Share

Veronica’s love Vengeance
Veronica’s love Vengeance
Author: Lovemarian

PROLOGUE

Hindi makagalaw sa kinatatayuan si Veronica, nanginginig ang mga labi niya habang nakatunghay sa nanay niyang halos gapangin na ang papasok sa pintuan nila. Gusto niyang daluhan ang ina, pero sadyang namimigat ang mga paa niya dahil hindi siya makagalaw.

Hindi siya makapaniwala sa nakikita niya. Ang nanay niya ay halos nakapikit na dahil sa pamamaga ng mga mata nitong may pasa. Halos madurog ang puso niya sa nakikitang paghihirap ng ina.

“A-anak...” hirap na sabi ni Aling Magda.

Noon lang rin nagawang igalaw ni Veronica ang mga paa niya, paluhod na dinaluhan niya ang inang nakaluhod sa sahig.

“‘N-nay, a-ano 'to? A-anong nangyari?” Hindi na mapigilan ang pag-agos ng luha ni Veronica.

Dumudugo ang ilong ng nanay Magda niya, maraming pasa ang mga balikat nito. Dumudugo na rin ang pumutok nitong labi.

Dahan-dahan niyang inilapit ang nanginginig niyang kamay at hinaplos ang mukha at ang braso ng nanay niya.

Nagdadalawang isip pa siya nang haplusin niya ang braso nito dahil baka masaktan ito, dahil sa halos puro pasa na ang braso ng ina. Mabilis na niyakap niya ito.

Napahagulhol na ang dalaga.

“Diyos ko po! Inay bakit nagkaganito ka?!” naghuhumiyaw na iyak ni Veronica habang nakaupo at yakap-yakap ang nanghihinang ina.

Panay rin ang halik nito sa ulo nito.

“S-si R-raphael M-madrigal...” halos pabulong na sambit ng ina niya. Hirap rin ang paghinga nito.

“Bakit ‘Nay siya ba ang may gawa nito? Bakit niya ginawa ito?”

Kahit nanghihina si Magda ay pinilit niyang abutin ang namumulang mukha ng anak dahil sa kakaiyak nito. Nang dumapo na ang palad nito sa pisngi ng anak ay nag-uunahang umagos ang mga luha ng ina.

Mas lalo lang nataranta ang dalaga ng biglang umubo at sumuka ng dugo ang nanay niya. Kaya nabitiwan nito ang pagkakalapat ng kamay nito sa pisngi niya.

“'Nay! Dadalhin kita sa ospital huh lumaban ka,” umiiyak na turan nito ng makita ang unti-unting pagpikit ng mga mata ng ina.

Sinubukan pa niyang yugyugin ang balikat ng nanay niya kaya muling dumilat ang mga mata nito.

“P-pinagsamantalahan niya ako, l-lumaban ako pero binugbog n-niya ako...” naputol ang iba pa niyang sasabihin ng muli itong umubo at sumuka ng dugo.

Nanlumo si Veronica dahil sa narinig, napakagat labi siya saka napapikit ng mariin. Hindi niya akalain na magiging ganito ang kahihinatnan ng nanay niya dahil sa pagtataguyod sa kan’ya.

Natataranta na rin siya dahil nakikita niya ang hirap na paghinga ng ina.

“N-no no! Tulong! Tulungan niyo kami. Ang nanay ko!” umiiyak na sigaw ni Veronica nang makita niya ang unti-unting pagpikit ng ina habang hawak niya ang kamay nitong wala ng lakas.

HALOS ayaw ni Veronica na umalis sa harap ng kabaong ng ina. Panay lang ang iyak niya, mahal na mahal niya ito. Ito na lang ang tanging pamilya na meron siya, namatay rin ang ama niya dahil sa sakit. At ngayon pati nanay niya nawala na rin. Ngayon nag-iisa na lang siya, wala na siyang pamilya.

Napakuyom siya sa kan’yang mga palad nang maalala ang huling sinabi ng nanay niya.

Gustuhin man niyang i-report sa mga pulis ang nangyari pero alam niyang babaliktarin lang siya ng mga Madrigal gayong mayaman at maimpluwensya ang mga ito. Alam niyang wala siyang kalaban-laban.

She gritted her teeth as she stared at her mother's coffin.

“Pangako Inay, pagbabayarin ko sila. Pagbabayaran nila ang ginawa nila sa inyo. Hindi ko man alam kung paano, pero... ipaghihiganti kita sa paraang alam ko pangako, ‘Nay gagawin ko ang lahat." Umiiyak na sambit niya habang hinahaplos ang salamin ng kabaong nito. Saka muling niyakap ang kabaong at humagulhol.

“Mga hayop kayo. Pagbabayaran niyo ito! Pagbabayaran niyo ang kasakiman mo Raphael Madrigal!” Sigaw ng isip niya!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status