Nagpapapansin ako, umamin sa chat at tinatadtad ko siya ng message pero hindi pa rin ako na-r-reply-an hanggang ngayon.

Ang saklap! Bakit doon pa ako nagkagusto sa isang lalaking alam kong malabong maging akin?

Bakit doon pa ako nagkagusto sa isang lalaking iba ang gusto?

Babae ako pero ako itong obsess sa kanya. Ako itong naghahabol.

Mapait akong napangiti. Ilang ulit man niya akong i-reject hindi ako titigil hanggang sa may mararamdaman din siya sa akin. Ngayon lang ako nakakaramdam ng ganito sa isang lalaki.

Ngayon lang ako nakakaramdam ng ganito, sa kanya ko lang nararamdaman ang kilig, ang pagbilis ng tibok ng puso ko at ang saya na nararamdaman ko kapag nakikita ko siya.

"Anak?"

Napakurap kurap ako at tumingin kay Mama, nilagay ko sa maliit kong bag ang keychain na kanina ko pa tinititigan.

"Ano po 'yon, Ma?" Lumapit ako kay Mama.

"Hmm, kanina ka pa nakatitig d'yan sa bagay na 'yon. Mahalaga ba 'yon sa'yo anak?"

Nakagat ko ang labi ko sa tanong ni Mama. Hindi nila alam kung ano ang pinaggagawa ko sa buhay ko. Kung gaano ako ka landi kapag nand'yan si Sammuel.

"Wala naman po—"

"May napupusuan ka na ba anak?" Napalingon naman ako kay Papa ngayon na hawak hawak na ang keychain ko.

Nanlaki ang mata ko at aagawin sana kay Papa ang keychain pero inilayo niya ito sa akin.

"Papa naman, eh!" Ngumuso ako.

"May magugustuhan ka na doon sa eskwelahan niyo 'no?" Tanong ni Papa.

Mas humaba pa lalo ang nguso ko. Buking na nila ako kahit keychain lang ang nakita nila.

"Opo..." Pag-amin ko.

"Sino 'yan ah? Ipakilala mo sa amin,"

Nagulat ako sa sinabi ni Papa, mabilis kong inagaw kay Papa ang keychain at tinago ito.

"Hindi po kami no'n kaya bakit ko ipakilala sa inyo, Pa? Tsaka hindi ako ang gusto no'n, eh..." Pahina ng pahina ang boses ko.

"Nako! Delikado 'yan! Hindi ka pala gusto no'n pero bakit patay na patay ka sa kanya, hmm?"

Kahit mga magulang ko nasasabihan akong patay na patay kay Sammuel. Gano'n ba talaga ako ka patay na patay kay Sammuel?

"Hindi naman po... Gustong gusto ko lang siya kasi... Mabait, tutok sa pag-aaral, iniisip ang future niya, may prensipyo, responsable, subrang gwapo at marespeto."

Pinakatitigan ako nila Mama at Papa, ngumiti si Mama sa akin at niyakap ako mula sa likod.

"Bakit doon ka nagkakagusto sa taong hindi ka tinitignan katulad kung paano mo siya titignan?" Mahinang tanong ni Mama.

"Hindi ko naman po iniisip na maging kami... Gusto ko lang po siya—"

"Kahit gusto mo siya iniisip mo pa rin na maging kayo. Iniisip ko kung paano kung maging kayo? Tama ako 'di ba?" Sinilip ako ni Mama, ngumiti siya sa akin.

"Kung... Gusto niya ako malamang may posibilidad na maging kami pero pakiramdam ko malabo... Hindi pa kasi siya naka move on sa ex niya—"

"Hindi lang simpleng crush ang nararamdaman mo sa kanya," si Papa naman ngayon ang nagsalita.

Natahimik ako, hindi ako makaimik na ngayon ang mga magulang ko na ang nagsasalita tungkol sa pagkagusto ko kay Sammuel.

"Kung sino man ang lalaking 'yan sigurado akong... Hindi siya pangit kasi hindi ka naman nagkakagusto sa pangit."

"Papa naman, eh! Grabe naman kayo!"

Tumawa naman si Mama at Papa. Napanguso ulit ako at binalik ang keychain sa bag ko.

"Paano kung maging kayo, anak?"

Pati mga magulang ko pinapaasa ako.

"Hindi po 'yan mangyayari—" pinutol kaagad ni Papa ang sinabi ko.

"Pero gusto mo na maging kayo?"

"Oo..." Ngumisi ako at nagkamot ng ulo.

Marami pa kaming pinag-uusapan nina Mama at Papa, pagkatapos namin mag-usap ay pumasok na ako sa kwarto at hinanda na ang susuotin ko bukas.

Ang alam ko ay tanghali magsisimula ang simpleng birthday celebration ni Sammuel.

Ready na ako pumunta sa bahay nila Sammuel, nalaman ko kung nasaan ang bahay nila dahil sinabi ni Roger sa akin kahapon. Nasa purok 6 Poblacion lang daw nakatira si Sammuel.

Pagbaba ko sa jeep ay pumunta kaagad ako sa lugar kung nasaan ang bahay nila Sammuel. Nagtanong tanong pa ako kung nasaan ang bahay nila Sammuel bago ko ito natagpuan.

Malayo pa lang ay nakikita ko na ang dami ng dumalo, hindi gaano ka laki ang bahay ni Sammuel. Kalahating semento at kalahating kahoy lang ang bahay nila Sammuel kaya ang mga tao ay nasa labas na ng bahay.

May mga upuan at mesa na rin na nilagay sa labas ng bahay dahil marami nang dumalo.

Humigpit ang pagkahawak ko sa stap ng sling bag ko, huminga ako ng malalim bago muling naglakad.

May tumitingin sa akin ng makita ako ang iba naman ay inignora lang ako.

Pahirapan ang pagpasok ko sa gate ng bahay nila Sammuel dahil maraming humaharang, kailangan ko pang makipagsiksikan para makapasok ako.

Luminga ako sa paligid, sa totoo lang nakakahiyang pumunta ako dito. Hindi ako imbitado pero pumunta ako.

Napapatingin ako sa mga babaeng kumakain, minsan sinusulyapan nila ako tapos nagbubulungan. Hindi ko na lang sila pinansin, si Sammuel ang pinunta ko dito hindi sila.

Hindi ko makita si Sammuel, nilibot ko ulit ang paningin ko dahil baka nasa mga kaibigan niya lang siya nakikipag kwentohan pero hindi ko siya makita.

"Hija, hali ka. Kumain ka," napatingin ako sa babae. Hinawakan niya ang kamay ko at iginiya sa mesa.

"Uh... Nasaan po si Sammuel?" Magalang kong tanong.

Ngumiti ang babae sa akin, mas matanda siya kay Mama.

"Ang anak ko ba kamo? Nasa loob siya, inaasikaso ang bisita. Subrang dami kasi ng bisita eh,"

Ngumit ako at tumango tsaka umupo sa upuan na binigay sa akin ng ina ni Sammuel.

"Tatawagin ko lang ang anak ko, ha?" Pipigilan ko na sana ang ina ni Sammuel pero nakaalis na siya.

Kinabahan ako bigla, ano kaya ang reaksyon ni Sammuel kapag nakita niya ako ngayon?

Ilang sandali pa ay nakita ko si Sammuel na papalabas sa bahay nila, napatayo ako at napatitig kay Sammuel na ang suot ay puting polo.

Nagkatinginan kami ng ilang sandali, ngumiti ako sa kanya at tumayo ako para puntahan siya pero bigla na lang may yumakap kay Sammuel.

Natigilan ako ng makita si Caileigh na malaki ang ngiti.

"Happy birthday, Sammuel! Here! Regalo ko sa'yo... Bukas mo dali! I know you would like it!" Masiglang sinabi ni Caileigh.

Nasa kanila ang atensyon ng lahat ngayon, nakangiti at hinihintay na buksan ni Sammuel ang binigay na itim na paper bag ni Caileigh.

Tumingin si Sammuel kay Caileigh bago dahan dahang binuksan ang paper bag, napatitig sandali si Sammuel sa laman. Naghiyawan ang mga tao na buksan ipakita raw ang laman nito. Dahan dahan namang inangat ni Sammuel ang laman ng paper bag.

Napatulala na lang ako bigla at hindi ko maiwasang i-compare ang regalo ko sa regalo ni Caileigh.

"Galing 'yang France. Pinabili ko sa tita ko na nasa Franca... Nagustuhan mo ba ang relo na binigay ko, Sammuel?"

Galing France sa kanya samantalang ako... Galing lang sa isang mumurahing tindahan.

Kumirot ang puso ko, habang nakatitig sa relo na hawak ni Sammuel. Bagay na bagay sa kanya ang mamahalin... Kung itatabi ang keychain ko sa relo na 'yan nagmukhang basura ang akin.

"Nagustuhan ko, Cai..."

Napaatras ako, humigpit ang pagkakapit ko sa bag ko. Hindi ko maisa isa ang mga nararamdaman ko. Kumikirot na puso na parang pinipiga na parang sinampal ako ng katutuhanang... Kahit anong gawin ko... Kahit anong gawin kong pag-amin... Kahit anong gawin kong pagpapapansin... Hinding hindi ako magugustuhan ni Sammuel Lazarus Sandoval.

Napaatras ako habang nakatitig kay Sammuel at Caileigh. Nagtilian ang lahat dahil doon sa sinabi ni Sammuel habang ako ay halos walang narinig kundi ang sariling pagtibok ng puso ko na may halong sakit.

Nagmadali akong umalis sa bahay nila Sammuel, tumalikod ako at bumalik sa nilalakaran ko kanina.

Sabi ko na nga ba... Sabi ko na! Sabi ko na nga bang masasaktan lang ako kapag pinagpatuloy ko pa siyang gustuhin.

Nanginginig ang kamay ko nang kunin ko ang keychain sa bag ko kasabay ng pagkuha ko sa keychain ay ang pagtulo ng luha ko habang nakatitig dito.

Tangina! Hindi ko alam na gano'n pala ka sakit na makitang nagustuhan ni Sammuel ang mamahaling bagay na 'yon! Hindi ko inakalang masasaktan ako dahil lang doon sa nasaksihan ko.

Relo lang 'yon eh! Regalo 'yon malamang magugustuhan 'yon ni Sammuel! Pero bakit... Bakit ako nasasaktan dito? Bakit ako umatras? 'Di ba buo na ang kalooban ko kanina na taas noo kong ibibigay kay Sammuel ang regalo ko? Kahit pa na munurahin ito dahil naniniwala akong magugustuhan niya ito...

'Di ba... Sinabi kong hindi ako susuko hanggang sa magustuhan niya ako pero bakit ngayon parang nawalan ako ng pag-asa... Bakit pakiramdam ko susuko na ako?

Pinahiran ko ang luha ko at mapait na napangiti.

Bakit ako umiyak? Bakit masakit? Bakit ko ba ito iniiyakan?! Naalala ko bigla ang sinabi ni Papa sa akin... Hindi lang daw ito simpleng pagkagusto.

Kaya ba ako nasasaktan dahil... Mahal ko na siya? Kaya ba ako nasasaktan at umiiyak ngayon dahil mahal ko na talaga siya? Hindi ko na siya crush kasi mahal ko na siya?

"Where are you going?" Napahinto ako ng marinig ang pamilyar na boses sa likoran ko.

Dahan dahan akong lumingon sa likoran ko, para akong naestatwa ng makita ang seryosong mukha ni Sammuel.

"Bakit ka umalis doon?" Tanong niya ulit.

"H-Ha? Ano kasi... N-Nakalimutan ko ang regalo ko para sana s-sa'yo—"

"Nasaan ang regalo ko?" Tumaas ang kilay niya at humakbang palapit sa akin, hindi ako makagalaw kahit gusto kong gumalaw.

"W-Wala... N-Nakalimutan ko... Sa Lunes ko na lang ibibigay r-regalo ko—"

"Anong 'yang hawak mo?"

Mas lalo akong naestatwa, napatingin ako sa keychain ko na hawak ko pa rin ngayon.

Tinago ko ito sa likod ko pero mabilis na kinuha ni Sammuel 'yon sa akin.

Tinitigan niya ito ng matagal, hindi siya nagsalita. Wala rin siyang reaksyon na pinakita, nakatitig lang siya dito na blanko ang mukha.

Napayuko ako, "p-pasensya ka na ah? 'Y-Yan lang kasi ang kaya ng p-pera ko eh..."

"Bakit ka umiiyak?"

Nag-angat ulit ako ng tingin sa kanya, hindi ko na namalayang subrang lapit niya na pala sa akin at tumutulo na pala ang luha ko.

"K-Kasi... Ang ganda ng regalo ni Caileigh sa'yo... Nagustuhan mo 'yong r-regalo ni Caileigh na relo, mamahalin pa at galing France samantala ang akin ay mumurahin lang—"

"Nagutuhan ko..." Napatitig ako kay Sammuel habang dahan dahang umawang ang labi.

"Nagustuhan ko... Gustong gusto ko ito, April..." Bulong niya pa at dahan dahang ngumiti.

Parang tumalon ang puso ko doon. Ngayon ko lang siyang nakitang ngumiti sa akin. Pakiramdam ko lilipad ako sa kalawakan ngayon dahil sa subrang lakas ng tambol ng puso ko at para akong nakalutang.

Ang mga nararamdaman ko kanina ay nawala na lang bigla na parang bula.

"Hindi mo kailangang i-compare ang kung anong meron ka kay Caileigh. Did you forget what I've said to you, hmm?" Tumaas ang kilay niya.

Nag-iwas ako ng tingin.

"Don't compare yourself to anyone. Always remember that, okay?" Ma awtoridad niyang sambit.

Tumango ako habang nakayuko, hindi ko siya kayang tignan ngayon!

Nagulat na lang ako ng hawakan niya ang baba ko at pinaharap sa kanya para matitigan ko rin siya.

"Kapag narinig ko pang binababa mo ang sarili mo, makakatikim ka sa akin—"

"Makakatikim ng ano?" Kuryoso kung tanong.

Umawang ang labi niya at napatitig sa akin ng ilang sandali. Kinagat niya ang labi niya at napailing.

"Let's go," hinawakan niya ang kamay ko at hinila.

"Saan naman tayo pupunta? Paano ang Mama mo? Ang mga bisita mo—"

"Kaya na nila ang sarili nila." Pagputol niya sa sasabihin ko.

"Saan tayo pupunta?" Ulit ko.

Lumingon siya sa akin, "kakain tayo..." Ngumiti siya at tumingin sa dinadaanan namin.

Napatitig ako sa kanya na nakaawang ang labi. "Ano bang ginagawa mong ritwal gabi-gabi? Bakit hulog na hulog ako sa'yo? Ginayuma mo ba ako?" Hindi ko makapaniwalang sinabi.

Tumawa siya at nilingon ulit ako, "normal lang 'yan."

Napasimangot ako dahil sa sinabi niya pero kalaunan ay napangiti na lang ako at kinagat ang labi.

Tangina! Certified marupok ako!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status